Chapter 3 - Chapter 2

"Hi, Chloe! Goodmorning!"

Bati sa kanya ng classmate niyang si Jasper na nakaupo sa harap na bahagi ng classroom nila. Matagal na itong nagpapansin sa kanya, pero mas lalo na ngayong third year na sila and naging magclassmates pa.

"Hello, Jasper!" Sagot niya pero agad napabaling ang mata niya sa katabi nitong si Mikael, na nakayuko lang at busy sa pagbabasa ng libro nila sa Filipino, which is their next class after ng Homeroom.

Agad na kinantiyawan si Jasper ng mga tropa nito, na nagpaangat ng tingin kay Mikael mula sa binabasa nitong libro. Namula iyong pisngi ni Chloe pagkatapos magtama ang mga mata nila ni Mikael.

Crush niya si Mikael Edwards, since freshmen year pa. Ngayong school year lang sila naging magkaklase. Half american ito, blue ang color ng mga mata na namana nito sa amerikanong ama. Si Mikael ang pinakamatalino sa klase nila. Hindi siya iyong tipong nerd na manamit, ha, may pagka boy-next-door ito. Kaya nga mas lalong dagdag pogi points iyong katalinuhan nito. Halos lahat ng babaeng estudyante sa school nila ay may crush dito. Kahit nga iyong mga upper class pa. Hindi naman kataka-taka kasi sobrang gwapo at maappeal talaga ito. Matured na din ang katawan nito sa edad na 15 years old, unlike sa ibang classmates niya na lalaki na parang totoy pa din.

She walked straight to her assigned seat sa gitnang bahagi ng classroom para maitago agad iyong pamumula ng mukha niya. Ewan ba niya. Marami ng nagpapansin sa kanya. Hindi sa pagmamayabang pero isa siya sa campus crush ng school nila. Pero isa lang iyong inaantay niyang maglalakas loob na manligaw sa kanya. And alam niyo na kung sino, pero hindi siya yata type nito. Mas focus ito sa pag-aaral.

Agad siyang pinuna ng mga classmates niyang babae pagkaupo niya.

"Ui!! Type mo ba si Jasper, girl? Nakita kong nagblush ka!" Sabi ni Kristel na siyang katabi niya at isa sa pinaka close niya sa mga kaklase. Kristel giggled as she looked at Jasper na nakatingin pa din sa direksiyon niya and tiningnan ulit siya pabalik.

Tumawa lang siya bilang sagot and agad napailing. Her eyes directly went to the back of the boy she likes. Nakayuko ulit ito sa librong binabasa.

"Asus! Deny pa more!" Kantiyaw naman ni Marie na nasa kaliwa niya. Tumawa lang ang mga ito pero agad ding tumahimik ng pumasok iyong adviser/homeroom teacher nila na si Ma'am Aguilar.

"Good morning, class 3-Emerald!" Tukoy nito sa section nila.

"Good morning, Ma'am Aguilar!" Sabay-sabay na sagot nilang lahat.

"Okay! Before ko sabihin ang big announcement, let's all start our class with a prayer. Ms. Montes, will you please lead the prayer." Sabi ni Ma'am Aguilar and agad kaming tumayo lahat.

After the prayer, we immediately took our seats and listened to Ma'am Aguilar, attentively.

"You all know that next week is already the start of our foundation week. Magkateam tayo ng section Ruby, and mamayang hapon ay magkita-kita kayong lahat after class para mapagplanohan kung sino-sino ang sasali sa mga contests. Katulad lang din to the previous year, may volleyball for girls, basketball for boys, badminton, singing contests, ballroom dancing, quiz bee, cheering contest, booths and ang main event ang Mr. & Ms. St. Claire." Mahabang litanya ni Ma'am Aguilar, lahat ng estudyante ay sobrang excited na para next week.

"Now, sabi ni Mr. Clemente, dito na lng daw sa section natin kukuha ng contestant para sa pageant and sa section naman nila kukuha ng para sa singing and dancing. I suggest Ms. Mendoza and Mr. Edwards para maging representative natin for the said pageant. So, any violent reactions?" Pagpatuloy nito na agad nagpalaki ng mga mata ni Chloe, agad din bumaling iyong paningin niya sa likod ni Mikael at inaantay kung mag aapila ito or what but he remained still.

"Ma'am!!! Ako na lng po para sa Mr." Sabi ni Jasper na agad kinantiyawan ng mga kaklase nila. "Sa quiz bee na lng po si Mikael."

"Let's ask Mikael, then. Mas bagay kasi silang dalawa ni Chloe na magrepresent ng team natin, so, Mr. Edwards?" Ani Ma'am Aguilar, na nagpalakas ng tibok ng puso niya habang nanatili ang tingin niya sa likod ni Mikael.

"I think I can do both, Ma'am. Experience na din to kung sakali, so, yes, I'll join the pageant." Sagot ni Mikael na lalong nagpalakas ng tibok ng puso niya. Pinagsalikop niya ang mga kamay niya noong napansin niyang pinagpawisan ang mga iyon.

"Okay, good! Settled na ah! No more violent reactions or what? So, Ms. Mendoza?" Sabi ni Mrs. Aguilar na agad sabay-sabay umiling ang mga kaklase niya at siya. "Okay, great! So, class for now maglilista tayo kung sino-sino iyong sasali sa mga palaro. Dito sa papel na ito ninyo ililista ang mga names niyo. Naka section na siya for each contest, so, isulat niyo na lng names niyo."

Patuloy pa din sa pagsasalita si Ma'am Aguilar sa harap, habang si Chloe naman ay hindi mapigilan ang sariling mapatingin ulit sa direksyon ni Mikael. Hindi pa din humuhupa ang lakas ng tibok ng puso niya. She and Mikael. In one pageant? Iniisip niya pa lang ay naeexcite na siya at the same time kinakabahan. Nakatingin pa din siya sa likod nito ng bigla itong humarap at diretso din sa kanya ang paningin nito. Agad tumama ang mga mata nila at agad siyang pinamulahan ng mukha ng nagsmile ito.

'Shet!' Nag aalburuto pa lalo iyong sistema niya kaya agad siyang nag iwas ng tingin. Binaling niya ito kay Kristel na agad nanlaki iyong mga mata ng nakitang ang sobrang pula ng pisngi niya.

"Oh, my Gee!!" Kristel shrieked as she looks at her and Mikael. Nakatalikod na ulit ito pero sigurado si Chloe na nakita ni Kristel iyong pag tinginan nilang dalawa. "Maka Edwards ka pala, girl ha? Akala ko pa naman maka Jasper ka." Sabi nito ng pabulong sa kanya at agad tumawa.

"Shhh." She hushed her agad kasi baka marinig pa ng ibang mga classmates nila. Nakakahiya.