Lakad-takbo ang ginawa ni Gwen. Nagtext ang kaibigan at kasamahan niya sa trabaho na si Aiza na pupunta sa La Grand Hotel si Ylac Mondragon. Halos halikan niya ang screen ng cellphone nang mabasa iyon.
Nadismaya siya ng husto nang marating ang parking lot ng naturang hotel ay dagsa na ang mga writer at reporters. At saka may nabuong fans club na ba ang batang milyonaryo? May grupo kasi ng kababaehan doon na sa tantya niya ay hindi reporters dahil ang iba ay naka school uniform pa ang iba.
Napabuga siya ng hangin mula sa baga. Mukhang siya ang pinakahuling dumating. Makakalapit pa kaya siya sa kanyang pakay ganoong karaming tao? Kailangan niya ihanda ang sarili. May naisip na siya kung paano makukuha ang atensiyon ni Ylac Mondragon. Kakayanin niya ito!
Pumuwesto siya sa isang sulok. Aminado siyang outcast siya doon. Sino ba naman kasi ang papansin sa underrated na writer na tulad niya? Kanya-kanyang kumpulan at chikahan ngunit walang may nagtangkang kausapin siya kahit kilala naman siya ng mga ito. Hindi bale, nandoon naman siya hindi dahil sa makipagtsismisan kundi sa misyon niya kay Ylac Mondragon.
Lumipas lang yata ang isang oras nang may pumaradang itim at eleganteng kotse. Nagkagulo na ang lahat ng nandoon. Hindi man siya sigurado kung si Ylac na iyon ay inalerto pa rin niya ang sarili. Maliksi siyang kumilos. Nauna pa siyang lumapit sa naturang kotse. Nakipagbuno siya para hindi masapawan.
Nagkagulo na.
Unang bumaba ang lalakeng naka white polo at may pinagbuksan ito sa hulihang bahagi ng kotse. Napasinghap siya nang unang makita ang makintab na black shoes ng sino man bumaba. Tinambol ang dibdib niya. Tila tumigil ang pag-inog ng mundo. 'Sapatos pa lang 'yan!'
"Relax, mag focus ka Gwen!" bulong niya sa sarili. Nakapikit. Pagmulat ng mata - Wala na! Nakalimutan na niya ang pakay. Nawindang na ang utak niya nang tuluyang masiliyan ang mukha ni Ylac Mondragon. Kung ang iba ay kulang na lang magwala, siya naman ay hindi na makahuma sa kinatatayuan. Tulala. Bahagya pang nakaawang ang bibig na tila ba nakakita ng isang pantastikong bagay. Akala niya edited lang iyong mga larawan ni Ylac Mondragon. Pero kahit yata larawan ay hindi makapagbibigay ng hustisya dahil higit na mas malakas ang appeal nito sa personal. No wonder kung bakit ganoon na lang ito kasikat kahit hindi naman celebrity.
Kung hindi pa naramdaman na may tumulak sa kanya ay hindi siya matatauhan. Siya na lang pala ang naiwan dahil ang lahat ng nandoon ay sumunod na kay Ylac Mondragon. Kanya-kanya ng diskarte na makalapit. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil hindi niya magawang mag focus.
Nakita niya na malapit na sa elevator ng ground floor si Ylac. At oras makapasok ito doon ay end of career na. This is it! It's now or never!
Wala kung ano-ano ay sinigaw niya pangalan ng binata. Ubod ng lakas. Makabasag eardrum. Napahinto ang lahat. Napalingon sa kanya. Noong nakaraang araw pa siya nakaisip ng paraan kung paano makukuha ang atensyon ni Ylac Mondragon once makaharap lang niya ito.
Pinalungkot niya ang mukha habang sapo ang tiyan. Para mas makatotohanan ay nilangkapan pa niya iyon ng luha. Hindi naman siya nahirapan na gawin iyon dahil sa mga oras na iyon ay nangangatog ang tuhod niya sa sobrang tensyon.
"Ylac, paano mo a-akong nagawang talikuran pagkatapos ng n-nangyari sa atin?" wika niyang sinimulan ang pang famas na akting.
Sabay napa "ohh" ang lahat ng taong naroon. Ilang sandali pa'y parang bubuyog na nagbulungan ang mga ito. Habang palipat-lipat ang mata sa kanilag dalawa ni Ylac. May mga matang nagdududa, mababakas sa mukha ng mga ito na hindi naniniwalang papatulan siya ni Ylac Mondragon. Pero karamihan ay paniwalang-paniwala sa sinabi niya. Sino ba naman kasi ang magkakalakas ng loob na gumawa ng ganitong kalokohan? Makasaysayan itong ginagawa niya. Pagkatapos nito ay tiyak isa na siyang alamat.
Nanginginig ang labi niya na sunod-sunod na naglaglagan ang mga luha. "A-ang sabi mo k-kapag binigay ko sa'yo ang lahat ... ang pagkababae k-ko ay magpapainterview ka sa akin!"
Mas lalo pang nagkagulo ang lahat. Sa kanya na ngayon nakatuon ang camera na walang humpay na nagkikislapan. Habang si Ylac ay inalis ang shades nito at tiim-bagang tumingin sa kanya. Nakakuyom ang isang kamay nito kaya natakot siya na maari siyang suntukin nito. Sino ba naman ang hindi magagalit sa ginagawa niya? Parang gusto na niyang umatras bigla. Tama ba itong napasukan niya?
"What are you talking about, lady!" Dumagundong ang boses ni Ylac.
"Ayan! Diyan ka magaling! Ngayon hindi mo na ako kilala, ang lupit mo! Alalahanin mong pinagdadalang tao ko na ang anak natin!"
Nagulat ang lahat. She grab the opportunity to walk towards Ylac while other are in the state of shock. Pero maging siya ay nagulat nang eksaktong nasa harapan na siya ng binata ay hinablot siya nito sa braso at kinaladkad siya pabalik sa kotse nito. Binalya siya sa loob. At saka pumasok din ito, maging ang alalay nito. At sinenyasan ang driver na paandarin ang kotse.
"Ano ba! Pababain mo ako!" Pagpupumiglas niya na sinubukan buksan ang pinto ng kotse pero naka automatic lock yata 'yon. Sobrang tinted pa man din na kung sakaling gawan siya ng masama ay siguradong walang makakahalata sa mga nakakasabay nilang sasakyan sa daan. "Ano'ng gagawin niyo sa akin? For your information, maraming nakakita na sinakay mo ako dito sa kotse mo! Sakaling ipa-salvage mo ako maraming witness!"
Sinulyapan lang siya ng masama nito.
"Kung gagawin mo akong sex slave, parang awa mo na hindi ako magaling sa kama!"
Hindi makapaniwala na nanlaki ang mata ni Ylac. "What!?"
"Marami akong kapatid na magugutom. Please! Wala silang pambayad kung ipapatubos niyo ako! Kung ano man nasabi ko kanina, joke lang 'yon! Trip-trip lang! Sorry na please!"
"I said shut up!" bulyaw ni Ylac.
Natameme si Gwen. Pagkaraa'y narinig niyang marahas na napabuntong-hininga ang binata.
"Ano'ng pinagsasabi mo kanina, bakit mo ginawa 'yon?" Seryoso ang mukha na tanong nito.
"K-kasi. . . " Hirap siyang magsalita dahil naunahan na siya ng luha. Puno ng takot ang kanyang dibdib. "Kasi desperada na ako!"
"What!?" Nagkasalubong ang kilay ni Ylac.
"Desperada na ako na makakuha ng interview mo, kasi kapag hindi ko nagawa iyon mawawalan ako ng trabaho at pag nagkataon ay magugutom ang pamilya kong umaasa lang sa'kin!"
"Alam mo ba ang kaguluhang ginawa mo?"
Tumango siya. Nakayuko. "A-alam ko, baka nga ngayon trending na tayo sa internet."
"Damn! I don't know what to do with you!" wika ni Ylac na sinuntok ang bintana ng kotse.
"Sorry!" Napalahaw na siya ng iyak.
"Shut up okay!? Just stop pissing me off!" iritadong sambit nito.
"Ylac, I'm very sorry! Pero I swear marami akong mga kapatid na magugutom! Isang interview lang please! Please pumayag ka na! Tapos, aayusin ko ang lahat, magpapapress release ako at aaminin ko na gawa-gawa ko lang ang lahat."
Matalim siyang sinulyapan ni Ylac bago hinimas ang sintido. "No! Kakasuhan kita! Isang malaking kahihiyan ang dinulot mo sa'kin."
Hinawakan ni Gwen ang kamay nito. Hilam ng hilam ng ang mga mata. "Please! Maawa ka naman sa akin! Okey! Babawiin ko ang lahat ng sinabi ko. Iharap mo ako ngayon sa media. Itatama ko ang lahat ng ginawa ko, hindi baleng mamatay sa gutom ang magulang at mga kapatid ko na baka mapahinto pa sa pag-aaral! Hindi naman kasi sapat ang kita ng tatay ko sa pangingisda at kapag ako ang mawalan ng tra - " Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang tinakpan ng binata ang kanyang bibig.
"Bakit ba ang dami mong sinasabi!?"
"Totoo mga sinasabi ko! Alam mo ba na hikain pa si Jun-jun, gusto talaga ng mga kapatid ko na makapagtapos sa pag-aaral. Nagsusumikap sila! Kahit ilang kilo-metro pa ang nilalakad nila papunta sa eskwelahan ay kinakaya nila, Alam mo na si Jenny, Valedictorian noong elementary, paano na lang siya kapag nawalan ako ng trabaho? Hindi ka ba naawa sa -"
"You will have my interview, so shut up!" wika ni Ylac. "Kapag hindi kapa titigil diyan ihahagis kita sa labas ng kotse!"
Tumahimik siya. Masunurin siyang bata.