Chapter 14 - Part 13

***Warning!!! This chapter contains MATURE content. Parental guidance is highly encouraged.-

ARAW na ng pag-alis nina Lily at Juda sa village. Nasa bakuran sila malapit sa bukana ng nayon. Nakapalibot ang ilang mga nakatira doon para ihatid ang dalawa ng tanaw sa kanilang pag-alis.

"Dala mo na ba lahat ang mga kailangan mo, Lily?" tanong Amica, katabi nito ang dalawang nakababatang kapatid.

"Oo, maraming salamat sa pagtanggap sa amin, Amica. Napakabait mo, ninyo. Tinuring nyo kaming hindi iba."

"Siyempre naman, mabait din kasi kayo. Huwag mong kalimutan ang mga bilin ko kung paano gamitin ang mga gamot na ginawa natin. Malaking tulong iyon sa inyo." Tukoy ni Amica sa mga herbal medicines na ginawa nila mula sa mga napitas na halaman noong nagpunta sila sa bukid.

"Mm, tatandaan ko." yumakap si Lily sa babae. Nilingon niya sa unahan ang pamilya ni Manong Balbo, tahimik lang si Elysia habang marahil ay nagpapaalam na din si Juda.

"Tutuloy na kami." Umabot sa pandinig niyang sabi ng lalaki.

"Mag-iingat ka, Juda." Saad ni Elysia na sa malungkot na boses. Hindi nagsalita si Juda pero tumango.

'If I know, kating-kati na siyang yakapin si Juda.' Ismid niya. 'Ay. Hala, ba't ako umismid? Wala akong pakialam kahit magchenelyn pa sila gabi-gabi.'

"Mag-iingat kayo." saad ni Amica na nagpaputol sa pagiging usyosera niya.

"Kayo din. God bless."

Si Juda ay nauna nang naglakad palayo. Bitbit ang malaking bag ay sumunod na siya dito.

PAIKA-IKANG naglakad si Lily sa kagubatan. Naparami kasi ang dala niya kaya ngayon ay namamaga na ang kamay niyang nakahawak sa handle ng bag. Hindi na siya umaaasang tutulungan siya ni Juda dahil wala naman itong konsensya. Hindi niya kasi magawang iwan ang ibang gamit, puros importante iyon sa kanya. Siyempre, nandoon ang damit, gamot, pagkain at kumot. Walang napkin, sa kasamaang palad. Magtetela nalang siya kesa naman wala.

Huminto si Lily sa paglalakad at binitiwan ang bag. Tiningnan niya ang mga palad na may gasgas na. Napabuntong-hininga siyang kinuha ulit iyon at hinila.

Ramdam ni Lily ang pagkakaroon ng paltos sa kamay, mas lalong humapdi iyon dahil ang iba ay pumutok na. Binitiwan ulit niya ang bag at naiiyak na tiningnan ang mahapding palad.

Sinara niya ang kamay pero mas lalong kumirot iyon.

"Ouch!"

LUMINGON si Juda sa likod nang hindi na marinig ang yabag ng kasama. Naiwan na nga ang babae. Nakaupo ito sa lupa at hinihipan ang mga kamay.

'Bakit kasi ang daming dinala.'

Humakbang siya pabalik at kinuha ang bag sa tabi nito. Hindi makapaniwala ang dalaga na napatingala sa kanya.

"Bilisan mong kumilos." aniyang tumalikod at nauna.

Napatigil sa paghakbang si Juda nang may marinig na tunog. Mahina iyon noong una pero mas lumalakas, parang ingay iyon ng isang shuttle. Nilingon niya ang naglalakad na si Lily at sa malalaking hakbang ay pinuntahan. Kinabig niya ito sa balikat at sinamang nagtago sa mga halaman.

"Aray! Bakit ba?!" reklamo ng babae

"Shhh..." takip niya sa bibig nito. "May paparating."

Hindi lang iisa ang naririnig niyang shuttle kundi dalawa. Base sa uri ng ingay na gawa niyon ay natatantya ni Juda na maliliit ang paparating. Nagcooperate naman ang babae at nanigas sa kinalalagmakan.

Mula sa kung saan ay sumulpot ang isang shuttle sa harapan nila.

"Mga Anguis!"

Mas idiin pa ni Juda ang ulo ni Lily payuko.

"Huwag kang gagawa ng ingay." bulong niya. 'Saan na ang isa?' Sinagot ang katanungan niya nang lumitaw ang isa pang shuttle sa likuran nila. Mabilis na napalingon si Juda. Medyo natatabunan sila ng halaman kaya hindi agad sila nakita ng kalaban. Sinenyasan niya si Lily na pumasok sa malalago na dahon. Maliit naman ito kaya kung sumiksik doon ay hindi na makikita.

"Juda!" pigil ni Lily sa kamay niya nang tumayo siya para harapin ang mga Anguis.

"Diyan ka lang. Huwag kang lalabas hangga't hindi kita binabalikan."

Tumango ang babae sa kabila ng panginginig. "M-mag-iingat ka."

Hindi siya sumagot bagkus ay tumalikod.

Patakbong lumayo si Juda mula sa pinagtataguan, huminto sa pwesto kung saan napapalibutan siya ng matataas na punong-kahoy, pabor iyon sa kanya. Kung gagamitin ng mga ito ang shuttle ay mahihirapan siya kaya mas maigi kung papasok siya sa gubat. Gaya ng gusto niyang mangyari, nagsibabaan ang mga sakay ng shuttle at sumunod. Binunot ni Juda ang malaking sandata mula sa likod at inikot sa ere, naghanda sa pakikipaglaban. Sumugod ang isang ahas gamit ang espada. Walang kahirap-hirap niyang sinalag iyon at sinunggaban ang dibdib nito. Parang laruan na basta na lang ginilit ni Juda ang leeg ng Anguis. Nagkulay dugo ang pisngi niya nang tumilapon ang ulo nito sa lupa. Nangingisay ang naiwang katawan na hawak niya parin, ang dugo mula sa putol na leeg ay walang tigil sa pagbulwak. Hinagis niya ang nasabing katawan sa harap ng sumunod na sumugod. Umilag ang kalaban kaya nawala sa pokus, sinamantala niya iyon para bigyan ng isang nakakakilabot na kampay ng glaive niya. Nahati sa dalawa ang katawan ng mandirigmang katunggali. May sumunod ulit na payatot mula sa kanyang likod pero hindi pa man nakakalapit ay buong lakas niyang tinusok iyon ng tubo ng glaive, nagcollapse ang payatot. Sobra sampu ang Anguis na nasa harapan hindi pa kasali ang piloto ng dalawang shuttle.

'Mas makabubuting tapusin ko na ang walang kwentang labanan na ito, aksaya lang sa oras.'

Hangal si Elko para magpadala ng ganoon ka kaunting sundalo para tugisin siya. Hindi ibig sabihin na nag-iisa siya ay ganoon na siya kadaling patumbahin.

"Come on, sabay-sabay na kayo." ngisi niyang imbita sa mga ito

Paikot na sumugod ang limang Anguis na gamit ang mga espada habang may dalawa pang nagpaputok ng plasma rifle. Iwinasiwas niya ng glaive habang iniilagan ang ibang lumilipad na plasma bullets. Sa isang malaking kampay ng sandata ni Juda ay bumagsak ang tatlong kalaban, naglaglagan ang mga laman-loob nito sa lupa. Sinundan pa niya iyon ng isang ikot. Sa tuwing tatama ang sandata niya sa katawan ng kung sinuman ay siguradong putol ang ulo nito o ang katawan mismo. Kaya iyon ang napili niyang kapareha sa digmaan dahil hindi siya nabibigo.

Nang masiguro ni Juda na wala nang buhay ang mga nakalaban ay dumampot siya ng dalawang rayguns, sinuksok sa likuran at sunod na tinungo ang mga shuttles.

Paikot-ikot ang korteng triangle na sasakyan sa ere sa paghahanap sa kanya. Nagkubli si Juda sa halaman at nagmanman, kinalkula kung paano pabagsakin ang lintek na shuttle.

Nahagip ng mata niya ang isang malaking bato, mga tatlumpong metro mula sa kanya. Sa itaas pabalik-balik na dumaan ang puntirya.

'Perfect, pwedeng mapakinabangan.'

Naghintay siya ng magandang timing para isagawa ang balak. Sa muling pag-ikot ng sasakyan ay patakbong tinungo iyon ni Juda, yumapak sa bato at doon kumuha ng kambyo para talunin ang shuttle. Naglambitin siya sa likod niyon, dahil malaki ang pangangatawan, bahagyang tumabingi ang paglipad ng sasakyan. Naramdaman na kaagad ng piloto ang presensiya ng lalaki kaya mas binilisan nito ang takbo at sinadyang magpaikot-ikot sa himpapawid. Kahit na ganoon ang galaw ang shuttle, hindi iyon nakapigil kay Juda na akyatin ang tuktok.

Pumakibabaw siya sa itaas at inangat ang sandata. Sa malakas na hampas ng glaive ay nabasag ang salamin na uluhan ng sasakyan, tumagos ang sira sa control hanggang sa magloko ang galaw. Agad naman siyang tumalon pababa bago pa tuluyang bumagsak ang shuttle sa lupa.

'Isa nalang. Nasaan na?'

"Juda!" sigaw ng babaeng pamilyar sa pandinig niya ang nagpalingon sa lalaki. Napapangiwi ang mukha nito sanhi ng pagkapulupot ng braso. May nakatutok na laser gun sa ulo.

"Huwag kang gagalaw! Kung hindi ay wasak ang bungo ng kasama mo!" sigaw ng ahas. "Ibaba mo ang mga sandata mo!" dagdag nito

"Hmf, sa palagay mo ba ay matatakot mo ako sa ganyan?" nakangisi pero tila lumalabas ang apoy sa mga titig ni Juda.

Napahiyaw ang babae nang mas hinigpitan pa ng kalaban ang pagpulupot sa kamay nito. Napatiim-bagang siya.

"Ibaba mo ang mga sandata mo!"

Yumuko si Juda nang hindi tinatanggal ang titig sa kalaban, ibinaba ang mga dala pero hindi binitiwan.

"Ihagis mo palayo!"

Magkasabay na pinadulas ng lalaki ang dalawang sandata sa magkaibang direksyon. Ang baril ay sa kanan at ang glaive ay sa kaliwa. Sinadya niya iyon para mahati ang atensyon nito. Tumama ang glaive sa bato sanhi niyon ay pag-ikot papunta sa paa nito, sakto namang nagpumiglas si Lily. Nagpanic ang Anguis at nagpaputok sa kanya ngunit dahil sa kalulugnot ng babae ay kung saan nagsiliparan ang mga bala. Nagawang umilag ni Juda subalit dahil hindi niya natantya ang direksyon ng iba, nadaplisan siya sa baywang. Tuluyan nang naubos ang inipong pasensiya niya kaya bumunot siya ng baril at pinaputukan ito sa ulo. Napasigaw pa si Lily nang tumilamsik ang utak ng kalaban sa damit nito.

'Shit."

Paluhod na bumagsak si Lily sa lupa. Tila nawalan ito ng mga buto sa pagiging active hostage ng maikling oras, o baka natakot lang talaga. Mahihina kasi ang mga tao, talo pa ang mga daga.

"Diba sabi ko sa iyo na huwag kang lalabas?!"

Walang reaksyon mula dito, blangko lang ang tingin kaya hinawakan niya ang braso at tinulungang makatayo.

"Kung nanahimik ka lang sana doon, hindi mangyayari iyan sa'yo."

Sa pagkakataong ito ay nalukot ang mukha at tinitigan siya ng masama. "Hindi ako lumabas sa pinagtaguan ko! Nakita nya ako!"

"Nakita ka niya dahil siguro nag-ingay ka."

"Hindi nga! Napapanood ko sa mga movies na nahohostage ang mga ganun kaya hindi ako nag-ingay. Kasalanan ko ba kung matalas ang dila ng pangit na ahas na iyon?!"

Sa wakas ay tumuwid ito ng tayo at pinagpag ang damit.

"Saan na ang gamit mo?"

"Nandun!"

Napapansin ni Juda ang gesture nito na pinapatulis ang nguso kapag may tinuturo. Ganoon siguro sa Earth.

Hinablot niya ang bag at umalis na.