Chapter 9 - Part 9

PINAGTAGPI-TAGPI ni Lily ang mga dahong pinitas sa luntiang paligid. Ginawa niya iyon para gamiting pantakip ng katawan pansamantala. Naligo kasi siya sa lawa at nilabhan ang mga damit na naputikan dahil sa pagkakahulog sa butas.

"Tadaaan!" lahad niya sa damit na nasa katawan. Feeling achieved sa nagawa, nagparampa-rampa siya sa gilid ng lawa na parang model. "Thank you! Thank you! Mwah mwah!" kaway-kaway niya sa imaginary audiences at nag flying kiss, nakapamaywang na nagpose.

"Good evening everyone. I am Lily Rose Cariniosa y Manabat, the modern Eve of the century and there..." turo niya sa nakatalikod na si Juda sa di kalayuan. "...with me is Juda, the modern snake na sugo ni Satanas." aniya at humalakhak. Mapapatay talaga siya ni Juda 'pag narinig siya.

"Eyniweeys... halina at magsampay para bukas good as new!" kanta niya sa tonong Magtanim Ay Di Biro.

Niladlad ang mga basang damit sa sanga ng puno pagkatapos ay nagmartsa pabalik sa bon fire. Doon siya pupwesto ng tulog para hindi ginawin. Naglatag siya ng malalaking dahon sa lupa, humilata at nilingon ang kasama.

"Goodnight." sabi ni Lily kay Juda. Bahagya lang siyang nilingon nito gamit ang favorite nitong 'wala akong pakialam' look. Umismid siyang tumalikod.

Ilang sandali ay nakaramdam ng init si Lily.

'Parang ang lapit ko yata sa apoy.' Umusog siya ng ilang dipa at pinagpatuloy ang pagtulog.

NAALIMPUNGATAN si Lily sa tunog ng malakas na ungol. Gumulong siya paharap sa apoy pero napasigaw nang makita si Juda mga limang metros mula sa kanya, kaharap ang isang malaking hayop. Kamukha iyon ng isang itim na lobo pero pula ang malalaki nitong mata, may mahabang sungay sa noo at malalaking pangil na nakausli sa bunganga, mas malaki pa yata sa wolf sa Earth pero 'di siya sure kasi never pa din siyang nakakita ng wolf in person. Basta base sa laki ng lalaki, hanggang baywang marahil ang hayop.

Dali-dali siyang kumilos para tumayo pero nalukot ang binti niya sa isang pulang tela.

'Tela? Saan galing 'to?'

Umungol ulit ng malakas ang nakakatakot na hayop kaya napatingin siya sa gawi ng mga ito. Doon niya lang napagtanto na hindi suot ni Juda ang kapa. Nagtataka siyang tiningnan ang hawak na tela.

'Ows? For real?' Binura niya ang naisip at mas nagfocus sa pagtago. Nagkubli siya sa isang malaking puno at sinilip ang pangyayari.

'Nasaan ang blade ni Juda?'

Hinanap ng mga mata ni Lily ang sandata na natagpuan niya na nakahilig sa gilid ng isang puno kung saan dating nakaupo ang lalaki. Malayo iyon sa kinaroroonan nito ngayon kaya nag-alala siyang mahirapan itong makipagtunggali sa hayop. Umungol ang hayop ng malakas at patakbong sinunggaban si Juda. Hindi makapaniwala si Lily na nakipagbuno ang lalaki doon!

Nanginginig man ay maingat na humakbang si Lily papunta sa kung saan ang glaive at kinuha.

'Shocks! Juice colored! Magkakaalmuranas ako sa bigat nito!'

Hila-hila ang glaive ay nagtago si Lily sa mga halaman, maingat na lumapit sa kinaroroonan ng mga ito. Pinakibabawan na si Juda ng kalaban, pinagsususuntok ng lalaki ang mukha nito habang hawak ang ulo sa kabila. Buong lakas na sinipa ni Juda ang hayop sa tiyan kaya nagtumbling ito palayo.

'Now na!'

"Juda!" tawag niya sa lalaki at inihagis ang glaive sa lupa papunta dito. Pero dahil mabigat, naglanding lang ang sandata ng mga three feet mula sa kanya.

'Ngek.'

Nakabawi ang hayop mula sa pagkakatumbling kaya kasimbilis din siya ni The Flash nagtago sa likod ng puno.

"Sorry Juda, kaya mo na 'yan!"

Tumayo at nanlilisik ang mga matang sinunggaban ulit ang lalaki. Nakuhang umiwas ng huli sa pamamagitan ng paggulong, humabol ang nakakatakot na aso at akmang sasakmalin na si Juda pero naunahan ng talon ng lalaki papunta sa glaive, alertong sinaklot ang sandata at umikot paharap sa kalaban. Hiwa ang dibdib niyon pati na ang tiyan, naglaglagan sa lupa ang hiwa-hiwalay nang parte ng katawan nito na ligo sa sariling dugo.

Napatalon sa saya si Lily at pumalakpak. "Wooo! Wow! Wagi!" Para lang siyang nanonood ng isang eksena sa scifi movie. Dalawang halimaw na alien naglaban at proud na proud siya sa sarili dahil may parte siya doon! Siya ang sidekick ng kontrabida na hero.

"Galing-galing mo palang magkarate! Kitang-kita ko nung jinombag mo ng ganern ang feslak niya. Da bes!" aniyang minasa-masahe ang malaking braso ni Juda.

Nakataas lang ang kilay na tiningnan nito ang kamay niyang nakahawak. Agad naman niyang kinuha iyon at umismid.

"Teka, may sugat ka!" may may kalakihang kalmot sa kamay nito at dumudugo.

'Red din pala ang dugo nila.'

Iniwas naman ni Juda ang kamay at kinuha ang kapa.

"Maliit lang 'to."

"Eh, dumudugo eh. Linisin natin baka may rabies."

Tila walang narinig ang lalaki, sinuot nito ang kapa at nag-umpisang maglakad.

"Bahala ka sa buhay mo." bulong ni Lily

"NASUNDAN niyo ba kung saan nagpunta ang sasakyan ni Juda?" tanong Elko sa mga alagad

"Opo, sa Rattus. Napuruhan ang sinakyan niya kaya nag emergency landing siya doon. Nakita na ng mga kasamahan natin ang sira niyang shuttle pero nakaalis agad si Juda. Kasalukuyan na silang nagmamasid sa buong lugar."

"Magaling. Ipagpatuloy ninyo ang ginagawa. Dalhin ninyo ang ulo ni Juda sa Anguis, patay o buhay. Magsisisi siya na pinagmukha niya tayong hangal." sabi ni Elko

MALAYU-LAYO na ang nilakbay nila Lily at Juda. Maliban sa kakahuyan ay may dinaanan din silang kapatagan, sapa at kabundukan. Ngayon nga dahil nagbabadya ang ulan, pansamantala silang nakisilong sa isa sa mga kweba doon.

"Ang amazing naman dito. Sa movies ko lang to nakikita. May ganito pala talagang kweba?" Hindi common sa isang taga Maynila ang makapunta sa ganoong lugar at makaexperience ng ganoong adventure kaya kahit nakakapagod, nakakaenjoy naman iyon para kay Lily. At bonus pa na may mga nilalang na kagaya ng nakikita niya sa Dota.

"Ganitung-ganito yung cave na napanood ko sa Alpha." Yeah right, para siyang baliw na nagsasalitang mag-isa. Paano nga naman makakarelate ang isang mukhang dragon sa Alpha?

Dumidilim ang paligid dahil sa nagbabadyang ulan. Tumabi si Lily kung saan nakaupo si Juda at nagsquat, nakakrus na idinantay ang dalawang braso sa tuhod. "Juda, diba... dragon ka? Hindi ka naman siguro butiki, diba?" tanong niya sa lalaki na tahimik na nililinis ang glaive. "Napakapathetic naman kung ganoon." Dagdag niyang bulong

Gumalaw ang eyeballs nito mula sa pagkakatungo at tumingin sa kanya. In-interpret ni Lily iyon as 'Anong ibig mong sabihin?' Sa maikling panahon na nagkasama sila ng lalaki ay medyo kilatis na niya ang galaw nito, lalo na kung patungkol sa kanya.

"Kasi... maginaw. Kaya mo bang bumuga ng apoy?"

"Gusto mo bugahan ko iyang mukha mo nang matupok ka at wala nang maingay?" napaatras naman si Lily sa sinabi ng lalaki.

Tumayo si Juda at naglikom ng kung anong nakitang tuyong dahon at sanga sa labas. Pagbalik nito ay inipon iyon sa isang sulok, kumuha ng dalawang bato at malakas na kiniskis. Gumawa iyon ng apoy kaya may bon fire na sila.

'So wala siyang apoy.' naisip ni Lily

Pagapang na lumapit ang dalaga sa bonfire at tinapat ang mga kamay malapit sa apoy. Pagkatapos ay dinampi iyon sa pisngi. "Shelemet."

Nagtagpo lang ang mga kilay ni Juda, alam niyang hindi nito naintindihan ang sinabi niya dahil hindi iyon kasali sa translation ng bato.

"Juda, alam mo ba sa amin, sa Pilipinas, kapag kumakapal ang mga ulap nang ganyan," turo ni Lily sa kalangitan. "may ginagawa kaming parang ritwal para hindi matuloy ang pagbagsak ng ulan." Nagpatuloy na siya dahil alam niyang wala siyang mahihitang response dito pero nakinig naman ito. "Gamit ang index finger at middle finger, ganyan, paghiwalayin mo na parang gunting. Tapos itapat mo sa kalangitan, siyempre with feelings. Titigan mo ang mga ulap, sabihin mo 'Gunting, gunting, gunting! Putol, putol, putol!' Parang ano lang yan eh, pagpuputulin mo sila nang sa ganun, hindi na kakapal at hindi na uulan. Mas marami, mas effective. Gusto mo itry? Halika, sabay tayo para hindi na umulan." Hindi kumibo si Juda. "Ayaw mo? Sige ka, pag umulan, dudulas ang daanan natin, mas delikado. T'saka mas lalong lalamig. Ganun lang naman ang gagawin. Simple."

"Paano?" nasorpresa si Lily dahil pumayag talaga ang lalaki sa gusto niyang ipagawa. Pigil ang ngiting kinagat ni Lily ang mga labi. Naisip siguro nito maqy point ang sinabi niya. Mas magiging mahirap ang paglalakbay nila kung basa ang paligid.

"Halika," aniyang tumabi dito. "Gunting, gunting, gunting! Putol, putol, putol!"

Bahagyang itinaas ni Juda ang kamay at ginaya ang ginawa niya. "Gunting, gunting, gunting! Putol, putol, putol!" Magkasabay nilang usal.

"Lakasan mo pa, para makaabot sa taas. Gunting, gunting, gunting! Putol, putol, putol!"

Nag-aalangan ang lalaki sa pinagagawa niya. "Gunting, gunting, gunting! Putol, putol, putol!"

"Lakas pa, Gunting, gunting, gunting! Putol, putol, putol!"

Marahas na ibinaba ni Juda ang kamay. "Kalokohan!" Napakislot si Lily.

"Siguradong hindi na iyan uulan, ginawa natin ang ritwal eh. Mga five minutes, liliwanag na iyan."

Makaraan ang three minutes, bumuhos ang malakas na ulan, may kakambal pang kidlat at kulog.

Gaya ng kasabihan, 'Kung nakamamatay lang ang titig, nangisay na siya', applicable iyon sa ginagawa ni Juda sa kanya ngayon. Nakikita niya na mas lalong nagdark ang dark na nitong loob para sa kanya. Umusod siya ng ilang hakbang mula dito at umiwas ng tingin.

"Hindi siguro nasense ng langit. Nagdalawang-isip ka kasi."

MAHINANG napaungol si Juda at mariing napapikit ng mga mata. Sunod-sunod ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib dahil habol niya ang kanyang hininga. Napatukod siya ng kamay sa katawan ng isang malaking punong-kahoy.

Tumila na ang ulan pagkatapos nitong bumagsak ng halos isang oras. Dahil nakaramdam siya ng kakaibang pagbabago sa katawan kaya lumabas siya mula sa pinagkublihan at iniwan ang babae na mahimbing pang natutulog.

Kahit malamig ang ihip ng hangin bunga ng basang paligid ay hindi maipagkakaila ang init na bumabalot sa kanyang katawan. May sensasyon na umuusbong sa buo niyang sistema at unti-unting kinakain niyon ang kanyang katinuan.

Hindi lingid sa kaalaman ni Juda kung ano iyon, spring season na sa Sauros, mating season ng mga dragon kaya lumalabas na ang mga simtomas sa kanyang katawan. Tatlongpung-araw sumasailalim sa ganoong kondisyon ang kanilang katawan at ang tanging paraan upang humupa ng mataas nilang libido ay ang makahanap ng mate.

"Shit! Bakit ngayon pa?!" he muttered in between heavy breathes. Kailangan niyang kalmahin ang sarili, piliting ibaling ang isip sa ibang bagay habang hindi pa siya nakakahanap ng kapareha but somewhere in his fuzzy mind was yelling 'Lily'. "No." Pinilig niya ang kanyang ulo, he would rather search for a mice than do a human.

"Juda!" Marahas na napalingon ang lalaki nang makitang palapit ang laman ng kanyang isip. "Jusme, akala ko iniwan mo na'ko...okey ka lang?"

"O-oo."

"Sigurado kang okey ka? You don't look fine at all." Kumilos ito na aktong hahawakan ang braso niya kaya mabilis siyang lumayo. Nakataas ang mga kilay nitong napatitig sa kanya.

"Huwag mo akong hawakan!" he growled sabay takip sa kanyang ilong. His senses especially his smell was becoming more sensitive and right now this woman is emitting a very sweet smell, just like a flower.

'Huminahon ka,' paalala niya sa sarili.

Sininghot ni Lily ang sarili saka nakabusangot na tumalikod. "Hindi pa naman ako nangangamoy, a! Hmp, ang arte ng bakulaw na 'to, pati hawak lang ayaw. Edi 'wag, as if naman gustung-gusto kong hawakan ka. Feeling," rinig niyang bulong nito.

'Tsk! Kailangan ko nang makahanap ng kapareha, kailangan ko nang makahanap ng kabahayan dito.' Kahit hindi pa man nahimasmasan ay sinimulan na ni Juda ang paghakbang.

"Hoy, hoy! Hintayin mo 'ko, balak mo talaga akong iwan, no?" sigaw ng babae habang lakad-takbong sumunod sa kanya.