The whole week ay sobrang naging busy sila ni Mikael. Sa maghapon na pagpapractice para sa pageant pa lang ay sobrang drained na silang dalawa. Pero bilib pa din siya sa boyfriend niya kasi nagawa pa din nitong ipanalo ang team EMEBY, pinagcombine na name ng section nila at section Ruby, sa Quiz Bee. Naturally born genius talaga ito, kasi sabi nito ay hindi na ito nakaprepare para sa naturang contests, pero voila at nasagot naman nito lahat ng tama ang mga questions na tinanong dito. Eh 'di siya na! Siya na talaga! Nakakaproud, hindi ba?
Eventually, natutunan na ding mag move-on ng mga schoolmates and classmates namin. Siguro napag-isip isip naman nila na hindi naman talaga kagwapohan si Mikael para mainggit sila sa kanya at maghinapis ang mga ito ng dahil lang sa nagkagirlfriend na ang isa sa dating NGSB heartthrob ng school. Pero siyempre joke lang na hindi pogi ang boyfriend ko, sobrang pogi nito at alam ng loko 'yon kaya nga mayabang eh.
Ganoon pa din si Mikael the whole time na magkasama sila. Hindi kami inaabot ng isang oras na magkahiwalay. Noong nag Quiz Bee lang talaga ito kami nagkalayo ng matagal. Ang clingy nito masyado, pero hindi siya naiinis sa pagkaclingy nito ah. Kinikilig pa nga siya lalo dito.
Saturday came at umagang-umaga pa lang pagkagising niya ay kinakabahan na agad siya. Grabe iyong preparations nila para sa pageant. Grabe 'yong practice, kaya natatakot siyang magkamali.
Nagulantang na lang siya sa pagring ng cellphone niya. It was Mikael on the other line. Agad niya itong sinagot.
"Babe. Good morning... I've just woke up. Kanina ka pa gising?" Bati nito sa kanya.
Shet lungs. Ang sarap pakinggan ng bedroom voice nito. First time kasi nitong tumawag sa kanya sa morning. Usually kasi nagtitext lang ito.
"Good morning too. Medyo kanina pa. I'm still in bed." Sagot niya sabay unat.
"Bangon ka na at maligo, so you could arrive early sa school. I wanna see you. I've missed you.." Senswal nitong pagkasabi.
Kinilig agad siya sa sinabi nito. Grabe lang talaga ang loko. Then, naalala niya 'yong pageant nila later. "Kinakabahan ako."
"Why? Don't be. Kasama mo 'ko. Kung gusto mo holding hands tayo the whole time sa stage para 'di ka kabahan, you like that?" Sagot nito.
Ofcourse gusto niya, but then again, baka mas lalo lang siyang kabahan at magbablush na lang siya sa buong oras na nagpapageant sila. Lakas pa naman ng epekto nito sa kanya. "Huwag na. Kaya ko 'to!"
"Asus! Sige na. Don't be shy. Alam ko naman gustong-gusto mong naghoholding hands tayo eh." Tukso nito sa kanya.
"Tse! Babangon na nga ako! Maligo ka na din and mag almusal. I'll see you at school." Paalam niya.
"Alright. I love you." Sabi nito.
"Huh?" Nagulat siya kasi eto na naman. First time na naman na nagsabi ito ng ganoon sa kanya. Grabe tuloy 'yong pintig ng puso niya.
Narinig niya lang itong tumawa sa kabilang linya. "Bingi!" At agad ini-end ng loko ang tawag.
Napahawak siya sa puso niya at bigla siyang napangiti. Kinikilig siya, promise! Pagkatapos ng ilang sandali ay tumayo na siya at dumiretso sa banyo. Hindi pa rin natatanggal ang ngiti niya.
After niyang magbihis ay agad niyang chineck ang cellphone niya. May message si Mikael 4mins ago. Telling her na mag aantay lang ito sa gate ng school nila tapos may ILY sa huli. Agad siyang nagreply asking if its like or love. Inantay niya mag reply ito. Lumipas na ang 5mins ay hindi pa din ito nagreply. Akmang lalabas na siya ng room niya ay nagreply na ito. Pagkabukas niya ng message ay kinilig agad siya.
'Its up to you. Like or love, or both. Pareho ko namang nararamdaman yan sa'yo. See you at school. Breakfast ka na. Papunta na ako ng school. Can't wait to see you. ILY. <3'
Kakilig di ba? Shet lungs. May heart pa sa dulo!
Mabilis na siyang bumaba at dumiretso sa dining room. Naabutan niya ang mom niya na umiinom ng kape nito.
"Good morning, mom!" Bati niya at agad bumeso dito. Umupo na siya sa mesa at agad nagprepare ng cereals niya.
"Mornin', Ms. St. Claire. Are you ready for later?" Bati nito sa kanya.
"Mom! I don't want to expect na ako talaga ang mananalo. Magaganda and magagaling din naman po ang ibang contestants." She replied.
"Win or lose, for me you'll always be the winner, baby." Masuyong sabi ng mom niya. "And you're the prettiest too! Mana ka sa 'kin eh!"
Tumawa lang siya and mabilisang kinain ang cereals niya. Her mom is just looking at her intently.
"Why the hurry?" She asked.
"Papunta na po kasi si Mikael sa school. He's waiting for me on the entrance." Sagot niya.
Napahagikhik ito. "Oh, its so nice to be young and inlove." But then, I saw her smile faded then nag-iwas ito ng tingin sa kanya. "What time is your pageant again, anak? What time should we bring your things?"
"3:30 daw po 'yong assembly time namin, 5 o'clock ang nasa program. So, before 3:30, mom, you should already be there." She answered.
"Okay, anak. I asked your dad if he could come and watch, he said he'll try." Ani nito sa kanya.
"Its okay, mom. I understand. Basta nandiyan ka lang, masaya na po ako." Sabi niya but she really do hope that her dad would come.
After niyang kumain agad siyang tumulak papuntang school. Sinalubong agad siya ni Mikael na nakasmile ng bongga. Nagulat siya na pareho silang nakasuot ng plain white longsleeves shirt. Kaya pala tinanong siya nito kagabi kung ano ang isusuot niya sa araw na to. Mag couple shirt pala ang nais.
"Hey, beautiful!" Bati nito at agad kinuha ang shoulder bag niya at sinukbit sa balikat. Hinawakan nito ang kamay niya pagkatapos.
"Gayagaya talaga ng damit?" Tukso niya.
"Para cool couple tayo, babe. Mainggit lalo 'yong iba sa'yo kasi ang sweet ng boyfriend mo." Sabi nitong kumindat sa kanya at tumulak na sila papasok ng school.
Tinupad nga ng mom niya ang sinabi niya dito. Nakarating ito kasama ang isang katulong nila, make-up artist and hair stylist niya. Nasa loob na sila ng backstage ng auditorium ng school nila kung saan gaganapin ang pageant.
Nahati sa dalawa ang backstage para sa babae at lalaking contestants, kaya naghiwalay sila ni Mikael. Ayaw pa nga pumayag noong una ng loko. Pinakiusapan nito ang principal nila na kung pwedeng sumama ito sa side ng mga babae kasi hindi daw nito kayang mawala siya sa paningin nito. Tawang-tawa lang na umayaw ang principal nilang si Ma'am Hernandez.
Sira ulo talaga ang boyfriend niya. Her clingy boyfriend.
Natapos din ang pag-aayos niya para sa opening nila. Kinakabahan siya pero iniisip niya na lang na kailangan niyang maging confident para magkaroon naman siya ng chance manalo. Sasayaw silang lahat na mga contestants ng kantang Can't keep my hands to myself ni Selena Gomez. Nakasuot silang mga girls ng tshirt na may pangalan ng team nila at naka short shorts na denim, habang ang mga boys ay nakasuot din ng tshirt ng team nila at denim shorts na hanggang tuhod. May pagkasexy 'yong sayaw nila. Partner by partner sila ng mga kateam mates nila kaya kapartner niya ang boyfriend niya. Ang huli noon ay mag saslide sila pababa sa harap ng partner nilang lalaki habang hawak sila nito sa kamay. Ayaw yata ng boyfriend niya ng sayaw na 'yon kasi kapag magpractice sila ay napakatahimik nito.
Natapos din nila ang opening na halos lahat ng mga audience ay napapatili ng sobrang lakas na nakakabingi na. Napatingin siya kay Mikael at nakita niyang napakaseryoso ng itsura nito, habang siya naman ay hindi nawawala ang ngiti sa mukha. Kasi iyon ang turo sa kanya.
Ano kaya ang problema nito?
Pumwesto na silang lahat sa itinuro sa kanilang pwesto, magkatabi sila ng mga partner nila. Hinawakan ni Mikael ang kamay niya noong nagstart ng magsalita ang emcee.
"Anong problema? Ba't napakaseryoso mo?" Tanong niya dito ng pabulong na hindi nakatingin dito kundi sa audience.
Nagkibit lang ito ng balikat. Hindi pa rin nakasmile ang loko.
"Smile." Paalala niya dito at tumingin dito ng saglit.
"I love you." Sabi naman nito na nakatingin na pala sa kanya.
"I love you more." Sagot niya. Agad itong ngumiti ng bongga-bongga na parang kinikilig. Sira-ulo talaga.
Magpapakilala na sila ng sabay-sabay at irerepresent ang bawat team nila. Ika-number 5 sila. Noong sila na ang tinawag ng emcee ay agad tumili ang lahat ng audience sapagkat hinalikan muna siya ni Mikael sa pisngi bago sila lumakad papunta sa gitna. Pulang-pula ang pisngi niya. Damn.
Nauna siyang nagsalita, "Hello everyone, my name is Chloe Mendoza.." agad niyang pinalapit kay Mikael ang stand ng mic.
"Edwards." Dugtong nito. "And I'm her husband, Mikael Edwards." Nakangising sabi nito pagkatapos ay pinalapit nito sa kanilang dalawa ang mic.
Hindi siya agad nakasalita sa sinabi ng loko, napatingin siya sa audience ng may tumayo at pumalakpak na isang nasa mid 40s na amerikanong lalaki.
"And.." Pauna nitong sinabi na agad nagpabalik sa kanya sa huwisyo.
"And together, we're reperesenting team EMEBY!" Sabay nilang sinabi ng malakas.
"I do!" Bigla nitong dinagdag.
Halos lahat ng audience at co-contestants nila ay napatawa at nagpalakpakan. Agad niyang hinila si Mikael para bumalik na sila sa pwesto nila sa likod. Tawang-tawa naman ang loko.
"Sira-ulo ka talaga." Singhal niya dito pagkabalik nila sa pwesto.
"I love you." Sagot naman nito.
"Tse!" Inis niyang hayag. Pero nagpasalamat na din siya sa kakulitan nito. Atleast, nawala na talaga ang nararamadaman niyang stage fright. 'Yon nga lang nahihiya naman siya sa sobrang cheesy talaga ng boyfriend niya. But nonetheless, she likes it. So much.