Chereads / Unveiled Love / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

"It's me, Ivanna. Save mo number ko, a."

Walang pagdadalawang isip ay sinend ko agad iyon sakanya.

Hindi pa nagminuto ay agad nakatanggap ako ng mensahe galing sakanya. Nataranta ako at halos mahulog na ang cellphone ko sa gulat. Wala pa naman sa lagay niya ang pakikipagtext. He's too serious at puro libro o laptop lang ang hinaharap.

"Where did you get my mumber?"

Siguro'y nagkasalubong nanaman ang mga kilay nito. Inimagine ko palang ay natatawa na ako sa reaksyon niya. Kahit rito ay suplado parin. Mabilis na nagtipa ako.

"Hulaan mo."

Pagkauwi ko ay agad na dumiritso ako sa kwarto. Bumili rin ako ng dalawang box na donuts para narin kay mama at karius katulad ng pinangako ko sakanya.

I waited for him to text back pero wala na atang balak na replayan ako. Talagang ang tipid niya talaga sa lahat ng bagay. Sumimangot ako. Nakakainis naman!

"Goodnight. Matutulog na nga lang, 'di mo naman ako nirereplayan:("

Iyon ang huli kong mensahe at hindi na hinintay ang reply niya. Alam ko naman na kasi hindi na iyon magtetext pa. Dapat nga matuwan siya at nagtext ako! And this is not my thing. Nagpaload pa nga ako para sakanya.

Nagpalit na ako ng damit at balak na sanang lumabas nang marinig ko ang pagtawag ni karius.

"Ate, andito si kuya stefan!" Sigaw mula sa labas ni karius.

"Ate nga kasi, karius, e!" Rinig kong reklamo ni stefan. Hindi ko naman mapigilan ang sariling matawa.

Ano naman ang ginawa niya dito? Ah, alam ko na...

"Saglit lang!" Sigaw ko pabalik.

Pupunta lang naman ang bakla dito pag sinusundo niya ako sa bar na lagi namin pinupuntahan. Babalikan niya naman siguro ang amerkanong bartender na iyon.

Mabilis na nagpalit ako ng damit. Pinili kong suoton ang strap black at highwaist short. Muli ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hinayaan ko rin bumagsak ang maalon kong buhok. Konting blush on at lipstick rin ang nilagay ko. Hindi naman talaga ako mahilig sa makeup, hindi katulad ni carolina na halos gawing harina na ang buong mukha.

Pagkatapos ay lumabas na ako at agad nakita si stefan na kinakausap si mama sa sala.

"Naku, huwag lang kayo magpagabi, a." Si mama.

"Opo, tita." Sagot niya kay mama. Nang makita ako ay tumayo siya at sinalubong ako. "Grabe alam mo talaga bat ako pumunta rito!" Tumawa ito at bineso ako.

"Kasi naman po, hindi ka naman pupunta rito na hindi tayo pupunta ng bellca bar!"

Nagpaalam narin kami kay mama. Hindi naman mahigpit si mama saakin at pinagkatiwalaan niya rin si stefan. Kahit bakla ito alam niya kaya ang mga self defense. Pinag-aral siya doon ni tito amir. Kaya sigurado akong ligtas ako pagkasama ko siya.

"Guguluhin mo nanaman ang bartender na iyon!" Sabi ko habang nagmamaneho ito.

"Feeling ko kasi siya na iyong para saakin!" Kinililig pa ito.

"Kapal ng mukha!" Umikot ang mata ko.

Pagkarating namin sa bellca bar dumiritso na agad si stefan sa counter kung saan haharutin niya ang amerkano na iyon. Ni hindi na nga niya ako hinintay at nagmamadali pa.

"Hello, krish." Malanding boses ni stefan.

Nakita ko naman ang pagsulyap niya kay stefan at pagkatapos ay kinindatan. Umiling-iling nalang ako at hindi maiwasang matuwa sa kalandian ng dalawa. Binigyan rin kami ng dalawang shot na tequila ni krish. Agad may namumuong init sa katawan ko nang mailagok ko iyon.

"Hi, wanna dance with me?" Biglang may sumulpot na lalaki sa harapan ko.

Sumulyap ako kay stefan at tinulak ako bigla.

"Go na!"

Sinapak ko ito wala nang magawa kung hindi sumama. Anong silbi sa pagpunta ko rito kung hindi ako makikipagsayawan at tumanggap ng alok sa ibang lalaki.

Matangkad ang lalaki saakin at parang kakarating niya rin din dito sa bellca bar. Amoy na amoy ko pa kaya ang bagong shave nito.

"You look so sexy.." Bumulong ito malapit sa taenga ko.

Ngumiti nalang ako at sinabayan ang pagsayaw nito sa harapan ko. Huminto ito saglit at tinawag iyong waiter na may maraming dalang ibat-ibang inumin.

"Give me your best hard liquor." Sabi niya dito. Tumango ang lalaki at agad na binigay saamin ang inumin.

"Enjoy your drink, sir, ma'am!" Sabi nito bago umalis.

Hindi ko alam bakit pakiramdam ko may mga matang nakatitig saakin. Bago ko pa mainom ang hinawakan kong inumin ay nanlaki bigla ang mga mata ko nang nagtama ang mga tingin namin. Dumilim ang mga mata niyang nang makita ako. Igting ang panga ay nagkasalubong ang mga kilay.

"Hey you okay, honey?" Tanong ng lalaki saakin.

Hindi ako nakasagot at parang bumabara ang laway ko sa lalamunan. Halos matunaw na ako sa titig niyang ito. Hindi naman malamig dito, pero bakit nanginginig ako.

Hindi ko alam bakit hindi ko magawa ang paglapit sakanya. Pakiramdam ko kasi mahihimatay ako. Tsaka..bakit nga ba ako kinakabahan?

"Hey, you okay?"

"Ah..oo!"

Mabilis na tumalikod ako at naglakad pabalik sa kinaroroonan ni stefan. Ni hindi na pinansin ang pagsunod ng lalaki. Grabe! sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko akalain andito siya! O baka sinusundan na ako nun? O dikaya..wala na akong maisip!

"Stefan! Andito si ares!" Sabi ko sakanya.

"Talaga? Saan?"

"Tumingin ka sa likuran mo."

Agad na sinunod niya ang utos ko. Binalik ni stefan ang tingin saakin pagkatapos at mapang-asar na pinagmasdan ako.

"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo? Bakit parang umaatras ka ata diyan?" Tumawa ito.

"Ewan ko kinakabahan ako!" Sabi ko.

Sumulyap ako kay ares at nakitang kinuha niya ang cellphone at seryosong nagtipa doon. Biglang narinig ko naman ang pagtunog ng cellphone ko.

"Matutulog pala, huh?"

Nagtext siya saakin!

Iyon ang natanggap kong text mula sakanya. Sumulyap ako muli at nakita ang iritasyon sa mukha nito. Ganito naman siya lagi, e. Muli ay nagtama ang mga mata namin. Mabilis na umiwas ako.

Oo nga pala! Sinabi ko nga pala na matutulog na ako! And wait, ano naman ngayon? Tinago ko na ang cellphone at bumaling ulit sa direksyon niya pero nagulat nalang ako nang makitang wala na siya roon!

Nasaan na iyon?

"Nakita mo ba si ares, steffy?" Tanong ko. Hindi ito sumagot dahil nakay krish lang ang atensyon niya. "Hoy!" Hampas ko.

"Ano ba! Maghanap ka na nga lang ng iba diyan, ivanna. Baka umuwi na iyon." Umirap ito at muling pinagpatuloy ang pakikipaglandi kay krish.

Bahala ka nga! Basta huwag lang siyang iiyak ulit saakin pagnalaman kong pineperahan nanaman siya ng mga lalaki.

I sighed. Bahala na nga ang lalaking iyon!Makahanap na nga lang ng iba. Kumuha muna ako ng inumin at mabilis na nilagok iyon. Biglang nang-init at nagiba naman ang pakiramdam ko.

Agad na tinahak ko ang maraming tao sa gitna at nakisali na sa sayawan.

"There you are.." biglang may bumulong sa tenga ko. Humarap ako at nakita iyong lalaking nakausap ko kanina. Marahan na hinaplos niya rin ang baywang ko. "I've been looking for you, everywhere."

Hindi na ako sumagot at pinikit na ang aking mga mata para damahin ang tugtug. Unti-unti ay naramdaman ko na ang paggapang ng mga kamay niya pababa sa katawan ko. Bago pa iyon mapunta sa kung saan ay hinarang ko na ang mga kamay ko.

"Bilis mo naman." I chuckled and whispered sexily.

"You'm love teasing me, don't you.. babe.." he whispered.

Tumawa ako sa sinabi niya. Balak ko na sanang umalis nang biglang may humatak saakin paalis doon. Halos mabangga ko na nga ang lahat dahil sa bilis ng lakad niya. Inasahan kong si stefan iyon pero laking gulat ko nang makita si ares. Sa malapad niyang balikat at tangkad ng lalaking ito ay alam kong siya ito!

Huminto ito sa tapat ng kotse at hinarap ako.

"Ares?!" Gulantang na sabi ko.

"I'll get you home." Seryosong sabi nito at mukhang iritado pa.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nito. Hindi naman nakawala ang ngiti ko sa labi. Inekis ko ang braso ko at hinarap siya nang maayos.

"So ngayon..concern ka na pala saakin?"

Hindi siya nagsalita at madilim lang akong tinignan.

"Ang sungit mo talaga, no? Ngumiti ka kaya!"

Humakbang ako at nilagay ang dalawang hintituro sa labi nito at pilit na inangat ang labi niya. "Smile, ares, dali!"

Mabilis na hinawi niya ang kamay ko. Tatawa na sana ako pero taliwas ang ipinakitang itsura niya saakin. Sumimangot ako. The look on his face and the clenching jaws told me na hindi niya nagustuhan ang pagbibiro ko. Tinikom ko ang bibig ko at yumuko.

"Ito naman, ang seryoso.." sabi ko.

"Pasok." Utos nito.

"Saan ako papasok?" Tanong ko kahit alam ko naman talaga ang tinutukoy niya.

"In my car, woman." Diin at nawawalan ng pasensya na sabi niya.

"Pero andoon pa sa loob si s..stefan!" Sabi ko at biglang napapikit nang maramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko.

"I said, get in."

Sumimangot ako. Nanatiling nakahawak siya sa pinto ay hinintay ang pagpasok ko. Gusto kong umirap pero hindi ko magawa dahil sa itsura niya ngayon. Wala akong magawa kung hindi sumunod sa gusto niya. Parang alipin ay napasunod niya ako agad. Ano bang meron sakanya? Pakiramdam ko..mali ang hindi masunod sakanya. Damn it!

Suplado!