"Hi!" Simula ko nang makaupo ako sa harapan niya.
Dahil sa biglaang pagsulpot ko ay agad nagsungit ito at madilim na tumitig saakin. Kalaunan din ay ibinalik niya na ang sariling atensyon sa pagkain.
Suplado talaga.
"Bakit nagiisa ka lang rito?" Simula ko.
Sumulyap ako kay stefan sa malayo at nakita ang pang-aasar niyang tawa saakin.
Kaya siguro hiniwalayan ito dahil ang tipid magsalita.
"Alam mo, masarap magluto si mama. Dapat matikman iyon!" Masaya na sabi ko pero hindi parin ito umimik.
Ngumuso ako.
"Ang tahimik mo, nā"
"Will you please shut up?" Umigting ang kanyang panga at masungit na tumingin saakin.
Tumingin ako sa paligid at nakita ang mga iilang studyanteng nagbulong-bulungan na sumusulyap sa direksyon ko.
Chismosa!
Mapapahiya ata ako rito.
Bakit ba kasi ayaw niya lang makipag-usap saakin?
Buti nalang talaga at nasa dulo kami nakaupo kaya hindi nila maririnig ang pinaguusapan namin.
Ah, oo! ako lang pala nagsasalita rito.
Pepe itong kausap ko, e.
Ngumiti ako at hindi pinansin ang pagsusungit niya.
"Sungit mo naman. Alam mo tatanda ka nang maaga pag lagi kang nagsusungit."
Hindi ako pinansin at nagkasalubong ang makakapal niyang kilay habang nakayuko at seryosong nginunguya ang pagkain.
Sarap mo talagang asarin, campbell.
Tinukod ko ang dalawang palad ko at nilagay ang baba doon. Nakangiting tumingin ako sakanya.
"Ngumiti ka naman, o.." mapang-asar na lumabi ako kahit hindi niya naman ako tinitignan.
Ayaw mo talaga akong pansinin, a. Kung inakala mo susuko ako, pwes mataas kaya ang patience ko sa mga ganito. Tsaka, I enjoyed teasing you, campbell.
"Pagtumingin ka, akin ka." Mapang-asar na ngumiti ako at nag-aabang na umangat ang ulo niya.
Unti-unti ay umangat ang ulo niya at nakita ang iritasyon sa kanyang mga mata.
"Akin ka! Uy akin kana!" Napasigaw ako sa saya habang tinuturo siya. "Uy! Tumingin ka saakin!" Hindi ko mapigilang tumawa kaya ngayon nakuha ko na lahat ang atensyon nila dito.
"God damn it, woman." Mabilis na tumayo ito at hindi man lang ako hinintay.
"Hoy! Nagbibiro lang naman kasi ako!" Tumawa ako pero tinikom ko rin agad ang bibig ko at masungit na inirapan ang iilang studyante rito nang mapansin ang paninitig nila saakin.. "What?!" I snapped at them. Yumuko naman sila at binalik ang atensyon sa kanilang ginagawa.
Mga chismosang palaka!
"Bwisit ka talaga! Tawa ako ng tawa sa mga pinanggagawa mo!" Sumulpot si stefan at umupo sa harapan ko kung saan nakaupo si ares kanina.
"Hindi ko tuloy nahabol." Malungkot na sabi ko pero natawa rin nang maalala ang iritasyon niya kanina saakin.
"Look, I took a picture of you!" Mabilis na pinakita ni stefan ang litrato kung saan nakatukod ang baba ko sa mga palad.
It was a perfect shot. Kahit masungit siya sa litratong ito ay ang gwapo niya parin talaga.
"Sungit niya talaga no?" Sabi ko habang natatawa.
"Baka sa susunod niyan, masasapak ka na nun!" Tumawa kaming dalawa.
Iyon lang ang ginawa namin the whole time sa klase, ang pag-usapan kung sino ang sasali sa paparating na event sa school. Kahit ayaw ko man, kinuha akong cheerleader sa larong volleyball para sa championship. Kahit si stefan ay naging cheerleader rin. Okay narin saakin dahil andoon naman si stefan. Ayoko pa naman makasama sina carolina dahil alam kong gulo lang ang maabutan ko sa inggitera na iyon pagnagkasama kami.
"Hali na nga kayo, at baka mahawa pa tayo sa kalandian ng isa diyan."
Umirap ako. Ano pa ba ang bago?
Halos wala atang araw na hindi kami nagbabangayan ni carolina. Ewan ko ba at bakit puro panlalait ang naririnig ko sakanya, kahit buhay ko pinapakialaman. Ni hindi ko nga pinakialam buhay niya!
Baka nga siguro, big fan ko ito. Gusto ata ng autograph.
"Oo nga, umalis na kayo baka mahawa kami sa kalandian niyo." Stefan intervere.
"Anong sabi mo?!" Si carolina.
Matapang naman na humakbang si stefan.
"O, bakit? Papalag ka, huh?" He paused and looked at her head to toe. "Akala mo kung sinong maganda."
Tumawa ako at hinila si stefan.
"Halika na nga, at baka tuluyan na talagang masira itong araw ko." Sabi ko at nilagpasan sila.
"Mga bruha!" Narinig namin na sigaw ni carolina sa loob.
Nagtawanan lang kami ni stefan.
"Ikaw talaga, lagi mong iniinis iyon. Pero dapat lang naman yun sakanya!" Sabi ko.
Kahit ayaw ko pang umalis ay kailangan kong umuwi nang maaga dahil susunduin ko pa si karius sa klase. Si stefan narin ang naghatid saakin tungo sa skwelahan ni karius gamit ang kotse niya. Mayaman si stefan at ang mga pamilyang alegado. Pero kahit ganoon, maganda ang pakikitungo ng mga alegado saamin ni mama, hindi kagaya ng iba na matapobre.
Nasa private school si karius pumasok. Hindi ako pumayag sa gusto ni mama dahil malaki rin ang tuition doon, pero wala akong magawa dahil iyon ang gusto ni mama. Tsaka, pag dito, mababantayan ng mabuti si karius. Mahigpit ang seguridad at hindi basta-basta makakalabas ang mga bata pagwalang sundo.
"Ate!" Tawag niya nang makita ako. "Laro muna kami ni aki." Turo niya sa batang lalaki na patakbo ngayon sa kinatatayuan ko.
Nang makalapit ay kumaway ito saakin.
"Hello po!" Masayang bati niya.
May naalala naman ako bigla sa mukha niya.
"Hello." Kumaway ako pabalik. "Bukas nalang kayo maglaro, a? Magagabihan na kami, e." Paliwanag ko. Nagreklamo naman si karius sa tabi ko.
"Pero, ate!"
Pasimpleng pinandilatan ko naman ito ng mata.
"Aki!" Isang pamilyar na boses ang sumigaw sa malayo.
"Kuya!" Tawag niya pabalik.
Agad napaangat ang ulo ko at laking gulat nang makita siya dito. Napahinto rin siya at nalukot ang buong mukha nang makita ako.
Nga naman, oo, kahit ang tadhana lagi tayong pinagtagpo. Ngumisi ako nang malawak.
"Hello, ares!" Kumaway ako dahil wala ata siyang balak na lumapit. Tumakbo narin si aki sakanya.
"Kuya!"
Kuya? Ibig ba sabihin nito, magkapatid sila?
Sa dami-dami ba naman na magiging kuya niya ay itong antipatiko pa.
"Ate, you know him?" Si karius.
"Oo naman! Close nga kami niyan, e, hindi ba?"
Hindi siya kumibo at masungit na inirapan ako.
"Kuya, I want you to meet them." Wala na siyang magawa dahil hinila na siya ni aki palapit saamin. Kumalabog naman ang puso ko.
Ewan ko ba at bakit natutuwa ako lagi sa pagiging suplado niya. Ni hindi ko nga nakita na ngumingiti ito. Ang bawat kilos niya ay laging maingat at tipid. Kahit pangalan niya tipid rin.
"Kuya, this is karius. And ate..."
"Ivanna." Dugtong ko.
Wala man lang kamayan diyan?
"Right, let's go." Iyon lang ang sinabi niya.
"Ito naman, hindi pa nga tapos ang kapatid mo magpakilala saakin."
Ngayon ay madilim na tumingin siya saakin na para bang gusto niya na akong kainin. Matangkad siya saakin kaya kailangan ko pang tumingala ng kaonti. Pakiramdam ko tuloy ang liit-liit ko.
"Let's go, aki."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at tumalikod na siya. Ni hindi niya na hinintay ang kapatid niya. Nagmamadali ata. O, dahil sa kagandahan ko kaya siya nagmadali, hindi ata nakayanan.
Yabang mo, ivanna!
Tumawa ako sa iniisip ko.
"Sige, karius, bukas nalang ulit, a?" Si aki.
Tumango ang kapatid ko at nagpaalam na. Grabe sobrang magkaiba ang ugali nila. Buti pa si aki ang bait at nakikipagusap saakin, hindi kagaya ng kuya niya na ang panget ng ugali. Mukha lang naman ang gwapo nun!
"Kari, lagi ba siya sinusundo ng kuya niya?" Tanong ko nang makauwi na kami sa bahay.
"Minsan lang, ate." Sagot nito.
Binihisan ko narin siya ng damit.
"Talaga?"
"Bakit, ate? Gusto mo siya, no?"
"Hindi, a!"
Tumawa siya at sinusundot ang gilid ko.
"Ikaw ang bata mo pa at tinatanong mo na 'yan!" Sabi ko.
"Halata naman kasi, e!"
"Kumain na nga diyan, at tutulungan ko pa si mama sa labas."
Sabi ko at umalis na sa kwarto.
Pagkalabas ko ay tinulungan ko na si mama sa pagliligpit. Naubos rin lahat ng binebenta ni mama.
"Kailangan na talaga natin bumili ng upuan at mesa. Alam mo kanina sobrang daming customer."
"Talaga, mama?"
"Oo, tsaka kailangan ko na talagang maghanap ng tao para matulungan ako."
"Sabi ko naman sayo, ma.. si aleng meneng nalang, mama. Ako na makikiusap doon."
"Sige, para bukas matutulungan niya ako."
Tumango ako at nagpaalam muna para makapagpalit ng damit. Huhubarin ko na sana ang damit ko nang biglang may tumunog na notification mula sa cellphone ko. Kinuha ko iyon at napaawang ang labi dahil sa nakita.
Sabi na nga ba, e!
Ares campbell accepted your friend request.
Pakipot ka pa! Alam ko naman na gusto mo ako. Napatalon ako sa tuwa. Hindi narin ako nag abalang tignan ang facebook niya dahil wala namang bagong litratong makikita.
Bukas, magbabaon ako at bibigyan ko siya.
Para naman masabi niya na totoo nga ang sinabi ko na masarap magluto si mama!
Bakit ko nga ba ito ginagawa? Hindi ko rin alam..
Ah, oo! Gusto ko siyang asarin araw-araw!