Chereads / Wild Heart / Chapter 21 - Chapter Twenty One

Chapter 21 - Chapter Twenty One

"You haven't touched your food" puna ni Daniel, pausing from slicing the steak he was eating.

Matapos ang guesting nila kanina sa afternoon show na iyon ay nag imbita si Daniel na mag dinner sa paborito nilang steak house sa siyudad. It was one of the best in the city, sophisticated and only people from the upper class society can afford the place.

"Ha?" Noon lamang bumalik sa kasalukuyan ang huwisyo ni Beatrix. "I-I'm sorry" hinging paumanhin niya "you were saying?" Humiwa siya ng maliit na piraso mula sa sariling steak at isinubo iyon.

"I said, you will never regret it... I will be everything that he failed to be" seryosong wika nito.

He. Alam niya kung sinong 'he' ang tinutukoy nito. Hindi niya kailanman inilihim kay Daniel ang kanyang sitwasyon, na kasal pa rin siya at hindi pa na ipapa-annul iyon.

Beatrix sighed. Just thinking about him brings back bittersweet and painful memories to her.

"About that... seryoso ka ba talaga? Are you doing this for a show?"

"Of course not! You know I will never do such a thing! I love you, alam kong alam mo 'yan. And I love Mico too, like my own"

She unknowingly smiled pagkarinig sa pangalan ng anak. He'a now almost turning 5 and is the sweetest, smartest boy any mom could hope for.

"But we're not even in a relationship Daniel. Paanong kasal agad ang ipinropose mo in front of the whole country?" She took the wine glass to her lips at bahagyang uminom.

"We already know each other enough Bea. Bakit pa natin patatagalin? I have no doubt na ikaw ang gusto kong makasama habang buhay. And you... I know you do have feelings for me too, right?" May bahagyang pangamba sa tinig nito.

Ibinaba niya ang baso sa mesa at marahang bumuntong hininga. She tenderly looked at the handsome man in front of her. Ano pa nga ba ang aayawan niya kay Daniel? Mabait, understanding, successful, good looking... She cares for him although she can't say yet if she loves him the way he wants her to. In a way ay parang nakikita niya ang sarili niya noon dito, when she begged for another person to love her.

Siguro ay wala na rin namang masama kung mag move on na siya at magsimulang sumubok magmahal muli at bumuo ng isang pamilya. Isa pa, lumalaki na rin si Mico at nagsisimula na rin itong maghanap ng ama. Palaging mayroong kurot sa kanyang puso kapag kinakailangan niyang laging gumawa ng dahilan kapag nagtatanong tungkol sa ama.

"I want to be honest with you Daniel, because you are an important person in my life..." muli siyang sumimsim ng red wine bago nagpatuloy "I care about you, yes. Pero hindi ko alam kung mahal kita..."

"It's okay" hinawakan nito ang kamay niya. "Caring is a good start. I will wait. Please. Give me a chance to be the good husband you deserve and let me be a father to Mico"

She sighed and smiled at him. Yes. Wala naman sigurong masamang muling turuang umibig ang puso niya?

*****

Halos hatinggabi na ng makarating siya sa bahay. Marahan niyang pinihit pabukas ang pintuan ng silid ni Mico at tahimik na pumasok. Payapa itong natutulog yakap ang teddy bear.

She carefully sat beside him at buong pagmamahal na hinimas ito sa ulo. Another day na tulog na ito bago siya nakauwi. She feels so guilty na pakiramdam niya ay hindi siya nagiging mabuting ina rito. Madalas ay abala siya sa trabaho, although she tries to really not work on weekends para makapag bonding dito.

Maybe Daniel's marriage offer is a good thing - she can quit her job and just focus on Mico and the family that they can start together. Siguro ay maaari na rin niyang pag-aralang mabuti ang matagal na niyang balak na clothing line business.

She lovingly looked at the child who was soundly sleeping. She could hardly believe it's already been 5 years since she found out she was pregnant. She was already in New York and it was right at that time when she felt as if the world had ended for her. Ngunit dahil sa munting buhay na iyon na nasa kanyang sinapupunan ay muli siyang nagkaroon ng dahilan para lumaban at mabuhay. Mico gave her the reason to survive, the reason to live.

Muli niyang hinimas ang batang mahimbing na natutulog. Memories from yesterday came back rushing to her mind...

*****

She rushed out of the library, kamuntikan pa niyang mabangga pati ang librarian sa pagmamadali. Mabuti na lamang at sabado kaya't hindi ganoon karami ang mga tao sa paaralan. She was only there to take 2 of the exams na kanyang nalaktawan sa takdang araw ng pagsusulit. Pigil na pigil ang mga luha niya habang nagmamadaling makalabas ng gusali.

"Manong, sa bus terminal po" aniya sa driver hustong makaupo ng tricycle.

May kinse minutos ang takbo mula SGU hanggang terminal, habang daan ay hindi na niya napigil ang pagpatak ng mga luha. Mainit ang mga iyon sa kanyang pisngi, tila nag aapoy.

She boarded one the buses heading to Manila. Ni hindi niya binasa kung saan patungo eksakto ang sinakyan, ang tanging alam niya ay kailangan niyang makalayo sa bayang ito!

What do you think it means when he gave me this ring and spent the night with me?  Paulit ulit na umaalingawngaw sa pandinig niya ang tinig ni Frances.

She bit her lower lip to stop a sob, masaganang umagos ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Mahigpit niyang kinuyom ang kamao.

Why Xander? I thought you have finally learned to love me...how could you do this to me after all I have sacrificed for you?

Hindi na niya namalayang nakatulog siya sa bus mula sa pag iyak. Nagising lamang siya ng tapikin siya ng kundoktor sa balikat "Miss, nandito na tayo"

Pinahid niya ang mukha, her eyes feel fuzzy "s-saang terminal po ito?"

"sumakay ka hindi mo alam kung saan papunta?" nagkamot ito ng ulo "sa Cubao".

"s-salamat" isinukbit niya ang bag sa balikat at bumaba ng bus. She took out her cellphone; 35 missed calls - 20 from her mother in law's number, 5 from her kuya Zach and 10 from her mom. Her phone was on silent kaya't hindi niya narinig, isa pa, hindi rin niya sasagutin ang numero ng biyenan.

Nakaka isang ring pa lang ay agad sumagot ang ina "hello? Nasaan ka anak?" there was panic in her mom's voice.

"M-ma..." gusto niyang humagulgol ng iyak nang maring ang tinig ng ina. She wanted to tell her mom how badly she's hurting right now.

"Diyos ko kang bata ka! lahat kami dito nag aalala sa iyo! Maging ang asawa mo ay hindi humihinto ng paghahanap sa'yo! ano ba ang nangyari?"

"C-can you please send someone to pick me up please? I'm at the bus terminal in Cubao" suminghot siya

"Are you crying? are you alright?" lalong sumidhi ang pag aalala sa boses ng ina nang mahinuhang umiiyak siya

"Y-yes Ma, I'm okay. Just please send someone to pick me up from here"

"O-okay. Maghintay ka lamang diyan. Pupuntahan ka namin ng kuya mo" the line was silent after that.

Naupo si Beatrix sa isa sa mga bench na naroroon. She filled her lungs with air. She stared at her cellphone, ang screen saver na naroroon ay larawan nila ni Xander - taken when they were on the road back to San Gabriel after visiting Manila. They looked like a real couple in the picture, both of them smiling. If she doesn't know any better now, aakalain niyang pagmamahal ang nasa mga mata ni Xander.

After what felt like an eternity ay isang itim na Lexus ang pumarada sa di kalayuan. She saw her brother Zach get out of the car and was searching for her. She stood up and started walking towards him. Patakbo itong lumapit sa kanya nang makita siya.

Zachary hugged her "what happened? are you alright?"

Hindi na niya napigil ang tuluyang pag iyak nang maramdaman ang yakap ng kapatid "kuya..." she sobbed like there was no tomorrow.

"anon'ng nangyari?" pag uulit nito.

She couldn't answer even if she wanted to. Patuloy lamang siyang umiyak sa dibdib ng kapatid. Hinimas nito ang ulo niya "C'mon. Mom is waiting in the car... sa bahay na tayo mag-usap, okay?"

Hustong makasakay sila sa sasakyan ay nag ring ang telepono ni Zach. Nilingon siya nito matapos makita kung sino ang tumatawag  "It's your husband" he stated at akmang sasagutin ang telepono. She quickly grabbed his hand and shook her head.

"You don't know how many times Xander had called me, Bea. He's going crazy looking for you" ani Zach na hawak pa rin sa kamay ang aparato.

Going crazy my ass! gusto niyang sabihin sa kapatid, sa halip ay isang iling ang itinugon niya rito "not now Kuya. Please?" she pleaded.

Bumuntong hininga si Zach at kinancel ang tawag.

Kinabukasan ay nagsadya si Xander sa mansyon matapos malaman mula sa kuya Zach niyang naroon siya. She refused to go downstairs and meet him, hindi rin niya ito pinagbuksan ng pinto ng silid kahit pa ilang oras itong naghintay sa labas niyon. Xander tried to talk to her but she never gave out a single word.

It was seven in the evening and the rain poured down hard, na para bang pati ang kalangitan ay nakikidalamhati sa kanya. Nakaalis na siguro si Xander. May pag aalalang umahon sa dibdib niya. May limang oras ang biyahe pauwi ng San Gabriel, the road visibility and road conditions won't be ideal for driving. Binuksan niya ang pinto ng silid upang alamin kung nakaalis na ito ng mapagbuksan niya ang kuya Zach niyang akma pa lamang kakatok.

"Take a look at outside" anito na isinenyas sa kanya ang bintanang malaki sa kanyang silid, overlooking the garden.

"what?" naguguluhang tanong niya.

Zachary gently took her to the window at hinawi ang kurtinang nakatakip roon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Xander na nakatayo sa labas underneath the heavy downpour. Matatalim ang mga kidlat at nakabibingi ang kulog na kasama ng malakas na ulan.

Kahit pa namumuhi siya rito ay hindi niya maiwasang lumipad ang puso sa binata. She wanted to run out and shelter him from the storm.

"that stupid guy said he won't leave there until you come down and talk to him" ani Xander at sinulyapan siya

Sunod sunod na bumagsak ang mga luha niya. Xander you crazy bastard! Hindi ka pa kuntento sa pananakit mo sa akin kaya pinahihirapan mo pa akong lalo?

Mabilis siyang tumakbo palabas ng silid, deretso sa garden kung saan naroroon ang binata. Wala siyang pakialam kung tila siya isang basang sisiw sa ilalim ng ulan.

"Ano bang ginagawa mo?!" hiyaw niya rito. May ilang dipa ang layo niya mula sa lalaki. Both of them are soaking wet and shivering from the cold. Si Beatrix ay pinipilit patatagin ang loob sa kabila ng takot sa kidlat at kulog.

"Beatrix..." his facial expression changed nang makita siya. There was a sort of relief on his face. Humakbang ito palapit sa kanya.

"Don't!" pigil niya rito at itinaas ang isang kamay upang pigilan ito "don't come any closer"

"Princess? I don't understand..." wika nitong tila nahihirapan "If you're mad na hindi ako nakauwi kagabi, I can explain..."

Beatrix secretly thanked the rain dahil naitago niyon ang walang lubay na pagluha ng kanyang mga mata.

"Umalis ka na Xander" matigas na wika niya

"ano bang nagawa ko? bakit ka nagkakaganito?" tanong nito at humakbang palapit sa kanya.

"I said don't come any closer!"

"Give me a good fucking reason why you're being like this!" galit na sabi nito. His voice was as loud as the thunder cracking that night.

"A-ayoko na..." she said

"A-ano?!" pag uulit nito. Ikiniling nito ang ulo sa isang gilid na tila nagkamali ng dinig sa sinabi niya

"I said... Ayoko na!" she yelled

"you're lying!" mabilis itong nakalapit sa kanya at ikinulong siya sa mga bisig nito.

Oh God! It still feels so good to be in his arms! Pakiramdam niya ay mawawala ang katiting na pride na naiiwan sa kanya dahil baka matunaw siya sa bisig nito. Even the little self respect she's got left might float in the air when he's holding her like this.

Beatix gently pushed him away, gamit ang dalawang kamay niyang ihinarang niya sa dibdib nito. She tried her damn best upang salubungin ang mga mata nitong nangungusap sa kanya.

"A-ayoko na...Xander. Tigilan na natin ito" she bit her lower lip.

Xander cupped her face in his palms "Tell me, what's wrong princess? I'll make it up to you. I swear I will do anything" pakiusap nito.

Mapait na ngumiti si Beatrix. This is the first time she heard him plead. Kaytagal niyang hinintay ang ganitong pagkakataon, how ironic that he said it too late? Na nawasak na ang kanyang puso at hindi niya ito kayang mapatawad sa kataksilan nito sa kanya?

Inalis niya ang mga kamay nito sa kanyang mukha "please let me go, Xander"

"tangina!" malakas na mura nito , isinuklay ang mga kamay sa basang buhok. He is obviously frustrated  "ano ba ang nagawa ko? tell me!"

"wala!" she said clenching her fists "It's just that... pagod na ako...sawa na ako!"

Matalim itong tumingin sa kanya at muling inisang hakbang ang pagitan nila. "What did you say?" pag uulit nito sa sinabi niya. Danger and hurt in his voice "sawa ka na?"

Itinaas niya ang noo "yes! I'm done playing with you. So leave me alone!" malamig pa sa yelo ang tinig niya.

She lost track of how long he stared at her face. His eyes penetrating hers, tila inaarok ang katotohanan sa sinabi niya.

"Umalis ka na!" sigaw niya rito.

Xander's chest heaved. Hindi kaila kay Beatrix ang galit na tinitimpi nito.

Tama ba ang nakikita niya? Sakit ba ang nakita niyang gumitaw sa mukha ng binata? No. She must be dreaming. Xander will be glad to get rid of her!

"I wish you happiness Beatrix" he said in a low tone bago malalaki ang hakbang na umalis.

Beatrix was left alone standing in the rain. Yumugyog ang kanyang mga balikat sa pag-iyak. She let out all her pain, letting her sobs drown away with the rain. Napasalampak siya sa lupa habang patuloy sa malakas na pag iyak.

"Goodbye, Xander..."

******

Napabalik si Beatrix sa kasalukuyan ng isang maliit na kamay ang humaplos sa kanyang braso. She quickly wiped away a tear that she didn't realize treck down her cheeks. Itinuon niya ang pansin sa anak na noon ay naalimpungatan.

"Sorry anak. I woke you up, didn't I?" she smiled at her son at hinimas ito sa ulo.

"are you clying po, mommy?" pabulol na tanong nito

She laughed soflty "no. of course not! why will I cry? sige na, matulog ka na ulit"

"K." tipid na sagot nito at muling ipinikit ang mga mata.

Inayos niya ang kumot na tumatakip sa bata "I love you, anak" she whispered to his ear as she gave him another kiss on his forehead.

She's made up her mind. Hindi man niya siguro mahal sa ngayon si Daniel ay nasisiguro niyang magiging mabuti itong ama kay Mico. She sighed. Yes, she will marry Daniel and give Mico a father.

Mula sa drawer ng tukador ay hinugot ni Beatrix ang isang brown envelope. It contains the annulment papers na makailang ulit ng bumalik sa kanya without Xander's signature. The bastard just kept refusing to sign the damn papers!

She will have to get these documents signed somehow, kung kinakailangang harapin niyang muli ang binata ay gagawin niya!