Chereads / Sa Bisig Ni Superman / Chapter 4 - CHAPTER 3 (Now get out!)

Chapter 4 - CHAPTER 3 (Now get out!)

Humihingal na si Gwen habang tagaktak ng pawis. Ilang kilometro pa ba ang kanyang lalakarin para marating ang bahay ni Ylac Mondragon? Akala niya malapit na siya nang makita ang malaking arko na may naka sulat na Hacienda Mondragon pero hindi pa pala. Ni walang tao na pwede niyang mapagtanungan. Hindi niya alam kung naliligaw ba siya o kung ano. Parte ba ito ng Santa Rita? O baka kapag narating na niya ang dulo ng deretsong daan ay nasa sa South Korea na siya. Mala Korea kasi ang paligid. Ubod ng ganda. Nagtataasan ang mga nakahilirang puno na nagkalat ang mga nalagas na dahon sa daan. Masarap sa pakiramdam ang mabining huni ng ibon. Sariwa ang hangin. Sa katunayan nga kahit naka checkered long sleeve polo siya na may puting sando sa loob, jeans at rubber shoes kaya pa rin niya ang init kahit tirik na ang araw.

Ngayon ang tinakdang araw ni Ylac para sa interview. Hindi niya alam kung bakit dito pa sa Hacienda nito napiling ganapin ang interview gayong pagkalayo-layo ng lugar na ito. Pero hindi baleng bumiyahe siya ng pitong oras basta maisakatuparan lang niya ang misyon niya doon. Bukod sa hindi siya matatanggal sa trabaho ay tiyak sisikat pa siya. At ang kasunod no'n ay tumataginting na promotion.

Ngumisi siya. Nakinita niya na malapit na siya sa matamis na tagumpay.

Hindi na siya tinantanan ng nga reporters simula nang gumawa siya ng eskandalo. Kahit nga apartment nila ng bestfriend niyang si Nimfa ay natunton ng mga ito. Kailangan pa niyang gumawa ng paraan na hindi napapansin nang lumabas siya kanina. Malaking kaguluhan ang ginawa niya. Mabuti na lang may busilak din palang kalooban si Ylac Mondragon, hindi siya kinasuhan bagkus ay napapayag pa niya ito na magpa interview. Tinuturing na niya itong anghel sa buhay niya.

Kinuha niya ang cellphone mula sa bag. Magse-selfie siya para may pang profile picture siya sa facebook, ganda kasi ng background. Tapos lalagyan niya ng hashtag Korea. Para akalain ng mga reporters na nangibang bansa na siya. Wew! Mahirap pala maging celebrity.

Nakakuha lang siya ng isang shot nang tumunog ang kanyang cellphone. Incoming call mula kay Nimfa.

"Bruha! Sikat na sikat ka na talaga! How to be you po? Celebrity kana talaga!" bungad kaagad ni Nimfa sa kabilang linya samatalang hello pa lang ang nasasabi niya." Pero infairness, awang-awa rin ako sa'yo friend, trending ka sa facebook, maraming fan ni Ylac ang nagsasabi na malandi ka raw, tapos hindi ka naman daw maganda. Ang daming hate comments tungkol sa iyo! Grabe!"

Umingos siya. "Wow! Napakaimportante naman ng tinatawag mo, pinag-aksayahan mo pa talaga ng load!"

"At ito pa! Ginayuma mo lang daw si Ylac kaya pumatol sa'yo! At saka paano ka naman daw papatulan e, ang itim mo at saka pandak! Ito pinakamalupit! Basta kulot salot daw! Friend, kaya mo pa? May idadagdag pa sana ako."

"Sshhh! Tama na! Ilista mo na lang lahat sa Diary, pag-uwi ko na lang babasahin." Sansala niya sa iba pa sanang sumbong ng kaibigan. Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Pinindot na niya ang end button. Kahit makapal ang mukha niya, infairness nasaktan siya do'n.

Lukot ang mukha na pinagpatuloy niya ang paglalakad. May kalahating oras din siguro bago niya natanaw sa di-kalayuan ang malaking bahay na sa television at magazine lang niya nakikita. Sa wakas! Patakbo siyang lumapit doon. At agad na nag door bell.

Ilang sandali pa ay bumungad sa kanya ang isang matandang babae na napagtanto niyang katulong dahil sa suot na uniporme. "Good morning po!" Nakangiting bati niya.

"Magandang umaga rin hija, ikaw siguro ang hinihintay na bisita ni Señorito? Halika, pasok ka hija."

Muli na naman siyang namangha nang ganap na makita ang loob ng tinuturing niyang palasyo. Mangha-mangha ang angkop na salita. Natuon ang mata niya sa hagdanan- na imagine niya ang sarili na nakagown, may korona habang bumababa doon. Naglalakihan ang mga chandeliers na sa mga hotel niya nakikita. Pakiramdam niya ay wala siyang karapatan tumapak sa marmol na sahig dahil madungis ang rubber shoes niya.

"Hija, puntahan mo na si Señorito, Nandoon siya sa library."

"Po?" Napalunok si Gwenyth. Gutom na gutom siya, inaasahan niyang aalukin siya ng meryenda.

"Ang sabi ko, Nandoon si Señorito sa library, dumeretso ka lang sa kaliwang bahagi. Maraming kwarto diyan pero malalaman mo naman na iyon na ang library dahil may nakasulat namang pangalan sa pinto."

Tumango siya."Sige po, maraming salamat po."

"Sige hija, ipaghahanda lang kita ng mamakain sa kusina."

Iyon naman pala e! Parang gusto niyang halikan ang matanda.

Palinga-linga sa paligid habang marahan siyang naglalakad sa tinurong bahagi ng matanda. Hindi naman siya nahirapan sa paghahanap.

Tinambol ng kaba ang dibdib niya. Kumatok siya pero hindi bumukas ang pinto. Inulit niya at sa pagkakataong ito ay mas malakas na. Wala pa rin. Kumatok siya ng kumatok pero wala yatang tao sa loob. Nagpasya siya na buksan na lang ang pinto. Wala naman siyang balak na pumasok. Sisilip lang siya.

"Sinabi ko bang pwede ka ng pumasok!?"

Napahawak siya sa dibdib sa sobrang pagkagulat. Ayun lang pala ang magaling na lalake. Nakatayo. Salubong ang kilay. Alam naman pala nito na may kumakatok, hindi man lang siya pinagbuksan. Pero sige, pinapatawad na niya ito. Ang sarap kasi nitong pugpugin ng halik sa suot nitong white plain v-neck shirt and jeans. Simple lang ang kasuotan nito pero ang bango-bango tingnan.

"Akala mo talaga magpapa-interview ako?"

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya. Kinabahan siyang bigla.

"Matapos mong kaladkarin ang pangalan ko sa kahihiyan, sa tingin mo bibigyan pa kita ng pabor na mainterview ako?" tanong ni Ylac na may nakakalokong ngiti.

Tinamaan ng magaling! Mukhang gumaganti ito sa kanya! Mukhang hirap at gutom lang aanihin niya sa pagpunta dito." Pero nangako ka!"

"Sinabi ko lang iyon para manahimik ka."

"So, palalayasin mo lang ako ng ganoon lang?"

"Bahay ko 'to, paalisin ko ang gusto ko ." anito sabay turo sa pinto. "Now out, get out!"

Ngumisi siya. Parang reyna pa siyang umupo sa couch na nandoon. Nagde-kuwatro. "No way! Hindi mo ako mamapaalis dito." Huh! Ipapakita niya kay Ylac Mondragon na hindi siya mabilis sumuko!

"Let see." gagad ng binata na hinablot siya sa braso. Sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa braso niya na isang maling kilos lang yata ay mababali ang buto niya. Pero ang isang kamay niya ay naghahanap ng pwedeng panghampas. Ang unang nakapa niya ay lampshade na agad din niya binitawan. Masyadong delikado iyon, pagnagkataon ay mabubulok siya sa kulungan. Kaya ang nahawakang throw pillow na lang pinanghampas niya sa binata.

Alam niyang hindi iyon masakit pero tinamaan sa mata ang binata kaya napahiyaw ito at nabalya siya ng wala sa oras dahilan para bumagsak siya sa carpeted na sahig. At doon na siya nabigyan ng pagkakataon na makahawak sa paanan ng couch. Nagmistula siyang tarsier doon na kahit ano'ng hablot sa kanya ng binata palayo doon ay hindi siya matanggal.

"Pasaway ka talagang babae ka!"

"Sabing hindi ako aalis dito!"

"Ah gano'n!" Kiniliti siya ni Ylac. Napatili siya na may kasamang paghalakhak. Tuluyan na siyang napabitiw mula sa pagkakayakap sa paa ng couch. Kaya nabigyan ng pagkakataon ang binata na buhatin siya.

"Ibaba mo ako! Ano ba!" sigaw niya habang pinaghahampas ang likod ng nito. "Kung hindi mo ako bibitawan, tandaan mo ipapakulam kita!" banta niya ngunit nanatiling bingi ang binata. Sinabutan niya ang buhok nito pero hindi pa rin ito tumitinag.

Pagbukas ni Ylac sa main door ay agad siyang hinagis nito palabas. Napangiwi siya sa sakit ng balakang pero agad din tumayo at pinakita ang nakakuyom na kamay na may ilang hibla ng buhok. "Nakikita mo 'to? Buhok mo ito! Uuwi ako ng probinsya! Ipapakulam kita!"

Nagkibit-balikat lang binata. At pinagbagsakan siya ng pinto. Mabilis siyang lumapit at sinubukang pihitin ang seradura pero nakalock na talaga.

"Sinusumpa kita Ylac Mondragon! Matitikman mo kung paano gumanti ang isang a - " Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng bumukas ulit ang pinto. At hinagis ni Ylac ang body bag niya sa mukha . "Bwisiiitt!!" Napaluha na siya sa sobrang inis.

Bagsak ang balikat na napatungo siya. Kumibot-kibot ang labi niya sa pagpipigil na mapalahaw ng iyak. Wala na! Gumuho na ang pinakaasam niyang big break! Saan siya pupunta ngayon? Uuwi na lang ba siya at susuko? No! Baka may remedyo pa sa mga nangyayari. She just need to relax herself and think.

Umupo siya sa bermuda grass paharap sa mansiyon ni Ylac Mondragon. Kinanlong niya ang kanyang bag. Hindi lingid sa karamihan na ang Hacienda na ito ay sariling pundar ng binata. Pagmamay-ari nito ang YH & M na nagmamanufactured ng iba't-ibang klaseng produkto na halos ginagamit yata pang araw-araw ng bawat pinoy, tulad ng sabon, toothpaste at shampoo. Bukod pa do'n ay lumago pa ng husto sa ilalim ng pamamahala nito ang negosyong pinamana ng magulang nito dito.

Tunay na kay yaman ni Ylac pero madamot. Sobrang damot. Interview na nga lang ay pinagkait pa sa kanya. Pinag-aralan niyang mabuti ang mansyon. Sa tantya niya kuwarto ni Ylac ang may malaking terrace. At na calculate na kaagad ng kanyang below average na utak na hindi niya maakyat iyon.

"Ano'ng gagawin ko?" bulong niya sa sarili. Napahawak siya sa sikmura nang tumunog iyon. Humilab na tyan niya sa gutom. Humiga siya. Tumingin sa langit. Hindi niya alam kung bunga lang ba ng gutom pero nag korteng hamburger talaga ang pangin niya sa isa sa mga ulap na nabuo.

At sa sobrang komportable sa pakiramdam ay hindi niya akalain gagapiin siya ng antok.