ALAM NI ANNIZA na hindi siya titigilan ng magulang ni Joshua. At nahihiya siya kay Ms. Aliya kapag patuloy pa rin siya guguluhin ng mga ito, kaya naman kina-usap na niya ang Kuya Anzer niya. She wants a peaceful life with Joshua. At mangyayari lang iyon kapag tinanggap na siya ng mga magulang ng binata. Alam niyang imposibleng mangyari iyon pero wala naman masama kung susubukan nila, di ba?
"Okay ka lang ba, Annie?" tanong ni Ate Tin.
Sakay sila ng taxi papunta ng MDHGC. Dalawa silang nasa likuran habang ang Kuya niya ay katabi ng taxi driver. Tumingin siya sa asawa ng kapatid.
"Kinakabahan lang ako, Ate Tin." Sagot niya sa tanong ito.
Hinawakan ni Ate Tin ang kamay niya at pinisil. "Nandito kami ng Kuya mo. Sabay natin silang haharapin. At saka, hindi ka dapat na kabahan. Kami ng Kuya Anzer mo ang gumawa ng kasalanan sa kanila at hindi ikaw."
"Pero hindi iyon dahilan para insultuhin nila tayo. Kailangan nilang tanggapin na kasal na ako sa anak nila at mahal namin ni Joshua ang isa't-isa."
Hinawakan ni Ate Tin ang kanyang likuran. "Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat natin intindihin ang sasabihin ng iba, Annie. Tandaan mo, tayo ang magdidikta kung paano tayo sasaya."
Ngumiti siya sa bayaw. Wala ng salitang namutawi sa pagitan nila hanggang sa marating nila ang main building ng Meili De Hao Group of Companies. Kinapa niya ang kamay ni Ate Tin para hawakan iyon ng mahigpit. Natatakot siya sa maaring mangyari pero kailangan niyang harapin ang mga ito.
Naglalakad na sila papasok sa lobby ng may sumalubong sa kanila. Ngumiti siya kay Asher.
"Good morning, Annie. Ready ka na ba?" tanong nito.
"Good morning, Asher. Kinakabahan pero ready na rin naman. Nandito na ba silang lahat?" Sinabayan siya nito sa paglalakad.
"They are already here. Wala lang ang asawa mo kagaya ng paki-usap mo."
"Salamat sa pakikipag-usap kay Tito Shawn." Tumingin siya kay Asher at ngumiti. Nagpapasalamat talaga siya at mabait sa kanya ang mga kaibigan ng asawa.
Ngumiti din sa kanya si Asher. "Hindi mo kailangan magpasalamat. Ginagawa ko din naman ito para sa kaligayahan ni Joshua. Pagkatapos ng pinagdaanan niya, gusto kong tuluyan siyang maging masaya sa piling mo."
Asher words touch her heart. Ganoon lahat ng kaibigan ni Joshua dito. Patrick said those words to her too. Basta maging masaya lang si Joshua ay masaya na rin ang mga ito. Ang alam niya mula pa noong nasa kolehiyo ang asawa ay kaibigan na nito ang dalawa. Nasa iisang banda lang kasi ang mga ito.
Si Asher na ang pumindot ng elevator. Hindi naman nagsasalita ang kapatid niya at si Ate Tin. Civil ang mga kaibigan ng asawa sa kapatid niya. Alam niyang hindi nagsasalita ang mga ito ng masama sa kanyang kapatid ng dahil sa kanya. Alam niyang hindi pa rin nakakalimutan ng mga ito ang nakaraan kahit pa nga na masaya na si Sir Shan sa piling ni Ate Carila.
Narating nila ang conference room ng MDHGC. Huminto muna siya sa malaking pinto kaya agad siyang nilapitan ni Ate Tin.
"Okay ka lang ba, Annie?" Nag-aalalang tanong nito.
Tumungo siya. Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Nabibingi siya ng mga sandaling iyon pero kailangan niya iyong labanan.
'Para ito sa amin ni Joshua,' aniya.
"Tara," aniya pagkatapos huminga ng malalim.
Si Asher ang nagbukas ng pinto at unang pumasok. Mabilis naman silang sumunod ito. Bumungad sa kanya ang pamilya Wang na nakatingin sa kanila. Nandoon ang lahat maliban sa asawa niya. Sir Shawn is seating at the end of the table. Ang gulat nitong mukha ay napalitan ng liwanag. Ngumiti sa kanya ang matandang Wang. Napatingin siya sa lahat ng tao sa mesang iyon. Ma'am Sheena; Shan and Shilo's mother, are also there beside her husband. Ate Carila at Shan are looking at them. May pagtataka sa mukha ng mag-asawa. Ang mga magulang naman ni Joshua ay galit siyang tinitigan. Wala doon si Shilo dahil nasa China pa rin ito.
"Anong ginagawa niyo dito? This is a family meeting." Ang ama ni Joshua ang unang nakabawi.
"Zhel, let them talk." Si Sir Shawn ang nagsalita. Suminyas itong pumunta sila sa gitna.
Sinunod nila ang inuutos nito. Kasama ang kapatid ay pumunta sila sa gitna. Asher already left. Mamaya na niya papasalamatan ang kaibigan na iyon ng asawa.
"You know this, Shawn?" May hindi makapaniwalang tanong ng ina ni Joshua.
"Yes, Jenny. I plan this meeting because the Jacinto family wants to talk to us. I want everything to be clear now. Parte na sila ng pamilyang ito simula ng pakasalan ni Joshua si Anniza."
Narinig nila ang mahinang pagtawa ni Sir Zhel. "Gusto mong patawarin ko ang pamilya nila pagkatapos ng ginawa nila sa pamilya natin. Wag ka ngang maging malambot, Shawn. Kaya ka nila niluko noon dahil mabilis kang magtiwala at magpatawad. Wag mo akong itulad sa iyo."
Umayos ng upo si Sir Shawn. Pinakatitigan nito ang ama ng kanyang asawa. "Diyan tayo magkaiba, Zhel. Oo at mabilis ako magpatawad. Hindi ako nagtatanin ng sama ng loob sa tao dahil iyon naman talaga dapat. How could I be happy with my life if I still have a heavy heart? Ayaw kong mabuhay sa mundo na ito ng puno ng galit. Tapos na rin naman ang lahat kaya ano pa at magalit ako sa pamilya nila. Ang importante lang naman sa akin ay ang mapabuti ang anak ko. Maging masaya siya."
Sumama ang mukha ng mga magulang ni Joshua.
"Nakabuti kay Shan ang nangyari. He learns his lesson and he is a better man now."
"Pero bago iyon ay nasira naman ang pagsasama niyo bilang mag-ama. Nang dahil sa babaeng iyan ay lumayo sa iyo ang anak mo." Tinuro pa ni Sir Zhel ang Ate Tin niya.
"Alam mong hindi si Kristine ang sumira ng relasyon namin ni Shan. Bago pa dumating sa pamilya namin si Kristine ay may lamat na ang relasyon namin mag-ama. At alam mo kung bakit Zhel. Wala akong sinisisi sa pagkawala noon ni Kaze pero iyon ang pinapalabas mo sa anak ko. Kaya wag kang tumuro ng ibang tao." Tuluyang nagtaas ng boses si Sir Shawn.
Biglang tumahimik ang ama ni Joshua. Umiwas lang ito ng tingin. Hindi niya alam ang tungkol sa bagay na iyon dahil hindi naman nagsasabi sa kanya si Joshua.
"Pakinggan mo ang sasabihin nila, Zhel."
"Let them speak their side, Jenny, Zhel. At ipa-alala ko lang din sa inyo. Sinaktan niyo din ang pamilya nila. Nawalan ng anak si Anniza ng dahil sa iyo Jenny." Nagsalita na rin si Tita Sheena na kanina ay nakikinig lang.
Tumingin ang ina ni Joshua kay Tita Sheena pero hindi ito nagsalita ng pinakatitigan ito ng mabuti ng tao. Bumalik sa kanila ang atensyon ng lahat ng nandoon. Napalunok siya. Hindi niya alam kung saan ba magsisimula ng mga sandaling iyon.
"Nandito kami ni Kristine para personal na humingi ng kapatawaran kay Shan at sa pamilya niyo."
Napatingin siya sa kapatid ng bigla itong magsalita. Nanlaki ang mga mata niya ng unti-unting lumuhod ang kapatid at bayaw sa harap ng mga Wang. Nakarinig niya ng malakas na pagsinghap. Napa-atras siya at napatutop ng labi. Wala iyon sa usapan nilang magkapatid.
"K-kuya..." Na-iiyak niyang tawag dito.
"Alam ko ang pagkakamali ko sa pamilya niyo. Kahit ano pang rason ang ibigay namin ay hindi iyon sapat para maging dahilan para lukuhin at gamitin namin si Shan. Pero walang kinalaman ang kapatid ko sa mga ginawa namin noon. Labas siya sa mga kamalian namin. Kung may isang bagay man akong ipapaki-usap sa inyo." Nagtaas ng tingin ang Kuya Anzer niya.
Nagtagpo ang mga mata nilang magkapatid. Ang parating seryuso at walang emosyon nitong mga mata ay binalot ng ningning. May kislap ng pagmamahal siyang nabasa doon.
"Wala akong ibang nais para sa kapatid ko kung hindi maging masaya siya sa buhay niya. At si Joshua ang kasiyahan niyang iyon. Kaya sana ay hayaan niyo silang maging masaya. Kahit hindi niyo na kami patawarin mag-asawa basta hayaan niyo lang ang kapatid ko sa piling ni Joshua. Hayaan niyo silang magsama ng maayos at masaya."
Unti-unting pumatak ang mga luha sa pisngi ni Anniza. Mula ng nawala ang kanilang mga magulang at pahanggang ngayon ay wala ng ibang ibinigay sa kanya ang Kuya niya kung hindi ang kaligayahan niya. Ginawa nito ang lahat para sa kanya.
Huminga siya ng malalim. Pinunasahan niya ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi at hinarap ang mga Wang na pinagmamasdan lang ang kanyang Kuya at sister-in-law. May kinuha siya sa loob ng sling bag. Naglakad siya ng taas noo palapit kay Tito Shawn. Nakasunod naman ang mga tingin nito sa kanya.
Inilapag niya ang dalawang maliit na notebook sa mesa. Sinundan iyon ni Tito Shawn ng tingin.
"Kung anuman ang ibinigay niyo sa pamilya namin ay ibinabalik na po namin. At kung ano man ang ibinigay ni Shan kay Ate Tin ay ibinabalik po namin. Pati na rin po ang ginastos niyo sa pag-aaral ko noon. Nandiyan po ang perang ibinigay niyo sa akin. Kung kulang pa po ay sabihin niyo lang po sa akin at ibibigay ko po." Nakatitig sa mga mata ni Tito Shawn si Anniza habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Anniza, you don't need to do this. Hindi namin hinihingi sa iyo ang perang na-ibigay ko na. At saka, ibinigay ko ito noon dahil sa ka---"
"Pasensya na po, Mr. Wang pero ibabalik ko po lahat ng ginastos niyo sa pamilya ko. Kung ang perang iyan ang puno't-dulo ng gulo sa pamilya natin, mas nanaisin ko pang ibalik iyan sa inyo. Masaya ang pamilya ko ng wala iyan. Hindi po namin kailangan ang isang malaking halaga para maging masasya." Tumingin siya sa magulang ni Joshua. "My happeness is with the person I love. Siya lang ay sapat na para sumaya ako sa buhay ko. Hindi kahit kailan mabibili ang kaligayahan ko."
Umiwas ng tingin ang ina ni Joshua pero nasa mukha pa rin nito ang disgusto para sa kanya. Napapikit siya ng mariin. Matigas talaga ang puso ng mga magulang ni Joshua. Her last card are already gone. Wala na siyang magagawa pa kung talagang ayaw ng mga ito sa kanya. At least she tried.
"This is enough!" ang malakas na sigaw na iyon ni Shan ang siyang nagpatahimik sa loob ng conference room.
Lahat sila ay napatingin kay Kuya Shan na nakatayo na ng mga sandaling iyon. Namumula ang mukha nito at magkadikit ang mga labi. Sinundan niya ng tingin ang dating boss. Naglakad ito palapit kay Kuya Anzer at Ate Tin.
"Tumayo kayong dalawa diyan." Galit nitong utos.
Ngunit hindi sununod ng dalawa ang utos na iyon ng panganay ng mga Wang. Nagtaas-baba ang dibdib nito.
"Ang sabi ko, tumayo kayo diyan. Gusto niyo ng kapatawaran ko, di ba? Kaya tumayo kayo diyan." Malakas na sigaw ni Shan.
Hindi nagpatinag ang dalawang taong napaka-importante sa kanya. Tumalikod si Sir Shan. Lalong namula ito. Umabot na iyon sa leeg ng binata. Nagulat pa sila ng sinuntok nito ang mesa. Mabilis na tumayo si Ate Carila at hinawakan sa balikat si Kuya Shan.
"Shan, calm down. Hindi maayos ito kung magagalit ka."
"Tumayo kayo, Anzer at Kristina. Hindi kami santo para luhuran niyo. At lalong hindi kami angel para hingan niyo ng kapatawaran. Matagal ng panahon ang lumipas at alam niyong napatawad ko na kayo. Bago ako kinasal sa asawa ko ay nag-usap tayo. I understand your reason." Tumingin sa kanya si Sir Shan.
"If I'm on your shoes, I also do the same. Alam ko ang takot na nararamdaman mo ng mga panahon na iyon. Alam ko na kaya hindi mo kailangan lumuhod pa. Matagal ko na kayong pinatawad kaya tumayo kayo diyan dalawa."
Dahil sa mga sinabi ni Kuya Shan ay tumayo na ang Kuya Anzer at Ate Tin niya. Hinarap ni Sir Shan ang magulang ng kanyang asawa.
"I'm very thankful for you, Tito Zhel. Ikaw na kasi ang tumayong ama sa akin ng lumayo ang loob ko sa ama ko pero ako ang may karapatan sa sarili kong buhay. Ako ang may karapatan na magpatawad o hindi sa taong nanakit sa akin. Hindi tamang ibunton niyo lahat ng galit at sisi kay Anniza dahil lang sa nagkamali ang Kuya niya. Magka-ibang tao sila at sa ilang taon na paninilbihan ni Anniza sa kompanya ay nakita namin ang katapatan niya. She is different. Ang pagkaibang iyon ang nakita ng anak niyo."
Napatutop si Anniza ng labi. Muling dumaloy ang mga luha sa kanyang pisngi.
"I want my cousin to be happy and his happiness is Anniza. Kaya kung balak niyo pa rin na paki-alaman ang pagsasama nila ay ako na ang makakalaban niyo. I will do everything to protect my cousin's happiness. Wala akong paki-alam kung Tito ko kayo."
Naghari ang katahimikan pagkatapos magsalita ni Shan. Namumula pa rin ito pero halatang nagtitimpi lang ng galit.
"Dad, tanggapin mo ang perang ibinibigay ni Anniza. Para tumahimik at matapos na ang lahat ng gusot sa pagitan ng pamilya natin at pamilya niya. Lahat naman ito ay nagsimula ng dahil sa perang iyan."
"Shan, I already told you. Hindi ko binabawi ang perang na-ibagay ko na." Matigas na wika ni Sir Shawn.
"Then give it to the charity. I don't care, Dad." Tumalikod na si Sir Shan.
Hinawakan nito ang kamay ni Ate Carila at naglakad papunta sa pintuan ng conference room. Pagkabukas ni Sir Shan ng pinto ay napa-atras ito ng makita ang lalaking nakatayo doon at madilim ang mukha. Napasinghap siya ng makita ang asawa.
"Joshua..."
Tinabig ni Joshua ang balikat ng pinsan at naglakad palapit sa kanya. Masama ang tingin ang ipinukol nito sa magulang. Tuloy-tuloy ito sa paglapit at ang akala niyang hihinto ito sa harap ng magulang ay hindi nangyari. Naglakad ito palapit sa kanya at hinawakan siya sa braso.
"Joshua..." tawag niya sa asawa.
Walang salitang hinila siya nito at tumayo sa harap ng magulang nito. Namumula ang mukhang hinarap nito ang mga taong dahilan ng buhay ng asawa sa mundo.
"Listen to me carefull, Mom, Dad. Kung ayaw niyang mawala ako sa buhay niyo at umalis ng Wangzi, tigilan niyo ang pamilya ng asawa ko. Wala akong paki-alam kung tanggapin niyo ang relasyon o pagsasama namin. Wala na akong paki-alam kung magalit kayo sa akin. Isa lang ang hindi ko palalampasin, ang saktan muli ang asawa ko.
Hindi ko na kayo hahayaan na pagbuhatan siya ng kamay. Iniingatan at inaalagaan ko si Anniza kaya hindi ako makakapayag na markahan niyo ang balat niya. Pinalampas ko na ang ginawa niyo noon sa anak ko dahil magulang ko pa rin kayo pero kung uulitin niyo ulit iyon, hindi na ako mananahimik pa. Ibabalik ko lahat ng ibinigay niyo at babaguhin ko ang apelyido ko. I won't be your son again."
Tumigil sa pag-ikot ang mundo ni Anniza. Ang puso niyang nasasaktan ay nabalot ng kasayahan. Ang bawat katagang sinabi ni Joshua ay humaplos sa puso niya. Hindi nga talaga siya nagkamali ng taong minahan. Hindi nagkamali ang puso niya sa pagpili ng lalaking pag-aalalayan niya ng lahat.
"Baliw ka na talaga sa babaeng iyan." Galit pero mahina ang boses na wika ng ama ni Joshua.
"Yes, Dad. I'm crazy in-love with my wife. At siya lang ang nakikita kong babaeng makakasama ko habang buhay. Si Anniza ang babae na para sa akin."
Pagkatapos sabihin iyon ay hinila na siya ni Joshua palabas sa lugar na iyon. Hindi na sila hinabol pa ng magulang ni Joshua. Hinayaan naman ni Anniza na hilahin siya ni Joshua hanggang sa makarating at makapasok sila ng elevator.
Pinagmasdan niya ang asawa. Alam niyang galit pa rin ito basi na rin sa pamumula ng pisngi at pagtaas-baba ng dibdib nito. Napalabi si Anniza.
"I'm sorry." Panimula niya.
Tumingin sa kanya si Joshua. Nasa mukha pa rin nito ang galit.
"I'm sorry kung kina-usap ko ang magulang mo ng hindi ka tinatanong. Gusto ko lang ayusin ang gusot ng pamilya at alam natin na wala kang kinalaman sa problema na kinakaharap namin. Hin---"
Hindi natuloy ni Anniza ang iba pa nitong sasabihin ng bigla na lang siyang niyakap ng asawa.
"I'm glad that you are okay."
Napangiti siya. His worried voice makes her happy. Akala niya ay galit talaga sa kanya ang asawa. Agad siyang gumanti ng yakap sa asawa.
"I'm okay," aniya.
"Someone told me that Mommy went to your office. She said bad thing about you. Why don't you tell me?"
Kumalas siya sa pagkakayakap dito at hinarap ang asawa. "Ayaw ko lang na mag-alala ka. Wala naman gina---"
"Muntik ka na niya pagbuhatan ng kamay kung hindi dumating si Tita Aliya. Kaya hindi ko alam kung bakit hindi mo sinabi iyon sa akin." May hinanakit na sabi nito.
Napakagat ng labi si Anniza. Ilang araw na rin ang nakalipas at wala talaga siyang balak sabihin sa asawa ng tungkol sa nangyari. Ayaw niya kasi talagang mag-alala ito.
"I'm sorry, Airen. Alam ko kasi na magkakaganito ka. At saka, hindi naman ako sinaktan ng ina mo. Mabuti na rin na ganito. Matagal na dapat namin hinarap ang ginawa ng Kuya ko noon. At saka, ginawa ni Kuya at Ate ang bagay na iyon ng dahil sa akin. Pasensya na kung hindi ko sinabi sa iyo itong plano ko." Iniyakap niya ang dalawang braso sa baywang ng asawa.
Hindi pa rin nagbabago ang emosyon sa mukha ni Joshua. Ilang sandali din silang nakatitigan bago huminga ng malalim si Joshua.
"I know you are strong person. Pero alam natin na minsan ka ng sinaktan ng ina ko at pwede niyang gawin ulit sa'yo iyon. Hindi ko kakayanin na makita ka ulit sa ganoon sitwasyon, Hon. Seeing you in pain turn my heart into pieces. Please! Tell me everything. Don't hide those things to me. I'm your husband. We are in this together, right?"
Napangiti siya sa sinabi nito. Tumungo siya bilang sagot. Kinabig siya ni Joshua at ikinulong sa malapad nitong dibdib.
"I love you, Anniza Jacinto-Wang. You are my greatest treasure. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka pa sa buhay ko." Naramdaman niya ang paghalik ni Joshua sa kanyang noo.
"I love you too, Airen. Thank you for loving me." Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa asawa.