It's already 9 in the evening at kanina pa nakahiga si Chloe sa kama niya. Usually, 8:30 pa lang ay nakatulog na siya, hindi katulad ngayon. Kanina pa siya pabaling-baling sa kama. Ni ayaw siya dalawin ng antok at gising na gising pa talaga ang diwa niya. Nafufrustrate na nga siya kasi iniisip niya pa din iyong sinabi ni Mikael na itetext siya nito. Pero paano naman siya nito itetext eh wala nga silang number sa isa't-isa?
Naikwento na niya sa mom niya ang lahat ng nangyari sa "date" nila ni Mikael. As in, lahat-lahat talaga. Her mom playfully scolded her, telling her na kung bakit ang bilis niyang bumigay kay Mikael. She reasoned out, of course, na hindi na siya nakaangal pagkasabi ni Mikael na boyfriend niya na ito. Tumawa lang ang mom niya and told her na boto ito kay Mikael. 'Yeah right, mom!'
Siguro mga 25 minutes na ang nakalipas at finally, bumibigat na iyong talukap ng mga mata niya ng biglang nagring 'yong cellphone niya. Nag rattle agad siya at mabilis na hinagilap ang cellphone niya sa bedside table. Muntik pa itong mahulog sa sobrang pagkataranta niya.
Unknown number ang tumatawag sa kanya.
'Shet.'
Nanginginig ang kamay na sinwipe niya ang answer button sa screen ng cellphone.
"H-hello?" Nanginginig ang boses na sagot niya.
"Hey! Guess who?" Sagot naman ng sa kabilang linya.
Tinakpan niya agad ang bibig niya and napatili ng saglit. Kinikilig siya! 'Shet lungs talaga!' Ang swabe ng boses nito.
"Akala ko ba magtitext ka lang?" Napa-deep breathing muna siya ng 5 seconds before niya sinabi ang tanong niya.
Narinig niyang napatawa ito ng saglit. "I missed you, kaya tawag na lang. Kanina mo pa ba ako inaantay? I forgot hindi pala tayo nakapagexchange ng number. Stupid of me. Natagalan ako macontact si Terence para lang makuha ang number mo kay Kristel." Tukoy nito sa boyfriend ni Kristel.
Napatakip agad siya sa bibig niya para mapigilan ang mapatili ng malakas. Grabe talagang magpakilig ang lalaking 'to. Napadapa siya sa kama niya at inangat ang paa niya. "Kaya nga eh. Naalala ko na lang din noong nakaalis na kami sa mall. You're not yet sleepy?" She asked.
"Nope. I missed you, babe. Really. Namiss mo din ba ako?" Sabi nito.
"Yeah.." Sagot niya ng pabulong.
"What? Hindi ko narinig. Ulitin mo, babe." Sabi nito sa natatawang tono.
"Narinig mo eh! Lokohin mo pa 'ko!" She exclaimed. Sa maghapong kasama niya ito ay feeling niya'y kilalang-kilala niya na ang pagiging maloko nito.
Napatawa ito sa kabilang linya.
'See! Bully talaga!'
"Are you sleepy?" Tanong nito.
"No. Not yet. Ikaw?" She asked in return.
"Nah. Ang saya ko eh. By the way, mark this day in your calendar, okay? Much better kung gawin mo siyang reminder. Gawin mo hanggang year 2500. Yeah! You do that." Sabi nito.
"Huh? Reminder hanggang year 2500? Why?" She asked na nalilito.
"Anniversary natin, babe." Sagot nito na nagpakilig lalo sa kanya.
"Then, bakit hanggang year 2500?" She asked again.
"Wala lang. Trip ko lang." He answered then chuckled on the other line.
"Ewan ko sa 'yo, Mikael." Sabi niya sa natawa na nainis na tono.
"I really missed you. I still can't believe you're my girl now. Hey, can we see each other tomorrow? Sabay tayong magsimba?" Sabi nito.
She was about to say yes, when she remembers na Sunday lang talaga ang araw na makakasama nila ang dad niya. He may not be around from Monday to Saturday, sometimes Sunday din, but her mom told her a while ago that her dad promised to come with them to attend mass tomorrow. She missed her dad.
"I can't, Mikael. Kasama ko sina Mom and Dad bukas. My dad's really busy and minsan lang namin siya makasama. I'm sorry." Sabi niya dito. Nalungkot siya but then again, family comes first.
"No, don't be. I understand, babe. Kasama ko din parents ko bukas. I was just thinking, ipapakilala sana kita sa kanila." Sabi nito.
"What?!" Napabangon siya sa kama pagkarinig niya sa sinabi nito.
"Why? What's wrong with that? You're my girl now. Just wanna let you feel that I'm serious about you." Sagot nito.
Naramdaman niyang pumula 'yong pisngi niya. "Mikael, ang bata pa natin para magseryoso talaga."
"What do you mean? Hindi ka seryoso sa 'tin?" He asked na medyo naging seryoso 'yong boses.
"No! Hindi naman sa ganoon, Mikael! What I mean is, why don't we enjoy this muna. Mga bata pa tayo. Don't get me wrong. I really like you. A lot. Crush kita since the first time I saw you. Pareho tayo. But then, ang bata pa talaga natin. Ang hirap i-explain but I hope you understand what I'm trying to say." Paliwanag niya.
Narinig niyang napabuntong hininga ito sa kabilang linya. Matagal bago ito sumagot ng mahinang 'okay' sa kanya.
"I like you, b-babe." She stammered with the eandernment.
"I like you more." He respond immediately, but still seryoso pa din ang tono nito.
"Galit ka?" She asked.
"No. Napapaisip lang. Pinaprocess ko pa sa isip ko ang sinabi mo." Sabi nito.
"Mikael naman eh!" She exclaimed.
Tumawa ito. "Kanina, natawag mo na akong 'babe', tapos ngayon Mikael na naman?"
"Bakit kasi babe? I don't like it. Parang baboy. Babe: pig in the city lang?" Sabi niya.
Tumawa ito lalo. "You told me na bata pa tayo, am i right? Babe nga kasi bata pa tayo. Aangal ka pa ba? At baboy? Cute na baboy kung ganoon."
"What?! Hindi ako mataba ah!" Sabi niyang naiinis na naman.
"May baby fats ka pa, babe. Kaya nga ang cute mo, eh." Tukso nito sa kanya.
"Nakakainis ka!" Napasigaw na siya sa sobrang inis niya dito. Ang bully talaga ng boyfriend niya.
"Just kidding. Pikon ka talaga." Natatawa na naman ito sa kanya.
"Ewan ko sa 'yo! Babe mo, mukha mo! Makatulog na nga lang!" Naiinis na pagkasabi niya.
Tumawa lang ito ng tumawa sa kabilang linya. Bully talaga. Siya na talaga.
"Off ko na ah! Nakakainis ka na!" Sabi niya pero hindi naman ini-off ang tawag. Inaantay niya pa itong magsalita ulit.
"Sorry na, pikon ko. Yan na lang tawag ko sa'yo! Pikon. Medyo over used na din 'yong babe eh. Para maiba naman at bagay naman sa'yo!" Sabi nito after humupa ang tawa nito.
"Bahala ka nga sa buhay mo! Isa kang dakilang bully! Ewan ko ba ba't nagkacrush pa 'ko sa'yo!" Sabi niya sa natatampong tono na.
"Hey.. Wala namang ganyanan, pikon. Sorry na." Sabi nito na mukhang naging seryoso na.
"Kung hind pa 'ko napikon ng sobra, hindi ka pa titigil! Ewan ko na lang talaga sa'yo, Mikael! Bahala ka na nga! Matutulog na ko! Goodnight!" Sabi niya at agad ini-end ang call.
Agad itong tumawag ulit pero hindi niya agad sinagot. Dakilang bully pala talaga si Mikael. Pinagtitripan talaga siya nito.
Naka dalawang misscalls na ito sa kanya ng sinagot niya ang pangatlong tawag nito.
"What?" Sagot niya agad dito.
"Sorry na. Babe naman. Huwag naman masyadong pikon." Masuyong sabi nito.
"Huwag din masyadong bully! Nakakainis ka!" Sagot niya.
"Oo na po. Sorry na po." Sabi nito sa kanya. "I like you."
"Tse! Matulog na tayo! Lampas 10 o'clock na." Sabi niyang naiinis pa din ang tono.
"Okay po. I like you, pikon." Ulit nito.
"Hay! I like you too, bully!" Sagot niyang surrender na talaga sa pagiging bully nito.