Chereads / Sa Bisig Ni Superman / Chapter 2 - CHAPTER 1 (Big Break)

Chapter 2 - CHAPTER 1 (Big Break)

"Sa wakas!" impit na tili ni Gwen. Kalalabas lang niya galing sa opisina ng kanyang editor. At hindi niya maiwasan mapasuntok sa hangin sa sobrang tuwa. May hatid na magandang balita ang umagang ito para sa kanya. Paano ba naman kasi sa loob ng maraming taon ng matamlay niyang career ay wakas nabigyan siya ng magandang break. Kailangan lang niya mainterview ang kinababaliwan ngayon ng kababaehan, walang iba kundi si Ylac Mondragon.

Apat na taon na siya sa kanyang trabaho pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umuusad ang kanyang career bilang writer ng isang sikat na magazine. Ang mga binibigay kasi na project sa kanya ay pucho-pucho lang na iyong tipong sino man ang magbabasa ay lalaktawan ang page niya. Gusto niyang mapromote para tumaas naman ang kanyang sweldo . At ng lumaki naman ang pinapadala niya sa pamilya niya na nasa probinsya. Lalo na't nasa koliheyo na ngayon ang kapatid niyang sumunod sa kanya.

Ito na ang pagkakataon niya para sumikat sa propesyon. Paano siya nakakasigurado? Puwes! Si Ylac ang isa sa pinakasikat na bachelor ngayon. Imagine, na feature lang ito sa month issue ng kalabang magazine ay na sold out kaagad ang copy at marami pang humihilng na mag reprint dahil hindi pa naka-avail. Sumikat ang photographer na napapayag si Ylac magpapicture na nakasandal sa kotse nito. Paano pa kaya kapag napapayag ito magpa-interview? Wala pang nakakagawa no'n dahil si Ylac na yata pinakapribado at pinakamailap na tao sa mundo. At kung papalarin siya pa lang makakagawa no'n.

"This is it! It's your time to shine Gwen!" aniya sa sarili. Pasipol-sipol pa habang naglalakad. Batid niyang pinagtitinginan siya ng mga katrabaho niya. Sigurado siyang alam na ng mga ito ang tungkol sa big break Nita.

Malapad siyang ngumiti. Matagal na kasi siyang inaalipusta sa opisinang iyon. Ginagawa siyang utusan. Taga timpla ng kape, taga photo copy at taga bili ng mga kakainin ng mga ito sa canteen. Hindi siya umaangal kahit pare-pareho lang naman silang empleyado doon. Tanggap na niyang underdog siya sa opisinang iyon.

"Gwen natanggap mo na ba ang masamang balita?" Salubong sa kanya ni Kath na secretary ng boss nila.

Napakunot-noo siya. "Ano'ng masamang balita?"

"Si Ylac daw kailangan mo mainterview!"

"Paano naging masamang balita iyon?" Mas lalo siyang nagtaka.

"Girl, wala pang nakaka-interview kay Ylac! Imposibleng mainterview mo siya no!" wika ni Kath habang hinihila siya sa sulok. "Atin-atin lang 'to ha pero narinig ko ang usapan ng mga editor. Malamang ito na ang huling project mo dahil kapag 'di mo raw magawa ang project na binigay sa'yo ay matatanggal ka sa trabaho."

Wait lang, Ano raw? Tama ba pagkarinig niya? Paano kung hindi nga niya mainterview si Ylac? No! Hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho. Paano na lang ang magulang at mga kapatid niyang umaasa sa kanya? Siya ang panganay kaya sa kanya nakaatang ang lahat ng obligasyon. Saksi siya sa paghihirap ng kanyang itay para maka graduate lang siya sa koliheyo. Hindi ba't apat na kalabaw ang binenta nito para makapag-aral lang siya sa magandang universidad sa bayan nila? Halos malubog ito sa utang para may pambayad lang siya sa dorm dahil ayaw nitong mahirapan siya sa pag commute. Saksi siya kung paano nitong gigawang araw ang gabi. Lahat ng iyon gusto niyang suklian. Hindi pa sapat ang apat na taon na pagtratrabaho niya. Kung tutuusin nga kulang pa rin ang allowance na binibigay niya. Marami silang magkakapatid kaya alam niyang hindi sapat iyon kahit pagsamahin pa ang sweldo niya at ang kita ng kanyang tatay.

Hindi siya papayag na hindi niya makuha ang interview. Pilit siyang ngumiti sa kaharap. "Don't worry about me Kath, makukuha ko ang interview." Kulang sa kumpyansa niyang saad.

"Don't expect too much Gwen, you know I don't want you to get hurt.

"Sige Kath babalik na ako sa desk ko." Tinapik niya ito sa balikat

"Sige ako rin."

Nang tumalikod na siya kay Kath ay doon lang lumaylay ang balikat niya. Parang gusto niyang maglupasay sa sahig at mag-iiyak. May pa big break pang nalalaman ang boss niya, iyon pala paraan lang nito para matanggal siya sa trabaho. Hindi siya superwoman na magagawa ang lahat. Sinisinok at napapasma din kaya siya.

Paano na 'to?

Pabagsak siyang umupo sa swivel chair nang makarating na siya sa desk niya. Tulala siyang nakatitig sa monitor ng computer. Ilang sandali siya na nasa ganoong ayos bago gumalaw ang kamay niya papunta sa mouse ng computer. Susubukan na lang niya i-research sa Google si Ylac Mondragon baka sakaling may makuha siyang kapaki-pakinabang na impormasyon. She typed his name at the search bar. There you go! Lumabas ang napakaraming link.

Halos mabuksan na niya ang lahat ng link at paulit-ulit lang ang lumalabas na facts tungkol sa binata. Alam na kaya ng buong pilipinas na nag-iisa itong anak ng mag-asawang Mondragon na kilalang mga business tycoon. Pumanaw ang ama nito nakaraan taon na tinurig na isang alamat sa larangan ng pagnenegosyo. Binansagan bilang pinakabatang milyonaryo si Ylac Mondragon dahil bukod sa pinamumunuan na nito ang mga negosyo ng magulang ay naging maunlad rin ang sarili nitong kompanya. Hindi model o artista ang binata. Pinagpapantasyahan lang ng maraming kababaehan dahil bukod sa mayaman ay hindi rin matatawaran ang taglay na kagwapohan. Gayun pa man ay kaliwa't kanan ang alok dito na mag artista bagay na tinatanggihan nito.

She clicked the result images. Hindi niya maiwasan kiligin. His physical appearance was almost near to perfection. Sa tantya niya ay higit anim na pulgada ang tangkad nito. Kay kisig na tila ba kung huhubarin ang damit nito ay malalantad ang katauhan ni Superman. Higit niyang nagustuhan ang misteryosong mata nito na kung tumitig ay nanunuot. His pointed nose was perfectly shape. May labing madamot ngumiti ngunit nakakahalina. Alam niyang maraming humihiling na makita itong nakangiti. Tila kasi nakalimutan na nitong gawin iyon. May munting scar sa kilay si Ylac dahilan para magkaroon ng linya doon pero sa tingin niya ay nagpadagdag pa iyon sa appeal nito, which makes him very manly.

Hindi niya namamalayan na lumalapit na pala partikular ang labi niya sa monitor ng computer. Kung hindi pa siya nauntog ay hindi siya matatauhan. Pinilig niya ang ulo. God! Larawan na nga lang pagnanasaan pa niya. Tumingin siya sa paligid. Buti na lang talaga busy mga katrabaho niya kung hindi may witness na naman sa katangahan niya.

Marahan siyang napabuntong-hininga habang pinaiikot ang swivel chair. Tulala na naman. Hindi niya akalain na minuto lang pala itatagal ng kaligayan niya. Kaakibat pala ng big break ay ang panganib na mawalan siya ng trabaho.