Kakapasok pa lang ng sasakyan nila sa entrance ng school ay nakita na agad ni Chloe si Mikael. Nagtext ito sa kanya pagkagising at agad siyang sinabihang hihintayin siya nito sa gate at sabay na daw silang pumasok sa loob. Nahihiya siya, na kinikilig, na kinakabahan. Ewan ba niya! Eh siyempre ba naman campus heartthrob kaya ang boyfriend niya. At sobrang gwapo pa lalo nito ngayon sa suot na blue v-neck shirt, dark pants at white sneakers. Hindi sila naka-uniform ngayon dahil ngayong araw na ang start ng Foundation week ng school nila.
Pagkababa niya sa sasakyan ay agad siyang sinalubong ni Mikael. Halos lahat ng estudyante sa gate ay nakatingin dito. Ang iba pa nga ay kandahaba na iyong leeg kakamasid lang sa gagawin ni Mikael. Doon niya lang napansin na nakatago ang kanang kamay nito sa likod ng nakalapit na ito sa kanya.
Tiningnan muna siya nito mula ulo hanggang paa bago siya binati. Medyo nailang nga siya since nakasuot lang siya ng maong shorts na hanggang kalahati lang ng legs niya at black na chiffon blouse.
"Hey, babe! Oh, para sa'yo." At bigla nitong inabot sa kanya ang isang blue rose. Ito pala 'yong tinatago ng loko.
Agad siyang nagblush at tinanggap ang bigay nito. "Bakit blue?"
"Wala lang. Trip ko lang." Sabi nitong kumindat sa kanya at agad kinuha ang dala niyang bag at sinukbit nito sa balikat.
Akmang hahawakan na nito ang kamay niya ng may narinig siyang mga singhap sa paligid nila at doon niya lang napansin na halos lahat pala ng mga tao malapit sa gate ay napatigil at napatingin na lang sa kanila. Mayamaya lang ay nakarinig na siya ng mga nag-iiyakan.
'What the hell? Mag-iiyakan talaga? Seriously?'
Tiningnan niya lang si Mikael na dedma lang sa mga babaeng nag-iiyakan.
"Tara na, babe." Aya nito at tuluyan ng nahawakan ang kamay niya.
Pinagtaasan niya na lang ng kilay ang mga nanlilisik na tingin ng ibang mga babae. Hindi niya sukat akalain na ganito pala ang magiging outcome, kung ang isang heartthrob ng school na never pa nabalitaang nagkagirlfriend, ay bigla na lang magkaroon.
Dumiretso na sila sa classroom nila kahit halos lahat ng madadaanan nilang mga estudyante at 'yong iba ding mga teacher ay napapanganga pagkakita sa kanila. Hindi na lang talaga siya umimik, kahit na nahihiya siya sa atensyon na nakukuha nila.
Pagkapasok nila sa loob ng classroom ay ganoon din ang nangyari. Gulat na gulat ang mga classmates nila, except kay Kristel na bumungisngis lang.
Nang bigla siyang napatingin kay Jasper ay namumutla, nakanganga at nanlalaki ang mga mata nito. "Kayo na?! Wait? What?" Sabi nito.
"Yeah!" Sagot naman ni Mikael. Proud na proud iyong itsura ng loko.
Bumitaw na siya sa pagkahawak kamay kay Mikael para makadiretso na siya sa upo-an niya at akmang aabutin na sana ang bag niya dito, pero iniwas nito ito sa kanya.
"Ako na, ang bigat ng bag mo." Bulong nito at tinuro nito ang upo-an niya na parang sinasabi nito na mauna na siyang maglakad papunta doon. Agad din niyang sinunod ito, since naiilang talaga siya sa atensiyon na nakukuha nila sa mga kaklase. Pagkaupo niya ay agad siyang tiningnan ng makahulugan ni Kristel. Alam niya na ang gusto nito. She just mouthed 'later'.
"Kailan pa?" Tanong naman ulit ni Jasper, makaraan ang ilang sandali.
"Saturday." Tipid na sagot ni Mikael na nakasunod pala sa kanya at nilapag ang bag niya sa likod ng upo-an niya. Hindi ito agad umalis sa tabi niya, kaya napaangat ang tingin niya dito at nakitang pasulyap-sulyap ito kay Kristel.
"Oh bakit, Mikael? Gusto mo bang umupo dito?" Tanong ni Kristel at agad tumango si Mikael. "Hay naku! Makikitsismis pa sana ako eh! Ngayong linggo lang, ha? Ayokong umupo sa harap!"
"Oo, promise. Thanks, Kristel!" Pasalamat ni Mikael ng tumayo na si Kristel.
"K. Whatever! Chloe! Mamaya ah!" Sabi nito sa kanya at ng tumango siya ay agad itong nagsmile ng nakakaloko.
Umupo na agad si Mikael sa pwesto ni Kristel at agad hinawakan ang isang kamay niya.
"Mikael! Hindi ka ba naiilang?" Saway niya dito. Tiningnan niya ang mga taong nasa paligid nila at agad nayuko ng nakitang nakatingin pa din ang mga 'to. Kahit sa labas ng pinto ay may mga estudyanteng babae na nakasilip. Ni walang ingay sa loob ng classroom nila, na parang lahat ay nakikinig sa kung ano man ang sasabhin nilang dalawa.
'Grabe naman! Hindi lang naman si Mikael ang pinakagwapo dito sa school ah! Sus!'
"Ba't ako maiilang? Sarap kaya hawakan nitong kamay mo kahit medyo magaspang!" Sagot nito na nang-iinis na naman.
"Hoy! Anong magaspang?! Nag-uumpisa ka na naman!" Inis niyang turan dito at binawi ang kamay niya. "At bulag ka ba? Nakatingin silang lahat sa 'tin." Sabi niya ng pabulong.
"Siyempre. Pogi ng boyfriend mo, eh." Sagot nito ng pabulong din.
"Ang yabang mo talaga!" Sabi niya at hinampas-hampas ito sa balikat. Tumawa lang ang loko. Noong may napatikhim na doon niya lang naalala na nasa loob pala sila ng classroom at hindi pa pala naka-get over ang mga classmates nila sa kanila. Agad siyang umayos ng upo at nilabas na lang agad ang cellphone niya para may mapagkaabalahan. Nagulat na lang siya ng inagaw ito ni Mikael at nilahad sa kanya ang cellphone nito.
"Palit tayo." Sabi nito na may nakakalokong ngiti.
"Sus! Wala ka namang may makikita diyan, eh." Sagot niya pero agad ding kinuha ang cellphone nito. Aba'y syempre, mas maganda na iyong sigurado, baka mamaya may iba pala ito.
Mayamaya lang ay dumating na 'yong teacher nila. Agad nitong tinago sa bulsa ang cellphone niya. At ganoon na din ang ginawa niya.
"Mamayang uwian ko na ibabalik to, ha?" Sabi nito.
"Ano pa ba magagawa ko? Eh binulsa mo na!" Sagot niya na inirapan ito. Napatawa ito ng mahina at agad tumahimik ng magsimula ng magsalita si Ma'am Aguilar sa harap.
Nagkastiff-neck siya ng araw na iyon. Yes, stiff neck. Ikaw ba naman na always nakayuko 'pag may maraming taong nakakasalubong eh hindi ka magkakaroon noon? Eto naman kasi si Mikael, halos ayaw na siyang bitawan. Kahit pagpunta nga nito ng CR ay parang gusto pa siyang isama. Kung hindi lang nito nakita na maraming tao sa loob ng cr ng boys ay baka nakapasok na nga siya doon.
Naikwento niya na kay Kristel ang lahat about sa kanila ni Mikael noong silang apat, kasama sina Terence at Mikael ay sabay kumain ng lunch. Magkatabi sila ni Kristel at sa harap niya si Mikael, habang sa harap naman ni Kristel si Terence. Tawang-tawa ito sa kwento niya. Natapos niya ang kwento niya sa pabulong na paraan. Feeling niya kasi halos lahat ng babae doon ay lumalaki ang tenga marinig lang ang kwentuhan nilang dalawa. After naming mag-usap ay agad umangal si Mikael.
"Dito ka na Kristel, namiss ko na ang babe ko." Angal nito na agad siyang pinamulahan ng pisngi. Grabe talaga 'tong lalaking 'to.
"Magkaharap naman kayo, eh! Over ka, Mikael! Pinaupo na nga kita sa upoan ko sa classroom hanggang dito ba naman?!" Sagot ni Kristel na nang iinis, tumawa lang si Terence.
"Sige na! Tabi na din kayo ng tart mo!" Sagot naman ni Mikael at agad tumayo at dumaan sa likod niya.
"Hindi ko alam na ganyan ka pala ka-clingy, Mikael! To the highest level! Grabe!" Sabi ni Kristel pagkaupo nito sa harap niya.
Tumawa lang si Terence at Mikael, habang siya naman ay napayuko lang. Nararamdaman niya kasi na marami na namang nakatingin sa kanila. Biglang hinawakan ni Mikael ang kamay niya na naging daan para tumingin siya dito. He mouthed 'I like you'. Kaya ayun, naging kamatis na naman siya.