Nakatalikod
"What are you wanting for! Lo-love me like you do!", pagsabay ko sa kantang pinatutugtog galing sa radyo.
"Waiting 'yon", aniya Melissa habang naglalagay ng pulbo sa mukha.
"Ganon lang din 'yun. Ano ka ba!?", sabi ko.
Matapos namin magmeryenda ay nakinig kami sa radyo habang nagpapahinga. Gusto ko sanang makauwi ng maaga pero si Wanwan ay pilit kaming pinatambay ng kalhating oras.
"Uuwi na ko, Wanwan. Marami pa kasi akong gagawin", dahilan ko. Kahit mamayang hapon ko pa naman gagawin ang ilan pang gawaing bahay na iniwan ko.
"Ako rin. Alam mo naman na walang nagbabantay sa tindahan. Kung hindi lang ako nakiusap sa tita ko ay baka mapagalitan ako ni Inay", si Oliver na inaayos bag niya.
"Sige. Ihatid ko na lang kayo sa labas. Sandali lang", paalam nito.
Hindi naman siya natagalan. Mga limang minuto ay lumabas na siyang nakapusod ang buhok.
Pinalitan niya ng mahabang manggas ang kaninang damit niya na sleeveless.
"Sa susunod ulit!", si Melissa na naunang lumabas ng gate.
Sumunod naman ako at huli si Oliver. Si Wanwan ay naiwan na nakatayo sa pintuan.
"Ang sarap nung meryenda!", tumawa sila dahil don.
Ano kayang nakakatawa sa sinabi ko?
Nang lumingon ako sa kabila ng kalsada ay may puting kotse. Kidnapper kaya sila?
Charot!
Tinitigan kong maigi iyon. Pamilyar kung kanino iyon. Lumabas si Wanwan ng mapansin kung saan ako nakatingin.
"Ano 'yung tinitignan niyo?", usisa ni Melissa. Tumingin din siya doon at halos malaglag ang panga.
Lumabas kasi ang pamilyar na lalaki. Para bang nakinang ang makinis at maputi niyang balat dahil sa suot nitong kulay abo na shirt.
Laglag ang mga mata ko ng makita siyang naka fitted na shorts. Bakat down there.Ang ibig kong sabihin halata 'yung kanyang balahibo sa hita.
"Wanwan, 'di ba siya 'yung crush mo!", tukso ni Oliver.
Unti-unting bumaling ang leeg ko sa kanya. Kumpirmado. Crush niya ang lalaking naglalakad sa pwesto kung saan kami nakatayo.
Namula ang pisngi ng kaklase ko halos hindi makapagsalita. Para bang napako siya sa kanyang kinatatayuan.
Hindi naman si T.H ang pinakagwapong nakilala ko kundi si Wyn.
Sino ba namang magkakagusto sa lalaking introvert na kagaya niya? Tahimik, mukhang boring kasama saka suplado.
"Alam niyo ba dahil sa pagkacrush ni Wan sa kanya meron siyang picture ng lalaking yan", pagbubuking ni Oliver sa kanya na halos matawa.
"Alam mo ang ingay mo! Hindi akin 'yun! Sa pinsan ko kasi naging magkaibigan sila!", lumabi ito saka tumungo sa kadahalinang nasa harap na pala namin ang kanilang pinag-uusapan.
Tinignan niya ko ng walang ekspresyon pati ang mga kasama ko. Pilit naman na ngumiti si Wan at kinawayan siya pero baliwala lang ito sa binata.
"Anong oras ka uuwi?", nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko habang ang isang kamay niya ay nakapamulsa at ang isa naman ay may hawak na susi.
"Ngayon. Bakit?"
Ibig sabihin sinusundo niya ko?
Ang haba naman ng buhok mo, girl! Sa isip ko ay ang swerte ko dahil kanina si Wyn ang naghatid sa akin. Ngayon si T.H ay sinusundo ako!
Salamat talaga, Jez! Maganda ang lahi ng mga lalaking ito. Kahit sa kanila ang piliin ay jackpot pero joke!
Loyal kay Wyn to'.
"Ah. Mabuti naman. Sige mauna na ko", paalam nito.
Aba't!? Seryoso ba siya!? Akala ko pa naman susunduin niya ko.
Sinundan ko siya para pigilan. Hindi sinasadyang nahawakan ko ang dulo ng damit niya.
Tinignan niya ang mga daliri kong nakalapat doon. Dahan-dahan kong inalis saka ngumiwi ng lihim.
"Ano?"
"Wala naman. Gusto ko lang sabihin na ingat", gusto ko sanang sabihin ang iniisip ko kaso baka isipin niyang assuming ako.
Ilang sandali pa ay dumating ang dalawang lalaki. May hawak na bola ang isa sa kanila.
"Akala ko nakauwi ka na", sabi nito sa lalaking suplado.
Imbis na si T.H ang sumagot kasama ang niya ang sumagot. "May susunduin daw siya"
Hinimas nung isa ang ulo nito. "Ah. Oo nga pala. Ingat"
May susunduin pala ha. Ibig sabihin ako ngayon? Nagsmirk ako. Hindi naman masamang itanggi na gusto niya kong sunduin.
Pakipot rin pala ang isang ito.
"Susunduin ko lang 'yung aso na kay Adam"
Bumaluktot ang likod ko dahil dun. May aso pala siya?
Umismid na lang ako. Bigo akong pinagmasdan siyang nagmaneho palayo.
Hinawakan ni Oliver ang kamay ko"Huy! Paano mo siya nakilala! Ipakilala mo naman si Wan!", pakiusap niya.
"Kasambahay nila ako", maikli kong sagot dahil tinatamad akong magkwento. Saka hindi ako interesadong magkwento tungkol kay T.H. Hindi naman kami close.
"Swerte mo naman", aniya Wanwan.
"Ipakilala mo kami ha!", sabi ni Melissa.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "Oo, kapag close ko na rin si T.H saka isa pa hindi naman kayo papansinin ng isang 'yun"
"Sasakay ba kayo, Ineng?", alok ni Manong driver sa gitna ng pag-uusap namin.
"Opo. Sasakay po sila", sagot ni Wanwan.
"Salamat ulit ha!", umupo kami ni Melissa sa loob habang si Oliver ang nasa labas.
Hindi ko maiwasan magtaka. Kung kukunin lang ni T.H ang aso. Bakit tila nakasunod siya sa tricycle na sinasakyan namin ngayon?
Sabagay, baka coincidence lang. Masyado lang akong assuming at nagmamaganda.
Pagkarating sa bahay humiga ako. Ang malambot na kama ay para bang hinehele ako. Pero bago ko ituloy ang pagpapahinga ng aking mga mata ay nagpalit akong damit.
"Lugaw girl", napatalon ako.
"Ano ba!? Hindi ka ba maalam kumatok?"
"Hindi ka kasi maalam magsarado ng pinto", sabi nito.
Akala ko pa naman ay mamaya pa ang uwi niya.
"O, ano bang kailangan mo?"
"Gusto kong meryenda", nakangiti siyang mapang-asar.
"Mamaya na lang. Halata naman na gusto mo lang akong kulitin", tumalikod ako sa kanya.
"Nakatalikod ka ba sa akin o nakaharap?", kaya't humarap ako.
"Bakit? Masyado ka na bang lutang o bulag? Hindi mo makita na nakatalikod ako kanina"
"Nagtataka lang kasi ako mukha ka pa rin nakatalikod"
Mabilis kong kinuha ang pareho kong unan at binato ko sa kanya.
"Lumabas ka na lang pwede ba!", humalakhak siya saka sumunod sa sinabi ko.
"Sorry, Madam. Mamaya mo na lang ako ipaghanda ng pagkain", humagikhik siya.