Chereads / Falling for my Gay Housemate! / Chapter 18 - Mr & Mrs

Chapter 18 - Mr & Mrs

"THESE are good take, man. I'll have to make sure that these pics are going to leak into Einar's radar," sabi kay Diego ng kaibigan niyang si Ivan.

Ipinadala niya sa email ng kaibigan ang ilan sa digital copy ng pictures ng pekeng kasal nila ni Michelle. Halos araw-araw mula noong kasal ay nag-fa-follow up siya sa photographer para sa photo proofing na ang equivalent sa film ay contact prints.

Tingin niya ay sapat na iyon upang mapaniwala si Einar na nag-asawa na siya. Kaninang umaga lang niya natanggap ang digital copy ng photo proofs na agad niyang pinagpilian at ipinadala sa kaibigan.

"Yeah, do that, please," tugon ni Diego bago nagbigay pa ng ilang bilin sa kaibigan. Nang matapos sila sa pag uusap ay napatingin siya sa picture nila ni Michie na nasa monitor ng kanyang laptop.

Napangiti si Diego nang maisip si Michelle. The fake wedding was worth it, seeing her like that.

Maganda na si Michie kahit walang make up at pambahay lang ang suot, pero lalo na ng araw na iyon. He almost lost all control that evening, mabuti na lang at nabasag ang kopita kaya napigilan siya. Ayaw niyang maramdaman ng babae na sinamantala lang niya ang pagkakataon.

Gusto na niyang matapos ang lahat ng gulo kay Einar para makapagtapat na siya kay Michie. Siguradong magagalit ang babae sa kanya, at sisipain siya paalis ng unit nito.

Okay lang iyon sa kanya, basta gagawin niya ang lahat para lang mapatawad ng dalaga. Pagkatapos ay saka niya liligawan.

"Jamie, ready ka na ba? Nakahanda na ako," tawag ni Michie pagkatapos kumatok sa kanyang pintuan.

Nagkasundo sila kagabi na mag-go-grocery ng umagang iyon. Nag volunteer kasi ang babae na ito ang mamimili, nagprisinta naman siya na samahan ito.

"Palabas na `ko," tugon ni Diego. "Just turning off my laptop," habol pa niya. Pagkahugot ng kable sa saksakan ay kinuha niya ang clutch bag at lumabas ng kuwarto.

Napangiti siya nang makita ang dalaga na tsine-tsek kung may mga nakasaksak pa na appliances na hindi dapat maiwan nakasaksak, at pati gasul ng oven kung nasa off ang knob. Michie looks like a wife before leaving her home. At kung puwede lang niya i-video ang oras na ito ay gagawin niya.

Nang makita siya ng dalaga ay ngumiti ito ng matamis. Ang buhok ni Michie ay sumusunod sa bawat kilos nito na para bang sadyang nang-aakit. Halos hindi halata ang make up ng dalaga pero napaka fresh at beaming ng ganda.

Nakasuot ang babae ng floral dress na binagayan ng wedge shoes, making every inch of her womanly and oozingly sexy.

Hindi lang ang pagtibok ng puso niya ang tumigil, kundi pati ang pag-inog ng buong mundo. Oo, maraming maganda at mas maganda pa nga, pero si Michie lang ang nakakaapekto sa kanya ng ganito dahil hulog na hulog na ang puso niya.

Wala na siyang pakialam kung sirang-sira na ang prinsipyo niya sa pakikipag relasyon.

Nakahinga lang siya ng maluwang, at naramdaman muli ang pagtibok ng kanyang puso nang tanungin siya ni Michie ng "Ready?"

"Tara na," aniya. Lumundag ang puso ni Diego nang makitang suot ni Michie ang engagement at wedding ring. Mula noong pekeng kasal nila, hindi na niya hinubad ang wedding ring.

Naiintindihan naman niya kung hindi isinusuot ng babae ang singsing nito kapag pumapasok sa opisina, peke nga ang kasal kaya wala itong obligasyon. Pero ngayong lalabas sila, natutuwa siya kasi puwede niyang ipagmalaki na ang babaeng ito ay kanya…. Kahit palabas lang.

Siya na ang nagkandado ng pintuan ng unit at masigla silang bumiyahe papunta sa mall na pinakamalapit doon. At kapag may pagkakataon ay hinahawakan ni Diego ang kamay ng dalaga. Hindi pa naman siguro siya sumosobra.

"Ipinadala mo na ba ang wedding pics sa parents mo?" tanong ni Michelle habang nag-iikot sila sa shelves ng supermarket. Ipinakita kasi niya rito ang photo proofing pictures pagkatanggap niya sa email, kaya alam nitong ang susunod na hakbang na ay ipakita sa parents niya.

May hawak na grocery list ang babae at ito ang dumadampot ng mga kailangan nila habang siya naman ang nagtutulak ng pushcart.

Kahit sino ang makakakita sa kanila ay iisiping couple sila.

Hindi lingid sa kanya ang pagsulyap ng mga kababaihan na tumitigil lang kapag napapansin si Michie na nasa kanyang tabi.

"Ahm, kanina ko rin ipinadala. Pumili lang ako ng ilan," Kay Ivan lang nga at hindi sa magulang niya.

Hindi niya gusto ang pagsisinungaling kay Michie, pero sa ngayon ay kailangan kasi.

"Baka himatayin ang mommy mo kapag nalaman na ikinasal ka na nga."

"Nah. Siguradong mag-de-demand sila ng church wedding. Hindi sapat sa kanila ang civil wedding lang," walang anomang sagot ni Diego.

Kitang-kita niya na nabitawan ni Michie ang hawak nitong lata ng evaporada.

Mabilis naman ang reflexes niya kaya agad siyang kumilos upang masalo ang lata. Kailangan kumambyo agad.

"Pero huwag kang mag-alala, I'll make sure na hindi aabot sa ganoon ang sitwasyon. Kung may susunod tayong kasal, iyong totoo na," nakatawang sabi niya sabay kindat sa dalaga.

Pinanlakihan siya ng mata ng dalaga bago nagtaas ng kilay. Tumingin ito sa ibang direksyon pero nakita niya ang pagpipigil nito ng ngiti.

Napangisi siya, natutuwa kasi siya kapag naaapektuhan ng ganoon si Michelle. Ang cute! Pero malamang ay litong-lito na ito kung bakla ba siya o tunay na lalaki.

Konting tiis na lang, Michie. Promise, kapag tinigilan na ako ni Einar ay sasabihin ko sa'yo ang lahat.

Papunta na sila sa cashier lane nang mag ring ang cellphone ni Michie na agad nitong sinagot. Sumenyas na lamang siya sa dalaga na tutuloy na siya sa isang kahera na walang customer na inaasikaso.

Napapangiti na lang siya nang mapansin na panay ang pa-cute sa kanya ng kahera. May hitsura naman ang babae, pero mananatiling iisa lang ang pinakamaganda para sa kanya… Nang tabihan siya ni Michie ay yumakap ito sa kanyang braso at malambing na nagsalita.

"Hubby, kain tayo ng lunch after nito. Medyo nagugutom na kasi ako. Matatagalan pa kung uuwi pa tayo at magluluto."

Nawala ang ngiti sa mukha ng kahera at umayos ng kilos. He finds the smug look in Michie's face alluring.

Nagselos ang kanyang misis at agad nitong ipinamalita na asawa siya nito. Obvious nga naman ang kanilang matching wedding ring.

"No problem, wifey. Date na rin natin pagkatapos mag-grocery," aniya sabay kindat kay Michie. Pareho silang napabungisngis na tila ay may sikretong silang dalawa lang ang nakakaalam, na hinding-hindi nila sasabihin sa iba.

Habang naghihintay sila ng inorder nila sa restaurant na napili ni Michelle, ay saka ito nagkuwento tungkol sa kaibigan nitong dadaan lang ng saglit doon para kunin ang isang package. Nagkibitbalikat lang siya dahil wala naman siyang nakikitang problema roon.

Ang akala niyang hindi magiging problema ay nakapagpatuyo ng kanyang lalamunan nang makita niya kung sino ang dumating.

"Jamie, ito si Julius, bestfriend ni kuya Mike. May ipinadala kasi si kuya Mike para kay Julius at ngayon ang napag-usapan naming araw para makuha niya," pagpapakilala ni Michelle sa dumating na lalaki bago siya ipinakilalang housemate.

Inilahad ni Diego ang kamay niya sa lalaking mataman siyang tinitignan. Ito ang hindi niya napaghandaan, pamilyar din sa kanya ang hitsura ng lalaki.

Ka-eskuwela nga niya ito noong high school, ka-batch ni Julius. At sa pagpapakilala ni Michelle, best friend ito ni Mike. Doon na nilukob ng kaba si Diego. Kung matalik na magkaibigan ang dalawa, alam ng lalaki ang hidwaan na nangyari sa kanila noon ni Mike, at baka nga makilala siya nito.

"You look familiar," komento ni Julius. "Jamie Santos. A very common name, I must say."

At bago pa nito masundan ang sinasabi ay nagsalita na si Diego, "Marami nga ang nagsasabi sa akin ng ganiyan. Kung hindi Asian actor, Korean popstar daw," aniya na sinundan ng tawa.

Para hindi naman siya magmukhang mahangin, sinundan pa niya iyon ng, "May kamukha siguro akong kontrabida o goon sa pelikula. Ang lagi kong tanong ay sa horror ba o action film. At iyong pangalan, wala na akong magagawa roon."

Napabungisngis si Michelle sa sinabi niya kahit alam niyang corny. Bahagyang ngumiti lang si Julius na halatang pinag-aaralan pa rin ang hitsura niya at hinahalukay ang memorya nito kung saan siya nakita.

"Itong si Julius nga pala ay abogado. Sa kanya nagpa-notaryo si kuya Mike para sa kontrata natin bilang housemates. Kung may legal needs ka, puwede mo siyang maasahan," paliwanag pa ni Michelle.

Gustong umurong ng dila ni Diego sa narinig. Hindi na niya kailangan pa marinig isa-isa ang mga kasong puwedeng isampa sa kanya. Imposibleng i-defend siya nito, prosecutor pa siguro.

Tinanguan at nginitian lang niya si Michelle para i-acknowledge ang sinabi nito.

Tumingin siya kay Julius at lakas loob na nagsalita. "Julius, baka hindi ka pa kumakain ng lunch? Saluhan mo kami," aniya. His voice didn't waiver, that's good.

His face beamed a little and looked pleased. "Pasensya na, ito lang kasi ang time na maisisingit ko para kunin ang padala ni Mike. May meeting pa kasi kami sa firm, lunch meeting actually kaya rain check muna ako sa inyo ngayon. Maybe some other time," pagtanggi ni Julius.

Ngumiti ang lalaki pero tila ay may nakita ito na nakapagpaalis ng ngiti nito sa mukha. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kamay nila ni Michie. Patay! Ang wedding ring! Tumitig ito sa babae bago nagsalita.

"Wedding ring ba ang suot n`yo? At parang engagement ring din ang katabi sa suot mo. Ano `yan?"

Awtomatikong ibinaba ni Diego ang kamay niya. Nakita niya ang pagkalito sa mukha ni Michelle kaya kailangan ay makaisip siya agad ng sagot.

"Ahm, may kumakalat kasing tsismis sa mga kapitbahay na nag-li-live-in kami ni Mitchie. Hindi ko alam kung naikuwento na sa`yo ng kakambal niya," sabay turo kay Michelle, "na paminta ako. Eh wala pa akong balak magladlad at ayoko rin naman mapagtsismisan kami, kaya sabi ko sa kanya na mag pretend na lang kaming mag-asawa kapag lumalabas. `Yan ang kuwento ng singsing. Effective, `di ba? Para sa mga kapitbahay lang `yan," aniya.

Mabuti at hindi siya napiyok sa kanyang pagsisinungaling. Talaga naman sobrang buhol na ng mga kasinungalingang niya.

Mataman siyang tinignan ni Julius bago ito tumawa. "Yeah. Naikuwento nga ni Mike na beki ka raw. Pero mahirap ang maging paminta, ha. Huwag n`yo na lang pansinin ang mga kapitbahay n`yo para hindi n`yo na kailangan pa mag-pretend. Mas magtatanong lang sila kapag nalaman nilang magkaiba pa rin kayo ng apelyido. Liars go to hell," may ngiti sa mga labi at mata na sabi nito.

Mukhang hindi ito kumbinsido sa kuwento niya pero hindi na ito nagtanong pa. Pagkatapos ay nagpaalam na ito at hindi na nila pinigilan.

Pero bakit ba ang pakiramdam niya ay malaking problema ang darating sa kanya dahil sa pagkikita nilang muli ni Julius?