Chapter 13 - 12

Picture

Matapos kumain ay nagmadali akong naligo. Hindi rin ako nagtagal sa pagpili ng damit dahil nagmamadali ako. Iniintay lang naman ako ng anghel at future boyfriend ko. Mainggit kayo!

Simpleng bulaklak na T-shirt ang suot ko at sweatshort. Gusto ko sanang magsapatos kaso hindi bagay kaya nagsandals lang ako.

Pagbaba ko ay naghihintay si Wyn nakapamulsa siya ng makita ko.  Tinignan nito ang kanyang wrist watch.

"Sorry, natagalan ka ba sa paghihintay?"

Maganda ang kurba ng labi niya. "Hindi naman. Tara na"

Nang lumabas kami ay nandon sina Marcus at Latrelle nagkukulitan katabi ng kotse. Si Jez ay lumapit sa akin.

"Sa kanya ka sasabay?", ngumuso siya upang ituro si Wyn. Namumula ang labi niya dahil sa liptint nito. Idagdag pang kumikinang ito dahil sa glitters.

"Oo. Saka 'di ba? Iba 'yung dadaanan mo?"

Nagkibit-balikat siya na para bang wala siyang magagawa roon. Sumunod ako kay Wyn na sinimulang paandarin ang kotse niya.

"Oy", hindi ako lumingon dahil alam kong hindi naman ako ang tawag niya.

"Bingi ka ba?", kumamot ako sa ulo bago bumaling sa kanya.

Mukha siyang boy next door dahil sa suot nitong fitted na white sando at jersey shirt na ube. Ang sinag ng araw ang nagdepina kulay tsokolate nitong buhok ng tumama rito.

Hindi pa man niya nasasabi ang gusto niyang sabihin ay naramdaman ko ang pagtaas ng aking dugo.

"Hindi. Malay ko bang ako ang tinatawag mo?"

Nagtagis ang mga ngipin niya at ganon din ako.

"Sa akin ka sumabay", utos nito.

Humawak ako sa aking bewang.

Kapal ng mukha. Ayoko ngang sumabay sa kanya. Saka bebe time namin ni Wyn—ang ibig kong sabihin  solo ko siya ngayon. Bakit ko naman papalampasin ang ganitong pagkakataon?

"Ayoko!", nilampasan ko siya at pumunta kay Wyn.

Sino ba siya? Isa lang naman siyang gwapong nilalang na hindi ko gusto. Oo, choosy ako!

Binuksan ko ang kotse saka umupo sa tabi ni Wyn.

"Nagtalo na naman ba kayo?"

"Konti lang"

Hindi naman siya nagtanong ng iba pang detalye. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.

Ang perfect! Para bang umaawit ulit ang anghel.

Sa bawat paghampas ng buhok niya sa kanyang noo. Maganda pa rin tignan. Sa bawat pag-indayog niya. Joke! Iba na 'yun.

Umindayog kasi 'yung kotse gawa ng humps.

"Dito na ba 'yon?", sumilip ito upang masigurado kaya binaba niya ang bintana ng sasakyan.

Ginaya ko ang ginawa niya upang makasigurado na ito 'yung lugar. Ito 'yung address na binigay niya kung saan magkikita kaming magkakagrupo. Lumang bahay at sira-sira tila walang nakatira.

Bumaba si Wyn at pinagbuksan niya ko. Inalalayan niya pa ko.

Ito na naman ang kalandian ko. Pero anyway ito na nga kaya 'yun?

Halos mabali ang leeg ng kasama ko kakatingin sa paligid. "Sigurado ka bang dito kayo magkikita-kita? Mukhang abandonado ito"

Nang makarinig ako ng kaluskos mula sa loob ay napayakap ako sa braso niya. Agad ko namang binawi iyon pero sana hindi ko na lang binawi agad.

"Ibon lang 'yun", aniya nito saka ginulo ang buhok ko. Sus! Ganyan ka ba manlambing!

Hindi pa tayo, Wyn! Chill ka lang.

"Pasensya na. Matatakutin kasi ako", kinagat ko ang aking ibabang labi. Tama sigurong naglagay ako ng kaunting liptint at bb cream kagaya ng payo ni Jez. Mukhang unang araw palang ng payo niya ay kakagat ng agad si Wyn.

"Ito na kaya 'yun?", lumingon ako kung saan nanggaling ang pamilyar  na boses.

Nagtagpo ang mga mata namin. Para bang hindi kami magkaklase. Sabik na yumakap siya sa akin.

"Sino 'yang kasama mo?", tinulak niya ko ng bahagya.

"Wag kang malisyosa. Siya 'yung isa sa mga amo ko. Wyn, si Melissa nga pala. Melissa, si Wyn"

Nagkamayan silang dalawa at hindi ko nagustuhan ang ngiti ni Melissa. Makahulugan iyon.

"Ilan taon ka na pala?"

Pumagitna ako. "Akin yan", bulong ko.

"Sorry", bulong nito saka ngumiwi.

"Maiwan ko na kayo. Mukhang may  kasama na kayong lalaki", tinukoy ni Wyn ang lalaking bagong dating.

Nakapolo shirt na dilaw at shorts binagayan niyang sapatos. Hindi mawawala ang bag niyang maliit.

"Sige, Wyn. Salamat!", winagayway ko ang aking kamay.

"Oliver! Dalian mo!", sigaw ni Melissa. Tila ba nagliwanag ang mukha nito ng makita kami.

"Ikaw ha! Crush mo pala 'yung amo mo!", siniko niya ko. Kanina pa siya. Namumuro na siya sa akin.

"Honestly, yes. Kaya wag mo ng agawin. Akin na 'yun! Sa tingin mo ba magpapaubaya ako?"

"Maldita ka, girl?", tumawa siya.

"Hindi. Nagsasabi lang"

Nagtext ang group leader namin na hindi ko tanda ang pangalan. Pinasundo niya kami sa tricycle para hindi kami maabala. Kahit na naabala naman talaga kami.

Tama lang ang sukat ng bahay nila. May tatlong kwarto para sa apat na miyembro ng pamilya. Kwento niya siya ang bunso. Ang mga magulang niya ay abala sa trabaho kaya madalas Kuya niya lang ang kasama niya sa bahay.

Nagtagal ng dalawang oras ang paggawa namin ng report para sa iisang subject. Sa kwentuhan naubos ang aming oras.

"Gusto niyo bang meryenda?", alok ni Wanwan.

"Actually, busog pa naman ako. Pero sila ang tanungin mo", sabi ko habang chinecheck ang gawa namin.

"Ikaw ang bahala", sabay na sabi ng dalawa.

Sandali siyang pumunta sa kusina at dinalhan niya kami ng meryenda sa sala.

Sandaling nanlaki ang mata ko. Syempre dapat behave. Wag ipahalata na atat sa pagkain.

Mango graham at orange juice ang hinanda niya.

"Kuha na kayo", sabi nito pero parang mga estatwa kami na hindi kumikilos.

"Wag na kayong mahiya. Minsan lang naman"

Mukha namang naglalaway si Melissa sa kanyang isip. Tignan mo naman ang mukha ng isang ito iba na ang tingin.

"Wag daw mahiya!",shy type pa kayo ha. Kaya ako ang nauna.

Nakailang slice ng graham ang nakain ko. Sa totoo lang hindi pa naman ako gutom.

"Meron ka bang sandwich tapos cheese ang palaman?"

Pinagtaasan ako ng kilay nina Oliver at Melissa. Paki ba nila sa gusto ko.

"Sabi mo kanina hindi ka gutom", si Melissa.

"Hindi nga. Gusto ko lang ng sandwich", sabi ko saka bumaling kay Wanwan.

"Isa lang naman, Wan", nagcute smile ako.

"Sige. Ayos lang naman"

Habang iniintay ang meryenda ko ay tumayo ako. Ginala ko ang aking mga mata. Nahagip ng tingin ko ang pamilyar na lalaki. Picture iyon sa isang kahoy na frame.

Dahil sa pagkakuryoso kinuha ko iyon.

"Si T.H ito ah?"

"Wag mong tignan!", binawi niya iyon sa akin.

"Sorry. Para kasing may kamukha 'yung lalaki sa picture", at bumalik ako sa aking pwesto.