Ngumiti si Raven sa lalaki. Mukhang tama ang desisyon niyang hindi muna patayin noon. Kundi hindi ay di niya makikita ang magandang tanawin na nasa harap niya ngayon.
Hindi na ito ang batang nagtangkang mang-holdup sa kanya. Yung halos na maihi na sa takot nang makita nito kung paano niya patayin ang mga kasama nito.
Kung sabagay. It's been almost twelve years. Matagal na pahanon na rin.
"Sabi ko na nga ba, susunod ka. Kilala mo parin pala ako."
.
Napangiti siya. Pati boses nito nag-iba. Malalim. Lalaking-lalaki. Hindi na yung matinis at takot na takot.
"I never expected this reunion, but there you are." She said. Napakagat pa siya ng labi.
He's tall. Lean built. With dark piercing eyes and ridiculous perfect smile.
He's wearing a black leather jacket. It looked ridiculous to anyone in this friging heat, pero bakit sa lalaking to, bagay na bagay, naisip niya.
He looked like that damn actor in those movies that Isabelle was so fond of. Even better actually.
Dahan-dahan siyang lumapit. Hindi naman ito umalis sa kinatatayuan hanggang magkatapat na sila. She traced her fingers on his chest. She can feel his heart there. Mabilis ang tibok pero hindi dahil sa takot.
Inilapit niya ang mukha sa leeg nito, hindi naman pumalag. Like he was expecting it.
Damn. He smell really good, she thought.
"Can I taste you now?" She asked. Marahan niyang hinila ang kwelyo nito para magpantay sila.
She can smell his breath. Mint. Ngumiti siya.
"Mukha na ba akong masarap?" Sabi pa nito.
She just leaned and let him kiss her.
He tasted like alchohol and nicotine. Dangerously addicting.
Napahawak siya sa batok nito. Hindi niya alam kung bakit ganito ang reaksyon ng katawan niya sa halik yon. She kissed so many men before, ngayon lang niya naramdaman ang kakaibang init na kumakalat sa katawan niya. Para siyang tinutupok.
Naramdaman niya ang paggapang ng kamay nito sa likod niya, humigpit ang hawak na parang ayaw siyang pakawalan.
Halos bumaon ang mga kuko niya nang bumaba ang mga kamay niya sa likod nito. She felt goosebumps crept through her skin as she slighty opened her mouth and let his tongue...oh d*mn his tongue.
She can feel his heart like almost like he was--
Agad niya itong itinulak. He have a gun! Nakapa niya iyon sa likuran nito.
Napaatras siya at napansin ang tattoo nito sa kanang kamay. A mark. An Omega symbol.
"Hunter." She hissed. "You're a hunter." Mga hunter lang ang kilala niyang may tattoo na ganoon.
Tumango lang ito at ngumisi. Her lipstick was smudged all over his face. Marahan nitong pinunasan iyon ng nga daliri. "Ano ngayon?"
She winched. He tricked her. And she let her guard down.
"Fuck off!"
Tinuhuran niya ito nang malakas. Rinig pa niya ang sigaw nito sa sakit nang tumakbo siya papalayo.
"Hoy! Teka!"
Nahuli nito ang isang kamay niya. Hinila papalapit at madiing tinakpan ang bibig. Naramdaman niya ang malamig na pader sa likod at ang braso nito sa leeg niya. For a human, he's too fast.
"Masakit yon ha!" Madiin nitong sambit. "Muntik mo nang mabasag itlog ko, langya ka!"
And he's too damn strong too. Hindi siya makawala.
"Let me go!" Sigaw niya nang maialis ang kamay nito sa bibig.
"Hindi nga kita sasaktan, ok? Kumalma ka. Marunong akong tumanaw ng utang na loob."
"W-what?"
"Edi dapat kanina pa kita binaril kung may balak nga ako. Una palang, alam ko nang bampira ka."
Tumigil siya sa pagpiglas. Marahan naman nitong inalis ang pagkakahawak sa kanya.
"Then what do you want?!" She hissed. He had a chance, yes. Pinalagpas nito yon. Pero hindi parin dapat siyang magtiwalang wala itong gagawing masama.
These hunters been hunting their kind, mostly the rogue ones. Yung mga walang habas na pumapatay ng mga tao nang walang dahilan. Hindi naman niya gawain yon.
"Di na ako magpapaligoy-ligoy pa ha," sabi nito. Tumingin muna ito sa paligid bago magsalita uli. "May pabuya ka sa ulo. Dalawang milyon kapag nahuli ka."
Napataas siya ng kilay. Sino namang gagawa noon? A lowlife that she rejected? A woman she took her husband from? Sino sa mga yon?
And two million. Lang. Nakakainsulto. She's worth way more than that.
"So you needed money? Again?" Umirap siya at bahagyang itinulak ang lakaki. Para na rin makaalis na sa pagkakasandal mapalayo ang mukha dito.
Nalansi na siya nang una. Hindi na dapat maulit yon.
Though, inaamin niya na nanghihinayang siya. She was expecting a different scenario. Bakit ba kasi naging hunter pa ito?
"I'll pay double that bounty," aniya at humalukipkip. "Just get out of my face."
Madali namang pakiusapan ang mga hunters. Lalo na at pera lang pala ang motibo.
Hindi naman masakit ang apat na milyon, madami siyang pagkukuhaan. Ayaw niya lang na may umaaligid sa kanya.
"Hindi mo ba nakuha? May pabuya nga sa ulo mo. Hindi lang ako ang naghahanap sayo. Kahit kunin ko yan, may maghahanap at maghahanap parin sayo. Mapapahamak ka pa."
"Then what the hell do you want?" Tanong niya. Bakit pa to nagpakita uli kung wala namang motibong pera?
"Sumama ka sakin. Proprotektahan kita"
Napataas siya ng kilay. Muntik na siyang matawa. "Bakit ako sasama sayo? I don't need your protection. Who do you think I am?"
Nakakainsulto talaga. Nakalimutan na yata nito ang ginawa niya sa mga kasamahan nito dati.
"Kilala kita. Kilalang-kilala na. Naming lahat." Sagot nito. "Alam na ng lahat kung anong gamit mong alias ngayon. Kung saan ka nakatira. Kung sino yung kasama mo sa bahay--Isabelle ang pangalan diba?"
Natigilan siya. Si Isabelle.
"What?"
"Kalat nasa lahat ng hunters ang lahat ng impormasyon tungkol sayo. Hindi ka na ligtas, wala ka nang mapupuntahan."
Umiling siya. She's not worried about herself, kaya niya ang sarili niya. Pero si Isabelle. Mapapahamak si Isabelle.
"O ano na?" Parang nanunuya pang tanong ng hunter.
"Fuck off." Mabilis lang niya itong tinalikuran. She have time for this shit. Kailangan niyang maialis ang kaibigan sa apartment ngayon din. If this go out of hand, hindi lang mga hunter ang proproblemahin niya.
Pero bago pa siya nakalayo ay nahablot nito braso niya. How--What kind of training does this hunter had?! O baka talagang mabagal na siya?
"Bitawan mo ako!"
"Pupuntahan mo ba kaibigan mo? Sasama ako sayo." Sabi ng hunter sabay hila sa kanya papalapit.
"Why do you think I'll let you?" Inis niyang tanong. Wala na siyang oras ngayon.
"I don't trust you. I don't even know you." She hissed.
"Ok, fine. Edi magpakilala." Napaatras siya at muntik nang mawalan nang balanse.
"You f--" Hindi naman siya nakapagsalita agad nang biglang yumukod ito sa kanya.
"Kiel Mendoza. Hunter Six-Four-Eight." Sabi nito.
"At your service, Princesse Angelique du Soliel."