"Mama, pwede po bang magdala ako ng tatlong putahe? Magbabaon po ako."
"O, buti naman at napagisipan mo yan. Para naman hindi kana bumibili doon sa cafeteria."
"Bibigyan niya siguro si kuya ares, mama!" Sulpot ni aki.
"Ikaw talaga kung ano-ano yang mga pinagsasabi mo!" Pinandilatan ko ito ng mata.
"Sino yan? Boyfriend mo?"
"Hindi po, mama! Maligo ka na nga karius at ihahatid pa kita."
Tumawa lang ito at mabilis na pumasok sa banyo.
"Oh ito, magbaon ka ng adobo, afritada at tinola. Masarap yan."
Tumango ako. Lahat naman masarap talaga. Pero ito muna ang dadalhin ko. Naitext ko narin si Aleng meneng. Buti nalang talaga at pumayag siya sa gusto ko na tulungan si mama sa karenderya namin. Maliit lang ang sahod pero nakakatulong narin iyon.
"Karius, mamaya humingi ka ng number kay aki." Sabi ko habang paakyat kami sa hagdan tungo sa klase niya.
"Bakit ako hihingi kay aki? Huwag mong sabihin gusto mo rin si aki, ate!"
Binatukan ko ito sa ulo.
"Aray naman!" Reklamo niya.
"Humingi ka kay aki at magtanong ka kung meron siyang phone number ng kuya ares niya."
"Bakit ako hihingi?"
"Basta sabihin mo para sa project namin."
"Gusto mo talaga si kuya ares, eh!"
"Oo na! Basta humingi ka, ha? Hindi kita bibilhan ng donuts pag hindi mo nakuha." Sabi ko.
"Okay, ate!"
Hinalikan ko na ito pagkatapos maihatid ko siya sa klase. Buti nalang talaga at masunurin ang kapatid ko.
Masayang tinahak ko ang university. Pagkapasok ko pa lang ng classroom ay nakita ko na si stefan habang inaayos ang sariling mukha.
"Aga natin, a?" Sabi ko at umupo na sa tabi niya.
"Well..crush ko si sir eh kaya inspired."
"Ew!" Natatawang sabi ko. Inirapan niya naman ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Maaga pa naman kaya hindi pa nagsisimula ang klase.
Sabagay may itsura naman talaga si sir jon, e. Usap-usapan nga si sir jon minsan dito.
"We will be supporting the team dragon, ang team nila ares campbell para sa championship kaya dapat maging maganda ang paghahanda niyo sa cheering." Si sir jon.
Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa sinabi ni sir jon. Si ares campbell ang maglalaro? Totoo ba ito? Bakit ba pakiramdam ko lagi kaming pinaglalapit ng tadhana? Ngumiti ako nang malawak at sinapak si stefan sa tabi ko.
"Narinig mo ba yun?" Sumimangot ako dahil hindi pala nakinig ang baklang ito at walang ginawa kung hindi pagsamantalahan at titigan lang si sir Jon! "Hoy!" Hampas ko sakanya.
"What?"
"Si ares ang maglalaro para sa championship!" Hindi ko maiwasang ma excite.
"Hindi mo ba alam na laging most valuable player yan sa volleyball?"
"Talaga?"
Inirapan niya lang ako at pinagpatuloy ang paninitig sa harap.
Hindi ako makapaghintay na makita siyang maglaro. Paano kaya siya maglaro, no? Siguro ang galing niya. Kung sakanilang team pala kami mag checheering, 'idi gagalingan ko!
Biglang akong napaisip.
Natapos narin ang discussion at mga dapat gawin para sa cheering namin sa palapit na foundation day. Ako ang napiling face of the group para sa cheering, umapela si carolina. Pero dahil sa ganda kong ito, wala na siyang magawa.
Bakit kasi ayaw niya lang tanggapin.
"Bakit hindi kapa kumakain? At ano yan?" turo ni stefan sa dala-dala ko.
"I brought something."
"Para saakin ba?"
"Hindi no!"
Nasa cafeteria na kami ni stefan at hindi ko pa sinisimulan ang pagkain dahil may hinihintay pa ako.
"Huwag mong sabihin para kay ares yan?!"
Masayang tumango ako.
"Baka may gayuma yan?"
"Sa ganda kong ito gagamit pa ako ng gayuma para mahulog siya saakin?"
"Ewan ko talaga sa'yo, ivanna. Talaga masasapak ka nun dahil sa pangungulit mo."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at mabilis nang tumayo nang makita ko ang pagpasok ni ares. Umupo parin ito sa dulo. Sabay nang pagupo niya ay ang pagbukas ng laptop. Wala ata siyang balak kumain ngayon.
"Ivanna!" Tawag ni stefan pero pinagpatuloy ko parin ang paglalakad ko.
Tamang-tama talaga at nagdala ako ng marami.
"Hi." Simula ko nang makaupo.
Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at seryoso ang paninitig sa harap ng laptop. Well..nothing's change.
"I brought something for you." Ngumiti ako.
Talagang sinusubukan mo ako, a.
Inilahad ko ang baon ko sa harap niya kaya ngayon napatingin siya doon at sunod saakin. Nagkasalubong ang mga kilay niya na para bang hinintay ang susunod kong sasabihin. Napalunok naman ako dahil sa titig niyang ito.
"Luto yan ni mama. Kain ka. Tatlong putahi yan." Masayang paliwanang ko sakanya at sabay-sabay na binuksan. Agad naamoy ko ang bango at sarap. Nagutom tuloy ako.
"Ay tanga! Nakalimutan ko yung kanin!"
Iyong kanin pa talaga ang naiwan!
Nakita ko ang pag-angat ng labi niya na para bang pinipigilan ang sariling pagngiti. Namangha naman ako doon.
"Wait, bibili ako. Diyan ka lang, a." Bago pa ako makaalis ay nagsalita ito na ikinatigil ko.
"Sit." Tipid na sabi nito. Kumunot naman ang noo ko.
"Bakit? Okay lang saiyo na walang kanin?"
Hindi siya nagsalita at nagulat ako nang tumayo ito. Akala ko aalis siya pero tumungo lang ito sa counter at inabot ang pera sa tindera. Biglang sumilay ang ngiti saaking labi nang makitang bumibili pala siya ng rice!
Totoo ba ito?
Nang mapansin ko ang paninitig nila saakin ay mataray na inirapan ko sila.
"Anong tinitingin niyo? Ano, Inggit kayo kasi bumili ng rice si ares para saakin, no?" Tumawa ako at mabilis na tinikom ang bibig nang umupo na siya ulit sa harapan ko.
Hindi siya nagsalita at ibinalik ang sarili sa ginagawa. Wala atang balak kumain.
Hindi ako gumalaw at tumitig lang sakanya. Umangat ang ulo niya at parang napansin na wala talaga akong balak galawin ang mga pagkaing ito hangga't hindi niya ako sasamahan.
"Eat, woman." He demanded.
"Hindi ako kakain paghindi ka kakain." Sabi ko.
I heard him sighed at pinigilan ko ang sariling tuwa nang makitang kinuha niya ang kanin na binili at naglagay nang para sakanya rin. Hindi mo rin naman ako matitiis, e..
"Now, let's eat."
"Okay!" Maligayang tumango ako at sinumulan na ang pagsubo ng kanin
Hindi ko rin kayang maiwasan mapansin nang makitang nasasarapan talaga siya sa luto ni mama. Kumuha pa ito ng kanin at pagkatapos ay sinubo sa bibig ang adobo.
"Masarap 'diba?" Sabi ko.
"Yeah." Tipid niyang sagot.
Grabe ang tipid niya talagang magsalita. O baka nahihiya lang ito saakin.
Hindi parin talaga ako makapaniwalang hindi niya ako tinanggihan sa alok ko, at bumili pa siya ng kanin!
Pagkatapos namin kumain ay napansin ko ang pagliligpit niya ng gamit. Tumingin siya saakin at bawat galaw niya ay namamangha ako.
"I have to go. I still have meetings to attend." Seryoso na sabi nito habang nagkasalubong ang mga kilay.
"Sige! Bukas ulit magdadala ako!"
"Huwag nā"
"Ibang putahi naman dadalhin ko. Hindi ako kakain pag wala ka bukas." Agap ko.
Hindi siya nagsalita and his mouth dropped open at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Bumuntong hininga ito at umiling-iling bago umalis na wala man lang thank you saakin.
Grabe ang galing! Thank you, Ivanna. Wala man lang bang ganun?
Nang makaalis na ito ay hindi na nawala ang ngiti ko sa labi. At syempre, agad na sumulpot si stefan sa tabi ko.
"I can't believe this! Kumain kayo ng sabay!"
Mayabang na tumango ako at hindi na napigilang hampasin siya sa tuwa. Kung nasa kama lang ako baka kanina pa ako gumulong sa tuwa at saya.
"Kita mo ba kanina, nasasarapan siya sa luto ni mama!"
"Buti pa nga si ares binibigyan mo, no?" Sarkismo na sabi nito. Umirap ako.
"Ito naman huwag ka ng magselos, bukas bibigyan din kita."
"Talaga?"
"Oo naman! Basta lagi mo lang kaming kunan ng litrato pag magkatabi o magkasama kami."
"Oo naman. Tignan mo ito."
Kinuha ko ang cellphone ni stefan at tinignan ang litratong nakuha niya. Seryosong kumakain kami na para bang matagal na talaga kaming magkakilala. Zinoom ko pa iyon at pinagmasdan talaga ng mabuti ang mukha niya. Suplado..pero gwapo parin..kinagat ko ang labi ko.
"Bagay kami..aminim mo stefan.."
Nakita ko ang pag-irap niya sa sinabi ko. Hindi ko naman maiwasang matawa.
"Feeling mo!"
Si stefan ulit ang naghatid saakin sa skwelahan ni karius. Pagkarating ko ay naglaro lang ito sa playground.
"Karius!" Tawag ko.
"Ate!"
Napansin ko naman na hindi niya kasama si aki.
"Si aki?"
"Ah...sinundo siya nang maaga, e."
"Sino nagsundo?"
"Si manong driver. Wala si kuya ares kasi may meeting daw."
Hindi paba tapos ang meeting na sinsabi niya? Ang tagal naman kung ganoon..o kaya, may inisikaso siyan iba? Biglang pumait ang itsura ko. Sumulyap muli ako sa kapatid ko.
"Nagawa mo ba inutos ko sa'yo?"
"Where's my donuts?"
Iba rin itong batang 'to..
"Ibigay mo na at bibili tayo bago uuwi sa bahay."
"Ayan!"
Ngumiti ako nang malawak at nakita nga ang numero niya doon. Hinagod ko ang buhok ng kapatid ko at hinalikan siya.
"Halika at bibili tayo ng maraming donuts hanggang sa lalaki tiyan mo."
Tumalon ito sa saya dahil sa sinabi ko. Hindi narin ako makapaghintay na kulitin at itext siya mamaya.
Tsaka alam ko naman na bibigay rin iyon saakin at makakalimutan niya si lianna.