Chereads / Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino) / Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 10 - Chapter 9

Kakatapos lang ng talent portion ni Chloe. Sumayaw siya ng belly dancing sa kantang Alf Leyla Wa Leyla. Nakasuot siya ng bedlah na siyang tawag sa costume ng mga nagbe-belly dancing pero pinatungan niya ito ng skin tone tube top at tights. Andaming sumipol na lalaki ng umindak na siya. Hindi niya ito pinaalam kay Mikael kasi ayaw din nitong ipaalam kung ano ang gagawin nito sa talent portion. Last year pa siya nagbebelly dancing kasama ang mom niya at kabisado niya na ang sayaw kaya sa bahay lang siya nagpapractice.

Papasok na siya kasama ang mom niya sa pinto ng backstage ng mga girls after siyang batiin ng mga teachers and co-contestants niya sa backstage ng biglang may humigit sa braso niya.

"Don't you ever dance again like that in front of those people!" Mariing sabi ni Mikael na may hawak na robe. "And what are you wearing?!"

Napamulagat siya at napatingin sa mom niya ng tumawa ito sabay iling, then nauna na itong pumasok sa backstage.

"Babe.. I'm wearing tube top and tights. Traditional costume 'to." She pointed out.

"Basta! 'Wag mo na ulit gawin! You heard me? If you want to dance like that dapat ako lang ang nanonood! Muntik ko na ngang hindi makaya 'yong opening dance natin pero kinaya ko kasi ako ang partner mo! Tapos sasayaw ka pa ng ganyan!" Galit pa ding sabi nito.

Agad siyang pinamulahan ng mukha, "What?!!" Nagulat siya doon. So that's why napakaseryoso nito sa practice at kaninang pag perform nila. "Okay. Fine. I'm sorry!" Sabi na lang niya.

Nakasimangot pa din ito. "Here! Wear this!" Sabi nito at pinasuot sa kanya ang robe na hawak.

Hindi na siya nagreklamo para hindi na ito lalong magalit. Tiningnan niya ito at nakitang nakasimangot pa din ito.

"Sorry na nga!" Sabi ulit niya.

Then bigla na lng nilang narinig na tinawag na ang pangalan nito sa stage para mag perform. Hindi ito natinag at nanatiling nakatingin sa kanya habang nakasimangot.

"Hoy, Mikael! Tawag ka na!" Tawag dito ng ibang kaklase nila.

Hindi pa din ito natinag.

"Hey. Sorry na... Hindi na mauulit." Malumanay niyang sinabi.

"Promise?" He asked.

"Opo. You better go. Tinatawag ka na!" Sabi niya.

Bigla nitong nilagay ang hintuturo nito sa labi. Then he mouthed, 'kiss'.

Napamulagat siya. 'Shet lungs'!

"Mr. Edwards!!" Sigaw na ng adviser nilang si Ma'am Aguilar.

Tinulak niya ito para lumabas na sa stage ngunit hindi man lang ito natinag. Nakaturo pa din ang daliri nito sa labi nito. "Isang goodluck kiss lang!" Sabi nito.

"Hoy!!" Halos lahat na ng tao sa backstage ay tinatawag na ito. Kaya agad niyang hinalikan ang pinagdikit niyang hintuturo at middle finger at nilapat sa labi nito.

"There! Alis na!" Sabi niyang nafufrustrate na.

Napatawa ito. "I love you!!" Sigaw nito habang mabilis na tumakbo papuntang stage.

'Sira-ulo talaga!' Agad siyang pumwesto sa gilid ng curtain para makapanood ng maayos sa boyfriend niya. Nakaupo ito sa isang high stool.

"Ehem, ehem. Mic test 1, 2, 1, 2, 3." Dinig niya noong tinry ni Mikael ang mic. "This song.. I'm about to sing is dedicated to my girlfriend. I love you, babe." Sabi nitong nakatingin sa kanya.

Namula agad siya noong tinukso siya ng mga tao sa backstage. Lumabas din ang mom niya and lumapit sa curtain para sumilip kay Mikael sa stage.

Bigla niyang narinig 'yong instrumental na mabilisan lang. Then, boses na ni Mikael.

'Shet!'

Halos lahat ng babae ay napatili. Ang lamig ng boses nito. Kinakanta nito ang Last Forever ni Matt Cab. Parang gusto niya din mapatili ng bongga-bongga at makipagsabayan sa mga tili girls.

Nagulat siya ng tumayo ito habang kumakanta at tinanggal ang mic sa mic stand at lumapit sa kinaroroonan niya. Bigla siya nitong hinila papunta sa gitna ng stage.

'Naka robe pa siya, for crying out loud! Parang kakaligo lang, ganoin?'

Tinry niyang bawiin ang kamay niya pero hinigpitan nito lalo ang paghawak hanggang sa nakarating na sila sa gitna ng stage. Kamatis na naman siya for sure!

Binitawan nito ang kamay niya then pinaupo siya sa highstool, habang ito ay nanatiling nakatayo sa gilid niya at patuloy na kumakanta. Umiwas siya ng tingin dito. Nahihiya siya kaso pagtitingin naman siya sa audience ay mga nakangiti at nanunuksong tingin ang nakikita niya. Kaya mas lalo lang siyang nahihiya. Bigla nitong inangat ang mukha niya gamit ang isang kamay para maghinang ang kanilang mata. Napatulala siya sa blue eyes nito, kaya 'di na siya nakaiwas dito. Nang patapos na ang kanta ay bigla itong lumuhod sa gilid niya, kinuha ang kanyang kanang kamay at hinalikan ito.

Sigawan at palakpakan ang naririnig sa buong auditorium. May pumito pa. Grabe.

Pinatayo siya ni Mikael at agad hinalikan ang noo niya. Pagkatapos ay inakbayan siya at humarap sila sa audience.

Tinampal niya ito sa balikat. "Mga keso moves mo talaga, Mikael!" Angil niya dito.

"Asus! Kinikilig ka naman! Bow tayo sa fans natin, babe." Sabi nitong natatawa. Natawa na lang din siya. "1, 2, 3 bow." Bilang nito at sabay silang nagbow at hawak kamay na pumunta sa backstage.

Bati-an at kantiyawan ang natanggap nila sa mga tao sa backstage. Kahit ang mom niya ay tuwang-tuwa sa engot niyang boyfriend. Hindi halatang boto siya, promise! Nang humupa na ang mga tao ay pumwesto sila malapit sa exit door at agad siya nitong niyakap.

"Galing mo palang kumanta?" Tanong niya habang yakapyakap siya nito.

"Ako pa! Kinilig ka, no? Aminin mo!" Tukso nito sa kanya. Agad naman siyang tumango na natatawa. "Alam mo ba iyong title ng kinanta ko?" Tanong nito at binitawan na siya para magkatinginan sila.

"Yeah. Last forever. Napanood ko 'yan sa youtube." Sagot niya.

"Sino mas magaling kumanta? C Matt Cab or ako na pogi mong boyfriend?" Tanong nito na inangat angat ang mga kilay.

Napatawa siya. "Pag-iisipan ko. Medyo mas lamang si Matt eh."

"Ahh ganoon?" Sagot nito na parang napapaisip.

"Bakit?" Tanong niya.

"Nag-iisip akong makipag showdown kay Matt Cab. Paano ko kaya siya macontact? Magpa online survey na din ako." Sagot naman nito na seryoso.

"Sira-ulo ka talaga!! Ikaw na babe! Ikaw na magaling, okay?" Sagot naman niya.

"Hindi eh. Kung ako talaga dapat sumagot ka agad. Wala ng mga second thoughts." Sagot nitong nag-aakmang magpapout ng lips.

"Hoy! Huwag kang mag pout, ha! Hindi ka cute!" Sabi niya dito. Pero hindi siya nito pinakinggan at tinuloy ang pagpout. Hays. Lokoloko talaga. Hinawakan niya ang pisngi nito at hinalikan ito sa pisngi. "Ikaw nga ang mas magaling, babe. Walang halong bias, walang halong biro. Kinilig nga ako, eh."

"Talaga?" Sagot naman nito na agad nagliwanang ang mukha. Tumango lang siyang nakatawa and natigilan ng nakitang napatingin ito sa bibig niya.

"Can I?" Tanong nito. Hindi hinihiwalay ang mata nito sa bibig niya.

Parang nanuyo ang lalamunan niya pero tumango din siya ng marahan. Hinawakan din nito ang pisngi niya at papalapit na sana ang mga bibig nila sa isa't isa ng biglang tinawag ng mom niya ang pangalan niya. Agad siyang bumitaw dito.

"Wrong timing naman si Mommy." Sabi nito.

"Mommy na talaga?" Sabi niyang nakangiti.

"Yeah. Sabi niya sa 'kin kanina noong nag perform ka eh. Mommy na daw tawag ko sa kanya. Siyempre, masunurin akong son-in-law, babe." Sagot nito sa kanya.

Napatawa na lang siya. Narinig niya naman ulit na tinawag siya ng mom niya. "Tara na, babe. May Q&A pa tayo. Kaya siguro tinatawag na ako kasi mahirap isuot noong recycled gown ko."

"Fine. Basta kiss ko mamaya ah." Sabi nito.

"Kapag manalo ka!" Sagot niyang natatawa.

"Mananalo ako! You'll see!" Mayabang na hayag nito at maghawak kamay na naglakad papunta sa dressing room ng mga babae, hinatid siya nito at ito naman ay dumiretso na sa para sa mga lalaki.

Pagkatapos nilang mag ayos ay agad na silang nagline up para magrampa sa stage, suot ang mga gawa ng classmates nila na gown galing sa recycled materials. Mahirap isuot 'yong tube gown niya kasi ginawan pa nila ng train na mahaba na gawa sa straw, barb wire at crown ng bottle ng softdrinks. May suot lang siyang tube dress sa loob na skin tone ang color. May suot pa siyang mini hat na naka attach sa headband na gawa sa isang walang laman na canfood na dinikitan ng wrapper ng candy at straw para magkaroon ng style.

Si Mikael naman ay naka barong, pinorma lang na parang accessories ang mga recycled materials sa buong barong. Ginawan lang din ito ng parang garland na made of straws na finold para maging flower. Simple lang ang sa mga lalaki. Mas mabongga talaga ang sa babae.

Inalayan siya ng boyfriend niya noong nagsimula na silang maglakad. Kanina pa siya nito tinatanong kung okay lang ba siya at kung mahirap ba ang gown niya. Kaya niya naman kaya inalayan na lang siya nito. Nag-5 inches high heels nga lang siya kaya medyo nahirapan siya. By partner silang tinawag para rumampa. Nagawa naman nilang dalawa ng maayos ni Mikael. Then, pumunta na sila sa pwesto nila sa stage habang nag- aantay na tawagin ulit para sa Q&A.

Medyo kinakabahan siya sa magiging tanong ng judge sa kanya, bumabalik na naman ang kabang naramdaman niya kaninang umaga. Naramdaman niya na lang na dumausdos ang kamay ni Mikael galing sa siko niya papunta sa kamay niya at pinisil ito ng marahan. Napatingin siya dito at agad ito nagsabi ng 'I love you'. Agad siyang sumagot at napangiti na lang silang dalawa. Agad na naglaho 'yong kabang naramdaman niya.