Chapter 3 - Part 3

Nakasalampak si Lily sa malambot na kama habang kinakalikot ang bato. Nilagyan iyon ng chain para maging kwintas para hindi daw mawala. Si Ara naman ay nag-aayos ng mga bulaklak sa vase; nasa loob sila ng kwarto ng mga ito.

"Couz, ano pa ba ang powers ng kwintas na ito?"

"Powers, hmmn." Huminto ito sa ginagawa at nag-isip. "Wala naman masyado pero walang ibang nagmamay-ari ng ganyan kundi si Gavin lang. Pinasadya daw kasi niya iyan sa isang scientist ng kung anu-ano, para sa akin."

"Ooow, I see. Tagalog lang ba ang iniinterpret nito sa kanila?"

"Formal tagalog and English lang. Kaya pag gumamit ka ng slang words, hindi nila maiintindihan iyon."

"Kaya pala napaka deep and old ng mga tagalog nila. Siyanga pala couz, anong pangalan ng planetang ito?" hindi pa siya masyadong oriented sa profile ng lugar na iyon.

"Sauros." sagot ng pinsan

"Anong meaning?"

"Hindi ko alam eh." tumawa ito

"Teka at igogoogle natin." sabi niya at kinuha ang cellphone sa bag. "Shocks, wala palang signal dito noh?"

"Oo wala." tawa ulit ni Ara, nanlulumong ibinalik niya ang cellphone sa bag.

"Pano ako uuwi, Ara? Ihahatid ba ako ni Gavin? Kung ayaw mo na talagang bumalik sa atin, paano naman ako? Wala akong balak maging green at marami pa akong gustong gawin sa buhay." Hindi pa nga siya nakakapagtapos ng college eh.

"Kakausapin ko si Gavin tungkol diyan, sa ngayon, magpahinga ka muna. Lily, s'yanga pala, mas mabilis ang takbo ng oras dito kumpara sa atin. Baka magtaka ka pagbalik mo na isang taon kana dito, sa atin isang buwan palang.

"You mean nung nagbakasyon ka ng one month, all those time nandito ka?"

"Oo."

"Pa'no ka pala napunta dito?"

Ngumiti ito habang inaalala ang nangyari. "Doon parin, sa likod ng gym. Hinabol kasi ako ng aso kaya nagtago ako dun. Akala ko props para sa play ng kindergarten students ang shuttle kaya pumasok ako. Ayun, naisama ako pauwi dito."

Natawa din siya sa kamalasan na nangyari sa pinsan. Pero malas nga ba? Nang dahil sa buang na asong iyon ay natagpuan ng babae ang always and forever nito.

"Wala akong plano magtagal dito ng ganoon, couz. Kung mahahatid ako ng kung sinuman, kahit hindi si Gavin, ngayon ay gugustuhin kong umuwi na agad. Pwera lang iyong Juda. Lahaaat, lahat sa lalaking iyon ay nakakatakot. Ang sundang niya, ang mukha, ang tindig, pati utot ata nun nakakatakot!

"Lily, hindi sa sinisiraan ko sa Juda. Actually hindi ko siya nakausap ng matagal, nakikita ko lang siya sa mansion. Ganun talaga siya, parang laging galit, kinatatakutan siya ng mga tagarito dahil siya ang pangalawa sa ama niya pagdating sa paghawak ng army. Si Gavin, more on paperworks siya, sa opisina. Kaya siguro mas makabubuting iwasan mo si Juda." mahabang kwento ni Ara

"Okay, okay I get it. Don't worry, wala din akong planong makipaglapit sa ganoong... ah, nilalang."

Napalingon sila sa pintuan nang pumasok mula doon ni Mali. "My lady, handa napo ang magiging kwarto nyo." sabi nito kay Lily

"Sige, Salamat, Mali. So, couz, lipat na muna ako dun. Ayoko namang makaistorbo sa, you know, romance n'yo ni Gavin.

Namula ulit ang mukha ng dalaga sa sinabi niya kaya napatawa siya. Nakikita niya sa dalawa ang pagmamahalan kaya medyo nag-aalangan na rin siyang kumontra. Mukhang totoo naman na mabait si Gavin, may matinong trabaho at anak ng importanteng pamilya sa Sauros. Pero iyon nga lang, may lumalabag pa sa pagsasama ng mga ito. Siya kaya? Ano kaya kung siya ang nasa posisyon ni Ara? Kakayanin niya kayang tumira doon? Paano kung nabuntis siya? Mukhang butiki?!

'Oh NO NO NO!'

Ipinilig niya ang isip. "Over my dead delicate body." Bakit ba niya naisip ang ganoong idea.

"Yes, my lady?" tanong ni Mali na nakatingin sa kanya.

"Ah-wala."

NAINIP si Lily sa kakahiga sa kwartong binigay sa kanya.

"OA naman ang laki ng kwartong ito, kasya ata pati bus. Wala namang laman. Wala bang TV man lang or radyo?"

'Anong oras na ba ngayon? Uso ba ang relo dito?' Nagpalinga-linga siya pero walang nakita. 'Sabi ko na.'

Bumangon si Lily mula sa kama, nagsuklay at inayos ang sarili. Nagspray din siya ng paborito niyang Carolina Herrera na perfume, ganoon siya. Hindi niya mapigilan ang sariling mag-ayos kahit na magdidilig lang ng orchids sa garden nila. Maingat niyang inikot ang knob ng pintuan at binuksan iyon. Sumilip muna bago lumabas, tahimik . Tanging ang matataas lamang na kisame at ang mahabang hallway ang nakikita niya.

"Sa laki ng mansion na ito, saan na ang mga nakatira?"

Gusto niyang uminom ng juice or kahit na ano kaya hahanapin niya ang kusina. Hindi na niya makita si Mali. Naglakad siya, inisa-isang pinasok ang mga alley na nakita.

"Saan na ang kusina? Hindi ba sila kumakain?''

Ilang dipa sa unahan niya ay may alley na naman papasok sa kanan. May naririnig siyang boses na nag-uusap mula doon kaya baka yun na ang hinahanap niya. Sa pagliko ni Lily ay napasinghap siya nang makita si Juda kasama ang isang babae. Babae yun kasi pula, theory niya. Nasa akto ito ng paglalapit ng mga mukha na parang nagbubulungan.

Nabaling ang tingin ng babae sa kanya, para namang matalas na kutsilyo ang biglang paggalaw ng mga dilaw na mata ng lalaki patungo sa kanya. Baka importante o sikreto ang pinag-uusapan ng mga ito at nagkataon na nadatnan niya. Napalunok siya kahit wala namang ilulunok, ang hirap pala gawin yun.

"S-sorry po." paumanhin niya sabay yuko. Tumalikod siya para sana umalis na ngunit narinig niya ang hakbang ng mabigat na sapatos ng lalaki papunta sa kanya. Nanigas ang mga leeg ng dalaga at pigil ang hininga. Ramdam niya ang malakas na presensiya ng lalaki sa likuran pati na nang bahagyang dumaplis sa braso niya ang dulo ng pula nitong kapa. Napakislot siya, laking pasasalamat ni Lily nang dumaan lang ito. Hindi ito nagsalita o lumingon man lang. Tila nagbalik ang lahat ng lakas niyang napabuga ng hangin.

'Whoa!' Yun ang sinasabi niyang nerbiyos.

"Saan ang punta mo?" tanong ng babaeng kasama ni Juda. Nandoon pa pala ito nakatayo sa likod niya.

"Ahm, sa kusina po sana. Gusto ko lang humingi ng maiinom."

"May papasok sa kanan kasunod nito, nandoon ang kusina."

'Hay, may kusina naman pala.' "Salamat po. Ako nga pala si Lily."

"Frida." sagot ng babae

"Maraming Salamat Frida." ngumiti ang babae at tumalikod na siya. "Pambihirang Judang iyon! Bakit ba ganoon siya makatingin? Wala naman akong atraso sa kanya. Kailangan ba lagi siyang nananakot? Pwede namang maging magalang kagaya si Gavin." litanya niya nang mapag-isa habang naglalakad papuntang kusina. "Kung nasa earth ka at nanligaw ka sakin, nakoow! Hinding-hindi kita papansinin!"