Natapos nila ang pagshashopping na hindi man lang binitawan ni Mikael ang kamay niya. Tango at iling lang ang nasasagot niya kapag ito'y magtatanong tungkol sa damit nila.
"Kain muna tayo." Sabi nito after nitong mabayaran ang pinamili nila. Kompleto na lahat. Ang kulang na lang is iyong magiging gown and barong nila na gawa sa recycled materials. May mga classmates na silang naka-assigned para gumawa noon. And yes, siya ang nagbayad ng lahat ng pinamili namin. Siya na ang may gold card. Yabang! Spoiled yata tong si Mikael eh. Sa pagkakaalam niya may poultry and fish business ang family nito na major supplier ng lahat ng branch ng isang kilalang mall sa Pilipinas.
Tumango lang siya bilang sagot at agad inambang kuhanin iyong ibang shopping bags na hawak nito. Na agad din nitong iniwas sa kanya.
"Ako na, babe." Sabi nito na may nakakalokong ngiti. "Ang tahimik mo naman." Tudyo pa nito.
"Ang bilis mo kasi.." Sagot niyang nahihiya.
Tumawa lang ito at mas lalong hinigpitan iyong paghawak sa kamay niya. "You like me, and the feeling is mutual. So, bakit pa natin patatagalin?"
Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya akalaing gusto din oala siya nito. "Hindi ka pa nga nanligaw. At ang bata pa natin, Mikael." Sagot niya sabay kagat labi.
"So? I can still court you kahit girlfriend na kita. And bata? Marami pang mas bata pa sa iyo ang nagkaboyfriend na. Modern age na, babe." Dahilan nito.
Pumula lang lalo ang pisngi niya sa senswal na pagkasabi nito sa eandernment nito sa kanya.
"Where do you want to eat?" He asked habang pababa sila ng escalator.
"Kahit saan, okay ako." Sagot niya. Agad namang nilibot ni Mikael ang paningin nito pagkababa nila ng 2nd floor.
"Burger king? Or mas gusto mo iyong mas sosyal?" Sabi nito na tiningnan siya sa mukha. Nanatili siyang nakayuko at agad nagulat ng hinawakan nito ang mukha niya para magtagpo ang mga mata nila. Tinaas-taas nito ang mga kilay, urging her to decide.
Napatingin siya dito at agad ding binawi ang mata. "Okay na ko sa BK."
"Okay, babe." Sagot naman nito at agad siyang ginaya papunta ng naturang fastfood chain.
Nag-oorder pa ito ng pagkain nila, habang siya naman ay nakaupo sa table nila ng biglang may tumawag sa name niya.
"Fancy meeting you here, girl! Who's with you?" Sabay beso sa kanya ni Kristel. Kasama nito ang boyfriend nito na kabatch namin, ngunit nasa kabilang section.
Napatingin siya sa cashier at agad napasunod din iyong tingin ni Kristel. Napatili ito at niyugyog siya sa balikat.
"O-M-G!!! Si Mikael? My ghad!! Ba't di mo sinabing boyfriend mo pala siya. Secret relationship ba, to?" Sabi nito na agad napaupo sa seat na para kay Mikael since pandalawahan lang naman iyong table nila. Habang ang boyfriend nito ay nakatayo lang sa likod nito.
"K-kanina lang naging kami." Sagot niyang nahihiya.
"Ba't hindi mo kinenwento sa aking nanliligaw pala siya sa'yo. Tinukso pa tuloy kita kay Jasper." Sabi ni Kristel sa himig na nagtatampo.
"Mikael, bro!" Bati ng boyfriend ni Kristel sa papalapit na si Mikael, dala-dala ang tray na naglalaman ng pagkain nila. Hindi na siya nakasagot sa tanong ni Kristel na agad ding tumayo pagkarating ni Mikael.
Nag high-five lng si Mikael sa boyfriend ni Kristel pagkatapos nitong ilapag ang tray sa mesa. "Nandito din pala kayo, kumain na ba kayo?"
"Katatapos lang namin ng nakita ni Tart si Chloe. Mag-siyota pala kayo?" Sagot ng boyfriend ni Kristel.
"Yeah." Sagot naman ni Mikael na agad nagpablush sa kanya. "Kain tayo, bro, Kristel?" Yaya ni Mikael na agad inabot sa kanya ang pagkain niya.
"Hindi na, Mikael. Baka naka-istorbo na kami sa date niyo. Nagtatampo pa ako dito kay Chloe dahil hindi man lang shinare iyong tungkol sa'yo." Sabat ni Kristel.
She mouthed the word 'sorry' and 'monday' to her.
"Promise mo yan, ah!" Sabi ni Kristel na agad nakuha ang ibig niyang sabihin.
She just nod her head then looked at Mikael na hindi niya alam ay nakatingin din pala sa kanya.
"Tara na nga, tart! Baka bigla eh matunaw 'tong dalawang 'to. Magtinginan ba naman. Sa monday, ha?" Sabi ni Kristel na agad nagpatawa sa dalawang lalaki at nagpapula lalo ng mga pisngi niya.
Nagpaalam ang dalawang magkasintahan at agad siyang binalingan ni Mikael. "Let's eat?"
Napatango lang siya and agad inuna ang pag-inom ng inumin. Nagsmile ito sa kanya at agad nilantakan ang burger nito.
"May gusto ka pa bang puntahan, babe?" He asked noong napangalahati na nito ang burger.
Siya? Eto. Pabebe kumain. Nahihiya kasi talaga siya. Sino ba naman ang hindi mahihiya eh hindi pa din siya makapaniwala na boyfriend niya na si Mikael. Wala pa nga siyang ka idea-idea na gusto din pala siya nito.
"C-crush mo din pala ako?" Sabi niya na iba sa tinatanong nito.
He smirked.
'Shet. Ang sexy niya ngumisi!!'
"Tagal na. Naalala mo ba iyong unang beses tayong nagkita sa school? You're wearing a pink tutu tapos you're with your mom. Tapos tumigil ka sa harap ko at tiningnan mo ko ng nakanganga." Sabi niya sabay tawa.
Agad siyang namula noong naalala niya 'yon. First day of school noong first year highschool siya. Nagpasama siya sa mom niya kasi new student siya sa St. Claire, unlike kina Mikael na since elementary ay doon na nag-aaral. Takot na takot siya noon. Wala siyang kakilala. Everyone was looking at her pagkapasok pa lang nila ng mom niya sa entrance ng school. Siguro, wrong idea din iyong pink tutu na suot niya kasi makaagaw pansin naman talaga. When they were passing by the corridors patungo sa magiging classrom niya, nadaanan nila si Mikael. She was starstrucked, right there and then. He's wearing a black polo shirt tapos naka cap siya. Mas lalo siyang napatulala sa blue eyes nito noong napatingin din ito sa kanya. Kung hindi pa siya tinawag ng mom niya, hindi pa sana siya makakaalis doon sa kinakatayu-an niya.
Nahiya siya after noong narealize niya ang nangyari that time. Kaya sa sumunod na mga araw, panakaw tingin na lang ang ginagawa niya kay Mikael. Pasimpleng pag-iistalk lang din ang ginagawa niya. Halos lahat naman kasi ng mga classmates niya na babae ay may crush dito. Kaya pag mag uusap ang mga ito ay pa dedma siya kunwari, pero all ears siya sa mga chika ng mga ito tungkol kay Mikael.
"Ang cute mo noon, babe." Tudyo pa nito at nagulat siya noong inabot at pinisil nito ang tungki ng ilong niya.
Mas lalong pumula ang pisngi niya, kaya napayuko na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain ng burger niya, habang ito naman ay napatawa.
"B-ba't hindi mo ko niligawan?" She asked pagkatapos niyang pahirapang lunukin ang kinagatang burger.
"Hindi lang makahanap ng tiyempo. After ng klase, sinusundo ka na agad ng driver niyo. Nararamdaman ko din kasing iniiwasan mo ko. Tapos hindi pa tayo naging magkaklase noong 1st year and 2nd year. Siguro kung naging magkaklase lang tayo noon pa, eh matagal ng naging tayo. Alam ko namang sasagutin mo din ako agad kung nanligaw ako sa'yo eh." Sagot nito sabay ngisi.
"Yabang mo! Asa ka, no?" Sagot niya na hindi nakatingin dito.
Tumawa lang ito. "Ang cute mo talaga noon, babe." Tudyo pa lalo nito sa kanya.