Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 3 - FIRST KISS AT FIRST SIGHT

Chapter 3 - FIRST KISS AT FIRST SIGHT

Naalimpungatan si Vendrick nang marinig ang mga apak ng tsinelas sa loob ng kwarto kung saan sila natutulog na magbabarkada.

"Guys! Wake up! Tatanghaliin na tayo sa pupuntahan natin! Mag-aalmusal pa tayo, magsisiligo pa! Wake up!" hiyaw ni Gab, ang host at tour guide nila sa Cebu.

Gustuhin man niyang tumihaya muna sa malambot na kama, 'di na pwede at marami pa pala silang pupuntahan ngayong araw.

Minsan lang silang payagan ng mga magulang na magliwaliw ngayong weekend at ang napili nilang lugar na puntahan at bisitahin ay ang Cebu City na province ni Gab.

At dahil taga ruon ito ay sa bahay nito sila tumuloy habang ando'n pa sila sa lugar na yun.

Wala na silang ginawa kundi mamasyal sa buong araw kahapon.

Binisita nila ang Twin City sa Mactan at ilang Museum sa Cebu.

Subalit ngayong araw ng linggo, lilibutin nila ang Cebu City at mamimili na rin ng ipampapasubong pabalik sa Manila.

"Guys bangon na! Nakahain na sa mesa ang almusal natin nang makaalis na tayo agad. Iikutin pa natin ang Cebu City." ani Gab.

Nang marinig na mag-iikot na uli sila ay nagsibangunan na ang lahat.

Huli siyang bumangon, iniunat muna ang katawan bago tumayo.

Bale walo silang nagto-tour ngayon, lahat ay may kaya ang pamilya. Pamilya nila ni Gab ang pinakamayaman kaya lahat ng hingin nila sa mga ito ay naibibigay ngunit sinusuklian naman nila 'yun ng magagandang grades lalo na ngayong magtatapos na sila sa high school.

Nasa top 3 sila ni Gab.

"Dude, punta muna tayo sa mall ha? May bibilhin lang akong pasalubong kay Mommy," anya sa kaibigan nang makatayo na.

"Okay," sagot nito.

********

Umaga pa lang ay inihahanda na ni Marble ang karitong gagamitin nilang magbabarkada sa pagtitinda ng buko juice.

Do'n sila pupwesto ngayon sa tinatambayan ng kanyang tatay sa Tabo-an public market.

Marami ang mga tao du'n ngayon lalo at Linggo. Kahapon naka-300 silang tobo sa naibenta nila. Dadamihan na niyang lagay ng buko sa kariton nang makadami sila ngayon. Sana nga maubos lahat ang paninda nila ngayong araw.

"Boss Jols, good morning!" bati ng mga barkada niyang sabay-sabay na nagpuntahan sa kanila.

"Good morning," sagot niya.

"Ayan, inihanda ko na lahat ng dadalhin natin sa loob ng kariton," wika niya.

"O Marble, anak. Aalis na ba kayo?"usisa ng ina na dumungaw sa bintana ng kanilang kubo karga ang kanyang isang kapatid.

"Opo Nay."

"O sige. Mamaya pag-uwi mo, puntahan mo si tatay mo sa pinuntahan nyang sideline, ha? Magpipintura daw siya sa isang building malapit sa SM," anang ina.

"Opo, mamaya po bago ako umuwi," sagot niya't niyaya na ang mga barkada na umalis na.

Malapit lang naman sa kanila ang palengke ng Tabo-an, kahit lakarin lang nila.

Mamaya na niya aalamin kung saan nagpunta ang tatay niya, may cellphone naman 'to, tatawagan na lang niya gamit ang payphone. Iisa lang kasi ang cellphone nila, gamit 'yun nito.

"Boss Jols, kahit maka-500 lang tayong tubo ngayon, pwede na ,yun para makapag-arkila tayo ng toga sa graduation," ani William habang hawak na nito ang kariton at akma nang aalis.

"Oo malaki na nga 'yun eh. Ang mahalaga may kita tayo ngayon," sagot niya.

"'Nay aalis na po kami," paalam niya sa ina.

"Aling Linda, aalis na po kami!" nag-chorus ang mga kasama niyang magpaalam.

"O sige, ingat kayo! Oy Marble! 'Wag kang magpapagabi sa daan ha?" pahabol nito.

"Opo!" sagot niya bago niyaya ang mga katropa na umalis na.

Bale pito silang magtitinda ngayon ng buko juice. Kasama 'yung limang di pa nakapag-ambag at si William. May tatlo silang jug ng ititindang juice. 'Yung tatlo sa kanila ay magtatawag ng kustomer at siya naman ang tagahawak ng pera, ang cashier.

Pumwesto nga sila sa harap ng Tabo-an public market kung saan marami ang mga taong nagdaraan.

"Buko juice po, buko juice kayo d'yan!" simula nilang magtawag ng kustomer.

Alas Otso na nang umagang 'yun at marami na ring bumibili lalo na't medyo mainit na rin ang sikat ng araw. Ni walang makikitang ulap sa kalangitan nang umagang yun.

Sa paninda nila, lima at sampu ang bilihan, kalahating supot sa lima, sampu 'pag puno ang isang ice bag.

Alas Dyes pa lang naubos na ang tatlong jug ng buko Juice. Mabuti at may bumibili na rin ng laman kaya, medyo maganda ang bentahan nila ngayon.

Muli nilang tinimplahan ng buko juice ang bawat jug.

Subalit sa pagkamalas naman talaga, nagsimba pala ang isang grupo din sa mga kaklase nila at napadaan sa kanilang pwesto.

Kahit nagpaka-cap sila't agad na naiyuko ang mga ulo'y nakilala pa rin sila ng mga kontrabida sa kanilang buhay.

Ang mortal nilang kaaway na 'gang' ay mga naggagandahan lang namang mga kaklase nila at mga nasa Top 10 sa klase kumpara sa kanilang nasa top 40.

Wala silang pamana sa mga ito kaya sila na lang ang umiiwas.

"Wooh! Do you see what Isee?" baling ni Sizzy sa apat na kasama.

Si Sizzy ay isa sa nominado bilang Salutatorian sa fourth year, kakumpetinsya ni Ynalyn kaya't madalas din nitong paringgan ang kanyang matalik na kaibigan.

"Ohh, ang 'daylight vampire' andito pala sa palengke, nagtitinda naman ngayon ng buko juice. No'ng nakaraang linggo, balut penoy ang tinda nila. Ngayon buko juice naman. Pa'no nga, mga pooooorrr!" malakas na sagot ni Evelyn, isa sa mga kasama ni Sizzy.

Sinadya pa talaga ng mga itong tumambay sa pwesto nila at naghagikhikan.

Ilang beses siyang nagpigil ng sarili at 'di pinansin ang mga ito subalit ang isa niyang kasamang nagtatawag ng mga customer ay namali ng tawag sa babae.

"Titi, ni ma ngaling kayong timmahan---!"

Nagpantig agad ang tenga ng kausap.

"Bitch! Hindi titi ang pangalan ko, Sizzy!" gigil na sigaw nito sa kasama niya.

"Ayan kasi- ngungo tinira niyo eh! Tapos magagalit kayo 'pag namali ng bigkas sa pangalan niyo!" parinig ni William na nang makipagtinginan sa kanya ay biglang humagalpak ng tawa.

Nagtawanan na rin ang mga customer nila.

"Titi, mimili kayong juice nima lang at nampu," nang-aasar na tanong ni Merly sa dalagita.

"Damn you kang ngungo ka!"

Susugod na sana ang babae sa ngungo niyang katropa at akmang sasabunutan ito nang umawat siya.

"Hep! Hep!" hinila niya agad si Merly palayo kay Sizzy.

"Wala namang ginagawa sa inyo si Merly ah. Bakit kayo mang-aaway rito? Kayo itong nangungunang mang-insulto, tapos kayo itong magagalit 'pag napikon," bwelo niya.

"Hoy bampira! Pagsabihan mo 'yang mga alipores mo, ha! Kung gusto nila ng away, sa may covered court 'ka mo sa Tabo-an. Do'n namin kayo hihintayin," maangas na wika ni Abby, isang tomboy na jowa ni Agot, kasama din ng mga 'to sa grupo.

Bumaling siya sa mga kasama.

"Nanghahamon ba kayo'ng away?" tanong niya sa mga 'to?

Nagsipag-iling ang mga kasama pagkuwa'y nagsipagbulungan at nagtawanan.

Nanggigigil na nagmartsa pabalik sa tropa nito si Sizzy at ang mga ito naman ang nagbulungan.

Siya nama'y humarap na uli sa mga kasama at kinuha ang inaabot na bayad ng mga customer.

"Gab, nauuhaw na ako. Bili muna tayong buko juice." Narinig niyang wika ng isang lalaki malapit sa kinaroroonan nila.

"Sir, buko juice kayo d'yan! Lima lang po!" Kinawayan na niya ang mga ito saka ngumiti.

Binilang niya agad ilan ang bibili 'di pa naman nakakalapit ang mga 'to.

"Ewws! Ang pangit naman ng tindero. Bakit gano'n ang mukha niyan? Mukhang bampira!" nandidiring wika ng lalaking kasama ng mga ito.

"Shut up, Paul. Hindi naman 'yung tindero ang bibilhin natin eh, ang tinda niya'" natatawang saway ng isa pang tinawag na Gab ng isang lalaki saka ito lumapit sa kanila kasunod ang nauuhaw na lalaki.

"Tol, Buko juice nga, walo," baling nni Gab sa kanya.

Nagkatinginan sila ni William sabay na nagngitian.

Ayos!

Napangiwi 'yong lalaking kasama ng bumibili pagkakita sa mga pangil niya.

Ewan ba kung bakit tila siya nasaktan sa ginawa nito na kung tutuusin, 'di lang naman 'yun ang una niyang experience makakita ng nandidiri sa pagmumukha niya lalo sa kanyang pangil.

Sina William at Charry ang nagbigay ng walong plastic ng buko juice sa mga bumibili. Ang kasama ni Gab ang nagbayad sa kanya ng isandaan.

Yumuko siya at kumuha ng ipapanukli sa isandaan sa bulsa ng apron na suot. Ngunit nang mag-angat siya ng mukha ay nakaalis na ang mga kustomer.

"Sir, 'yung sukli niyo po!" habol niya ngunit wala sa mga ito ang lumingon.

Nagmadali siyang tumakbo papunta sa mga lalaki, hindi napansin na naruon pa pala sina Sizzy sa malapit at tumakbo rin ito kasunod niya saka siya itinulak nang malakas.

"Sir, 'yung sukli niyo!" Malakas niyang sigaw nang makita sa daan ang itinapong balat ng saging ng isang batang dumaan sa harap niya. Hahakbangan niya sana 'yun nang biglang may tumulak sa kanya mula sa likuran.

Kaya't ang simpleng "Sir yung sukli niyo!" ay napahaba ng

"Siiiiiiirrrrrrr!!!! Ayyyyy!!!" Kaya agad na naglingunan ang mga naruon at tama namang napalingun na rin ang hinahabol niyang nagbayad sa kanya. Kitang-kita nito kung paano niyang naapakan 'yung balat ng saging saka siya na-out balance.

"Hey watch out!" sigaw nito saka tumakbo palapit sa kanya.

Buti na lang bago siya tuluyang bumagsak nang patihaya sa kalsada ay nasalo na nito ang kanyang likuran at dahil ayaw niyang bumagsak sa semento kaya nahila niya ang kuwelyo ng suot nitong polo kasabay ng pagkabig sa leeg nito at sa 'di inaasahang pangyayari ay naglapat ang kanilang mga labi.

Nagulat din ang lalaki sa ginawa niya at sa kasamaang palad, kapwa nandidilat ang mga mata nila habang magkadikit ang kanilang mga bibig.

Pakiramdam niya, tumigil sa pag-ikot ang mundo sa loob ng isang oras, gano'n din marahil ang pakiramdam ng lalaki dahil natigagal ito at 'di agad nakakilos habang halos lumuwa ang mga mata sa gulat sa ginawa niya.

Nagtama ang kanilang mga mata.

Noon lang niya napansing ang kinis ng mamula-mula nitong pisngi, ang hahaba ng mga pilikmata na tulad ng isang babae at matangos pala ang ilong nitong kumikintab sa pawis.

Inilayo nito ang bibig sa kanya.

"Y--ou're a girl?" kunut-noong usal nito na nagpabalik ng kanyang huwesyo.

Saka niya natuklasang sa dinami-dami ng mahahawakan nito'y sapol na sapol pala ng palad nito ang isang bundok sa kanyang dibdib. Duon ito napahawak.

"Giatay kang pesteng yawa ka!" bulalas niya.

"What?!"