Nagising si Isabelle sa mahinang tunog mula kung saan. Napabalikwas siya nang bangon nang mamalayan niya na galing yon sa may sala ng apartment. Sa may pinto na parang kumakatok.
"Si Raven." Sambit niya. Ito lang naman ang alam niyang dadating nang ganoong oras.
Kinuha niya ang makapal na salamin sa ibabaw nang lamesita. Pupungas-pungas siyang bumangon bago isinuot yon. Inayos niya ang pagkakapusod ang buhok. Medyo natagalan dahil kulot at malago iyon. Nakarinig na naman tuloy uli siya ng katok bago pa sita makalabas ng kwarto.
"Sandali." Istorbo. Naisip niya.
Baka naiwala na naman ang susi ni Raven. O baka lasing na naman at wala sa wisyo. Kailangan na naman niyang pagbuksan.
Alas tres na sa orasan. Madaling araw. Weekend at wala itong pasok kaya siguro nagliwaliw.
Sabagay, sanay naman siyang alanganing oras ito umuwi. Apat na taon ba naman na silang magka-share sa apartment simula pa noong nag-aaral sila sa college. Mahilig talaga itong gumimik noon pa.
Isang katok na naman ang nadining niya.
"Eto na. Bubuksan na, Rave." Bulong niya sabay iling.
Lagi namang ganito. Careless na nga minsan kaya napagsasabihan niya. Napapadalas na umuuwi ito na amoy alak at halos gulo-gulo na ang suot. Palibasa kasi walang inaalala sa buhay kaya okay lang na uminom hangga't gusto.
Hindi tulad niya. May mga kapatid pa siyang pinag-aaral at inang kailangang suportahan dahil may sakit na. Gusto sana niyang sumama sa mga lakad ni Raven kaso naisip niyang ilalaan nalang ang gagastusin at natitirang oras para sa pamilya.
Sabado ngayon. Luluwas pa siya pa Batangas para dalawin ang pamilya doon. Di siya pwedeng magpuyat dahil maaga pa siya aalis. Pero heto nga't nagising siya. Mahihirapan na naman siyang makakuha uli ng tulog.
Tsk. Si Raven talaga.
Apat na magkakasunod na katok na naman ang nadinig. Mas malakas kaysa sa mga nauna.
"Eto na. Eto na. Nagmamadali lang, bes?"
Binuksan na niya ang pinto. Napakunot siya ng noo nang makitang wala namang tao sa harap noon. Malamig na hangin lang ang sumalubong sa kanya.
"Rave?"
Wala ding sumagot.
"Nasan ka? Nagu-goodtime ka na naman?" Napangiwi siya. Ang hilig din kasi nitong magbiro. Baka nagtatago lang ito sa mga halaman at planong gulatin siya siya. Palibasa maliit na babae lang kaya di niya makita agad.
Inayos niya ang suot na salamin at sumilip papalabas. Malamig talaga. Naisip niyang nag-jacket sana muna.
"Asan ka ba? Pumasok ka na kaya. Ang lamig dito." Aniya.
Wala parin. Lalo siyang gininaw nang umihip na naman ang hangin.
Tumayo ang balahibo niya. Para kasing may kakaiba sa hangin na yon.
"H-Hello, Raven. Wag ka nang magbiro."
Tumingin siya sa paligid. Madilim at wala na halos bukas na ilaw sa mga kapitbahay nila. Tahimik. Wala talagang katao-tao. Nakaramdam bigla siya ng kaba.
Hindi kaya minumulto na ako, naisip niya.
"Dyusko..."
Isasara na niya sana ang pinto nang may mga kamay na humawak at tumakip sa bibig mula sa likuran. Ni hindi na niya nagawang makasigaw sa pagkabigla.
"Don't make a sound." Utos nito.
Lalaki yon. Sa taas niyang 5'9 alam niyang mas matangkad pa sa ito kanya nang ilang pulgada. Malaki rin ang pangangatawan. Ramdam niya rin ang tigas ng katawan nang mapasandal siya sa dibdib nito.
"Move."
Tumango na lang siya at sumunod sa utos. Alam niyang wala siyang magagawa. Wala siyang laban. Tinuruan siya minsan ng self defense ni Raven pero kung ganito makakalaban niya ay di niya kakayain malamang.
Nanginginig ang tuhod niyang lumakad habang iginagabay siya nito papalabas ng gate. Binuksan nito ang itim kotse na nakaparada sa night harap. Agad siyang tinulak siya papasok sa passenger seat saka sinara ang pinto. Hindi na siya nakagalaw pa dahil sa takot. Ilang sandali pa ay naramdaman na niya itong umupo sa tabi niya.
"S-sino ka? Sa--saan mo ako dadalhin?"
"Don't be afraid. Hindi kita sasaktan," sagot nito habang binubuhay ang kotse. May accent, napansin niya. Mukhang di ordinaryong magnanakaw o kidnapper. "May kailangan lang ako sayo."
Napalingon siya. Napatitig. Napanganga.
"Dyusko po."
Napakagwapo ng lalaki. Parang modelo sa isang fashion magazine. Mukha itong Pilipino na nahaluan ng European blood. Nakaponytail ang mahaba nitong buhok sa batok habang bakat naman ang muscles sa suot nitong hapit na white tshirt. Kung ibang babae lang siguro ang kinidnap nito ay malamang ay kusa na nang sasama.
Bukod doon ay napakabango nito. Parang bagong lutong sinaing na masarap—
Aba Isabelle! Kidnapper yan! Sigaw ng utak niya.
"A-anong kailangan mo sakin?"
"Wag kang matakot."
Anong pinagsasabi nitong wag matakot?! Kinidnap siya!
Nakita niyang nasa highway na pala sila papunta kung saan. Ni hindi nga niyang namalayang lumabas na sila nang village. Para siyang na hypnotised o ano man at di niya namalayan ang tagal nang pagtitig dito kanina.
Ang bilis din nitong magpatakbo.
"San mo ako dadalhin? Wala akong pera! Wala akong pangbayad ng ransom sayo!"
"Look, I told you Miss, hindi kita sasaktan. Di ko rin kailangan ng pera mo." Seryosong sabi ng lalaki.
"I-Itigil mo. Itigil mo. Itigil mo tong sasakyan! Ngayon na!"
"I can't do that. Mahahabol nila tayo."
Ano? Ano daw? Sino? Sino ang humahabol?
Kung sino man yon, wala siyang paki! Wala naman siyang alam na atraso kahit kanino. At kahit gipit siya, alam niyang wala naman siyang utang na tinatakbuhan.
"Manyak ka no?! Rapist! Sabi nang ibaba mo ako!" Iyon nalang ang nakikita niyang motibo. Naghi-hysterical na siya habang hinahampas niya ng kamay ang braso nito mapatigil lang sa pagmamaneho.
"Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!" Sigaw pa niya.
Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. Walang epekto ang pagwawala niya. "Itigil mo to! Ibaba mo ako!"
"Damn it woman, mababanga tayo sa ginagawa mo!" Sigaw nito habang inaawat siya ng isang kamay.
"I don't care! Ibaba mo ako!"
"Stop it! Do you want to die?!"
Isang malakas na ilaw ang lumitaw sa harap nila kasabay nang nakakabingi nitong busina.