Dahang-dahang minulat ni Isabelle ang mga mata. Madilim. Ang nakasinding lampara lang ang nakikita niyang ilaw. Nadidinig na din niya ang mga huni ng mga kululiglig.
Marahan siyang bumangon. Hindi na ganoon kasakit ang ulo niya at wala na rin ang nakakabinging tunog. Wala din yung gwapong lalaking kuminidnap sa kanya sa kwarto.
Nadinig niyang kumulo ang tyan. Nagugutom na siya at nauuhaw. Parang tuyong-tuyo din ang lalamunan niya. Hindi niya matandaan kung kailan pa siya huling kumain pero alam niyang kailangang malamnan na ang tyan niya.
Kailangan niyang makaalis dito.
Pinilit niyang tumayo kahit nanginginig ang mga paa. Naglakad siya papuntang pinto at sinubukang buksan pero naka-lock.
Pumunta siya sa bintana, nabuksan naman niya ito nang mabilis. Gininaw pa nga siya nang pumasok ang malamig na hangin sa loob kwarto.
Madilim pero naaaninag niya ang sanga at dahon ng malalagong puno. Nasa kalagitnaan yata ng kagubatan ang bahay yon. Sa di kalayuan, nakikita niya ang ilang hibla ng liwanag. Papasikat na siguro ang araw.
Sumilip siya pababa. Nasa mataas ang kinalagyan niya. Mga tatlong palapag, tantya niya. Napalingon siya pabalik sa kama. May kumot mga doon na pwede niyang gamitin.
Oo. Pwede. Kaya! Makakatakas ako! Naisip niya.
Mabilis siyang kumilos at kinuha ang kakailanganin. Pinagbubuhol niya ang mga dulo noon para humaba. Pagtapos ay agad niyang itinali ang pinakadulo noon sa hamba ng bintana.
Napangiwi siya nang hindi umabot sa lupa ang mga kumot. Sabagay kaya na siguro niyang talunin yon, naisip niya. Kailangan na niyang bilisan dahil baka dumating na yung lalaki. Dahan-dahan siyang lumabas sa bintana at lumambitin sa lubid na gawa niya.
Isa.
Dalawa.
Tatlo
Ilang metro nalang nasa baba na siya.
Apat.
Napigtal ang buhol ng kumot at tuluyan siyang nahulog, hindi man lang siya nakakapit.
Napaigik siya. Buti at hindi gaanong malakas. Hindi naman siya masyadong nasaktan, kaunting galos lang sa likod pero napunit ang nightgown niya.
Hanggang hita na punit noo. Kitang-kita ang mga binti niya.
Bahala na, wala naman sigurong ibang makakakita, naisip niya. Mas makakatakbo pa nga siya kung sakali.
Tumayo siya agad at tumakbo papalayo sa bahay, sa direksyon ng mga puno. Ramdam niya ang bawat maliliit na bato at sanga na naapakan niya. Tiniis nalang niya ang sakit. Umiwas-iwas din siya sa mga mababang sanga.
Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero kailangan niyang makahingi ng tulong. Kaso maniniwala ba ang mga pulis kapag sinabi niyang kinidnap siya ng isang gwapong lalaki tapos naaksidente sila? Na patay na dapat siya tapos bigla siyang nabuhay? Baka mental hospital ang bagsak niya.
A basta! Kailangan niyang makalayo sa bahay na yun! Sabi niya sa sarili.
Natigil siya sa pagtakbo nang may naririnig siyang tunog na parang mga busina at mga makinang umaandar. May kalsadang malapit lang sa paligid, sigurado siya. Parang mapapalundag sa tuwa ang puso niya. Makakahingi na siya ng tulong
Sinundan niya ang tunog. Unti-unti na siyang nakakalapit.
Tatakbo na uli sana siya pero may isang kamay na humila sa balikat. Pwersahan siya nitong pinahiga sa lupa. Naramdaman agad niya ang bigat ng pagpatong nito sa kanya. Pumiglas siya pero masyado itong malakas.
"Where are you going, mademoiselle? It's dangerous out here."
Lalaki. Gwapo din pero hindi ito ang kidnapper nya.
Mahigpit na natakpan nito ang bibig bago siya tuluyang nakasigaw. Balewala ang kahit ano mang pagpipiglas niya. Hindi ito umaalis sa pagkakadagan.
"Ssshhh," saway ng lalaki. Ngumiti ito sa kanya. "No one will hear you here."
Napatitig siya sa mga mata nito.
Pula.
Bigla siyang nilukuban ng takot. Sobrang takot. Hindi yata tao ang lalaking ito. Napalakas pa.
Di na siya makagalaw. Di na rin siya sumigaw.
"Yes, yes. That's it. Behave my dearest."
Tinanggal nito ang kamay sa bibig at unti-unting gumapang iyon sa leeg niya.
"Too bad, you're sired by someone else," bulong nito. Bumaba doon ang mukha nito. Hindi siya nanmakahinga sa takot.
"But still--"
"Pierre!"
Napasinghap siya. Pamilyar ang boses na yon. Sigurado siyang yon ang kidnapper niya.
Natigilan naman ang lalaking nakapatong sa kanya. Lumayo ito sa leeg at ngumisi.
"Your prince is here." Bulong pa nito. Tumayo ito at iniwan siyang nakahiga parin sa lupa para harapin ang lalaking kadadating lang.
"Alejandro, my brother," masayang bati nito. "Missed me?!"
Tama nga, iyon nga yung lalaking kidnapper. Nagpakilala nga pala ito sa kanya.
Pinilit niyang umupo. Halos mahubaran na pala siya sa pagpupumiglas niya kanina. Napunit yung dalawang strap ng suot niyang nightgown. Kinuha nalang niya ang natitirang tela noon at tinakip sa katawan.
"You're not supposed to be here, Isabelle." lumapit si Alejandro sa kanya. Tinulungan pa siyang tumayo.
"Here, wear this." Sabi nito. Sabay hubad ng suot na t-shirt at inabot sa kanya.
Napanganga nalang siya sa nakita. Parang isang greek statue na nabuhay. Firm na na firm ang mga muscles nito.
At ang abs.
Napailing siya. Hindi niya dapat iniisip yon. Muntik na nga siyang magahasa kanina, ganoon pa ang naiisip niya.
Tumalikod siya para isuot ang t-shirt. Umabot lang ito hanggang gitna ng binti. Pwede na, kaysa naman nakahubad.
Pero tumatayo ang balihibo niya. Nakadikit ang amoy ni Alejandro sa suot-suot niya. Di niya mapigilang singhutin.
"Umalis ka na dito, Pierre."
"This is my family's territory, you have to remember that, Alejandro. Wala kang karapatang paalisin ako."
Hala nananagalog pala! Napalingon siya sa dalawang lalaki.
"You have a pretty little pet, by the way." Ngumisi yung tinatawag na Pierre sa kanya. Nakakita siya ng pangil sa mga ngipin nito
Napalunok siya. Agad namang humarang si Alejandro sa pagitan nila.
"She is not my pet, Pierre." Sagot ng nito niya. "And this is not your place, this is mine. Uulitin ko, umalis ka na."
Bigla siyang binuhat ni Alejandro. Bridal style pa. Muntik na siyang napatili pero napigilan niya nang makita ang seryosong mukha nito.
"Don't do that again, Isabelle," bulong nito sa kanya bago maglakad. Tumango nalang siya at tumahimik. Hindi na siya pumalag. Napansin niya na nakabalik na sila sa bahay.
Karga parin siya nito hanggang sa loob, hanggang makarating sila sa kwarto. Pakiramdam niya, napakagaan niya lang. Ibinaba siya nang marahan sa kama pagpasok.
"Are you alright?" tanong nito. Hinawakan ni Alejandro ang balikat niya. Bumaba ang kamay nito sa braso at kamay niya. Tinitingnan ang bawat galos na nakuha sa pagtakas.
"Sinaktan ka ba nya?"
Di siya makasagot. Muntik na siyang ma-rape nung lalaki kanina. Muntik na talaga.
Bukod doon naalala niya yung kulay ng mga mata nung lalaki. Hindi iyon normal. Idagdag pa yung pangil.
Naramdaman din niya ang kusang pagtulo ng luha. Doon na niya nailabas ang lahat ng takot na naramdaman niya kanina. Napahawak siya sa dibdib. Parang nahihirapan siyang huminga.
"Shh, Isabelle. It's alright. Hindi ka niya masasaktan." Hinila siya papalapit ni Alejandro at niyakap. Napasandal siya sa dibdib nito. Rinig na rinig niya ang tibok ng puso doon. Amoy na amoy din niya ang amoy nito
"Bakit mo ba ginawa yon? Bakit ka umalis?" tanong nito uli.
"G-Gusto ko nang umuwi." Sambit niya sa bawat hikbi. Napasiksik siya lalo sa dibdib nito. Lalong lumalakas ang tunog ng puso nito.
"You can't, I can't let you."
"Bakit--" Saglit siyang natigilan. Doon niya na realize na nakayakap na rin siya dito. Mabilis siyang bumitaw at lumayo.
Nakakahiya, wala itong damit. At siya, alanganin ang suot. Iniwas nalang niya ang tingin.
Pero ang hirap. Napaharap uli siya. Ang ganda kasi ng abs. Ang firm ng chest. Yung biceps ang sarap--
Hindi, mali yan Isabelle, muntik ka nang magahasa kanina! Pilit niyang pinaalala sa sarili.
Tumayo si Alejandro sa kama. Nakita na yata yung pagkalito niya. "Forgive me if I made you uncomfortable." Sabi nito.
Nakapagat siya ng labi. Ang gentleman namang kidnapper nito, naisip niya.
"A-Ano bang kailangan mo sakin?" Tanong niya. Hanggang ngayon hindi niya pa alam ang motibo nito. "Kailangan ko nang umuwi sa amin. Hahanapin ako nang pamilya ko."
"You can't go back, Isabelle." Sabi nito. Marahan itong huminga. "You're not human anymore."
Napakunot siya ng noo sa sinabi nito. ""Naka drugs ka ba? Anlakas yata ng tama mo." Sambit niya dito. Di niya tuloy mapigilang matawa.
Di ito sumagot pero kita-kita niya na hindi nga ito nagbibiro. Napapikit pa ito nang mariin.
Natahimik siya at napalunok.
"Do I have to prove it?" Sambit nito. Unti-unti itong nagmulat ng mata at humarap sa kanya.
Napaawang ang bibig niya nang makita ang nga kulay noon.
Pula. Katulad noong lalaki kanina.
Mabilis siyang napaatras at lumayo. Nakarating pa siya sa dulo ng kama. "W-wag...Wag kang lalapit."
"I won't hurt you, Isabelle." Sabi nito. "Don't be afraid."
Agad siyang napatayo nang akmang lalapit ito. "S-sino...Ano ka ba? Tao ka ba?"
Umiling lang ito. "I'm not. And so are you."
Napaatras siya nang humakbang ito papalapit sa kanya. "Wag kang lumapit sakin. Ano ba yang pinagsasabi mo?"
"Isabelle, don't step back."
Napakunot ang noo niya. Bukas na ang bintana ang bandang likuran niya. May liwanag na sumisinag na doon galing sa papasikat palang na araw.
"Isabelle.."
Hindi siya nakinig at humakbang pa paatras. Naramdaman niya ang agad ang init ng araw sa balat. Unti-unti yong humahapdi hanggang pakiramdam niya nasusunog na siya.
Literal na nasusunog siya. Umuusok at namumula na ang balat niya. Napasigaw siya sa sakit.
Mabilis na naisara ni Alejandro ang bintana. Mabilis din siya nitong hinila papalapit.
"Ba't...Ba't ganoon?" Sunod-sunod na paghinga ang ginawa niya. Litong-lito siya sa nangyayari. "Bakit ako nasusunog?! Anong nangyayari?!"
"You're a vampire, Isabelle." Sambit ni Alejandro. Napalingon siya dito. Pula parin ang mga mata nito at seryosong nakatingin sa kanya. "I am too."
"A-ano?"
"I made you one of us." Tuloy nito.
Marahan siyang napailing. Hindi niya maproseso nang mabuti ang lahat. Halo-halo na ang pagkalito, pagkagulat at pagkatakot.
"Hindi...Hindi yan totoo.."
Dumilim ang paningin niya at bumagsak sa mga bisig nito.