Chereads / Sa Bisig Ni Superman / Chapter 5 - CHAPTER 4 (WITCH)

Chapter 5 - CHAPTER 4 (WITCH)

Naramdaman ni Gwenyth na may tumatapik sa kanyang pisngi. Pero hindi niya iyon pinansin at bagkus ay tumatigilid pa siya sa pagkakahiga at namaluktot.

"Mukhang wala ka yatang balak na umuwi?" ani ng baritonong boses.

Napadilat siya ng mata. At napabalikwas ng bangon. Si Ylac Mondragon!

"Go home now, Lady."

Tinitigan niya ito ng masama habang sinasalansan ang gamit."Oo na! Sa'yong-sayo na ang palasyo mo, isaksak mo sa baga mo!" Pero napaluhod siya sa lupa at napabunghalit ng iyak. Parang nauupos siyang kandila dahil sa gutom. "Pero sana bago mo ako palayasin, pakainin mo muna ako!" Daig pa niya ang isang batang nagsusumamo.

Tinitigan siya ni Ylac. Pagkaraa'y napabuntong hininga. "Alright, follow me."

Pinapasok at pinakain nga siya nito. Maraming nakahain sa mesa at walang pakundangan niya iyon nilantakan. Sobrang sarap ng mga ulam na dinaig pa ang pagkain sa Restaurant. Sa palagay niya ay may sarilung chef si Ylac sa Mansyon na iyon. Nakakatakam.

"Hindi mo dapat kinakain iyan!" wika ng binata na kanina pa nakatanghod sa kanya habang kumakain siya. "Decoration lang yan sa plato."

"Huh?" Natigilan siya. Gusto niya iluwa ang dahon na tinutukoy ni Ylac na dekorasyon. Pero masarap e! Kaya kibit-balikat na lang niya iyon na patuloy na kinain. "Kain ka! Gusto mo?" yaya niya sa binata na inabot dito ang isang pirasong fried chicken na isa sa maraming nakahain na ulam sa mesa.

"No!"

"Kung makatingin ka sa'kin parang diring-diri ka ah?"

"Wala bang may nagturo sa'yo ng basic table manner?"

"Wala eh! Mas sanay nga akong magkamay." Napabungisngis siya. Sinadya niyang lagyan ng tunog ang pagkakahigop ng sabaw. At para namang kinilabutan si Ylac sa ginawa niya. "Baka gutom ka, nahihiya ka lang?"

"Hanggang alas singko lang ang last trip ng bus kaya bilisan mo na diyan." Na estatwa ang binata pagkatapos sabihin iyon. Marahil na realize nito na mag-a-alas sais na. Napahawak ito sa batok. Tila naging problemado ang hitsura.

Buong araw siyang tila sumuong sa digmaan. Kay Ylac na problema iyon kung paano siya mapapalis. Tinuloy niya ang maganang pagkain. Bunga ng katakawan ay nabilaukan siya. Napa ubo siya kaya ang ilang kanin sa bunganga niya ay lumipad papunta sa binata.

"Damn! You're really a mess!"

"Tu... tubig!!"

Mabilis naman siya nito sinalinan ng tubig. "'Yan na mahal na reyna!"

Nahimasmasan siya matapos uminom ng tubig. Pagkuwa'y ay matamis siyang ngumiti. "Thank you, mahal din kita!"

"Are you crazy!?"

"Sorry, huwag kang hot. Akala ko kasi sinabi mo, mahal kita." Nagpeace sign siya.

Napapikit si Ylac. Halatang tinitimpi ang galit. "Bilisan mo na diyan. " anito. Tumalikod na.

Mabilis itong pinigilan sa kamay."Ylac, paano ako? Saan ako magpapalipas ng gabi?"

"Pwede kang bumalik kung saan ka natulog kanina." Iyon lang at umalis na ito.

Natulala si Gwen. Talagang kaya nitong tiisin ang kaawa-awang babaeng tulad niya? Nawalan siya ng ganang kumain. Tumayo siya, akmang lilinisin ang pinagkainan niya pero nag-unahan ang dalawang katulong sa pag-agaw sa kanya ng platong hawak niya.

"Ineng, tapos ka na bang kumain?" tanong ng katiwalang ginang na bumungod sa dining area. "Halika, hahatid na kita sa magiging kwarto mo."

"Po?" Namilog ang mata niya. "Hindi ako pa tutulogin sa labas ng Señorito niyo?"

"Hindi hija, binilin niya sa'kin na ihahatid kita sa magiging kuwarto mo."

Napasuntok siya sa hangin. "Salamat ng marami 'nay!"

Sumunod siya sa matanda nang magpatiuna na itong maglakad. Palinga-linga siya sa bawat kuwartong madaanan. At mayroon kuwartong nakaagaw sa kanyang atensyon. Sa palagay niya ay iyon na ang pinakamalaki. Sa lahat ng nandoon ay iyon lang ang nag iba ng pintura ng pinto. Lavender. Very feminine. Na tila binase sa character ng isang babae na mahinhin. Hindi niya mapaliwanag ang awra ng nasabing kuwarto. It seems magical. Kating-kati siya na masilip ang loob. "Nay, pwede pong magtanong?"

"Ano 'yon hija"

"Kanino pong kuwarto 'yan?" tanong niya na tinuro ang kuwarto.

Napahinto sa paglalakad ang matanda. Napabuntong-hininga."Kuwarto 'yan ni Celine."

"Celine!? Iyong girlfriend ni Ylac!?" Mas lalo siyang naging interesado. Hindi lingid sa publiko na may long time girlfriend si Ylac. Napabalita na nga engaged na ang dalawa. Hanggang sa umalis ng bansa si Celine at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik kahit mag-a-anim na taon na. Naging misteryo ang paghihiwalay ng dalawa. Lalo na at walang nagsalita sa parehong kampo.

Tumango ang matanda.

Ngumiti siya ng ubod ng tamis. Inakbayan ang matanda. "Nay pa tsismis naman, ano ba talaga nangyari sa kanila ni Ylac Mondragon at kung bakit sila naghiwalay?"

"Naku, hija huwag natin pag-usapan iyan baka magalit pa sa atin si Señorito."

"Nanay naman! Hindi naman malalaman ng Señorito niyo na kinuwento mo sa akin, promise, secret lang natin."

"Talagang hindi pwede hija, pasensya ka na." sabi ng matanda. At saka hinawakan siya sa braso. "Halika ka na, malapit na tayo sa magiging kuwarto mo. Siya nga pala, ano'ng pangalan mo hija?"

"Genoveva Reyes po totoo kong pangalan, nang tumuntong ako sa Maynila naging Gwenyth, so tawagin niyo na lang po akong Gwen 'nay. Kayo po, ano po pangalan niyo?"

"Ako nga pala si Mildred hija."

"Kinagagalak ko po kayong makilala Nanay Mildred."

"Ganoon din ako hija." Pagkasabing iyon na matanda ay huminto ito sa isa mga pinto. At binuksan iyon. "Alam mo ba hija, isa ito pinakamagandang kuwarto dito sa mansyong ito, mukhang malakas ka sa Señorito namin."

Bumungisngis siya ng tawa. "Nanay naman patawa! Parang pinagsakluban nga iyon ng langit at lupa kapag kaharap ako."

Pagbukas ng pinto ng naturang kwarto ay nagilalas si Gwen. Namutawi sa kanyang bibig ang salitang wow ngunit walang tunog. Napakaganda ng kuwarto. May sariling ref at TV. May naka istambay na Laptop sa ibabaw ng study table. May ilang paintings na nakasabit na sapalagay niya ay hindi basta-basta ang presyo. Dilaw ang pintura sa loob na tila ba pinasadya para sa babaeng bisita.

Tumalon siya sa malaking kama. At sinubsob ang mukha sa napakalambot na kubre kama. Nagpagulong-gulong pa siya. "Ang ganda nga kuwarto 'nay! Kung pwede lang tumira dito habang buhay! Sarap sa pakiramdam!."

Marahang tumawa ang matanda. "Sige Hija, kung may kailangan ka, pindutin mo lang ang buton na iyan. " Turo nito sa silver button sa tabi ng side tabe." Tapos may pupuntang katulong dito. Isa pa pala, lahat ng kakailanganin mo tulad ng damit ay nasa built-in closet na. Iba't-iba ang sizes diyan, tiyak may kakasya sa iyo."

"Palagi sigurong may bisita si Ylac kaya handa talaga ang mga guest room."

"Diyan ka nagkakamali hija, alam mo ba bukod kay Celine ay ikaw pa lang ang pinayagan ni Señorito na matulog dito."

Bumangon siya sa kama. At umupo ng pa-indian sit. "Nay, sige na kasi magkuwento ka naman po tungkol sa lovelife ng Señorito. Promise, l'll keep it as a secret." Buong lambing niyang wika. Sinsero siya sa binitawang pangako. Oo, tiyak patok ang write-ups tungkol sa buhay pag-ibig ni Ylac dahil tulad niya ay maraming interesado tungkol doon. Pero sapat na sa kanya na makakalap ng impormasyon para masagot ang pansariling kuryosidad.

Tinitigan siya ng matanda. Tila inaarok ang kanyang kalooban. Pagkuwa'y umupo ito sa kanto ng malambot na kama. "Simula't sapul ako na nagpalaki kay Señorito hija, busy kasi palagi si Senyora. Hindi ako tinuring iba ni Señorito, para na niya akong ina. Alam ko ang bawat detalye ng buhay. Bukas siya sa akin maging sa buhay pag-ibig."

Ayan na! Napuno ng pananabik ang kanyang puso sa intro pa lang ng matanda. Tutok na tutok ang mata niya dito na animo'y isa siyang bata na nakikinig sa kwentong fairytale.

"Childhood sweetheart ang dalawa, saksi ako kung gaano minahal ni Señorito si Celine. Nasa koliheyo pa lang ay naglive-in na sila, Noon pa siya gustong pakasalan ni Señorito, pero may kung ano'ng pumipigil kay Celine at ayaw niyang magpakasal."

"Baka po hindi niya mahal si Ylac, 'di po ba iniwan niya ang Señorito niyo?"

"Malabo iyan hija, higit na mas mahal ni Celine si Señorito, nakita ko iyon. Naging malaking palaisipan kung bakit niya kailangan mangibang bansa at makipaghiwalay kay Señorito Ylac."

"E, baka nga po may boyfriend sa ibang bansa si Celine."

"Malabo nga iyan hija." madiin na wika ng matanda na tila ba siguradong-sigurado ito sa sinasabi nito. Tinapunan pa siya ng tingin na tila ba nakukulitan sa kanya.

"Ano po sa tingin niyo ang dahilan ni Celine para umalis pa dito sa 'pinas, 'nay?"

"Wala ni isang nakakaalam, maging si Señorito, maging ang pamilya ni Celine. Tahimik lang ang dalaga, mahilig mapag-isa, walang kaibigan kaya lahat walang ideya kung bakit iniwan niya ang alaga ko." Nabuntong-hininga ang matanda. "Nasaktan ng husto noon si Señorito, muntikan ng hindi makatapos sa pag-aaral dahil panay ang pagpapakalasing at barkada para lang makalimutan si Celine, alam ko ang palihim niyang pag-iyak. Tulad mo ay tumanim din sa utak niya na baka may ibang lalake si Celine. Pero para sa akin, imposible iyon! Hindi iyon magagawa ni Celine, napakabait niyang bata at isang ulirang nobya. Mahal na mahal niya si Señorito."

Siguro kulang na lang pakpak at isa ng anghel si Celine, iyon kasi ang pagkakalarawan ni Nanay Mildred.

"Alam mo ba hija, sinundan pa ni Señorito si Celine sa Amerika, pero pinagtaguan na ito ng nobya."

Gusto pa sana niyang igiit ang teoryang may ibang boyfriend si Celine pero baka makutusan pa siya ni Nanay. Pero hindi siya makapaniwala na ang tulad ni Ylac ay umiyak at naghabol sa isang babae. "Maganda siguro si Celine" gagad niya.

"Ubod ng ganda, hija. Daig pa niya ang isang diyosa."

O siya perfect na si Celine!

Magsasalita pa sana siya nang may kumatok sa pinto. At ilang sandali pa ay iniluwa doon si Ylac Mondragon. Tila gusto niyang sugurin ng yakap si Ylac at aluin. Alam niyang nasaktan ng husto ang binata sa pag-alis ng nobya nito. Imagine, umiyak daw ito! Maawtoridad lang pala itong tingan pero may tinatago rin palang soft spot.

"Nana, komportable po ba ang mahal na reyna?" pauyam na tanong ni Ylac.

"Ikaw naman! Prinsesa lang, ano ka ba!" inipit niya ang buhok sa tenga. Sinadya niyang umaktong tila nahihiyang teenager. "Medyo okey ang room, may kaliitin nga lang."

Napamaang ang binata. Sindak ang mukha. Iyon marahil ang unang pagkakataon na may nagreklamo sa pamamahay nito. "Baka gusto mo sa master's bedroom na lang?"

"Okey, meaning palit tayo ng room ngayong gabi?"

"Reyna talaga tingin mo sa sarili mo?"

"Amnesia? Prinsesa nga lang 'di ba?"

Natawa si Nanay Mildred. "Naku, baka mamaya niyan sasabog na sa galit alaga ko."

"Para pala siyang bulkan. Boom! Sumasabog!" Binalingan niya si Ylac. "Mag-artista ka na lang, gawan mo ng sequel ang Anak ng Bulkan, bagay ka gumanap do'n!"

"I don't what you are talking about."

"E 'di i-research mo, ano pa silbi ng Google."

Namula si Ylac. Halatang kumukulo na ang dugo nito sa kanya.

"Hala, sige maiiwan ko na kayo, marami pa akong gagawin." Paalam ni nanay Mildred. Tinungo na ang pinto. Malamang naramdaman nito na pikon na ang alaga.

Nang maiwan sila ni Ylac ay walang babalang pinitik niya ang noo nito. "Super gwapo mo talaga kahit magkasalubong iyang kilay mo!"

Napamulagat binata. Hawak ang noo. Palibhasa ay mayaman kaya namula iyon. "Shit! Did you just hit me?"

"Uy pitik lang iyon ha!"

"Ikaw pa lang nakagawa nito sa akin!"

"So ano, ipa-guiness book of world record natin?"

"You - " Pigil ng binata ang inis.

Ngumiti siya ng matamis. May umilaw na namang ideya sa kanyang utak. Hinawakan niya ang dalawang kamay ng binata. Pumikit siya. "Turuan kita kung paano mag relax." aniya. "Inhale, exhale. Repeat. Inhale,exhale!" May kung ilang beses din niya inulit iyon ngunit wala siyang nakuhang reposnse kay Ylac.

Awtomatikong napamulat ng mata si Gwen. "Hindi ka na - "Hindi niya natuloy ang sasabihin nang mapansin na titig na titig sa kanya ang binata. Nangatog bigla ang tuhod niya. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob at nakipagtitigan din siya sa binata. "Y-ylac ..." anas niya nang unti-unting bumaba ang mukha nito. Hahalikan ba siya nito? Ano'ng gagawin niya? Pinili na lang niya na ipikit ang mata. Saya naman kung mag-iinarte pa siya. FREE KISS na nga!

"You crazy little witch."

Daig pa niya ang sinabugan ng granada. Ang ilusyon niya ay parang salamin na nagkabasag-basag. Bubulong lang pala. Sayang!

"Do you think I will kiss you? " Nakangisi ito.

She rolled her eyes. "Heler! Assuming!"

"Bakit hindi ba?"

"S-slight lang." Tama ba narinig niya? Umamin siya? Gusto niyang batukan ang sarili.

"Good night, witch!"

Pinigilan niya ito. "Ylac, ituloy mo na lang kasi ang kiss, panlaban lang sa nightmare." Pakapalan na ng mukha 'to!

"Baliw!" Nakangiting sabi ni Ylac na tuluyan ng lumabas ng kuwarto.

O-M-G! Tama ba nakita niya? Ngumiti si Ylac!

Yes!

Daig pa niya ang nanalo sa lotto.