Raven
Maingay.
Malakas ang tugtog at marami ding sumasayaw sa mausok na dance floor. At kahit nakakalula na ang mga papatay-patay na ilaw, nakikita niya ang estado ng mga taong nandoon.
It's getting wild, she thought. The screams. The hollers. The bodies grinding against each other. The smell of booze and sweat.
Raven winced. It's getting tedious, she thought. Kailangan na niya ng bagong pagkakaabalahan. Lagi rin namang ganoon ang eksena sa bar na yon. Paulit-ulit nalang.
"I should have stayed home." She said.
Kahit papaano nandoon si Isabelle at may matinong kakwentuhan siya. O kaya sana isinama nalang niya ang babaeng yon. Kaso, ewan ba niya. Kahit na sabihin niyang libre na niya lahat ayaw parin. Uuwi na naman yata doon sa mga kamag-anak nito mamaya.
Nakakainggit din, sa totoo lang. May normal na pamilya itong nauuwian.
"Then go home and let me live in peace, Raven." Sabat ng bartender sa tabi niya. With that heavy american twang. Natawa siya.
"Just look at all these people. We're all busy." Tuloy pa nito
Nilapag nito ang isang baso sa harap niya. Bloody Margarita, her usual. Sanay na sanay na talaga ito sa kanya.
"Well, thank you my dear Dominic." Ngumisi siya at kumindat.
"Umuwi ka na nga." Umirap lang ito. "Hindi mo ako madadaan sa ganyan. Umalis ka na dito kung bore ka na."
Matatas ngang managalog pero hindi na yata matanggal ang accent nito. Lalo na kapag medyo naiinis na.
And he's on his break sa oras na yon. Pero eto nga at inaasikaso siya.
"If I do that, you'll miss me." Ngumiti uli siya. Ininom ang alak at binalik ang baso sa counter.
"Why are you doing this to me, Rave." Umiling si Dom at bumuntong-hininga. Alam niyang hindi naman siya nito matitiis.
"By the way, Vicky's looking for you. Your supplies runnin' out, she knows. Sabi niya, hindi ka dapat magpakalat-kalat dito sa lagay mo ngayon."
Oh, Vicky. Her sweet little aunt. Lagi naman itong nag-aalala kahit walang aalahanin. She can take care of herself, masyado na siyang matanda para mandohan pa.
"I'll see if I can fit it in my schedule." Aniya.
"And what schedule? Wala ka namang schedule. Wala ka namang ginagawa sa buhay mo." Sagot ni Dominic.
Natawa nalang siya. Medyo totoo naman ang sinabi nito.
She has nothing to do. And it's getting boring. Really, really boring. Mukhang kailangan na niya ng aksyon sa buhay bago siya mabaliw.
Tumingin siya sa paligid. Lumingon uli sa mga nagwawalang mga tao sa loob ng bar. Lalo lang ang mga itong naging maingay dahil nagsimula na ang bagong set ng dj.
Nawawala talaga inhibisyon ng mga tao sa alak at musika, naisip niya.
Ah, hindi lang pala sa alak. May ilan siyang nakikitang nagpapasahan ng mga maliliit at puting tablets kanina.
Oh, those poor souls, she thought. Sinisira nila ang mga katawan nila dahil sa droga. Nakakapanghinayang. Mga bata pa pero di na mapapakinabangan.
"Who the hell is that?" Mahinang bulong niya.
Napansin niya ang lalaki na nakatayo sa isang sulok, di kalayuan sa inuupuan niya. Matangkad. at mag-isa lang.
May hawak itong bote ng beer sa isang kamay. Nakatuon ang atensyon sa ilang babaeng nagsasayaw sa gitna na parang may hinahanap doon.
Ngayon lang niya nakita ang lalaking yon sa bar. Pero parang pamilyar.
Napakapamilyar.
"Something caught your eye?" Tanong ni Dom. Napatingin din ito sa direksyong tinitingnan niya.
"Do you know him, Dom?" She asked. Umiling lang ito.
"Not a regular but I've seen him here a few times already." Sagot ni Dominic. "Ang he's always alone."
Lumingon ang lalaki sa direksyon niya. Kita-kitang ang pagngiti nito nang magtama ang mga mata nila.
And damn. Mukhang swerte siya ngayong gabi.
"I see." Sambit niya. "Tell Vicky, I don't need that fix right now. I'll have something of the menu."
"Fine, whatever." Nahagip pa ng mata niya ang pag-irap ni Dominic. Tumalikod na ito at iniwan siyang mag-isa.
Nakita niyang ngumiti ang lalaki sa kanya. Tinaas nito ang bote ng beer bago tumalikod lumakad papalayo. Sumiksik na sa mga tao papunta sa pintuan papalabas.
She smirked.
It's obvious. Pinapasunod siya.
Lumingon siya sa kay Dom para sana magpaalam pero wala na ito sa tabi. Mukhang may inasikaso nang iba.
"Oh, well." Tumayo na siya at uli hinanap ng tingin ang lalaki kanina. Nakakita pa niya itong lumabas sa fire exit.
Alam niyang hindi ito makakalayo. Madali lang naman niya itong masusundan.
Sa isang madilim na eskinita siya napadpad. Halos katabi lang ng bar. Nadidinig pa niya nang bahagya ang ingay mula doon.
Nandito lang ang lalaking yon.
She can feel him.
Hear him.
Smell him.
Hindi patin ito nagbabago.
"So...We meet again."