"Sigurado ka ba dito, Raven?"
Tumango siya kay Kiel.
"Just hide your gun and pretend like your a nobody." Utos niya bago sila pumasok sa loob.
Tahimik ang buong building maliban sa ilang empleyadong naroroon. Hindi naman sila sinita dahil kilala na siya. Ilang beses na siyang pabalik-balik doon.
"Follow me." Tumuloy sila sa private elevator para umakyat sa top floor. Andoon ang babaeng kailangan niya
"Sino ba sadya natin dito?" Tanong ni Kiel.
"Victoria du' Soliel."
"Kamag-anak mo?"
Tumango siya. "My aunt."
Si Victoria ang kasalukuyang may hawak ng teritoryo nila sa Manila. Ito rin ang ang nag-momonitor ng mga katulad nila na pumapasok dito. Posibleng may alam ito sa nangyayari ngayon, kung bakit siya hinahanap ng mga hunter. At maliban kay Dominic, ang babaeng yon lang naman ang may alam kung nasaan siya.
"Young Miss, welcome back." Bati ng isang babae nang makasalubong siya paglabas ng elevator. Kilala niya ito, isa sa mga tauhan ni Vicky doon.
"Est votre maîtresse ici?" She asked. Tumingin muna ang babaeng yon kay Kiel bago tumango.
"Yes, she is here."
"Good." She said. Nilagpasan niya ito at tuloy-tuloy naglakad papunta sa isang malaking pinto.
"Victoria!" Sigaw niya agad pagbukas.
Nadatnan niya ang babae na nakatayo sa harap ng malaking flatscreen monitor na halos sing laki ng dingding ng opisina. Ngumiti ito nang makita siyang pumasok.
"Angel--"
Hindi na nito naituloy ang pagbati nang naglock na ang isang kamay niya sa leeg nito at pwersahang sinandal sa monitor. Halos pigain na niya ang leeg nito sa inis.
"F*ck it, Vicky. Ikaw lang ang may alam kung nasaan ako ngayon! Nadamay ang kaibigan ko ng dahil sayo!"
"Raven akala ko kakausapin mo lang?" Saway ni Kiel sa kanya. Hindi naman ito kumilos at nanatili lang na nakatayo sa likuran niya.
"Shut up." She hissed.
Bumaling uli siya kay Vicky. Pilit na pumipiglas ang babae sa higpit nang pagkakasakal. Alam niyang hindi na ito makahinga. "H-hindi ko--"
"We have a deal, Victoria! Na walang makakaalam na nandito ako! And you fucking broke it!"
"Let her go, Rave!" Sigaw nang pamilyar na boses.
Si Dominic, hindi niya inaasahang nandito ito ngayon. Ramdam niya ring may nakututok na baril sa kanya.
"Pwede bang wag kang makialam?!" Sigaw niya dito.
"I said let her go!"
"Not so fast." Si Kiel naman ang sumabat. Nakatutok na din pala ang baril sa sintido ni Dom.
Good. He's doing his job, she thought.
"Raven, chill ka lang kasi. Bitaw muna para makapagsalita yan." Sabi ni Kiel sa kanya.
Dammit, he has point, she thought.
Binitawan niya si Vicky. Bumagsak ito sa sahig na hinahabol ang hininga.
"Who put the bounty on my head, Victoria?"
"Y-yung Daddy mo…siya...siya ang nagpost."
"My what?!"
Pinilit ni Victoria na tumayo. Inayos niyo ang sarili at ang gusot ng kwelyo ng blazer. Sinuklay ang blonde nitong buhok bago tuluyang humarap.
"My goodness. Mag-ama nga kayo. Mahilig pagpadalos-dalos." Sambit nito. "Dominic, drop your gun, please."
"Kiel. Ibaba mo na nga yang baril mo." Utos naman niya.
Sabay ang mga itong nagpaba ng baril. Ngumisi lang si Kiel at kumindat pero si Dom ay masama parin ang tingin.
"Kanina ko lang nalaman. Dominic even tried to warn you pero bigla kang nawala sa bar." Sambit ni Victoria. Inunat nito ang leeg at ngumiwi.
"Have you been fed? Medyo malakas ka ngayon." Napatingin ito kay Kiel at tumaas ang kilay. "Oh, I see. You even brought a snack."
Inirapan lang niya ito. Wala siyang panahon para patulan pa ang kung ano mang naiisip nito ngayon. "What is happening, Vicky?"
"A bounty for your head has been posted, my dear. None other than the King himself."
Napailing siya. Anong bang gusto noong mangyari? Ang alam niya, tinakwil na siya nito. "And why would he do that?"
It's been decades since she last saw his father. Wala na siyang alam sa nangyayari dito. At wala rin siyang pakialam.
"What? He's your father. He's probably missing you or something." Sagot ni Vicky sa kanya.
Marahan itong naglakad papunta sa isang malaking desk na naroon at umupo sa upuan. Parang hindi man lang ininda ang ginawa niya kanina.
Hindi na katakataka. She's one of the oldest vampires, and probably one of the strongest on her prime. Kung ginawa niya iyon a hundred years ago pa, may kakalagyan siya.
"May sinasabi kang kaibigan kanina sino doon?" Tanong Vicky. Napansin niyang nakatingin din ito kay Kiel. Mukhang inoobserbahan.
"Si Isabelle, nawawala. May kumuha sa kanya."
"Oh, that pretty one. Yung roomate mong bago." Sabi ni Vicky. Nagkibit-balikat lang ito. "It might those pesky hunters who's after you"
"No, they're not. Ask one yourself." She said. Ininguso niya si Kiel. "He's one of them."
Napatayo si Vicky sa upuan at napaawang ang bibig. Naalarma din si Dominic na nilabas na uli ang baril.
"Niña ingrata! Estupida! Sinasabi ko na nga ba!" Sigaw ni Vicky. "Ba't ka nagdala ng kalaban dito?!"
Nagtaas lang ng kilay si Kiel. Mukhang hindi ito natinag sa nangyayari, walang pakialam kahit pa inilantad niya. "Hindi ako kalaban." Sabi pa nito.
Fearless, she thought. She grinned.
"Don't worry about him, Vicky. He's harmless until I said so." Aniya.
"Now, you'll going help me take Isabelle back o i-i-expose kita."
"You're blackmailing me? Seriously?" Tumawa lang ito nang malakas. "I, Victoria du Soliel is being black mailed by some little.."
"Have you forgotten who I am?" Sagot niya. Natigilan naman si Victoria doon.
She was once a princess. During those days, no one would dare to speak to her like that. Malalagot ang sino man sa ama niya.
At kung sakaling bumalik siya sa dating posisyon. Sisiguraduhin niyang malalagot si Victoria.
"Okay! Okay fine, I promise. I'll find your friend. Just zip it!" Napaupo ito uli at napasapo ng noo.
Ngumiti siya. Sa ganitong panahon talaga magandang gamitin ang privilege ng status niya.
"Problema ko din kung magkakalat ka pa. Julien will kill me if he finds out that I'm keeping his prodigal child." Sabi nito.
"Exactly." Aniya. Victoria's been helping her since she arrived here. Ito ang nagbigay ng bagong identity sa kanya para mabuhay sa kasama ng mga tao. Para makapagtago. But of course may kapalit yon.
Kung sakaling malaman nang lahat, hindi iyon magugustuhan ng ama niya.
"I'll just send some men to get some information where to find her."
"That's not enough." Humalukipkip siya. Kung mga tauhan lang nito ang kikilos, matatagalan pa. "Offer a reward for her. Twice as my father offered for me."
Naramdaman niyang yumukod si Kiel sa tabi niya. "That's not a good idea." Bulong nito. Alam niyang balewala din yon dahil tatlo silang bampirang nandoon. Masyado pa iyong malakas para hindi nila marinig.
"Yes, makinig ka sa hunter mo. I can't do that." Sabat ni Vicky na nakatitingin na sa kanya. She looked problematic.
Weird, she thought. Four million won't even give her a pinch.
"Vicky…you just gave your word." Si Dominic na ang pumuna dito. Tinago na nito ang baril at umiling. Lumapit pa ito at tinapik siya sa balikat. "Don't worry, Rave. We'll find her."
"No! My goodness, Dominic. I am fucking rich but I won't spend four million dollars for a human."
"What do you mean?" Napalingon siya kay Kiel para kumpirmahin yon. "In dollars?"
"Di ko ba nasabi?" Sagot lang nito habang nakapamulsa.
Kaya pala ganoon nalang ang effort mga hunters na yon kung para makuha siya. In dollars. Yes it was worth a bunch.
"Even if I do that, my little niece, hunters will think she's someone important. They'll ask for more." Dagdag ni Vicky. "Right Mr. Hunter?"
Tumango si Kiel.
Napangiwi siya. She brought him here para may kakampi, and then there he is siding with Vicky.
"And it could be someone else who took her, sabi mo nga, hindi hunter ang may hawak sa kanya."
Napakunot ang noo niya. Wala na siyang ibang maisip pa. Unless..
No please. Not him. Anyone but him, she thought.
"Raven." Nakita niyang bahagyang pamumutla ni Dominic nang lumingon siya.
"I think I know now who."
"Dominic?" Napaharap siya dito.
"Alejandro was here, too. Raven. He was at the bar last week and..." Sambit nito.
Napakuyom ang kamao niya. "And what did you tell him?"
"Sino 'tong Alejandro?" Sabat ni Kiel.
"Shh, hunter, shut it. Don't say that name." Dinig niyang saway ni Vicky. Napatayo pa ito sa kinauupuan at nilapitan na siya.
"Angie, dear. Calm down..please."
Calm down my ass. "What did you tell him, Dominic?!" She hissed.
"He..He--he was looking for you and--"
Mabilis niyang sinugod Dominic. Pero bago pa naabot ng mga kamay ang leeg nito ay may humila na sa kanya pabalik.
"Let me go, Kiel!"
"Hold her, hunter!"
Naramdaman niya ang isang karayom na bumaon sa braso niya.
Poison. She knew it was was poison.
Victoria!
Unti-unting nanigas ang katawan niya. Hindi na siya makagalaw, ni makahinga. Bumibigat na rin ang mga mata niya.
Ang huling nakita niya bago siya pumikit ay ang pagngisi ni Vicky.
"Sleep tight, princess."