Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 34 - SHE WANTED TO STUDY

Chapter 34 - SHE WANTED TO STUDY

Mangiyak-ngiyak na sumalubong ang kanilang Madam pagkababa lang nila sa kotse ni Gab. Hindi na sumama sa kanila ang anak nito pabalik.

Ang matanda nama'y agad na nagtago sa kanyang likuran nang makita ang pamilyar na bahay.

"Nanay, bakit po tayo bumalik rito? Ayuko na rito Nanay. Madaming pulis dito," takot nitong sambit sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay nito.

"'Wag kang mag-alala anak. 'Di na mauulit ang nangyari sayo kanina. Lalaban na si Nanay para sa'yo," determinado niyang sagot.

Bukal sa kanyang puso ang sinabi sa matanda. Magsasalita na siya kung ano talaga ang nangyari kaninang madaling-araw.

"Papa, masakit pa ba ang ulo mo? Kumusta na ang pakiramdam mo? Nahihilo ka ba?" sunud-sunod na tanong ng madam pagkalapit lang sa kanila.

Umiling ito habang nakasiksik ang ulo sa kanyang dmit.

"I think he's fine Tita. Katatapos lang po naming kumain sa Jollibee," si Gab na ang sumagot na katabi niya nang mga sandaling 'yon.

Bumukas na uli ang gate ng bahay at pumasok ang isa pang sasakyan.

"Good. Very good," anang Madam at bumaling sa kanya.

"Pa'no kayong nagkita-kitang tatlo?" takang tanong nito sa kanya.

"Ewan ko po. Basta nakita ko na lang po ang senyor na galing sa likod ko at bumibili ng calamares, sabi niya nakasunod lang daw po siya sa'kin. 'Tsaka nakita na lang po namin si Sir Gab malapit sa kinainan namin. Tsaka bigla na lang pong lumapit si---" mahaba niyang kwento ngunit sandaling naputol nang makita ang anak ng madam na lumapit sa kanila, "...si Senyorito habang kumakain po kami," pagtatapos niya.

"You mean, magkakasama kayo?" amazed na paniniyak nito.

Tumango silang lahat.

"Ma, I think kailangan ni Lolo ng pahinga. If I'm not mistaken, mahaba ang daang nilakad niya mula ospital hanggang Divisoria. Baka dumugo na uli yang sugat niya sa ulo," ani Vendrick, panakaw siyang sinulyapan.

Napatingin ang Madam sa kanya, pagkuwa'y sa matanda.

"Papa, pumasok ka na sa loob. Tingnan natin 'yang sugat mo," anito sa matanda.

Idinungaw lang ng kinakausap nito ang ulo saka muling sumiksik sa likod niya.

Humarap na siya rito.

"Anak hindi tayo makakapaglaro sa bermuda kung 'di gagaling 'yang sugat mo. Kaya dapat gumaling muna 'yan bago tayo mamasyal uli," anya rito.

Parang bata itong tumingin sa kanya.

"Nanay, 'di naman po masakit," pagbibigay nito ng assurance.

"Kahit na. Kailangan mo munang gumaling. 'Wag kang mag-alala ako ang mag-aalaga sa'yo," an'ya.

Matagal bago ito tumango at sumama sa kanya sa loob ng bahay kasunod ng Madam na nagpatiuna nang pumasok.

Nakasunod naman sa kanila ang dalawang lalaki.

Nang marating nila ang sala sa loob ng bahay ay pumihit paharap sa kanila ang Madam at tinawag ang anak nito.

"Vendrick, tumawag pala rito si Chelsea. May sakit daw siya at wala ang mga magulang niya sa bahay. Puntahan mo muna sa kanila," utos nito sa binata.

"She just have to take a medicine Ma. She's not a kid anymore," tila bagot na sagot ng binata.

"Hey, why such attitude all of a sudden? Puntahan mo na lang nang maseguro nating ligtas siya," giit ng ina.

Hindi na nakaangal pa ang anak ngunit pansin niyang napipilitan lang itong sumunod.

"Marble, sumama ka samin ni papa sa kwarto niya," baling ng Madam sa kanya.

Hindi siya agad nakapagsalita.

Ngumiti ito.

"'Wag kang mag-alala, pinalayas na namin ang dalawang nurse. Kung ako lang ang masusunod, pinakulong ko ang mga 'yon. Pero naawa si Keven sa kanila kaya pinaalis na lang namin," pagbabalita nito.

Tila siya nabunutan ng tinik pagkarinig sa sinabi ng Madam at nagpatiuna na sa pag-akyat sa hagdanan.

"Tita, susundan ko muna si Vendrick," paalam ni Gab at agad na tumalikod palabas ng bahay.

*************

Pagkatapos linisan ng Madam ang sugat ng matanda habang nakaupo ang huli sa gilid ng kama at nakahawak sa kamay niya ay agad itong naghikab.

"It's done, Papa. Inaantok ba kayo? Pwede na po kayong matulog," anang madam sa byenan.

Bumaling ang matanda sa kanya, humihingi ng permiso.

Tumango naman siya.

"Do'n na lang ako mahihiga Nanay baka dumating na ang mga pulis, pagagalitan na naman ako ng mga 'yon," anito sabay turo sa sofa.

"No, Papa. D'yan ka sa kama mahihiga. Wala na 'yong mga pulis dito. Pinalayas na namin ni Keven," tutol ng Madam.

Sandaling tumingin ang matanda sa nagsalita saka ngumiti.

"Hindi kayo natakot sa kanila lola? Si Nanay nga po pinalo ng isang pulis sa likod kaya sinabunutan ko siya pero itinulak niya ako," kwento nito.

"Opo Papa. Wala na sila rito. Pinalayas na namin kaya 'wag na kayong matakot matulog sa kama," pumipiyok na sagot ng Madam.

"Sige anak. Dito ka na matulog," sumabad na siya at kusang ibinaba ang kumot na nakatakip sa kama saka pinahiga duon ang matandang sumunod naman sa kanya. Kinumutan niya agad ito.

"Pikit na ng mata anak," utos niya.

Pumikit naman ito hanggang sa marinig nila ang harok nito.

"Mula ngayon, ikaw na ang magbabantay kay Papa. Ako na ang magluluto ng pagkain niya. Tuwing umaga lang at gabi ang pagpapainom sa kanya ng gamot," wika ng Madam nang humarap siya rito.

Napayuko siya.

"Ang alam ko po pinalayas na ako ni Senyor. Galit po siya sa'kin," sagot niya.

Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat.

"'Wag kang mag-alala. Napanood na niya ang nangyari kanina kaya pumayag siyang paalisin na ang dalawang nurse dito," sagot nito.

Saka lang siya nag-angat ng mukha at alanganing ngumiti.

"Salamat po sa kabutihan niyo sakin," anya.

Malapad ang ngiting pinakawalan nito.

"Basta maging mabait ka lang kay Papa, magiging mabait din kami sa'yo," anito't binitawan siya saka lumapit sa bagong bedside table na gawa na sa plastic. Kinuha nito sa kabinet ang dalawang plastic na bote ng gamot at muling lumapit sa kanya.

"Itong Donepezil, sa umaga mo to ipapainom sa kanya. Itong memantine naman sa gabi, pero pwede mo ring ipainom sa umaga kaso nga lang, nahihilo si Papa pag pinagsabay mo itong ipainom sa kanya, kaya ganun ang iniutos ko sa mga nurse niya, isang gamot sa umaga, yung isa pang gamot sa gabi naman," paliwanag nito saka iniabot sa kanya ang mga gamot.

Tiningnan niya iyong mabuti, maliliit lang na tableta ang mga ito. Donepezil 'yong pangalan ng isang bote. Memantine naman ang pangalan ng isa pa, 'yon ang ipapainom niya sa gabi.

"Sige po, tatandaan ko po ang sinabi niyo," sagot niya.

"Very good. At sa umaga pala, alas sais ang pagpapakain sa kanya saka mo siya ilalabas sa bakuran at paaarawan pagkatapos kumain. Pero kung gusto muna niyang lumabas bago kumain sundin mo lang ang gusto niya," bilin na uli nito.

Muli siyang tumango.

"Nasa kabinet ang lahat ng mga kailangan mong mask, gloves, bandage at first aide kit. 'Pag may napansin kang kakaiba kay papa, sabihin mo agad sa'kin nang wala tayong maging problema sa kanya," dugtong nito.

Panay lang ang kanyang tango.

"May gusto ka bang sabihin sa akin?" tanong nito matapos magbilin sa kanya.

Umiling siya agad.

"Siyangapala. Bukas na ako mamimili ng mga damit mo. Sa Divisoria na lang ako mamimili," anito saka na nagpaalam na aalis ngunit nang buksan nito ang pinto ng kwarto ay muli itong bumaling sa kanya.

"Bye the way, kinsenas-katapusan ang pagbibigay ko ng sahod sa lahat. At dahil ikaw na ang tagabantay ni Papa, yung sahod ko isa isang nurse noon ay sayo ko na ibibigay," anito.

"Madam, hindi ko po hangad ang sahod p--pero kung pwede po akong mag-aral na lang habang binabantayan ko ang papa niyo," lakas-loob niyang sagot.

Sandali itong natahimik.

"Let's talk about it next time," anito't agad nang lumabas ng kwarto.

Biglang lumungkot ang kanyang mukha. Sa nakita niyang ekspresyon ng mukha ng Madam kanina, parang 'di ito papayag na mag-aral siya. Pa'no nga naman siya mag-aaral kung nagbabantay siya sa matanda?

Nanlulumong napaupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang matandang mahimbing nang natutulog.

"'Wag kang mag-alala lolo. Kahit hindi na ako makapag-aral basta maalagaan lang kita," an'yang pilit kino-console ang sarili.