Ang bilis lang lumipas ng linggong iyon. Araw ng sabado at walang pasok si Chloe. Hindi siya mahilig lumabas ng bahay. Wala din naman siyang matatawag na barkada talaga kaya pag weekends ay sa bahay lang siya naglalagi. Her dad is always busy with the business kaya kahit weekends ay hindi mo siya mahahagilap sa bahay. Her mom is busy, as well. Being a wife of the owner of a very successful company would mean a lot of social gathering invites. Pero minsan, her mom would just decline the offer para lang makabonding niya ito. Super close sila ng mom niya. Kaya kahit wala iyong dad niya, ay eto ang nagpupuna ng absence ng ama.
"Anak, do you want to go shopping para sa upcoming pageant mo?" Her mom asked pagkatapos siya nitong puntahan sa kwarto niya.
"You're available today, Mom?" Chloe asked, na agad napabangon sa kama.
"Yes, baby. Alam kong need mo ng makakasama sa pamimili ng mga attire mo for the said event. So, I rejected the invitation for a dinner party later with Mrs. Sy. Namiss ko din kasi ang unica hija ko." Saad nito na agad siyang niyakap. "Ang baho mo na, anak. Get up and take a bath. Alis na tayo after mong kumain ng breakfast, alright?"
She shrieked at agad niyakap ng mas mahigpit ang mom niya. Bumangon agad siya sa kama and dumiretso sa banyo para maligo.
"Nasaan si Daddy, Mom?" She asked habang kumakain ng agahan. Nakabihis na siya and ang mommy niya.
"May meeting siya with the investors. You know your dad. Workaholic masyado. Intindihin na lang natin, anak, para din naman sa tin iyong ginagawa niya, especially for you and your future." Sabi ng mom niya sabay higop ng kape nito.
She just smiled and continued eating her breakfast.
Napakapasensyosa ng mom niya. Never niya pang nakita ang mga parents niya na nag-aaway. Her mom must be really considerate towards her dad's busy schedule. Kung ibang maybahay lang iyon siguro every minuto ay nag-aaway sila. Parang nanineglect na nga sila ng dad niya, but still her mom is taking her dad's side and pinapaintindi nito sa kanya kung bakit kailangang maging busy ng dad niya. They were highschool sweethearts. At the age of 19 nabuntis ng dad ang mom niya, and they got married after Mom gave birth to me. Hindi na nakatapos ng college ang Mom niya while her dad persevered, especially noong pinanganak siya. After her dad graduated college, agad itong nanghingi ng puhonan sa mga magulang para sa business na plano nitong ipapatayo. Magaling na businessman ang dad niya kaya agad nitong napalago ang kakaumpisa pa lang na business.
Pagkatapos niyang mag-agahan, umalis sila agad ng mom niya papuntang mall. Her mom is like her bestfriend. Alam nito ang mga gusto at hilig niya pati na iyong mga ayaw niya. Alam din nito ang tungkol kay Mikael. Noong sinabi niyang sila ang magkapartner sa pageant, mas excited pa ito kaysa sa kanya. Pero siyempre chos lang! Mas excited siya, of course.
Pumasok sila sa isang kilalang sports center. Naghanap siya ng pang golf attire niya para sa pageant. The saleslady led them towards the said section and agad siyang natigilan pagkakita niya pa lng sa likod noong customer. Kilalang-kilala niya ang likod na iyon.
"Chloe, anak?" Sabi ng mom niya noong napansing napatigil siya. Humarap agad iyong may-ari ng likod na tinitingnan niya.
"Hi!" Bati nito sa kanya.
"H-hello.." Sagot niya at pinagalitan ang sarili for stammering.
Napatikhim iyong Mom niya kaya agad siyang napabaling doon. Her mom is looking at her while trying to point at Mikael with the use of her lips. Her mom giggled and agad inilahad ang kamay kay Mikael. "You must be Mikael, i assume?" Her mom started na nagpagulat sa kanya. Parang hinayag kasi nito na kinekwento ko nga talaga si Mikael sa kanya. Agad siyang nagblush at nag-iwas ng tingin.
"Ah, yes Ma'am. Classmates po kami ni Chloe." Sagot naman ni Mikael na agad tinanggap ang palad ng mommy niya.
"I know! I'm Chloe's mom. It's nice to finally meet you." Her mom said na mas lalong nagpapula ng pisngi niya. "Bibili ka din ng attire mo for the pageant?"
"Yes, Ma'am. Baka mawalan na kasi ng oras since kailangan namin magpractice the whole week para sa pageant on Saturday." He replied.
Hindi alam ni Chloe kung nakatingin ba ito sa kanya or what. Nahihiya siya rito ng bonggang bongga. Nakakainis iyong mom niya. Nakakainis talagaaa!
"Is that, so? If you'd like you two could buy your attire for the pageant together. Kakarating mo lang din, hindi ba?" Her mom suggested that made her raised her head and looked at her mom. Shock was written all over her face.
"Mom!! Nakakahiya kay M-mikael!" 'Shet' Paniguradong pulang pula na talaga yong mukha niya.
"Nonsense!" Her mom exclaimed. "Mas maganda nga iyan, kasi partner nga kayo. Mas mabuti na iyong pareho kayo ng napiling damit. I've just remember, anak, na may appointment pala ako kay Dra. Perez. Recently, madalas ng umaatake ang migraine ko. I need to go. I'll fetch you after you shop. Just give me a beep, alright?"
'Her mom is so impossible! I can't believe she just said that.'
"I think you're right, Ma'am! You don't have to worry, pwede ko pong ihatid si Chloe sa bahay niyo, kasama ko naman po iyong driver namin. You should rest, Ma'am." He said politely and concerned.
She was left dumbfounded pagkarinig niya ng sinabi ni Mikael. 'Me and him? Alone? Mahihimatay na yata ako!'
"Oh, ang bait mo naman, hijo. You take good care of my unica hija, ok? Thank you, hijo." Her mom said smiling, then she faced her and winked at her. "You heard that, anak? Enjoy you two! Well, I'd better go. Sumasakit na naman ang ulo ko." Sabi ng mom niya na agad hinawakan ang sentido nito. After that bineso siya nito and nag smile lang ng sobrang laki kay Mikael at agad ng umalis.
'Oh, my God!!'
"Chloe.. So, what design do you want? Same color na lng tayo. Kailangan din natin ng visor. May club ka na?" Sunod-sunod nitong tanong na lalong nagpabilis ng tibok ng puso niya.
"M-meron na akong club. Ikaw?" Sagot niyang hindi nakatingin kay Mikael but instead wander her gaze towards the rack of clothes behind him.
"Meron na din. You choose our getup. Anything na gusto mo, iyon na din sa akin." Sagot nito.
Napabuntong hininga muna siya before siya lumapit sa tabi nito para makapili na ng damit nila. She can feel her warm presence beside her. Parang ang init nga din ng pakiramdam niya. Nag assume na naman siya na tinitingnan siya nito. But of course titingnan talaga siya nito, pipili siya ng magiging damit nila eh. Duh! She chose the white polo shirt with pink collar.
"Pink?" He blurted out after she showed it to him.
"I love p-pink.. Blue na lang sa iyo, if you want." Sabi niya dito.
"Nah. Walang problema. Hindi lang naman pang babae iyong pink. Pang bakla din?" He joked at her, may nanunuksong ngiti na nakaplaster sa mukha nito.
"What?! Hindi ako bakla ah!" She exclaimed.
Tumawa ng napakalakas si Mikael, agad napatingin ang mga ibang tao sa loob ng store sa kanila.
"Shet! Ansakit ng tiyan ko!" Sabi nito na napahawak na sa sariling tiyan. "I was referring to myself!"
"What?!!! Bakla ka??!!" Pasigaw na sagot niya na mas lalong nakaagaw ng atensiyon sa ibang tao sa store. Plus lalo pang napatawa si Mikael.
"Tama na, Chloe!" Sabi nito na parang hindi na makahinga. "Hindi ko alam na ang slow mo pala." Dagdag nito sabay punas ng luha sa mata.
She gave him a puzzled look. "Hindi ko pa rin gets! Ewan ko sa'yo, Mikael! Sayang naman kung bakla ka. Ang gwapo mo kaya, crush pa nga..."
'DAMN!' Naitakip niya agad ang kamay niya sa bibig niya.
"Ano? Crush mo 'ko?" Sabi nito sa napapantastikuhan na tono.
Agad siyang dumiretso sa cashier hawak-hawak ang napiling polo. Ni hindi niya pa nga tiningnan ang size nito basta ang importante ay makaalis siya doon. Naramdaman niya namang sumunod ito sa kanya at agad hinawakan ang polo at ang isang kamay ay humawak sa kamay niya.
Ramdam na ramdam ni Chloe ang pag iinit ng mukha niya. Ang init ng palad ni Mikael ay mas lalong nagpapalakas sa tibok ng puso niya.
"Tara, babe. Hindi pa nga tayo tapos mamili. Excited lang magbayad?" Sabi ni Mikael sa masayang tono na mas lalong nagpainit ng mukha niya. Siguro kong mahina lang siya ay matagal na siyang na heart attack sa sobrang lakas ng pintig ng puso niya.
"Girlfriend na kita, ha? Hindi pwedeng umayaw, and no buts." Dagdag nito at iginaya siya pabalik sa dating pwesto nila. Hindi pa rin binibitawan ang kamay niya. Agad silang inassist ng saleslady, na nangiti lang habang napapasulyap sa kamay nilang magkahawak.