Angelique du Soliel
Even her own kind won't mention her name that casually. And she never thought she would hear that from a hunter.
Napakatagal na niyang kinalimutan ang pangalang yon. Tinalikuran na niya ang lahat, ang buhay niya, pati na ang sariling pamilya. Living with humans are far more easy than living with her own kind. And the fact that she was one of the pure bloods, a princess to be exact.
Masyadong kumplikado. Masyadong maraming problema.
"Seryoso? Ang ganda ng pangalan mo, bakit Raven ang ginagamit mo? Ang dilim pakingan." Sabi pa ni Kiel sa kanya habang nakaangkas siya sa motor. His voice muffled by the helmet, pero halata niya ang kuryosidad.
"Tapos ang alam ko, nakatira kayo sa palasyo. Ba't ka humiwalay doon?"
"Just. F*cking. Drive." Naiirita na siya sa kakasalita nito.
Di parin siya makapaniwala sa sarili na sumama sa hunter na ito. Kung bakit niya tinatanggap ang inaalok nitong tulong. Ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay si Isabelle.
She's so worried about her now. Sinubukan pa niyang tawagan kanina pero walang sumasagot sa phone.
Ilang minuto pa, narating na nila ang apartment na tinutuluyan. Tahimik ang paligid doon. Madilim parin. Walang bakas ng mga hunters.
"Mukhang nauna tayo." Sabi ng kasama niya.
Sana. Sana nga.
Pero bago pa man sila nakalapit, napansin niyang ang bukas na na bukas gate. Iniwan niya iyong nakasara pag-alis niya kanina. Sinigurado niya iyon. Kahit naman alam niyang ligtas ang inuupahan dahil nasa loob ito ng isang subdivision, hindi niya hahayaang nakabukas iyon ng ganoon nalang lalo na't mag-isa lagi si Isabelle kapag gabi.
Tumuloy-tuloy siya sa papasok sa loob. Lalo siyang kinabahan nang nakitang nakabukas din ang pinto.
"Isabelle?!" Mabilis niyang hinalughog ang bawat sulok ng bahay. Wala siyang nadatnang tao. Wala rin ito sa kwarto.
"Isabelle?!"
Dammit. Kasalanan niya talaga ito. Hindi na nya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa kaibigan.
"Isabelle!" Tawag niya uli."She's not here! Where the hell is she?!"
Naramdaman niya ang mahinang pagtapik sa balikat niya sa gitna nang paghahalughog.
"Walang forced entry sa tingin ko." Komento ni Kiel. Umiikot din ang mata nito sa paligid. Inoobserbahan ang bawat sulok. "Di naman kaya naglayas yung kasama mo dito. Sumama sa boyfriend? Nagtanan?"
"She don't have one." She said. Wala naman itong ibang kakilala doon. Wala siyang alam na boyfriend nito.
"Dammit…" Napasapo siya sa ulo. "Look Kiel, it's obvious that someone took her! Hindi naman yon lalabas nang ganitong oras."
He grumbled. She swore she saw him smirked a little.
She winced. Nagpapanic na siya sa lagay ng kaibigan, nagagawa pa nitong ngumiti nang ganoon.
"Eh ano naman gagawin mo kung sakaling nandito pa nga siya. Hindi niya alam hindi ba? Sasabihin mo na ba sa kanya kung ano ka?"
Napatigil siya.
Hindi. Hindi nga niya alam ang gagawin. Unang-una, siguradong hindi siya papaniwalaan ni Isabelle. Pangalawa, kaya niya hindi rin niya sinabi dito ang lahat na hindi siya tao dahil may batas silang sinunod.
She either die or be like them if they found out what they are. Parehong ayaw niyang mangyari.
Napansin siyang mga maliliit na pulang ilaw na gumagalaw sa dingding. Naramdaman niya ang mga paparating na mga tao sa paligid.
"Baba!"
Sunod-sunod ang putok ng baril ang kasunod noon. Nagliparan ang basag salamin ng bintana at mga parte ng sirang gamit sa loob ng apartment.
"Nasundan nga tayo!" Sambit ni Kiel. Malutong na sunod-sunod mura ang pinakawalan nito. Hawak siya nito sa batok. Pilit siya nitong pinapadapa sa likod ng sofa.
They are being surrounded. About ten of them, with high caliber guns.
"Clear." Nadinig niya ang boses ng isang lalaki nang tumigil na ang mga putok. Isa ito sa mga mga lumusob sigurado siya. Papalapit na mga ito, nadidinig na niya ang mga yabag.
Naglabas si Kiel ng baril mula sa holster nito sa likod.
"Dito ka lang. Ako bahala."
"You're with them?" She asked.
"Di ko sila kasama. Mga iskalawag yang mga yan."
Humapdi ang kanang braso. May tumagos pala na isang bala doon, hindi niya napansin agad. Naamoy na niya ang sariling dugo.
Not good, she thought. Mukhang di na siya makakatulong ngayon.
"Near the gate. Papasok na. Dalawa sila"
"Ok." Sagot naman ni Kiel sabay tango. Mabilis itong kumilos at nagpaputok ng baril sa direksyong sinabi niya. Pareho nitong tinamaan.
Nilingon pa siya nito nang yumuko uli. "Tangina, may tama ka?! Ba't di ka nagsasalita?!"
"Wala ito, nasa bintana, tatlo." Aniya sabay ngiwi. Medyo masakit na nga ang sugat niya.
Tatlong magkasunod na naman na putok ang pinaputok nito. Hindi na nakaganti kaya sigurado siyang napuruhan din ni Kiel ang mga yon.
"Huy, okay ka lang?" Tanong nito sa kanya. Yumukod pa ito at tiningnan ang sugat niya. "Diinan mo dito para matigil ang pagdugo."
"I'm okay, Keil! Sa bintana sa left!" She hissed. He's getting preoccupied. May mga kalaban pa sa paligid.
The door besides her exploded. Malakas na ugong ang naiwan noon sa tenga niya. Ilang segundo pa bago siya iyon nawala. Agad siyang makarinig siya ng sunod-sunod pang putok ng baril.
"Kiel!" She gasped. Naamoy niya ang dugo nito.
She didn't see it pero nakarinig siya nang mga kalabog at pagbasag ng ilang gamit sa isang tabi. Kiel is fighting someone, malayo na sa kanya.
May humila sa buhok niya patayo. Naramdaman niya agad ang malamig na bakal sa sintido. Baril iyon na nakatutok.
"Six-four-nine!" Sigaw nang humahawak sa kanya. Babae ito pero malaki ang pangangatawan. Matangkad. Nakita pa niya ang niya ang pagngisi nito nang humarap sa kasama niya.
"P*ta, bitiwan mo sya!" Sigaw ni Kiel. Nakatutok na ang baril nito sa hunter.
She saw his face a bit bloodied and bruised. May sugat ito sa kamao. Hinahabol din ang hininga.
"Heh, di mo kami mauunahan, traydor ka. Akala mo mauubos mo kami?!" Nadidinig niya ng tibok ng puso ng hunter na may hawak sa kanya. Alam niyang handa itong pumatay. Wala siyang nararamdamang takot.
This is not good.
"Nasaan na ang bampira o mamatay ang syota mo!"
Seriously? She didn't know it was her?
She smirked at Kiel. Mukhang naintindihan naman ng hunter ang gusto niyang sabihin kaya binaba na nito ang baril. "Hawak mo na siya."
Mabilis niyang hinawi ang kamay ng babaeng hunter. Dinig na dinig ang pabali ng buto at pagpunit ng laman nang pilipitin niya ang braso nito para mabitawan ang hawak na baril. Napasigaw ito sa sakit pero agad din tumahimimik nang bumaon na ang mga pangil niya sa lalamunan nito.
She was so hungry. Dahil na rin sa tama ng baril niya, kailangan niya ng mas maraming dugo. Halos maputol na ang leeg ng babaeng sa tindi ng pagkakagat niya.
She can feel the blood in her veins now. Nawawala na ang sakit ng sugat at nararamdaman na niya ang pagaling noon.
"Ra-Raven..."
Binitawan na niya ang babaeng hunter nang matapos siya. Hinayaan nalang niya itong bumagsak sahig.
She eyed on her hunter. Nakatitig lang ito sa kanya. Nakatulala.
Lumunok siya. "Well, Kiel?"
Hindi na dapat bago yon. Nakita na nito dati kung paano siya pumatay.
Agad na lumapit si Kiel at pinunasan ang mga natirang patak ng dugo sa pisngi. Tiningnan pa nito ang brasong may sugat kanina.
"Yung tama mo? Ok ka na?"
"Ok na. I'm ok." Sabi niya. Hinawi niya ang kamay nito.
Kakainom lang niya ng dugo, epekto lang yon noon, naisip niya. Her senses is on high again. All of it.
"You?" She asked. Namumula ang pisngi nito. May dugo ding umaagos sa noo nito.
"Ah, ito. Galos lang. Malayo sa bituka."
She nodded. "Fix it then."
Not that she care. Naaalibadbaran lang siya sa dugo nito. There's something about him, but she wasn't sure what that is.
Napalingon siya sa labas nang madinig na nagsisigigawan ang mga tao. Nagambala malamang ang mga kalapit bahay sa mga ingay ng baril dito. Alam niya nay tumawag na din ang mga pulis.
Malaking gulo ito. Hindi pwedeng kumalat.
"Can you do something about this?"
She knew hunters are capable of cleaning up a mess like this. Yung walang ibensyang makikita.
There are bodies everywhere. Napansin niyang sa ulo ang tama ng lahat ng iyon maliban doon sa isang pinatay niya.
Impressive, she thought.
"Mahirap to. Marami nang witness." Dinig niyang sambit ni Kiel. Nakasilip na ito sa bintana.
"What will we do then?" She asked. Kailangan na nilang makaalis dito.
"Puno ba ang tangke ng gasul nyo?" tanong nito sa kanya.
"Yes, why?"
"Pwede na yan."