Nagmadali siyang kunin sa madam ang tulak nitong wheelchair. Sumunod naman sa kanya si Vendrick at dalawa nilang binuhat ang matandang 'di man lang nagising nang itihaya nila sa malambot na kama.
Nang bumaling siya sa madam, 'di pa rin ito nagsasalita habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanila ng anak nito at tumitig sa lalaking 'di makatingin ng deretso sa ina.
""How long have you been here?" sa wakas ay tanong nito sa anak na napakamot muna sa batok bago nagsalita.
"Five minutes ago. And you?" balik-tanong nito sa ina.
"Five minutes ago I think," seryosong sagot nito.
Napayuko ang binata. Siya nama'y nagtataka sa dalawang 'di niya mawari kung ano'ng ibig sabihin ng mga tonong may kahulugan. Para talagang may kakaiba ngayong araw na 'to eh.
Nang bumaling sa kanya ang madam ay napangiti lang siya, tumaas ang isang kilay nito, nagtaka siya. Para saan 'yon?
"Ma, I thought you misunderstood something," paliwanag ng binata sabay sulyap sa kanya.
"Muntik na naman kasing malunod sa pool si Marble kaya dinala ko na dito kasi pinulikat ang isa niyang binti, 'di makalakad nang maayos kaya hinilot ko muna. Actually, palabas na nga po ako ngayon," mahabang paliwanag nito.
Humalukipkip ang madam saka walang kurap na tumitig dito.
"And the thing that you just did a minute ago?" paghingi nito ng paliwanag.
Patay-malisya lang siyang nakikinig sa usapan ng dalawa kahit 'di niya mahabol ang ibang usapan ng mga to lalo 'pag sa English.
"Ahhm---" 'di makasagot nang deretso ang binata, nalilitong bumaling sa kanyang 'di magets kung anong pinupunto ng amo.
Nang wala talagang maisagot ang binata'y nilapitan na lang ang ina saka inakbayan at inaya nang lumabas ng kwarto.
"You know what, Ma. I think I have to tell you something about us going to Canada," anito.
"Hey, hey. That's not what I'm asking you," angal ng ina.
Naiwan siyang nagkibit-balikat. Iba talaga pag mga mayayaman, kunting bukas lang ng bibig, English. Kaya siyang bobo sa salitang 'yon, nganga siya, wala siyang magets masyado sa pinag-usapan ng mga 'to.
Napapailing na lang niyang isinara ang pinto at nilapitan ang alagang mahimbing pa rin sa pagkakatulog.
************
Ilang beses nang nahuhuli ni Vendrick ang inang nakatitig sa kanya habang kumakain sila nang gabing 'yon. Katabi nito ang amang kahit na kumakain ay nakatitig pa rin sa hawak nitong phone habang ang kanyang Ate chloe ay patikim-tikim lang sa teriyaki pork sa plato nito at 'di rin matanggal ang mga mata sa pinapanood sa iphone na hawak.
"Chloe, eat properly," saway ng ina.
Umungol lang ang kapatid pero 'di sumunod.
Ibinalik na uli nito ang tingin sa kanyang kunwari ay busy sa pagkain.
"Oh, really?" bulalas ng amang humahalakhak na napatingin sa kanyang namula agad ang pisngi sa 'di alam na dahilan.
Naagaw nito ang atensyon ng mga naruon. Itinuloy pa rin niya ang pagnguya sa kinakain.
"Is this true Vendrick? Gf mo na si Chelsea?" 'di maitago ang tuwang tanong nito sa kanyang muntik nang mabulunan sa narinig.
"What?! Hell no!" sambulat din niya at tila biglang natulirong tinungga ang grape juice sa kaharap na baso.
"Vendrick!" saway ng ina.
Nagtaka ang ama sa naging reaksyon niya.
"'Di ba't matagal mo nang gustong maging gf si Chelsea? Bakit ngayong sinagot ka na'y parang galit ka pa?" takang tanong nito.
"You got it wrong, Pa. Wala kaming relasyon ni Chelsea," paliwanag niya, napataas na ang boses sabay tayo.
"Ano'ng walang relasyon? Heto nga si Vick kachat ko, ang sabi daw sa kanya ni Chelsea, sinagot ka niya kanina lang," anito't 'di napigilan ang isang malakas na halakhak at napabaling sa asawang 'di malaman kung sino ang kakausapin sa kanila.
"Ganun din ang sinabi ni Eunice sakin kanina. Balak niyo nga raw magpakasal na after ng college," litong susog ng ina.
"What?!" napamulagat siya uli.
"I don't know anything about it! I already told you! You just got it wrong. I said i liked her. I just liked her, okay? I never said I love her to think of marrying her. I thought you knew that better than me!" pasigaw niyang paliwanag sa mga ito't pagalit na ibinagsak sa mesa ang hawak na tinidor at padabog na tumayo sabay alis.
Naiwang nagkatinginan ang tatlo, nagtatanong sa isa't isa.
"What's with that boy?" litong usisa ng ama sa ginang na naguguluhan rin sa inasal niya.
"Maybe Chelsea just misunderstood him," anang ginang.
"Misunderstood him when he's this eager to make her his girlfriend? At nang sinagot na, gan'to na ang naging attitude? What's with him, huh? Kausapin mo ang lalaking 'yon, Cielo! Ayukong mapahiya sa magiging mga balae ko dahil sa ugali niyang 'yan!" pagalit na ring wika ng ama sabay tayo at mabilis ang mga hakbang na lumabas sa dining room.
Napatingin ang ginang sa naiwang anak na walang ibang sagot kundi kibit-balikat at parang walang narinig na nagpatuloy na sa pagkain.
Napabuntunghininga na lang ang ina.
***********
Tulad ng nakagawian niya pag nagagalit o naiinis, paulit-ulit siyang lumalangoy sa swimming pool, walang kapaguran hanggang sa humuhupa ang kanyang nararamdaman. Pero ngayon, 'di niya alam kung bakit tila ayaw mawala ang inis niya sa dibdib.
Kung alam lang niya'y ganto ang mangyayari, 'di na sana siya nagpunta kina Chelsea kanina.
Ang alam niya kasi'y nagkaintindihan na sila bago siya umalis. Malay ba niyang igigiit nito ang gusto sa kanilang dalawa. Walang pilitan Tsong! Past tense is past tense. Hindi niya idi-deny na gusto talaga niya ito noon, pero mula nang---nang halikan niya ito'y biglang nawala ang kanyang nararamdaman.
Ilang beses siyang napabuntunghininga at nagpatuloy sa paglangoy hanggang sa maramdaman niyang napapagod na ang kanyang mga paa sa pagkampay kaya sumandal muna siya sa gilid nang pool.
"Malamig ba ang tubig?"
Napalingon siya sa may-ari ng boses na 'yon.
"Ma?" sambit niya.
Ngumiti ito't umupo sa ibabaw ng pool sa tabi niya at inilusong sa tubig ang mga paa saka nagtampisaw duon.
"Anak, I just thought i had to talk to you. I was just amazed by what you said an hour ago. Hindi ko akalaing malalim pala ang pagkakaunawa mo sa pag-ibig." seryosong simula ng ina.
Napabuntunghininga na uli siya, napatingin sa langit na nang mga sandaling iyo'y nagyayabang at tila sumasayaw ang maliwanag na buwan kasama ang nagkikislapang mga bituin.
"What is love to you, Ma? Wasn't it a requirement for you to marry Papa?" tanong niyang sa langit nakatingala.
Napahagikhik ang ina at tumingala na rin sa langit.
"It's not what you think it is. Love is only an illusion. It isn't real," makahulugan nitong saad.
Litong napatitig siya rito, mula sa liwanag ng buwan at sa ilaw sa malapit sa kanila ay pilit niyang sinuri ang ibig sabihin nun mula sa mga mata nito.
"You thought it was love when you married him. But then, as time flies, you realized it wasn't really love but your desire to just have him because you thought if you had him, you would be the happiest person in the world. It wasn't love but selfishness," makahulugan na uli nitong saad saka nakangiting bumaling sa kanya.
"Gusto mo ba'ng kantahan kita kung ano'ng meaning ng love sa iba?" anito.
Maang lang siyang napatingin sa ina, 'di niya maunawaan ang sinasabi nito, o ayaw niyang unawain.
Huminga ito nang malalim at nagsimulang kantahin ang english song na 'Perhaps Love' ni John Denver.
Tila siya idinuduyan sa malamyos na himig ng ina habang umaawit.
"Ikaw anak, what do you think love is?" ito naman ang nagtanong sa kanya matapos umawit.
Napaisip na naman siya at napatingala sa langit. Ano nga ba ang pag-ibig sa kanya? Ang alam lang niya'y gusto lang niya si Chelsea pero hindi 'yon sapat para pakasalan niya ito. Pakakasal lang siya sa babaeng mahal niya. Subalit ano ba ang requirement niya sa pag-ibig? Kailangan bang may requirement 'yon? 'Di ba 'yon kusang dumarating lang, nararamdaman mo nang 'di mo sinasadya?
"Is it love when you're happy if you're yelling at her all the time and she kept on arguing with you everytime she's with you?" wala sa sariling usisa niya.
Napahagikhik na uli ang ina.
"Kanino mo naman naramdaman 'yon?" Ngunit natahimik din pagkatapos at makahulugang bumaling sa kanya, siya nama'y bigla ring napabaling rito, nagtama ang kanilang paningin, umiwas siya agad ng tingin nang mapansing nanunuri ang mga titig nito.
"What if I want that kind of love, Ma? Will you be by my side? Or will you hate me because of that? For sure, it isn't for Chelsea," pag-amin niya.
Isang malalim na paghinga ang kanyang narinig mula rito.
"Let's not talk about it anymore," anitong agad nang tumayo at nagmamadaling umalis sa lugar na 'yon.
Naiwan siyang natulala. What if he wants that kind of love? Matatanggap ba 'yon ng sarili niya?
Napayuko siya sa naisip.