Isip bata
Araw ng Sabado, as usual maaga akong gumising dahil ako ang nagluluto sa umaga.
Sanay na ko sa gawain ko sa bahay na ito. Kapag weekends, magluluto sa umaga, at maglilinis. Minsan magdidilig ng halaman kapag abala sina Marcus at Wyn.
Namimili ng grocery kasama si Jez o hindi kaya si Wyn. Minsan naman si Marcus dahil nagiging close na siya sa akin.
Pag tuwing linggo, naglalaba ako at naglilinis ng kwarto nila. Sina T.H at Wyn lang naman ang hindi nagpapalinis. Minsan si Jez kapag hindi siya abala sa trabaho niya.
Magaan sa akin ang paglalaba dahil dadalhin ko lang naman sa laundry shop tapos kukunin ko 'yung damit. Minsan pati pagpa-plantsa ng mga iyon ay sagot nila.
"Gumising ka na!" ilang beses kong kinulit si Latrelle pero parang tulog mantika ang lalaking ito.
Bilin niya sa akin ay gisingin ko siyang maaga dahil may basketball game siya kasama ng mga kaklase niya.
"Pag hindi ka gumising..."
Nakanganga siya ng dahan-dahan kong tinanggal ang nakatakip na unan sa mukha niya.
Magulo ang kanyang buhok pero kahit na ganon ay gwapo pa rin siyang tignan. Maamo ang mukha nito at idagdag pang naka pajamas siyang puti kaya mukhang mabait.
Ang totoo naman ay kulang na lang mangagat siya.
Kumuha ako ng tubig sa banyo saka binuhos sa kanya.
"O, ayan! Eh 'di gising ka na!"
Agad siyang bumangon sa ginawa ko habang pinupunasan ang kanyang mukha gamit ng kamay niya. Ang isa naman ay nakatuon sa kama para maging balanse ang pagbangon niya.
"Para kang malag", tumawa ako sa sarili kong sinabi.
Tumalikod ako at narinig ko ang pagtayo niya.
"Lalabas na ko ha. Sumunod ka na lang"
Ilang hakbang palang ang nagawa ko ng bigla niya kong hawakan palapit sa kanya.
Tumapak ang mga paa ko sa basang sahig. Nang naramdaman kong madudulas ako ay hinawakan ko ang strand ng T-shirt niya.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa lapit ng mukha niya. Ang mainit na paghinga nito ay ramdam ko sa aking pisngi.
Pwede mo na kong kunin, Lord!
Grabe naman ito!
Malandi mode on. Pero hindi!
Chill.
Relax.
Si Latrelle ang nasa harap mo hindi si Wyn. Kaya kumalma ka, Kaoree.
Biglang bumakas ang pinto at bago pa kami makatayo ay nakita niya kami sa hindi magandang pwesto.
"Sabi ni Wyn, kumain na kayo ng umagahan" kumamot sa ulo si Marcus. "pero....ano...uhm..iba pala 'yung umagahan na gusto niyo. Pasensya na sa abala"
Yumuko siya habang dahan-dahan sinasara ang pinto.
Tinulak ko si Latrelle. Agad naman akong tumayo. Nagmartsa ako palabas ng pinto.
"Wag kang mag-inarte. Hindi ko rin nagustuhan yun!"
Inismiran ko siya. "Ang panget mo sa malapitan!"
"Ang baho mo naman! Maligo ka. Amoy sibuyas ka"
Nagpanting ang tenga ko. Sinara niya ng malakas ang pinto.
Kinagat ko ang aking ibabang labi ng magtagpo ang mga mata namin ni T.H.
Humikab siya at ilang beses na kumurap upang makilala ako. Hindi kami nag batian dahil hindi niya ugali iyon.
Nilampasan niya ko ng magtungo siya papuntang banyo. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya kita ko kung paano siya maghilamos.
Isa pang gwapo kaso ubod ng suplado.
"Nga nga, te'? Sino naman 'yang pinagnanasahan mo?"
Napansin kong nakabukas nga ang aking bibig kaya sinarado ko.
Sinilip niya kung sino ang tinitignan ko.
"Halika na dun! Umagang-umaga ibang hotdog ang gusto", hinigit ako ni Jez paibaba ng hagdanan.
"Wag kang malisyosa", umirap ako sa kanya at inalis ang hawak niya sa akin.
"Ako pa ang malisyosa? 'Yung tingin mo kay T.H. iba. Matutunaw 'yung tao"
Lumiwanag ang paligid kasabay ng pagkanta ng anghel. Kumikinang si Wyn sa mga mata ko. Bigla siyang nagkaroon ng pakpak.
Lumapit sa akin at...
"Ayos ka lang ba, Kaoree?", nilagay niya ang likod ng palad niya sa aking noo.
Ngumiti ako ng pilit. "Ayos lang naman ako"
Nakita niya yata kung gaano ako ka-tanga sa kanya. Pero wala naman iyon kay Wyn. Enebe!
Lumundag ang puso sa tuwa at mas lalong kinilig ng pinaghila niya ko ng upuan.
Seryoso ba siya? Gusto niya kong tumabi sa kanya.
Sumandok ako ng kanin at ulam katulad ng ginagawa niya.
"May group work ka mamaya, 'di ba? Ihahatid ba kita?"
Unti-unting bumaling ang mukha ko sa kanya. Gusto kong tumalon!
Bakit siya ganito!?
Ganito ba siya sa babaeng gusto niya?
Low-key magpakita ng feelings.
Hay! Ang sarap sa feeling parang rebisco. Pero joke! Ayokong mag assume baka masaktan.
"Nabanggit mo sa akin 'yun kaya naisip ko pwede ka naman sumabay sa akin"
Naalala niya pala 'yung sinabi ko nung Huwebes. Akala ko hindi!
Feeling ko siya na talaga para sa akin! Tinatandaan niya 'yung maliliit na detalye na sinasabi ko.
"Nakakahiya naman", nilagay ko ang iilang hibla ng aking buhok sa tenga.
Si Jez na puno ang bibig ay nakisingit sa usapan. "Girl, wag ka ng mahiya! Kunwari ka pa! Sunggab na"
Panira ng moment!
Nagkukunwari akong dalagang Pilipina.
"Ah, sige. Wyn. Kung hindi ako abala"
Tumingin sa akin ng makahulugan si Jez at umiling. Mainggit ka! Palibhasa wala kang love life.
Ako, magkakaroon na!
Charot!
"Ano ba namang luto ito! Hindi masarap!", ngayon ko lang napansin nandito na pala ang mayabang na si Latrelle.
Tinitigan ko 'yung kutsara niyang may tortang talong at kanina. Ang bobo niya sa part na yun ha.
"Sorry, Latrelle. Hindi sa akin na luto yan. Ito kasi 'yung luto ko", malapad ang pagngiti ko ng tinuro ko ang tortang tulingan.
Lumiwanag ng unti-unti ang mukha nito. Ang kaninang kunot sa kanyang noo ay nawala. Umalon ang Adam's Apple nito.
"Maalat ba ang luto ko, Latrelle?", maamong tanong ni Wyn na para bang wala lang sa kanya ang sinabi ng kaibigan.
Nagclear throat ito saka umupo sa tabi ni Jez.
"Hindi. Sa totoo lang, nagbibiro ako", sabi nito bago kumuha ng panibagong ulam.
Nilayo ko sa kanya ang luto ko. Pilit niyang inaabot iyon pero kahit na mahaba ang braso niya ay hindi nito magawa.
Pilit pa niyang inabot sa huling pagkakataon ng nagawa niya ay kinuha ko iyon sa kanya. Ganon ulit ang ginawa nito hanggang sa ramdam na namin ang tensyon.
Sobrang higpit ng hawak niya sa plato kaya buong lakas kong kinuha iyon.
Pero laking gulat ko ng biglaan niyang binitiwan iyon. Dahil sa lakas ng pwersa ay tumamba ako sa upuan.
Habang na nasa sahig ako dahil sa nangyari. Tanaw ko ang matangkad na si T.H na mukhang tapos na sa morning rituals nito.
"Isip bata", sabi nito ng hindi manlang ako tinutulungan.
Tss.
Ang gentleman niya!