Pagkapasok pa lang ni Vendrick sa loob ng mala kastilyong bahay nina Chelsea ay malakas na tunog agad ng nabasag na bagay ang kanyang narinig kaya't nagmamadali siyang umakyat ng hagdanan papunta sa ikatlong palapag hanggang mabuksan niya ang pinto ng kwarto ng dalaga.
Nagulat siya nang makita ang katulong nitong padapang nakaupo sa sahig, duguan ang mga kamay habang nakatukod ang mga iyon sa sahig, ang dalaga nama'y nanlilisik ang mga mata sa galit.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa, sa huli'y una niyang sinaklolohan ang humihikbing katulong at tinawag ang iba pang naruon sa loob ng bahay.
"Rica, ano'ng nangyari?" usisa niya rito't agad inalalayang tumayo saka pinunit ang laylayan ng damit niya upang gawing bindahe sa dumudugong palad ng babae.
Hindi sumagot ang katulong, nagpatuloy lang sa paghikbi. Tamang tama namang pumasok si Lilith, ang isa pang katulong sa bahay na 'yon at agad inalalayan ang una.
"Dalhin mo siya sa malapit na clinic para ipagamot ang kamay niya," utos niya kay Lilith na agad namang sumunod.
Salubong ang kilay na bumaling siya kay Chelsea na nagtataas-baba ang dibdib sa galit at nagdadabog na umupo sa gilid ng kama.
"What's with you, Chelsea? Everytime na pumupunta ako rito, kung hindi mo sinasampal, pinapadugo mo ang katawan ng mga katulong mo! Sadista ka ba?" sita niya sa kababata.
Sa kanya naman ito pagalit na tumitig.
"You shouldn't come if you're just gonna shout at me! Pare-parehas kayo! Wala na kayong ginawa kundi icondemn ako na masamang tao!" pasigaw nitong sagot sa kanya at nanlilisik na uli ang mga matang lumapit saka siya binayo sa dibdib habang umiiyak.
"Lalo na ikaw! Sa halip na tulungan mo akong makatayo kagabi, 'yong halimaw na 'yon pa ang ini-mouth to mouth resuscitation mo! Parehas kayo ni Gab. Ang sama ng tingin niyo sakin dahil lang sa itinulak ko ang tomboy na 'yon sa pool! Ayuko na sa inyo! Ayuko na sa inyo!" pagtatantrums nitong parang bata habang sige sa pagbayo sa dibdib niya.
Nasasaktan ma'y hindi niya pinigilan ang ginagawa nito, hinayaan niyang duon nito ibuhos ang lahat ng galit. Sa nangyayari dito ngayon, malamang nagpunta na do'n si Gab para pagalitan ito.
Kahit siya man, ayaw niyang masanay ang kababatang nananakit ng kapwa. Pero sa tono ng pananalita nito ngayon, sa halip na matakot sa kasalanang ginawa kagabi, pakiramdam nito, ito pa ang biktima, hindi talaga tama ang gano'ng asal.
Nang mapagod ito sa ginagawa sa kanya'y siya namang paglakas ng hagulhol nito't napayakap na sa kanya.
"Drick! 'Wag mo akong iiwan. Ikaw na lang ang taong inaasahan kong dadamay sakin, ang uunawa sa'kin. Ayaw na sa'kin ni Gab. May iba na siyang mahal, Drick," panaghoy nito, lalong humigpit ang yakap sa kanya.
Napabuntunghininga siya. Ano ba'ng sasabihib niya para hindi ito ma-offend sa gusto niyang ipanunawa rito? Pero mas makabubuti segurong 'wag na niyang ipagtanggol si Marble o 'di kaya si Gab. Hahayaan na lang niyang isipin nitong nauunawaan niya ang nararamdaman nito.
What about his feelings? Natigilan siya. Feeling about what? For whom? Para rito?
Yup! Iyon ang gusto niyang alamin ngayon. Ganto ang gustong gusto niya noon, 'yong sa kanya naglalabas ng sama ng loob ang dalaga, niyayakap siya at sa dibdib niya ito umiiyak. Tuwang tuwa siya duon, tapos gaganti siya ng yakap.
Pero what happened just now? Bumuntunghininga lang siya at hinayaan lang niya itong umiyak. What is he trying to do to comfort her? Kailangan pa ba 'yon? Nasaktan na nga siya sa ginawa nitong paulit-ulit na pagbayo sa dibdib niya, iko-comfort pa niya samantalang kasalanan naman nito talaga kung bakit pinagalitan ito ni Gab. Kung alam lang niyang ito pala ang nagtulak kay Marble kagabi kaya muntik nang malunod ang dalaga kung hindi niya---.
Naramdaman niyang biglang uminit ang kanyang tenga sa inis at awtomatikong inilayo ang katawan ng dalaga sa kanya.
Why did he do that?
Natigilan na uli siya.
'Pag ang payatot na 'yon ang naiisip, talagang kumukulo agad ang dugo niya.
"Drick, do you really like me? Gusto mo ba talaga ako?"biglang lumabas sa bibig nito sabay titig sa kanya.
"What?" nagulat pa siya sa tanong na 'yon, namula ang pisngi, pero 'di agad nakasagot, natigagal pa, nakatitig lang dito.
Ano'ng sasabihin niya? Kung noon nito itinanong 'yon, 'di pa tapos ang sinasabi nito'y umoo na agad siya.
Pero bakit ngayon, 'di siya makasagot?
"Sabihin mo, Drick," may halo nang paglalambing sa boses nito, saka muli sana siyang yayakapin pero bahagya siyang umatras at naihimas ang kamay sa baba.
"Drick I'm starting to love you. Nararamdaman ko sa sarili kong ikaw na ang gusto ko. Hindi ako nagalit kay Gab dahil nalaman kong ang tomboy na 'yon ang gusto niya. Nagalit ako dahil iniwan mo ako kagabi at siya ang inuna mong iligtas," nagsisimula na namang gumaralgal ang boses nito.
Lalo siyang natigilan sa narinig. Umawang ang kanyang labi pero walang lumabas na salita duon, ni letra man lang. Nagulat siya sa sinabi nito. Pero mas nakakagulat ang reaksyon niya ngayon dahil kahit siya'y 'di alam kung anong nararamdaman niya. Bakit parang may mali sa kanya?
Sa halip na matuwa ay bakit tila siya naguguluhan? Kaharap niya ang kanyang crush pero bakit iba ang mukhang pilit na umuukilkil sa kanyang utak?
'No! No Drick! You should only love one woman. You must be a one-woman man,' gano'n ang sinasabi ng puso niya kaya nang akmang yayakapin na uli siya ni Chelsea, bahagya na naman siyang umatras pero 'di pa rin siya nakailag.
Nang maglapat ang kanilang katawan, bakit nakaramdam siya ng pagkailang na gustong gusto niya itong itulak.
'Being a two-timer man is a sin,' saway na uli ng kanyang puso.
'And one more thing. 'Pag kasing edad na kita. Seseguraduhin kong 'di iiyak ang babae sa piling ko. Hindi ako katulad mo, iresponsable.'
Bigla niyang narinig ang sariling boses na 'yon dahilan upang maitulak niya nang bahagya ang kababatang nagulat sa ginawa niya.
"Chelsea, liking someone doesn't mean loving her also. I just liked you, but--but love is a different thing," hindi niya alam kung saan kumuha ng lakas ng loob para sabihin 'yon.
"What?! You liked me? And now you already hate me? Also because of that Daylight Vampire?!" nanlisik na naman ang mga mata nito sa galit.
"She has nothing to do with me! Dammit!" napasigaw na rin siya.
Ito naman ang nagulat sa ginawa niya. Siya man ay nagulat nang marinig ang sariling sigaw.
Napaiyak na naman ang kababata, siya na ang kusang yumakap rito.
"Alright, I like you. Pero mga bata pa tayo para maunawaan ang love na sinasabi mo. And it's the hardest thing for me to understand," paliwanag niya habang mahigpit itong yakap.
"Drick, I really like you. Kung ayaw mong maniwalang love na kita, ipapakita ko 'yon sa'yo sa gawa. Sasabihin ko kay Mommy 'pag nakatapos tayo ng college, magpapakasal agad tayo," anito.
"What?!" sambulat niya't agad itong itinulak.
"That's not what I mean Chelsea! I told you, love is a very different thing," inis niyang sagot saka nagtatagis ang bagang na tumalikod sa kababata, wala na siyang pakialam kahit ano'ng gawin nito.
Bakit ba siya galit na galit? Damn! Dammit! She liked her! But she doesn't love her okayy! Dammit!
"Drick! Drick!" tawag nito pero 'di siya lumingon man lang.