Chapter 16 - 15

Sementeryo

Malakas ang simoy ng hangin na dahilan ng pagsaway ng mga puno. Ang mga ibon naman ay tila kumakanta sa sanga na para bang nagliligawan.

Kasalukuyan ako nakaupo sa maberdeng damo na kumikinang dahil sa ilang butil ng tubig. Kakatapos lang kasing umulan kaninang umaga.

Buti nga at sumikat ang araw bago ako pumunta rito.

Nagsindi ako ng dalawang kandila matapos ipatong ang bulaklak sa puntod nila Mama at Papa.

Nilinis ko ang kanilang nicho gamit ang aking mga kamay. May bakas ng natuyong kandila rito. Siguro may naunang dumalaw kaysa sa akin.

Malambot pa at hindi masyadong matigas ang tunaw na kandila. Sa palagay ko baka ka-trabaho iyon ni Papa, o hindi kaya naman ay kaibigan ni Mama.

May kilala akong kaibigan nila pero hindi malapit sa akin maliban lang kay Ate Charlotte.

Nagawi ang mga mata ko sa pamilyar na paglalakad ng lalaki. Suot niya ay plain white-shirt at nakamaong na shorts. Tusok ang sapatos nito na naglilikha ng maliliit na ingay sa bawat paghakba niya.

Hindi ko alam kung nakita niya ko dahil tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Kung sabagay hindi niya naman talaga ako pinapansin.

"Thaddeus", isang babae ang tumawag sa kanya.

Nakasuot ng itim na saklob ang babae kaya hindi ko maaninag ang mukha nito. Sa palagay ko ay kasing tangkad ko siya. Porselana ang balat nito na halos humalo siya sa sikat ng araw.

Masasabi kong mukhang may kaya sa buhay ang babae. Sa porma palang nitong crop top at shorts samahan pa ng sandals niya ay hindi maipagkakaila iyon.

Pinayungan niya si T.H ng makalapit siya. Hindi ko man marinig ang boses niya pero alam kong kinakausap niya ang lalaking hindi manlang nagsasalita. Tanging tango lang malimit na sagot nito.

Hindi naman sa pagiging chismosa pero sino kayang dinadalaw niya?

Ilan pa ang sumunod sa kanya. Dalawang batang lalaki na hawig nito. Parehas naka jumpers at sapatos na itim. Mukha silang kid version ni T.H.

Hindi kaya may asawa na siya?

Charot! Masyadong malisyosa.

Bumalik ang atensyon ko kila Mama at Papa. Nakangiti ako habang hinahawi ang iilang mga damo na nakaharang sa pangalan nila.

"Nemesio H. Rogen. Ria V. Rogen"

Ngumiti ako sa narinig ko. Alam ko kung sino iyon.

Lumingon ako sa likuran. "Melissa"

Umupo siya sa tabi ko dala ang basket saka naglatag ng maliit na banig. Dun ay umupo ako katabi siya. Naglabas siya ng ilang tinapay pati juice.

"Alam kong gutom ka na. Pasensya ka na. Late ako", paliwanag nito nang hinawi niya ang iilang hibla ng buhok niya na sumasamyo sa kanyang mukha dahil sa hangin.

"Hindi ka naman super late. Kaya wag ka ng mag-alala", sabi ko.

Usapan namin ngayon na magkikita kami dahil gusto niyang makilala ang mga magulang ko. Isa na rin siya sa tinuring kong kaibigan. Saka wala naman akong ibang pagkakatiwalaan na kaklase ko kung hindi siya lang.

Kaysa naman sa tatlong mean girls. Maiistress lang ang beauty ko.

Kinulbit ako nito. "Girl! May nakita akong pogi kanina habang nabili ng juice! Artistahin"

Kung hindi niyo maitatanong malabo ang mata nitong si Melissa at nalinaw naman kapag nakakakita ng gwapo. Parang may eagle's eye ang babaeng ito.

"Feeling ko single yun", sabi nito habang ngumunguya.

Tinitigan ko siya at ngumiwi.

"Pero joke lang. Ipakilala mo ko sa kaibigan mo ha. Dun kay Marcus"

Ilang beses niya sa akin inulit na ang gwapo raw ni Marcus at match silang dalawa. Parehas silang mukhang inosente at may magandang lahi.

Ang sabi pa nito ay pakiramdam niya wala pang nagiging girlfriend ang isang iyon at siya naman ay wala pa rin nagiging boyfriend.

Nagflames raw siya ng pangalan niya at lumabas ay marriage. Sa sandaling pagkakilala ko palang siya sa kanya ay madali siyang sauluhin.

Natural na sa kanya ang pagiging feeling close nito. Minsan nga ay hinahampas niya ang ilang estudyante na hindi niya naman kilala. Hinahampas niya kapag nakikipagtawanan sa mga ito. Minsan kasi nanghihingi siya ng tigpipiso sa kung sinu-sino.

"Wag mong kalimutan! Sa Monday ha! Ang dami pa namang may gusto sa kanya. Feeling ko isa sa mean girls ay type siya", ngumuso ito.

Hindi ko alam kung sino nga ba sa kanila ang nagbigay kay Marcus ng love letter. Tinawanan niya lang iyon at tinabi.

"Love letter!", at inagaw iyon ni Lucas sa kanya. "Babasahin ko!"

Pilit na inaabot iyon ni Marcus pero sadyang mas matangkad sa kanya iyon.

"Dear Marcus", natatawang simula ni Latrelle.

"Bakit parang Dear Charo?", biro ni Lucas. Dahil sa pagtawa niya ay naagawan ni Marcus ang sulat.

"Sign na yan na mag-girlfriend ka na", aniya Latrelle pero si Marcus ay tahimik na binasa ang sulat.

Dun ko nalaman na wala pang nagiging girlfriend si Marcus. Tinanong ko iyon kay Jez alang-ala kay Melissa.

May natipuhan si Marcus pero binasted siya. Simula nun ay hindi na nanligaw. Saka kumpara kay Latrelle hindi maalam manligaw si Marcus. Hindi kasi siya nagsasalita sa harap ng babae kapag magkasama sila.

"Alam mo sayang! Kung ako 'yung babae. Sasagutin ko si Marcus", pinagkrus nito ang mga daliri niya.

Tumingin siya sa akin saka ngumiti.

"Sabagay, kung naging sila baka hindi na pwedeng umichapwera. Blessing na pala 'yun!", humalakhak siya.

May kinuha siya sa kanyang bulsa. Mabilis niyang kinuha ang kamay ko.

Nilagyan niya iyon ng bracelet.

"Sign ng friendship natin kaya dapat tulungan mo ko kay Marcus"

Akala ko pa naman ang sweet. May kapalit pala. Tumango na lang ako sa kadaldalan niya.

"Totoo yan ha? Tutulungan mo ko?", nagpinky swear pa kami. Parang bata kaya napakamot ako sa noo.

"Alam mo parang baligtad ikaw pa yata ang manliligaw sa isang iyon"

Humagalpak siya sa tawa. "Syempre hindi! Ang ibig kong sabihin ipakilala mo ko tapos pabanguhin mo 'yung pangalan ko"

"Mabaho ba ang pangalan mo? Lagyan kong pabango gusto mo?"

Sumingkit ang mga mata niya. "Pilosopo! What I mean is alam mo na... pag mukha akong mabait sa mga kwento mo baka masabi niyang... Gusto ko na si Melissa", kuminang ang mga mata nito.

Binatukan ko siya pero mahina lang kaya mahina siyang umaray.

"Hindi ko kailangan gawin 'yun. Kung mabait ka talaga magugustuhan ka niya"

"Wow. Coming from you ha! Para namang nagkaboyfriend ka na!"

"Malapit na", pagmamayabang ko at parang hindi siya makapaniwala.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Ay. Kalabaw!" napahawak ako sa dibdib ko pero wala akong mahawakan.

Lumingon kami ni Melissa sa nakapamulsang lalaki. Hindi ko alam kung bakit parang kumikinang siya.

"Wag mo na lang pala akong ipakilala kay Marcus. Sa kanya na lang", bulong ni Melissa kaya pa-simple ko siyang kinaltukan.

"Ikaw anong ginagawa mo rito, Latrelle? Sinundan mo ba ko?"

Feeling ko type niya ko. Type niya akong asarin kaya pati rito sa sementeryo ay sinundan niya ko.

"Wag kang feeling. Mga magaganda lang ang sinusundan ko", tumalikod siya saka sinalubong si T.H na nakatingin sa pwesto kung nasaan ako.

Si Melissa ay parang mamatay na dahil sa pagsikip ng hininga nito.

"Lalaki lang 'yan. Hindi mo ikakamatay"

----#HIOR---