Chereads / Requiem Eternal / Chapter 5 - Chapter 5: Beautiful Stranger

Chapter 5 - Chapter 5: Beautiful Stranger

Raven

Sumilip si Raven sa maliit na bintana. Umaga na at mainit na ang araw. Isang motel na mumurahin ang tinulyan nila ni Kiel ngayon. Kakilala daw nito ang may-ari noon kaya sigurado itong ligtas. Di niya akalaing napakalaking problema ang kakaharapin niya.

Natupok na ang apartment nila. Wala na siyang mauuwian. Nasunog iyon nang binuksan ni Kiel ang tangke ng gasul at pinasabog. Mabuti na yon at aakalaing aksidente ang nangyari. Nag-aalala lang siya kung pano maiisplika ang mga bangkay ng hunters na nasa loob noon. 

Isa pa na hindi niya alam kung nasaan si Isabelle ngayon. Kung sino ang may hawak. Nag-aalala na siya sa kalagayan nito. 

Ang sabi ni Kiel, wala naman daw balita na nakuhang babae ang mga kasamahan niya. Kung meron man, ilulutang nang mga iyon si Isabelle agad para mapalabas siya.

"Dammit." Napakagat siya ng labi sa inis.

Apat na taong tahimik ang buhay niya. Maingat siya sa lahat ng ginagawa. Walang nakakaalam na bampira siya, lalo na si Isabelle. Wala siyang pinapasok na gulo kaya hindi niya maisip kung sino ang may pakana nang lahat ng nangyayari.

Nadinig niya ang pagbukas ng pinto nang banyo. Kumalat ang magkahalong amoy nito at nang sabon at shampoo ginamit galing doon.

Napakusot siya ng ilong. Hindi naman dahil sa hindi kaaya-aya ang amoy noon. Masyado lang ito talagang mabango para sa kanya.

"Yes Raffy, buhay pa ako. Oo kumain na rin ako." Sambit ni Kiel. Hawak nito ang cellphone at alam niyang babae ang kausap. Nadidinig niya. "Magkita nalang tayo. Uuwi ako diyan."

That could be his girlfriend, or his wife, she thought. Kanina pa nito kausap iyon. Napangiwi siya.

"Di ba dapat nagpapahinga ka, Raven? Tanghali na, ah?" Sabi ni Kiel matapos ang tawag.

"Not sleepy." She said. Napalingon siya dito. Napansin niya na may pasa ito sa mukha. May malaking gasgas din sa noo. Mukha namang di malala.

Binaba nito ang cellphone at nagkukusos na ito ng basang buhok. Nakapantalon naman pero walang pang-itaas.

Hindi niya alam kung kasama sa trabaho yung pagpapakita nang katawan. Hindi siya naman nagrereklamo. 

Perfect abs and pecs. Namumutok din ang biceps. 

He's hot, she thought. What a glow up.

"You like what you see?" Sabi pa nito nang nakangisi. Napansin yata ang pagtitig niya.

"Yes, very much." Prangka niyang sagot. 

Lumapit siya dito at humalukipkip. "Why are you helping me, hunter?" 

Oo nga't naghahabol sila nang oras, importante ding malaman niya ang totoong agenda nito. He could be just pretending to help her. 

Ganoon naman ang mga lalaki. Mabait sila sa una dahil hindi ka pa nila nakukuha.

"Sabi ko nga, marunong akong tumanaw ng utang na loob." Ulit lang nito. Umalis ito sa kinatatayuan at nilagpasan siya. Pumunta ito sa lamesa tiningnan ang mga gamit na andoon.

She saw a lot of jagged scars on his back. Mukhang may pinagdaanan itong matindi noon. That makes her more curious.

"Lam mo kasi nung gabing napasama ako sa holdapan, may dengue yung kapatid ko. Si Raffy, yung tumawag kanina. Wala naman kaming pambayad sa hospital. Salamat, dahil doon sa pera nadugtungan buhay niya." Tuloy na kwento nito. Lumingon ito sa kanya at ngumiti. "Kaya nangako ako sa sarili ko na pag nagkita tayo uli, babayaran ko ng buo ang utang ko."

"I don't need that money, Kiel."

Ngmisi lang ito at humurap uli sa kanya. "Alam ko. Kaya sa ibang paraan nalang. Tulad nito."

Tumango siya. He was telling the truth, she can sense it. Sa ilang dekada niyang nakikisalamuha ang mga tao, napag-aralan na niya kung nagsisisnungaling ito o hindi.

Though it wasn't enough to convince her. Ramdam niya ring may tinatago ito.

"Will you help me further, then?" She asked him. She can't be that choosy, though. Kailangan niya ng tulong. Pwede na kaysa wala.

Tumango si Kiel at lumapit sa kanya. 

"Anong maipaglilingkod ko, prinsesa?" 

She sighed. Dumistansya siya papalayo. His scent is overwhelming, baka kung saan mapunta iyon.

"Si Isabelle. Kailangan kong makita ang kaibigan ko." Sambit niya. 

Kiel is a hunter, at sa tingin niya marami itong connection. Kailangan niya iyon.

"Tulungan mo akong maibalik siya ng buhay at maayos ang lagay." Sambit niya.

Ngumisi uli si Kie. "Very specific, gusto ko yan. Pero siyempre--"

"Name your price."

"Makulit ka din. Sabi ko nga di ko kailangan ng pera mo."

Hindi siya naniniwala doon. "Everyone has a price." She said.

Tumawa lang ito nang malakas at namewang. Napailing pa. "Sigurado ka? Baka di mo kayanin presyo ko."

Umirap siya. Hindi siya nagbibiro. She'll give everything she have just to save Isabelle. Hindi na kakayanin ng konsensya niya na may mapahamak pang inosente dahil sa kanya.

"We vampires honor our deals with our lives." 

Kahit magkano ibibigay niya masigurado lang ang kaligtasan ng kaibigan niya.

"Deal?"

Ngumisi si Kiel at naglahad ng kamay.

"Deal."

Isabelle

Madilim ang paligid.

Nakikita niya ang babaeng nakaputi na tumatakbo papalayo. Parang sumasayaw sa hangin ang itim at mahaba nitong buhok. Kasabay noon ang tunog ng mga lagaslas ng damo na naapakan nito.

Nakita niya itong bumagsak sa lupa. Umiiyak. Humihingi ng tulong.

"Tama na, nakikiusap ako. Pakawalan mo na ako."

"Are you awake now?"

Napakislot si Isabelle nang madinig ang boses. Hindi niya alam kung parte pa ba nang panaginip niya iyon. Pero parang hindi.

Isang mahinang yugyog naman ang naramdaman niya. Napangiwi siya. 

"Rave, maaga pa.." Tinabig pa niya ang kamay nito at umiba ng pwesto.

"Miss, wake up."

Marahan niyang inimulat ang mga mata. Kumurap-kurap pa siya para masiguradong gising na talaga. 

Isang gwapong lalaki ang bumungad sa kanya. Ngayon lang niya nakita pero parang pamilyar. Nakaupo ito sa silya na nasa tabi ng kamang kinahihigaan. Nakakunot pa ang noo at nakatingin sa kanya.

"Jusko!" Napabalikwas siya ng bangon at napatingin sa paligid pagtapos noon.

Hindi iyon ang kwarto niya. Hindi siya pamilyar sa lugar.

Mukhang kapanahunan pa ni Rizal ang lugar, kahoy ang dingding at sahig, capiz ang bintana. Vintage na vintage ang hitsura. Mukhang mas matanda pa ito sa bahay nila sa probinsya.

"Paano--" Doon niya naalala ang lahat. May lalaking nagsakay sa kanya sa kotse galing sa apartment nila at dinala siya sa kung saan.

"Are you alright? How do you feel?" 

Napatingin siya uli sa lalaki. Nanlaki ang mga mata niya nang maalala at makilala niya ito.

Yung kidnapper! Yung gwapong kidnapper na amoy kanin!

"Are you alright?" Tanong nito uli. 

Napakapa siya sa damit niya, napansin niyang di na niya suot ang paboritong pink na pajama na suot niya kagabi. Napalitan na ito ng puti at manipis na nightgown. Halos kita na ang kaluluwa.

"Walang-hiya ka! Rapist! Kidnapper!" Sigaw niya. Napatayo siya sa kama at pinagbabato ang lalaki nang kahit anong maabot ng kamay.

"Isusumbong kita sa tatay ko! Bad ka! Ni-rape mo ako! Iniingat-ingatan ko ang virginity ko tapos ganito! Ibibigay ko dapat iyon sa prince charming kol iniiwasan nito ang bawat maibato nya. "Calm down!"

"Calm down? Anong calm down?!" Binato niya dito ang unan. Isa pang unan. Maliit na unan. Kumot. Lampshade. Vase.

Walang hiyang mokong na to ang galing umiwas!

"Stop!" Biglang sambit nang lalaki. Nasa tabi na agad niya ito. Hawak na ang nakataas parin niyang mga kamay. 

"Pa--paano mo--?"

"Stop before you hurt yourself." Malumanay na nitong sambit.

Kinuha nito ang bagay na hawak-hawak niya sa mga kamay. Ibinaba nito iyon nang marahan. Pero nadinig parin niya ang malakas ng pagtunog noon nang lumapag sa sahig.

Isang lamesa. Isa iyong napalaking lamesa. Mukhang gawa pa iyon sa matibay at makapal na kahoy. Mukha ring mabigat.

Napanganga siya. "Pa-paanong..Paano ko nabuhat yan..Paano mo din nabuhat? Hala...."

"It's ok. It's alright. Calm down." Dahan-dahan siyang pinaharap ng lalaki. Tiningnan pa sila mula ulo hanggang paa. Tapos ay noon bumuntong-hininga.

Hindi siya makapag-react agad. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Nakatitig lang siya sa maamong mukha ng lalaking yon. Sa bahagyang kunot ang noo nito. Sa malaginto nitong mata. Sa matangos na ilong at nakaawang na mapupulang labi.

"Ba't ang gwapo mo?"

"What?"

Mukhang nagulat ito sa sinabi niya. Napataas pa ng kilay.

Napahawak siya tenga nang may marinig na na ugong. Malakas yon. Parang binibiyak noon ang ulo niya. 

"A-aray..."

"What do you feel?"

Napaluhod siya. Naalalayan naman siya nang lalaki bago siya bumagsak.

Bakit ganoon? Bakit parang siya lang ang nakakarinig noon.

"Ma...Masakit...Masakit...masyadong malakas." Napapikit siya nang mariin.

Para siyang nakakakita nang liwanag. Tapos may malakas na malakas na busina. Tapos noon ang tunog nang nayuyuping mga bakal.

Naalala na niya. Naaksidente sila. Nabangga sila ng kasalubong na truck dahil nanlaban siya sa lalaking ito.

"Patay..Patay na ba ako?" Gulong-gulong tanong niya. 

Kaya siguro siya nakaputing nightgown dahil white lady na siya. Pero napakaimposible noon dahil di naman siya maputi.

"No. Not yet.." Bulong nang lalaki. "I changed you."

Napakapit siya sa ulo. Lalong sumasakit iyon. "A-ano?"

Nakita niyang umiling ito. "You should rest first. Ipapaliwanag ko rin sayo."

"S-sino ka ba?" Hindi na siya nakapagprotesta pa nang marahan siya nitong binuhat. Dinala uli siya sa kama para doon ihiga. 

"Alejandro de Valerius." Pakilala ng lalaki. Unti-unti siyang napapikit. Hinihila uli siya nang antok.

"Forgive me, Isabelle."