Chapter 13 - Part 12

GUSTONG mag-inat si Lily ng muscles kaya napagdesisyunan niyang maglakad sa labas ng bahay. Feeling niya ay magkakapasa na ang puwet niya sa kakahiga at upo sa loob ng kuwarto, nag-aalangan din naman siyang makisabay sa kuwentuhan ng pamilya, ayaw niyang ma out-of-place. Wala namang problema sa pagtrato sa kanya ng mga ito lalo na si Amica na ang bait naman talaga pero minsan nararamdaman pa rin niya na ilag ang mga kapatid nito sa kanya.

Namayani na ang kadiliman sa paligid at wala na ring makikitang daga sa labas, kanya-kanya nang nagsipahingahan sa loob ng mga pamamahay. Pero sa kabila noon, hindi na siya natatakot dahil napugutan nang lahat ni Juda ng ulo ang mga fera bestia.

Napapangiti si Lily sa tuwing naaalala ang buhay sa Pilipinas. Kailan kaya niya mararanasan uli iyon? Kailan siya makakauwi? Kailan matatapos ang journey niyang parang walang katapusan. Nagpunta siya malapit sa kulungan ng mga hayop at sinilip ang mga iyon.

"Tulog na kayo, masaya ako at nakakapagpahinga na kayo nang maayos. Hindi na kayo takot every night." bulong niya sa mga ito. Napukaw ang atensyon ni Lily nang makarinig ng mahinang ungol ng isang babae. Para iyong nasasaktan. 'May nagkasakit siguro sa mga tagarito. Baka kailangan ng tulong.'

Lumabas siya ng kulungan at tinaluton ang likod niyon. Pilit hinahanap kung saan nanggaling ang boses. Sa paghakbang niya malapit sa imbakan ng mga panggatong ay hindi niya inaasahan na matanaw si Juda. Nakatungo ito at buo ang atensyon sa kung anong pinagkakaabalahan. Mula ulo hanggang baywang lang ang kita niya kasi natatabunan ang kalahati ng katawan nito ng mga sinibak na kahoY. Napakunot ang noo ni Lily sa back and forth na galaw ng katawan nito.

'Anong ginagawa ng lalaking iyon sa dis-oras ng gabi, naglalagari?' Mukhang nahihirapan pa yata kasi taas baba ang dibdib sa paghinga.

Pinuno ni Lily ng hangin ang baga para sana tawagin ang lalaki nang marinig na naman niya ang ungol ng babae, malapit iyon sa kinaroroonan ni Juda. Nagtagpo ang mga kilay ni Lily at nakiramdam habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla ay lumitaw ang likuran ng mabalahibong puting nilalang sa harap ni Juda.

'S-si Elysia?! Nakatuwad?

"Juda... sige paaa."

Kasabay ng pagsinghap ni Lily at pagtakip sa bibig ay ang pagliyad ni Juda. Nakapikit ang mga mata nito habang tila nanginginig na umungol.

Dagling nagtago si Lily sa gilid ng kulungan.

"Shit!"

'Hu May Gad! Hu may Gaaad! Totoo ba ang nakita ko? Si Juda at Elysia?! Shocks! Bakit pa ako pumunta dito?' Napalunok siya at pinagpapawisan sa noo. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Nahihiya siya sa sarili dahil nasaksihan ang ganoong tagpo.

Sa maingat na kilos ay bumalik si Lily sa kwarto at nagtalukbong. Hindi siya makapaniwala sa nakitang expression sa mukha ni Juda. Kaya pala nitong gumawa ng ganoong anyo?

NAKAHIGA ang hubad na katawan ni Lily sa malambot na kama. Mariringgan ng mabigat na hininga na kumakawala sa bibig niya. Napapaliyad siya sa tuwing dumadaan ang senswal na dila ni Juda sa kanyang balat. Ang banayad nitong kamay ay humahaplos sa makinis niyang baywang pataas sa naghihintay niyang malulusog na dibdib. He gave it a light squeeze while rubbing her hard nipple. Minamasahe ni Juda ang kaliwa habang nilalasap ang kabila. Ramdam niya na mas tumitigas ang nipple niya sa tuwing kumikiskis doon ang matutulis na ngipin ng lalaki.

"Juda..." ungol ni Lily

Mahigpit siyang napakapit sa matigas nitong braso sa kiliting hatid ng ginagawa habang ang isang kamay ay nakalamukos sa puting sapin ng kama. Mula sa dibdib ay gumapang ang kamay ni Juda pababa sa kanyang puson, hinaplos-haplos iyon nang bahagya saka dumako sa gitna ng kanyang hita. Dinama ng magaspang na daliri nito ang kahandaan niya. He moved his finger back and forth inside her. Mas Lalo niyang binuka ang mga binti at tila may sariling isip ang balakang niyang kusang gumagalaw, nagpakawala siya ng malakas na ungol. Para siyang mababaliw sa pinapalasap ng lalaki ngayon.

"Juda...please."

"Lily! Lily!" Malakas na yugyog sa balikat ang nagpagising kay Lily. "May sakit ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"

"A-amica?" pupungas-pungas siyang naupo sa kama.

"Kanina kapa kasi pinagpapawisan habang natutulog ka. Tapos tinatawag mo si Juda."

Napamulagat siya nang maalala ang panaginip, tutop niya ang bibig at nagpalinga-linga.

Juda.

Nanaginip siya kay Juda na nakipag-chenelyn sa kanya!

'Shet!'

Parang totoo! Ramdam niya sa pribado niyang parte ang epekto ng panaginip, namimigat ang puson niya. Nakakahiya siya! At nagsi-sleep talk pa siya.

"Okay ka lang ba, Lily? Gusto mo tawagin ko si Juda para sa iyo?"

"No!" agap niya sa braso ni Amica. Napalakas ang pagsabi niya kaya napakislot ang kausap. "S-sorry. Huwag mo siyang tawagin, please. N-natutulog na iyon, magagalit iyon 'pag dinistorbo.

"Okay, may kailangan ka ba? Heto tubig, inumin mo."

"Salamat Amica." sabi niya pagkatapos maubos ang isang basong tubig. Ang init ng pakiramdan niya! Parang nag-aapoy ang katawan niya kapag naaalala ang nangyari sa panaginip.

Hindi na talaga nawala sa isip ni Lily ang mukha na iyon ni Juda. Mabuti

nalang at magkaiba ang tinulugan nila ng lalaki kung hindi ay mamamatay na siya sa hiya.

KINABUKASAN ay puspusan ang ginawa ni Lily para iwasang magkaharap sila ng lalaki. Hindi niya magawang kalimutan ang nasaksihang SPG noong nakaraang gabi at mas nahihiya siya sa sarili dahil sa panaginip.

Ano na? Pati ba siya may lihim nang pagpapantasya sa isang butiki?!

"I cannot! Oh, please subconscious mind huwag ka namang ganyan, huwag mong hayaang tuluyan na akong mabaliw!"

Nagpresenta siyang mag-igib ng pampaligo dahil wala naman siyang ginagawa kaya pumunta siya sa balon. Nakakatuwa dahil wala nang ganoon sa Pilipinas, nawasa na kasi ang uso. Inilapag niya ang dalang balde lupa saka inikot ang tubo na humihila sa balde.

'Mabigat pala 'to. Para kasing ang easy lang tingnan 'pag sila ang gumagawa.'

Nang makita na niya ang pag-angat ng balde ay binitiwan niya ang tubo at labas ang litid na binuhat iyon.

Nabigla siya nang mula kung saan ay lumitaw ang green na kamay ni Juda at inagaw mula sa kanya ang balde.

Agad niyang nabitiwan ang hawak at umatras na tila napaso.

"Juda!"

Tumatambol ang dibdib ni Lily dahil naalala na naman ang panaginip. Nag-init ang mukha niya kaya umiwas siya ng tingin.

Napakunot naman ang noo ng lalaki sa pagtataka sa kilos niya.

"A-akina ang balde." saad ni Lily. Para siyang may stiff neck dahil maiging nakabaling sa kaliwa ang ulo niya habang kinakausap ang nasa harap.

"Anong gagawin mo sa tubig?"

"P-pampaligo." hindi parin siya gumagalaw.

"Ako nang gagawa."

"H-hindi, ako na. Kaya ko naman. Pumunta kana dun." Basta nalang niyang turo sa kanan.

Nagtagpo naman ang kilay na nilingon ni Juda ang tinuturo niyang kakahuyan. Tinitigan siya ng lalaki, nawi-wirdohan sa inaasal niya. Mayamaya ay binitiwan nito ang balde at tumalikod.

'Shocks, ano bang nangyayari sa akin? Para akong tanga.'

Hindi naman siya ganoon sa mga boys sa Earth. Sanay siyang i-deal ang mga pasaring ng guys. Sa katunayan, sanay na siya doon sa dami ng nanliligaw at naging boyfriends niya. At isa pa, hindi na siya virgin para mag-ala Maria Clara.

'Tigilan mo na iyan, Lily! Nahawaan kana talaga kay Ara. Pinagpapantasyahan mo ang isang dragon. Okay ka lang?'

Napabuntong-hininga ang dalaga na pinagpatuloy ang ginawa. Kailangan niyang mag-busy-busy-han para mawala ang kahibangan sa utak niya.