Type
"Ganda mo", bungad ni Latrelle. Lahat sila ay nakasuot ng uniporme. Unang araw ng klase ngayon kaya lahat kami ay maagang gumising.
"Thank you. Saka alam ko naman 'yun", sabi ko habang pinaghahanda sila ng pagkain.
Isa-isa silang umupo. Napansin kong si T.H ang kulang. Baka naliligo pa ang isang iyon.
"Ganda mong basahan", sabi ni Latrelle. Tumawa silang dalawa ni Marcus habang si Wyn ay umiling na lang.
Kami nina Jez at Marcus ay parehas ng eskwelahan na pinasukan. Ang dalawa kasi ay parehas na may problema sa pamilya. Hindi katulad nina Latrelle at T.H, kahit na may problema silang kinahaharap katulad ng sa kaibigan nila ay malaki ang sustento nilang natatanggap.
Samantalang ito si Wyn, siya lang ang walang problema. Sabi sa akin ni Jez nararamdaman niyang may problema ang kaibigan nilang iyon pero hindi lang sa kanila nagsasabi. Ganon naman daw kasi ang personalidad ng isang ito.
Ako naman, nagpapasalamat kasi malaking bagay sa akin ang scholarship. Sa totoo lang, ang bilis, hindi pa man nagsisimula ang klase nakatanggap na ko ng pera mula sa pamilya ni Wyn.
Nangamusta ako kay Lolita matapos ko sa kanilang ipadala ang pera. Maayos naman daw sila. 'Yun nga lang kapag malamig ay madalas siyang ubuhin. Natanong niya rin kung kumusta na sina Mamsh at Papsh pero hindi ko magawang masabi sa kanya ang nangyari.
"Kain na, girl. Kailangan nating umattend ng flag ceremony. Alam mo na para magmukhang mabait na estudyante", aniya Jez ng nilagyan niya ng itlog at kanin ang plato ko.
Nagthumbs-up naman si Marcus sa akin na parehas ko lang na mag fi-first year college. Kwento nito sa akin first time niyang makapasok sa school under ng government kaya kinakabahan siya.
Ang sabi ko sa kanya, ganon din naman iyon kaso ang ilang silid ay walang aircon tapos madalas hindi malinis ang comfort room. Natawa siya sa sinabi kong iyon. Pero sa private school din naman daw ay ganon rin kapag hindi namomonitor.
Bagong upo lang ako ay dumating si T.H. Ubos ang kanin na hinanda ko sa mesa. Sasandok na sana ako para sa kanya pero inagaw niya ang platong hawak ko.
Natulala ako sa ginawa nito. Lumabi ako.
"Hayaan mo na. Ganyan talaga ang isang iyan madalas may mood swings", sabi ni Jez sa tabi ko.
Ilang minuto matapos kumain ay naglinis ako ng aming pinagkainan. Natagalan ang lahat dahil sa paglalagay ng pabango.
Sari-saring amoy ang naglaho sa loob ng bahay. Masakit sa ilong ang matapang nilang pabangong panlalaki.
"Kay Wyn tayo sasabay", bulong sa akin ni Jez dahil napansin niyang sumunod ako kay Marcus na papunta sa kotse ni Latrelle.
Nanlaki ang mga mata ko sa kotse nilang tatlo. Ngayon ko lang nakita ang mga iyon. Pare-parehas ng model pero iba-iba ang kulay.
"Buksan mo 'yung gate, lugaw girl", utos ni Latrelle na nakapamulsa habang nakatayo katabi ng kotse nito.
Hindi ko alam pero bakit ang gwapo niya sa pwestong iyon?
Para siyang model sa isang magazine. Sumabay ba ang hangin kaya umaalon ang buhok niya.
Sinunod ko ang sinabi nito. Binuksan ko ang gate. Umunang umalis si T.H sakay ng kotse niyang kulay pula. Hindi manlang bumusina para tumabi ako. Masyadong mabilis ang pagmamaneho niya parang galit na galit.
Sumunod naman si Latrelle kasama si Marcus. Nagtaka ako ng huminto siya sandali. Binaba ang bintana ng kotse nito.
"Ayusin mo 'yung buton ng damit mo"
Habang inaayos ko ay may dinugtong pa siya sa sinabi nito.
"Wag kang pabaya sa sarili kahit flat-chested ka"
Humarurot na siya palayo bago pa ko makareact.
Ang isang iyon talaga! Ang sarap kutusan! Mamuti sana 'yung kotse niyang itim.
Okay na sana 'yung sinabi niya pero...
Hindi ko na lang masyado inisip dahil ganon na talaga ang ugali niya.
Sumunod na lumabas si Wyn sakay ng kotse niya. Bagay sa kanya ang kulay nito dahil puti. Kakulay ng ugali niya. Pati ba naman kotse niya pang anghel.
"Sabay ka na", sabi ni Wyn saka ngumiti. Nakakatunaw ang ngiti nito.
Magsisimula palang ako sa pagpapantasya ng putulin ni Jez iyon.
"Dalian mo! Naghihintay sa atin dun si Marcus"
"Okay! Ito na po!", para akong batang naglalakad dahil patalon-talon ang mga paa ko.
Pagdating namin ay naghihintay sina Marcus at Latrelle. Nakashades pa si Latrelle habang nakikipagngitian sa mga babae.
Feeling gwapo. Tss. Sabagay, gwapo naman talaga siya.
"Ang bagal. Pagong na pagong", sumipol si Latrelle matapos ng sinabi niya.
"Kung pinasabay mo sa amin si Marcus hindi na sana yan maghihintay", nagmartsa ako paloob ng eskwelahan.
"Lugaw girl. Wag kang mauna. Saka ayusin mo 'yang palda mo. Kita 'yung dry legs mo"
Cool na cool ang dating niya kahit sinabi niya iyon. Pigil ang tawa ni Marcus.
Si Wyn naman ay inabutan ako ng lotion galing sa kotse niya.
"Subukan mo to' sakto lang ang chemicals niyan. Hindi nakakasakit", inosente ang ngiti niya.
Ngumiti rin ako pabalik kahit napipilitan. Para bang pinahiya ako ni Latrelle sa sinabi niya.
"Una na ko, maaga ang first period ko", paalam ni Wyn.
Lumapit akong dahan-dahan kay Latrelle. Pigil ako sa pagsuntok ng mukha niya. Pwede naman niya sabihin iyon in a nice way or pabulong na lang pero bakit pinagsigawan niya pa?!
"Gaano ba kalakas ang trip mo?", tanong ko.
"Concern ako. Hindi ako nang go-good time. Saka be careful daming manyak dito", luminga-linga siya pertaining to those guys na nakatingin sa akin. Tingin na kasing lagkit ng sinukmani.
Eww. Hindi ko kayo type.
"Wow? Hindi ka pa manyak sa lagay na yan?", pinagkrus ko ang aking mga braso.
"Hindi ako manyak. Hindi naman kita pinagsahan at lalong hindi kita hinipunan. Don't worry babae ang kusang nagpapahipo sa akin"
Halos malaglag ang panga ko sa kayabangan niya.
Pumagitna si Jez ng mapansin niyang papatol pa ko.
"Kalma, okay? Baka kayo ang magtuluyan ha. Tara na, malalate na tayo. The ceremony will start within five minutes", hinigit ako ni Jez.
Sumunod naman si Marcus matapos magpaalam sa kaibigan nito.
Pinagtitinginan siya sa ng mga tao sa paligid especially mga Senior High students dahil mukha siyang batang tignan kumpara sa amin ni Jez.
Ngiti ang ginawad niya sa mga babaeng bumabati sa kanya. Hindi siya katulad ng kaibigan nito na parang chic boy ang dating.
Ang ngiti niya ay pangkaibigan at hindi panglandi. Nang pinalinya niya kami ay humiwalay si Jez sa amin dah tinawag siya ng isa sa mga prof niya.
Kami ni Marcus ay nakipila sa kapwa naming freshmen na hindi namin kilala.
"Ganon lang talaga 'yun si Latrelle. Pero makakasundo mo rin 'yun. Baka nga type ka lang non", humalakhak siya sa sarili niyang sinabi.
Mabait at gwapo naman si Latrelle. Pero he's not my type. Eww.
Choosy ang mga Dyosang katulad ko.
"Hindi bale na lang", sabi ko saka nilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib para sa Lupang Hinirang.