Chereads / The Ideal Man / Chapter 10 - Chapter 10: If there's a will, There's a way

Chapter 10 - Chapter 10: If there's a will, There's a way

Hindi na umimik si Jeanlie at pinagpatuloy na lang ni Pula ang pag-aayos sa kanya. Habang lumabas sa dressing room si Nathalie ay may kausap ito sa kanyang cellphone. Ilang saglit ang lumipas ay bumalik ito sa kaibigan. "Besh relax ka lang dito ha, ako na bahalang maghanap para swimwear at evening gown mo. "Sabay mabilisang dampi ng halik sa pisngi ng kaibigan, at agad na itong nagmamadali na lumabas. Di na nakapagsalita si Jeanlie at napatulo nalang ang kanyang luha na nagpapasalamat na mayroon siyang kaibigan na kagaya ni Nathalie na handang tumulong at samahan siya sa ano mang hamon ng buhay. Napukaw nalang ang malalim niyang pag-iisip ng magsalita si Pula. "Bilib talaga ako sa friendship niyo ano, lalong lalo na kay Nathalie, handa siyang magbasagan ng mukha para sayo. "Pangiti na sabi ni Pula habang nag aayos sa kanya. Tumawa nalang siya, bilang sagot sa sinasabi ni Pula.

*****

Habang si Nathalie naman ay nakatayo sa gilid ng kalsada na tila ba may hinihintay. May mabilis na humatorot na motorsiklo at biglang huminto sa kanyang harapan.

"Ano ba ang nangyari? Ba't ba kailangan mo pang kumuha ng susuotin ni Jeanlie sa inyo, eh diba lahat ay nakahanda na?Buti nalang nahiram ko tong motorsiklo ng kaibigan ko. "Nagmamadaling tugon ng kapatid ni Jeanlie na si Chardz. Siya pala ang tinawagan ni Nathalie kanina, para samahan siyang kumuha ng damit para sa kaibigan. Hindi kasi kakayanin kong magjeep pa siya baka matraffic ,kaya tinawagn niya ang Kuya Chardz nila para ito na ang sumama sa kanya na magmotor para mabilis. "Kuya mamaya ko na sasabihin sayo, kaya tayo na bilis, kailangan wala pang isang oras nakabalik na tayo dini. "pasakay ng motor na tugon ni Nathalie. At humarorot na sila para puntahan ang bahay nila Nathalie, habang mabilis ang takbo nila ay kinukwento naman ni Nathalie ang buong pangyayari, kung kaya hindi ikailang naiinis din ang Kuya nila. Kahit kasi hindi masyadong malapit si Chardz sa kapatid nito,mahal na mahal niya ito kasi ito lang ang nag-iisang kapatid na meron siya,at ayaw niyang maagrabyado ang kapatid.Mabilis silang nakarating sa bahay ni Nathalie,at sinabihan niya ang Kuya nila ,na antayin lang siya saglit.

****

Buti nalang ay mayroong siyang two piece na pareho ng kulay na susuotin ng mga contestant.Kung kaya ito na ang hinablot niya.Kapareho lang naman sila ng katawan ni Jeanlie, kung kaya hindi mahirap na hanapan ng damit ang kaibigan.Pumunta na siya sa mga nakahanger niya na mga dresses,wala siyang nahanap at natitipuhan , para isuot ng kaibigan.Nang makita niya ang nakahanger na naka sealed, na ang nasa loob don ay ang personalized at pinatahi pa niyang gown para sa darating na 25th wedding anniversary ng mga magulang niya,magkaroon kasi ng renewal of vows sa simbahan ang kanyang mga magulang kaya nagpatahi na siya ng susuotin niya.Hindi siya nagdadalawang isip na kunin iyon at yun na ang dalhin para sa susuotin ng kaibigan.At nagmamadali na itong lumabas para puntahan ang kanilang Kuya Chardz na nakaantay sa labas.

****

Kinakabahan na si Jeanlie kasi malapit ng mag umpisa ang pageant ay wala pa ang kanyang kaibigan,nag alala din ito kung baka napaano na to sa labas.

Bigla siyang lumingon ng marinig na may nagbukas ng pintuan sa dressing room ng makita niya ang kaibigan pala niya ay agad siyang tumayo at niyakap ito na hinihingal,na halatang magmamadali ito.At nagulat nalang siya na kasunod din nito ang kanyang Kuya Chardz.Kaya tinanung niya ito kung bakit nandon ang kuya niya.

"Besh si Kuya ang tinawag ko para samahan ako,para mabilis kung makuha ang susuotin mo,nandito na lahat ang kailangan mo ,Pula bantayan mong mabuti yang mga gamit natin,baka may magnakaw na naman niyan."Pahingal na sabi ni Nathalie na nakasulyap kay Margarette ,na nagpapahiwatig na siya ang ibig sabihin nito. Agad namang tinanggap ni Pula at nilagay na ito sa lagayan.

"Besh salamat talaga ha, nahihiya na ako sayo. hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka, salamat din Kuya ha na may time kang samahan si Nathalie. "Umiiyak na sambit ni Jeanlie sa dalawa. Kaya niyakap nalang siya ng kaibigan ."Shhhhhh. diba wala tayong sinusukuan, tama na!baka masira yang make up mo, gaga. "Naiyak na din si Nathalie at pinunusan niya ang luha ng kaibigan.At nagtatawanan nalang sila. Natigilan nalang sila ng humihiyaw si Pula, at agad nila itong pinuntahan at tingnan kung anong nangyari.

"My ged! ang sexy ng two-piece na susuotin mo Jean, pareho ng kulay sa napunit mong swimwear, pero ang sexy na tangga style. "pakilig na saad ng baklang si Pula.

"Syempre naman! kaya pasalamat nalang tayo na pinunit ng bruha ang swimwear mo besh, para mapalitan natin ng mas maganda. "Pang iinis na sabi ni Nathalie na nakaharap kay Margarette, para ipahiwatig na siya ang ibig sabihin ng kanyang sinasabi.Habang si Margarette ay nagkukunwari na walang narinig. Hinila nalang siya ni Jeanlie at pinaupo, At magbibihis na siya para sa introduction nila. Habang ang kuya nila ay bumalik na kung saan nandon na ang lahat para maghanda sa panunuorin nilang pageant na kabilang ang kanyang nag-iisang kapatid.

*****

"Besh ok ka lang dito ha, ilang minuto nalang at magsisimula na ang pageant. Kaya mo yan ha. Lalabas na ako para makapagpwesto na, at tatandaan mo kung kakabahan ka nandon lang ako sa harap, tingnan mulang ako. "Payakap na sabi ni Nathalie sa kaibigan na halatang inaatake na ito ng kaba. Sumukli din ito ng yakap na subrang higpit sa kanya. At dinampian na niya ito ng halik.

"Subrang ganda mo talaga Jean, e enjoy mulang ang gabing ito ha, para hindi ka masyadong kabahan".Pangiting tugon ni Pula na inaayos na ang kanyang buhok.

Nagring ang cellphone niya ng dinampot niya ay ang Mama Nina pala niya, kaya agad niya itong sinagot. "Anak nandito na kami sa harapan ng stage, kung kinakabahan ka tingnan mulang kami ha, proud kami sa iyo anak manalo man o matalo. "

"Salamat ma". sabay putol ni Jeanlie sa tawag ng ina ,at kumawala siya ng malaking hininga para marelease ang kabang nadarama. At hinanda na niya ang sarili para sa pageant.