Chapter 8 - 7

Ice-cream

Matapos ng gawain ko ay nagpaalam ako sa aking mga amo na maghahanap akong scholarship pero anghel nga talaga itong si Wyn dahil sa inoffer niya sa akin.

Kinuwento ni Jez ang nangyari tungkol sa akin kaya ito sinamahan ako ng dalawa sa future in-laws ko.

Nalaman kong hindi close ni Wyn ang kuya niyang si Ten kaya nagdesisyon siyang sumama kay T.H. Kasundo niya naman ang mga magulang niya. Katunayan ay mukhang mababait ang mga ito base sa kwento ni Jez.

Pagpasok sa itim at higante nilang gate ay napanganga ako.

"Girl, hindi lang langaw ang kasya sa bunganga mo kundi ipis", aniya Jez na nasa tabi ko.

May malaking fountain sa hardin ng mansyon nila. May hardinero silang nagbubunot damo at nagdidilig ang iba.

Buhay prinsipe siguro si Wyn sa bahay na ito. Ano kayang pakiramdam na maging prinsesa niya?

Nakakahilo ang laki ng bahay nila. Mukhang luma na ito dahil espanyol ang disenyo nito na nakaukit sa pader ng kanilang bahay. May anghel pang estatwa na sa gabi ay nakakatakot.

Pagpasok namin sa mismong loob nito bumungad ang napakarami pang pigurino. Gusto ko sanang hawakan ang ilan sa mga roon lalo na ang dalawang batang anghel pero tinampal ni Jez ang kamay ko.

"Wag. Hindi pinapahawak yan ni Tita sa kung sinu-sino. Kahit ako ay hindi ko pa yan na hawakan"

"Senyorito!", aniya ng babaeng nasa 40's. Nakabestida siyang kulay asul. Nakangiti siya kay Wyn saka bumaling sa akin.

"Sino po siya?"

"Ako po? Isa po akong Dyosa na bumaba. Syempre joke. Ako po si Kaoree", ngumiti ako at umismid naman siya.

"Nasisiraan yata ng bait ito", bulong niya.

Never mind. Ganyan talaga ang isip ng hindi makapaniwala na maganda ako.

"Upo po kayo", sabi nito.

Parang mababali ang leeg ko dahil sa pag eksamina ng kabuuan ng bahay. Hindi man bago ang disenyo nito pero talaga namang nakakaakit tignan.

"Tawagin ko lang si Madam", tumango si Wyn sa sinabi nito.

Ilang minuto ay nakabalik siya kasama ang babaeng naka bestidang krema. Maganda ang perlas nitong hikaw bagay sa maamo niyang mukha. Kasing puti ng bulak ang kutis nito at namumula. Matangos ang ilong kagaya ng kay Wyn habang ang labing manipis ay namumula dahil sa lipstick.

"Ganda naman ng future mother-in-law ko", hagikhik ko sa isang tabi.

Kinurot ako ni Jez ng pa-simple. "Behave ka. Wag masyadong pa-halatang malandi ka"

"Ngayon lang kita ulit nakita Jez. Mukhang gumaganda ka", aniya ng nanay ni Wyn. Ang kaibigan ko ay mabilis na niyakap siya. Parang maamong tupa dahil sa mga mata nito.

Maingat siyang bumalik sa kanyang pwesto kung saan umupo sa tabi ko.

"Ang plastik mo don ha", bulong ko.

"Syempre kailangan modest. Gayahin mo kasi ako girl", pagmamalaki ng tono niya. Ngumuso naman ako.

"Modest? Mas okay ako sa whisper"

"Gaga! Hindi napkin ang tinutukoy ko"

Si Wyn naman ay lumapit sa kanyang ina para bang walang paki sa pag-uusap namin ni Jez o hindi niya lang rinig.

"Anak, sino naman itong isang kasama mo?", bumaling siya sa akin ng magtanong kay Wyn na nakipagbeso sa kanya.

Nagbeautiful eyes ako. Inayos ang upo at nagchest in kahit wala akong chest.

"Siya po yung tinutukoy ko, Ma", aniya Wyn. Mabilis naman akong nakipagkamay. Ang lambot nito. Hula ko ay gatas ang pangpaligo nito sa araw-araw at isang tabong lotion ang gamit.

Nahiya naman ang kamay kong mas magaspang kumpara sa liha.

"Ikaw pala si Kaoree", sabi nito.

"Yes po"

Ang future daughter-in-law niyo.

"Ako nga pala si Edlyn. You can call me, Tita"

Nangislap ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Manang, pag meryendahin niyo muna sila", nakangiti pa rin siya sa akin.

Lumapit sa akin ang kaninang tumawag kay Wyn ng senyorito.

"Ano bang gusto niyo mga Senyorito at Madam?", naghihintay siya ng sagot sa aming tatlo. Malawak ang ngiti niya. Iniintay kong sumagot ang dalawa pero mukhang dinapuan yata ng hiya itong si Jez. Pero si Wyn ay mukha namang iniintay niyang kami muna ang maunang magsabi ng gusto namin.

Confident akong ngumiti saka nagsalita.

"Gusto ko po sanang hawaiian pizza. Ayoko pong ibang flavor. Sprite. Ayoko po ng ibang soft drinks. Pakisamahan rin ng dessert. Leche flan or ube. Ayon lang po"

Laglag ang panga nito. "Ah. Yun lang pala. Para kasing nahiya kayong dagdagan. Baka gusto niyo pang ibang pagkain?"

"Hindi na. Ano ka ba, Manang? Okay na ko dyan. Shy type ako. Pasensya na po"

Nagtaka ako dahil tumawa siya.

"Sandwich na lang sa akin saka tubig", nahihiyang sambit ni Jez.

"Mukhang masarap kang kumain ah", aniya Tita Edlyn.

"Masarap pong kumain?", tumawa ako. Nalumot ng konti yung utak ko ron ah. Kailangan ko na yatang linisin ito.

"Uhmm. By the way, Ma regarding sa scholarship. Is she qualified?", ang sarap naman sa ears ng English accent niya. Parang kinakalikot ako hanggang dun sa ibaba ng puso ko.

"Tulo na laway mo. Nag english lang si Wyn ganyan ka na. Dalagang Pilipina ka nga"

"Wow? Coming from you?"

Nagtuos kami ng tingin ni Jez.

"Oo naman. Saka sa tingin ko matalino naman siya base sa mga grades niyang pinakita mo sa akin sa messenger"

Hindi naman kami gaanong nagtagal dahil may gagawin pa raw si Tita. Laking tuwa ko dahil lahat ay sagot niya na basta pagbutihan ko ang pag-aaral. May maintaining grade din ako. Mabuti na lang at dalawa ang pagkakataon ko na mabawi ang scholarship kung sakaling may binagsak akong subject or nagkaroon akong tres.

"Enrollment na next week. Kaya mo pa bang asikasuhin yung mga papers mo?", aniya Jez.

Nasa isang boutique kami kung saan siya namimili ng mga damit para sa kanyang kapatid na si Apple. Hindi ko alam kung below normal bang mag-isip ang kaibigan ko. Dahil sa pagkakilala ko sa kapatid niya. Hindi naman fan ng dress at high heels ang isang iyon.

"Matagal ko ng inasikaso yun. Follow-up na lang yung kulang. Nga pala salamat ha!"

"Ikaw pa ba! Saka sa kanya magpasalamat", ngumuso siya upang ituro si Wyn na nakaupo sa may bench habang kumakain ng ice-cream.

"Sana all ice-cream", parang nasa ulap ang pakiramdam ko.

Naramdaman ko ang paghila ni Jez sa buhok ko. "Ikaw ha! Kung ano na naman yang nasa isip mo!"

"Ikaw lang ang nag-iisip ng iba. Sinabi ko lang na sana all ice cream tapos ganyan agad reaksyon mo?"

"Di na kasi ako nakakatikim ng ice-crem eh. Enebe!"

"Kung tampalin ko iyang bibig mo? Ikaw pala itong iba ang iniisip. Bayaran mo na yang pinamili mo"

Lumabas ako saka umupo sa tabi ni Wyn.

"Gusto mo?", taka ako dahil inalok niya ang ice-cream nitong sira-sira ang tissue.

Sure ba talaga siya?

Didilaan ko sana iyon ng...

"Anong ginagawa mo?"

"Ha? Uhm... Kasi...", tumayo ako dahil sa kahihiyan.

"Saan ka pupunta, Kaoree?!", ani nito.

Sa banyo ako pumunta kung saan nagtago ako sa isa mga cubicle. Mas maiging ma-flush na lang ako rito dahil sa kahihiyan.