Chapter 4 - Part 4

Napatda na naman si Lily nang sa pagpasok niya ng kusina ay nandoon ang subject ng kanyang litanya. Mag-isa itong nakatayo sa gilid ng mesa. Nakatukod ang isa nitong kamay sa backrest ng upuan, ang isa naman ay may hawak na baso. Feel na feel ni Lily ang paghiwalay ng kaluluwa niya sa katawan. Dahan-dahan siyang nag about face pero napasigaw nang ibagsak nito ang baso sa mesa.

'Shet, wala na, paktay na!' Narinig siguro nito ang pinagsasasabi niya. Hinanda niya ang sarili sa paglipad palabas ng bintana ngunit kagaya ng ginawa nito kanina ay mabigat lang itong naglakad palabas ng kusina at nilagpasan siya.

'Dito na talaga ako mamamatay.' iyak ng isip ni Lily. 'Isusulat ko sa diary ko na kung mamatay man ako, siguradong si Juda ang may kagagawan!'

"HUWAG mong kakalimutan na kailangan nating magpunta sa Piscis sa makalawa para pag-usapan ang angkat ng kemikal." tukoy ni Juda sa planeta ng mga isda. Si Gavin ang nakadestino sa purchasing and negotiations ng mga materyales para gamitin sa paggawa ng mga sandata.

Nakakrus ang mga kamay na nakahilig si Juda sa bookshelf na katabi ng mesa ni Gavin.

"Baka ipagsawalang bahala mo iyan ngayong may buntot-buntot ka na uling babae."

"Huwag mong simulan, Juda." bantang saad ni Gavin

"Nagpapaalala lang naman ako. Alam mo naman na limitado ang supplier ng mga materyales at mahaba ang linya ng kumukuha sa Piscis, kailangan natin makauna sa kanila." ngumisi ito ng sarkastiko sa kapatid

"May hihingin akong pabor sa iyo pagkabalik natin galing Piscis." sabi ni Gavin

"Ano?"

"Tulungan mo akong ibalik si Lily sa Earth."

"Anong maitutulong ko?"

"Since ikaw ang may mas malawak na access sa mga shuttles, bigyan mo ulit ako ng isa."

"Iyon lang? Easy, kahit ngayon pa." pagmamayabang ni Juda. "Mabuti at gagawan mo agad ng paraan ang pagdispatsa sa nilalang na iyon."

"Aasahan ko ang shuttle."

"Consider it done!" Saad ni Juda at umalis

"LILY, nag-usap na kami ni Gavin. Ang sabi niya, sa makalawa aalis sila papuntang ibang planeta. Pagkabalik galing doon, mahahatid ka na pauwi ng Earth." excited na balita ni Ara

"Talaga? Hay, Salamat naman! Maaasahan talaga ang jowa mo! Ilang araw ba sila doon sa travel nila?"

"Hindi ko alam pero hindi naman siguro magtatagal masyado. Konting hintay nalang pinsan, at makakabalik kana sa normal mong buhay."

"Oo nga! Pero, couz, final na ba talaga ang decision mo? Hindi ka na ba talaga sasama sa akin pauwi?"

Banayad na ngumiti si Ara. "Nandito ang happiness ko, Lily kaya final na ang decision ko. Sa pagdating ng panahon, ipagdadasal ko na masabi ko at matanggap nila mama at papa ang katotohanan. Sa ngayon, ang alam lang nila ay nagbakasyon ulit ako. Okay na rin yun, para walang masyadong gulo." Hindi nito tinuloy ang pag-aaral para nga makapunta na doon.

Kinuha ni Lily ang kamay ng pinsan at kinulong sa sariling kamay. "You know what? Honestly, I am happy for you. Nakikita ko sa mga mata ninyo ni Gavin na mahal nyo ang isa't-isa. Masaya ako at nahanap mo na ang kaligayahan mo."

"Thank you, Lily." mamasa-masa ang mata nilang nayakapan. Kahit hindi sila masyadong malapit nito noon, nagkasama naman sila ngayon at masarap pala itong kasama.

"I will miss you, couz."

"Ako din. Ah, tama nga pala, ayaw ko kasing maiwan dito nang nag-iisa habang nasa ibang lugar si Gavin, kaya gusto kong sumama." ngiti ni Ara

"Sasama ka? Tapos ako?"

"Gusto mo bang sumama?" tanong ni Ara

"Siyempre noh! Ayokong mag-isa dito. Mababaliw ako sa kahihintay."

"Kahit... nandoon si Juda? Sasama ka parin ba?"

Natigilan si Lily. "Si Juda, kasama?" tumango ang pinsan. "Aahh... hindi ko alam. Gurl! Kung alam mo lang kung paano ako pagpawisan sa tuwing nakikita si Juda! Pati pem-pem ko nanginginig!"

Natatawa si Ara sa mga pinagsasabi niya. "Lily, relax! Sinabi ko nga sayo na umiwas ka sa kanya pero hindi naman siguro namumugot agad ng ulo iyon."

"Ah, ewan ko! May sa demonyo talaga ang lalaking iyon eh! feel na feel ko ang dark aura niya!"

"Baliw! Pag-isipan mo para masabihan ko si Gavin."

"O, sige."

NAGPABALIK-BALIK si Lily sa paglalakad sa loob ng kwarto niya. Iniisip kung sasama ba sa byahe o hindi.

"Li-ly-Rose-Ba-li-kog" usal niya habang binibilang ang syllables ng pangalan sa kamay, anim. "Sasama, hindi, sasama, hindi, sasama, hindi. Hindi!... Hindi? Ako lang maiiwan mag-isa. Baka dahil wala si Gavin at Ara, tuluyan na akong kainin ng mga 'to. Again, again. Hindi, sasama, hindi, sasama, hindi, sasama. Sasama! Okay, sige sasama ako. Hindi ako papatinag sa Judang iyon! Laban lang Lily, fighting!"

UMAGA, oras na ng pag-alis nila. Lumalaki ang butas ng ilong ni Lily sa bigat ng bitbit na malaking bag.

"Ano ba kasing laman ng bag mo, Lily? Paano ka nagka-gamit ng ganyan kadami?" si Ara

"Binigyan ako ni Mali ng mga damit, kasi nga diba, hindi natin alam kung ilang araw tayo dun."

"Iyan na ba lahat ang dala mo, Lily?" tanong ni Gavin

"Oo, ito na lahat."

"Okay, pumasok na kayo, mea amor," tawag nito kay Ara.

'O diba ang sweet!'

"Pakisamahan mo naman si Lily sa magiging cabin niya. Iwanan n'yo nalang iyang bag, si Juda na ang magpapasok niyan mamaya."

"Ay! Ay hindi, Gavin. Okay lang ako, kayang kaya ko to. Ang gaan nga eh, oh! Huwag mo nang tawagin si Juda." sabi ni Lily na hinila ang bag papunta ng cabin.

Pabagsak na binitiwan ni Lily ang dala pagkapasok niya ng cabin. "Shocks! Magkakamuscle na ata ako nito!"

"Okay ka naba dito?" tanong nito

"Okay na okay, bumalik kana dun."

"O, sige. Kasunod nito ang cabin namin, tawagin mo lang ako kung may kailangan ka."

"Okayss..." usal niya at isa-isang sinalansan ang mga gamit sa kwarto.