Chereads / Wishing Girl 3: Pain 2 Forget / Chapter 44 - CHAPTER FORTY-TWO

Chapter 44 - CHAPTER FORTY-TWO

NAGBABASA NG report si Joshua ng makita niyang tumayo ang asawa mula sa kina-uupuan nito. Tulala pa rin ito pero hindi na kagaya noong una. Sumasagot na rin ito kapag tinatanong. Iyon lang kapag tinatanong. Kapag kinaka-usap nila ay hindi ito nagsasalita. Na-uuwi lang ito sa malalim na pag-iisip. Nakatulong ang weekly session nito kay Dr. Vannesa.

Tumayo siya at sinundan ang asawa. Madalas ay sa bahay siya nagtatrabaho. Pinapadala lang sa kanya ng kanyang sekretarya ang mga papeles na kailangan niyang permahan. Tito Shawn manage to get me a position on Wangzi. Sa ngayon ay siya ang tumatayong Vice-President ng kompanya. Nalaman kasi nila na ang Vice President ang siyang binayaran ni Tito Andrie para gumawa ng masama sa kompanya. Hindi din nila akalain na may malaking pera palang nawawala sa kompanya simula ng maging bise presidente ito.

Hindi niya alam kung anong ginawa ni Tito Shawn para mapapayag nito ang ama na pumasok siya ng Wangzi. Wala din nangyaring butuhan sa posisyon niya. Basta itinala lang siya ng mga ito. At ang isa pang ipinagtataka niya ay hindi siya pinapaki-alaman ng ama niya kung hindi man siya pumapasok sa opisina. Wala kasing kasama sa bahay ang asawa. May mga katulong din naman ngunit ayaw niyang ipagkatiwala sa mga ito ang asawa niya.

Maayos na rin naman ang gusot sa kompanya at balik sa normal ang lahat. Iyon nga lang kailangan nilang magsumikap para bumalik sa dating estado nito ang Wangzi. Malaki ang nawala sa kanila dahil sa pag-pull out ng mga client nila.

Pumunta si Anniza sa kusina. Kumuha ito ng tubig sa refrigerator at uminum. Sumandal si Joshua sa hamba ng pinto at pinagmasdan lang ang asawa. Tahimik pa rin ito. Alam niyang mahirap ang pinagdadaanan nito pero ganoon din naman siya. Nawalan din naman siya at ayaw niyang pati ang asawa ay mawala din sa kanya.

"Hon, may gusto ka bang kainin?" tanong niya dito.

Tumingin sa kanyang direksyon si Anniza. Pinagmasdan lang siya nito bago naglakad palapit sa kanya. Akala niya ay hihinto ito ngunit nilampasan lang siya ni Anniza. Sinundan niya ng tingin ang asawa. Hindi niya alam kung parte pa rin ba ng depression nito ang ginagawa nitong pag-iwas ngunit sa tuwing hindi siya nito kaka-usapin ay nasasaktan siya. Huminga siya ng malalim at sinundan ulit ang asawa. Umakyat ito sa pangalawang palapag ng bahay.

Joshua feel like he does something wrong that's why he lower his head and walk back to his work. Marami pa siyang kailangan basahin. He wanted to talk to Anniza but every time he does that, she walks away from him. Kasama nga niya ito ngunit parang ang layo naman nito sa kanya. Pinilit niyang ituon ang atensyon sa ginawa ngunit hindi na niya magawa.

"What's up?" bungad ni Patrick ng tawagan niya ito.

"I need someone to talk too," aniya sa kaibigan. Sumandal siya sa sofa at ipinikit ang mga mata.

"About your wife again."

Isang malalim na paghinga ang ginawa niya ng marinig ang sinabi nito. Alam talaga nito kung sino ang pinuproblema niya ngayon. Si Patrick kasi ang madalas talaga niyang tinatakbuhan. Dito niya inilalabas ang sama ng loob. Madalas ay nakikinig lang ito at hinahayaan siyang magsama ng loob.

"Hindi ka na naman ba niya kinaka-usap?"

"Oh!" Parang ungol lang ang lumabas sa kanyang labi. He always answers like that.

Hindi nagsalita si Patrick sa kabilang linya. Naghari ang katahimikan sa paligid nila. Muli na lang ipinikit ni Joshua ang mga mata.

"Kaya mo pa ba?" Tanong ni Patrick na siyang ikinamulat ng kanyang mga mata.

"Kaya ko pa. Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang asawa ko." Sagot niya.

"Kung ganoon ay tatagan mo pa ang loob mo. Narinig mo naman ang sinabi ni Vannessa, kailangan mong magpakatatag ngayon ganyan umasta si Anniza."

"Alam ko naman iyon pero nasasaktan din ako, Patrick. Nawalan din naman ako. I also grieving from our child. Sa kinikilos ni Anniza hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko sa pagkawala ng anak namin. Ayokong pati siya ay mawala sa buhay ko. Natatakot ako na isang araw ay wala na si Anniza sa tabi ko dahil sa iniwan na lang niya ako bigla." Puno ng sakit niyang sabi sa kaibigan.

"Sa tingin mo ay kayang gawin iyon ni Anniza? Hindi ba mas pinili niyang tumira diyan sa bahay niyo kaysa tumuloy sa bahay ng Kuya niya. Mahal ka ng asawa mo at hindi ka niya iiwan kung iyan ang inaalala mo."

Joshua keeps his silent. Iyon na nga ang pinanghahawakan niya ng mga sandaling iyon. Ang pagsama ni Anniza pa-uwi sa bahay nilang mag-asawa ang siyang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob para kumapit sa pagsasama nila.

"Iyon lang din naman ang pinanghahawakan ko ngayon pero hindi ko alam kung tama ba na pumayag ako. Pakiramdam ko kasi ay pinaparusahan ako ni Anniza sa ginagawa niya. Iyong hindi niya ako pinapansin ay sobrang sakit na sa puso ko. Nadudurog ang puso ko Patrick."

"Joshua, alam mong nagdadalamhati pa rin ang asawa mo. Bigyan mo pa siya ng panahon. Pasasaan ba at papansinin ka din niya. Wag ka lang tumigil sa pagsuyo sa kanya."

Hindi na siya nagsalita pa. Sumandal na lang siya at ipinikit ang mga mata. Nagpaalam na siya kay Patrick ngunit nanatili siyang nakasandal sa upuan at nakapikit. He feels so tired. Napapagod na siya sa ganoong sitwasyon. Hindi na kasi niya alam ang gagawin pa. Ang binuo niyang buhay kasama si Anniza ay naglaho ng parang bula dahil lang sa isang pangyayaring hindi nila ginusto.

PAGPASOK ni Joshua sa kwarto nilang mag-asawa ay agad na napansin nito ang natutulog na asawa. Nakakumot ito na hanggang leeg. Kakarating niya lang mula opisina. Nagkaroon sila ng general meeting kaya wala siyang choose kung hindi pumunta. May report din kasi siya na kailangan sabihin. Nagkita na din sila ng ama sa unang pagkakataon ngunit mabilis siyang umalis pagkatapos ng meeting. Hindi niya pa kayang ka-usapin ang ama.

Ma-ingat siyang lumapit sa asawa. Nakapikit ito at mahimbing nang natutulog. Itinaas ni Joshua ang kamay at inayos ang buhok nitong malambot. Inalis niya ang mga hiblang tumatakip sa mukha nito. Kanina ay panay ang tawag niya sa mga katulong. Tinatanong niya kung kamusta ang asawa at kung kumain na ba. Wala naman daw pagbabago sa kilos ng asawa.

Natatakot siya na baka sa pag-uwi niya ay wala na ito. Sa tuwina na lalabas siya ng bahay ay nandoon ang takot at pag-aalala para dito. He doesn't want to feel that way but he can't help it.

"I love you, Anniza. Natatakot ako na baka isang araw ay iwan mo na ako. Natatakot ako na isang araw paggising mo ay wala na ang nararamdaman mong pagmamahal sa akin. Alam mo ba na sa tuwing iniiwasan mo ako ay nadudurog ang puso ko. Annie..." hindi niya napigilan ang pagkabasag ng kanyang boses.

He feels so tired today. Napapagod na siyang lumaban pa.

".... Mahal na mahal kita. Alam kong nasasaktan ka pa rin sa pagkawala ng anak natin at kagaya mo ay ganoon din ako. I'm grieving too, Hon. At lalo akong nagdadalamhati dahil pati ikaw ay mawawala sa akin. Bakit pakiramdam ko ay nawala ka din sa akin. Bawat sa bawat pag-iwas mo at hindi mo pagpansin sa akin ay sinasakal ang puso ko. Ang sabi nila ay parte iyon ng pagdadalamhati mo pero bakit iba ang nararamdaman ko. Bakit pakiramdam ko ay ako ang sinisisi mo sa pagkawala ng anak natin? Bakit pakiramdam ko ay kasalanan ko ang pagkawala niya?" Tuluyan na pumatak ang mga luha niya.

"pero totoo naman kasi kasalanan ko kung bakit nawala siya sa atin. Kasalanan ko kung bakit siya namatay. Ako naman talaga ang puno't dulo ng lahat."

Hinawakan niya ang kamay ng asawa. "Annie, kung gusto mo na akong iwan, sabihin mo lang. Handa kitang pakawalan kung iyon ang ikasasaya mo. Ayaw kong manatili ka sa tabi ko na nasasaktan. Hindi ko kayang makita kang ganito. Mas nanaisin ko pang pamawala ka sa tabi ko basta makita ko lang muli ang ngiti sa mga labi mo. Kahit pa nga na masakit at ikababaliw ko kapag nawala ka sa buhay ko. I love you, Annie. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito."

Wala siyang nakitang kahit anong response sa asawa. Nakapikit pa rin ang mga mata nito. Yumuko si Joshua at hinalikan ang kamay ng asawa. Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ni Joshua habang hawak ang kamay ng asawa. Nasa ganoong estado siya ng may humawak sa kanyang buhok at humagod doon. Nagtaas ng ulo si Joshua. Sumalubong sa binata ang maamong mukha ni Anniza. May lungkot sa mukha nito.

Pinunasan ni Joshua ang luhang dumaloy sa kanyang mukha. "Pasensya na at nagising yata kita."

Tumaas ang kamay ng asawa at pinunasan ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa kanyang pisngi. Nanigas sa kinatatayuan nito si Joshua. Sinundan nito ang galaw ng asawa at nang tumingin siya sa mga mata nito ay biglang lumabot ang puso niya. Anniza's eyes are full of sadness but he can also see the longing and love.

"Annie..." tawag niya.

Tumitig sa kanyang mga mata si Anniza. "I'm sorry if you are hurting because of me. Pero sana ay wag mo akong sukuan agad, Joshua. Wag na wag mong bibitiwan ang mga kamay ko dahil kagaya mo ay ikakabaliw ko ng tuluyan kapag nawala ka sa akin. Hindi ko kakayanin kapag ikaw ang bumitaw, Airen. Ikaw lang kasi ang lakas ko ngayon."

May humaplos sa puso ni Joshua. Agad niyang kinabig ang asawa at ikinulong sa kanyang mga bisig. Hearing those words from her, he knows that they are both suffering from their lost. Kung siya ay pinapakita sa lahat na kaya at okay lang siya, si Anniza naman ay pinapakita kung ano talaga ang nararamdaman nito.

"I'm sorry. Hinding-hindi kita bibitiwan, Hon. Kahit anong mangyari ay mananatili ako sa tabi mo. Malalampasan natin ito ng magkasama."

Gumanti ng yakap si Anniza. Mas mahigpit pa nga ang yakap nito kaysa sa kanya. Narinig niya ang malakas nitong pag-iyak at paggalaw ng katawan nito. Anniza is crying so hard. Hinayaan niya lang ito. Kagaya kasi nito ay malakas din ang pag-iyak niya. Pagkalipas ng ilang linggo ay kina-usap din siya ng asawa. Hinimas niya ang likuran ni Anniza.

They keep on crying until there's no tears coming out to their eyes. Kumawala siya sa pagkakayakap sa asawa at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Pinunasan niya ang luhang lumandas sa pisngi nito.

"I'm sorry." Tanging nasabi niya.

Umiling si Anniza. "I should be the one to say that. I'm sorry for ignoring you. I'm sorry for hurting you. Hindi ko kasi kayang harapin ka pagkatapos ng nangyari sa akin. Muli kitang sinaktan. Alam kung ilang taon ka din nagdusa sa pagkawala ng una mong anak tapos heto at muling nangyari ang bagay na iyon. Na sa pangalawang pagkakataon ay nawalan ka ulit ng anak at kasalan ko kung bakit nawala siya."

Joshua keep on wipe the tears flowing on Anniza's face. Pinakinggan niya ang mga sinasabi nito. Alam niyang iyon lang ang kailangan ng asawa ng mga sandaling iyon. After her miscarriage, they never talk about what they feel. Dra. Rosales said that Anniza need to open her feeling to him. Nakakabuti daw iyon kay Anniza.

"I should be more careful. I'm so sorry. Patawarin mo sana ako."

"Annie... look at me." Hinuhuli niya ang tingin ng asawa ngunit iniiwasan nito ang mga tingin niya. "Please! Look at me. Tingnan mo ang mga mata ko, Anniza."

Puno ng lambing at pagsuyo ang boses niya dahilan para tuluyang tumingin sa kanyang mga mata ang babaeng minamahal.

"Annie, sa tingin mo ba ay kaya kong magalit sa iyo? Sa tingin mo ba ay kamumuhian kita dahil lang sa nangyari? Oo at nasaktan ako sa pagkawala ng anak natin. Hindi ko din matanggap na kinuha siya sa atin pero wala akong ibang sinisisi sa nangyari. Mas sinisisi ko pa nga ang sarili ko. Sa tingin ko kasi ay karma ko ang lahat pagkatapos ng ginawa ko noon. Pero Annie, hindi ko pwedeng ibaon ang sarili ko sa pagsisisi. Hindi ba at ikaw ang nagturo noon sa akin? Nang dumating ka noon sa buhay ko ay tinuraan mo ako na patawarin ang sarili ko. Iyon ang lagi kong pinapaalala sa sarili ko.

"Hindi siya para sa atin, Annie. Masakit man pero kailangan natin tanggapin. Alam kong iba ang sakit na nararamdaman mo sa sakit na nararamdaman ko pero gusto kong malaman mo, nandito lang ako sa tabi mo. Handa kitang damayan sa sakit at pighati ng pagkawala niya sa buhay natin. Hindi ba at nangako tayo. For better, for worst, we stay together. I intended to keep that promise. Kaya kakapit ako sa pagsasama natin. Hindi kita iiwan, Anniza."

"Joshua..."

"Mahal na mahal kita, Hon." Ginawaran niya ng magaan na halik sa noo ang asawa.

"I love you too, Joshua." Bulong ni Anniza.

Kinabig niya ang asawa para yakapin ng mahigpit. "Malalampasan din natin ito. Maging sandalan natin ang isa't-isa, asawa ko."

Naramdaman niyang tumungo ang asawa kaya naman mas hinigpitan niya ang pagkakayakap dito. Naniniwala siya na pagkatapos ng bagyo ay may liwanag na bubukas. Darating ang araw na magiging maayos din ang lahat sa kanina ni Anniza.

MAGKAHAWAK-KAMAY si Anniza at Joshua na naglalakad sa malawak na sementeryo na iyon. May hawak na basket na may lamang bulaklak si Joshua habang si Anniza ay may hawak na basket na ang laman ay pagkain. Mahigpit ang pagkakahawak ni Joshua sa kamay ng asawa. Nang marating nila ang isang lapida ay inilapag nila ang dalang basket.

Inilapag ni Joshua malapit sa puntod ang dalang bulaklak. Yumuko siya para linisin ang maduming lapida.

"Hi, baby Drake." Bati ni Anniza sa anak nila.

Napangiti siya ng marinig ang pagtawag nito sa anak nila. Doon niya pinalibing ang hindi nasilayang anak. Madalas sila ni Anniza doon. Pagka-uwi niya galing sa trabaho ay doon na sila pumupunta mag-asawa para dalawin ang anak. Apat na beses sa isang linggo sila kung pumunta. Dalawang beses kasi sa isang linggo ang session ni Anniza kay Dra. Rosales. Ang isang araw naman ay bonding nilang mag-asawa.

"Mukhang maayos ka naman dito, anak," aniya sa anak.

"Masaya ka siguro sa kinaruruonan mo ngayon."

Napatingin siya sa asawa ng marinig ang sinabi nito. Ilang buwan na rin ang lumipas mula ng gabing iyon pero hindi pa rin nagbabago ang lungkot na nakikita niya sa mga mata nito. Ang sabi sa kanya ni Vannesa ay hindi ganoon kadaling makalimutan ang lahat lalo na sa isang ina na tulad ni Anniza. Malapit kasi si Anniza sa bata kaya naman talagang malalim ang sugat sa puso nito. Panahon lang daw ang makapagsasabi kung kailan talaga magiging maayos ang asawa niya.

Dra. Vannesa already stop their session. Nag-last day ang dalawa kahapon. Sinabihan siya ni Vannessa na wag ng mag-aalala pa dahil magiging maayos din ang asawa niya. Hindi na rin naman ito nagpapakita ng semtumas ng depression.

"Sigurado akong masaya siya ngayon na nakatingin sa atin." Hinawakan niya ang kamay ng asawa at pinisil.

Isang matipid lang na ngiti ang ibingay sa kanya ng asawa. Tinulungan niyang mag-ayos ang asawa ng blanket na siyang uupuan nila. Padilim na ng mga sandaling iyon. Ilang minuto lang ang ilalagi nila. Kakain lang naman sila kasama ang anak.

Anniza prepared food for them. Chapsoy, fried chicken at lasangna. Iba-ibang putahe ang niluluto ng asawa sa tuwing pupunta sila doon. Madalas ay silang dalawa lang din ang nakaka-ubos noon.

"Airen..." tawag ni Anniza sa kanya.

Naglalakad na sila pabalik ng kanyang kotse. Magkahawak kamay silang dalawa.

"Oh!" sagot niya.

"Gusto ko sanang magpaalam sa iyo."

Napatigil sa paglalakad si Joshua at napatingin sa asawa. "A-anong sinasabi mo?"

Ngumiti si Anniza. "Airen, wag kang mag-isip ng masama. Gusto ko lang magpaalam sa iyo na gusto kong bumalik sa pagtatrabaho."

Nagtagpo ang kilay niya. "Trabaho? Bakit gusto mong bumalik sa pagtatrabaho?"

Humarap sa kanya ng maayos si Anniza. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya. "Gusto ko kasi na may pagkaabalahan. Nagsasawa na kasi ako sa bahay."

"Hindi ka ba nag-eenjoy sa pagluluto?"

Nitong huling buwan ay nagsimulang magka-interest sa pagluluto ang asawa. Ito ang pinagkakaabalahan nito. Kaya nga ang sabi ni Kuya Shan ay tumataba siya. Siya kasi ang madalas na umuubos ng niluluto nito. Minsan naman ay ibinibigay nila sa pamilya ng mga kasamahan nila sa bahay. Sinusupportahan naman niya ang asawa. Lahat ng nais nito ay ibinibigay niya.

"Natutuwa naman ako pero hinahanap ko na talaga ang magtrabaho sa opisina. Gusto ko ng madamdaman ulit ang pressure ng pagtatrabaho. Kaya naman sana ay payagan mo ako."

Joshua comb his hair. Hindi niya alam ang isasagot sa asawa. Gusto niya itong pagbigyan pero nag-aalala pa rin siya sa kondisyon nito. Natatakot siya na baka biglang may maka-trigger sa depression nito at bumalik ito sa dati. Kaya nga ipinagbili niya ang bahay nila at tumuloy sila sa bahay niya sa Antipolo.

May ala-ala kasi ng nakaraan ang bahay na iyon. Sa tuwing nasa sala kasi silang mag-asawa ay napatulala na lang si Anniza habang nakatingin sa coffee table. Alam niyang kapag ganoon ay naalala nito ang nangyari kaya nagdesisyon siya na umuwi na lang ng Antipolo. Ayos lang naman sa kanya ang mag-drive ng malayo basta ang importante ay maayos ang kalagayan ng asawa.

"Please, Joshua!" Anniza use her innocent and cute face to lure him.

At dahil mahina at marupok siya pagdating dito ay tumungo siya bilang sagot. Kumislap ang saya sa mga mata ng asawa. Para naman may malambot na bagay na humapos sa kanyang puso. Sa ilang buwan ay ngayon nila lang ulit nakita ang sayang iyon sa asawa.

"Pero..." putol niya sa kasayahan nito.

Agad naman sumimangot ang asawa na siyang ikinalapad ng ngiti niya.

"I won't stop you, Hon. Pero ayoko ng bumalik ka sa kompanya ni Tito Shawn. Alam mo naman na wala na ako doon."

"Kung ganoon ay hahayaan mo akong mag-aapply sa iba?" Muling nagningning ang mga mata ng kanyang asawa.

Umiling siya bilang sagot sa tanong nito. Muling nawala ang ngiti sa labi nito. "Sa Wangzi?"

Muli siyang umiling sa asawa kaya naman nagsalubong ang kilay nito. "Kung ganoon ay saan ako magtatrabaho? Pinaglu—"

Hinapit niya palapit sa katawan niya ang asawa at inakbayan ito. "I will talk to Tita Aliya. You can work inside her company. Mas safe ka din doon dahil hindi ka magagalaw ng ama ko, hindi tulad sa ibang kompanya."

Napalitan ng lungkot ang mga mata ng asawa. "Hindi talaga ako tanggap ng magulang mo hanggang ngayon."

Tumigil sila sa tapat ng kanyang kotse. Iniharap niya ang asawa at hinawakan sa balikat. "It doesn't matter if they accept you or not. Ako ang pinakasalan mo at hindi sila. Tayong dalawa ang magsasama habang buhay at hindi sila."

Ngumiti si Anniza pero hindi iyon umabot sa mga tainga nito. Minsan ay namimiss niya ang dating ugali ng asawa pero may tao talagang nagbabago. He may not like that changes but he is willing to accept it. Si Anniza pa rin naman ang taong nakakasama niya. Dito pa rin naman tumitibok ang puso niya. Ito pa rin ang dahilan ng mga ngiti sa labi niya.