Pakikiramay
Buong maghapon kaming nasa tapat ng bahay ng may ari ng loteng tinitirhan namin. Parang wala siyang naririnig na hinaing ng mga tao. Sinadya niyang pinasunog ang mga kabahayan sa amin para pagtayuan ng bagong commmercial na building.
Iskawaters area iyon na halos lahat ng kabuuan ng lupa ay pagmamay-ari ng iba't-ibang negosyante. Noong nasa elementarya palang ako ay sinubukan naming manirahan kasama sina Lolita pero nahirapan kami sa sitwasyon. Hindi katulad dito ay maraming oportunidad saka ang eskwelahan doon ay malayo. Mahirap din ang biyahe dahil madalang ang sasakyan.
Paunti ng paunti ang mga kasama ko habang nalipas ang oras. Ang ilan ay iniwan ang karatulang ginamit sa kalsada. Nahingi kami ng hustisya at kaunting tulong. Dinulog na namin ito sa Mayor pero wala naman siyang maisagot ng ayos. Pakiramdam ko nga ay may maalam ang isang iyon sa nangyari.
Kahit na alam kong napakaliit ng tyansa na marinig kami ay naasa pa rin ako. Hindi sapat ang tulong ng lokal na pamahalaan sa libreng pagpapalibing at pagpapagamot ng mga namatay.
Bukas ay sabay-sabay na ililibing sila. Kasalukuyan silang nakaburol sa simbahan.
Sa pagkalam ng sikmura ko doon ko naramdaman ang pagod. Wala akong gamit na naisalba kung hindi ang nasa bag kong dala-dala. Mabuti nga't ang kalhati ng ipon ko ay nasa bangko.
Tinitigan ko ang hindi makilalang mukha ng aking mga magulang. Ayoko sanang titigan sila pero hindi ko maiwasan. Baka matuluan ko pa ng luha ang kabaong nila. Mahirap na.
"Ma, Pa. Alam ko naman na masaya kayo kung nasaan kayo. Wag kayong mag alala sa akinAlam niyo naman ma-diskarte itong anak niyo" natatawa kong sabi kahit paos ang boses ko dahil sa pagpigil ng luhang gustong pumatak. Idagdag ang bigik sa lalamunan ko.
Kumuha ako ng tubig sa water dispenser upang kumalma. Para bang iniipit ang dibdib ko.
Ngayong araw ay maglilipas ako ng gabi sa simbahan. May libreng pagkain para sa mga nasunugan. Meron din nagdonate ng mga damit kasama na ang kumot.
Sa isang sulok ako humiga malapit sa bintana. Ang gamit kong latag ay ang binigay sa akin ni Mother Misha. Isa siya sa pinaka mabait na madre rito. Palagi siyang bukas palad na tumulong. Hindi siya namimili ng tinutulungan. Sa katunayan nga nung kailangang dalhin si Mama sa ospital nung nagkasakit ito ay siya ang nag asikaso ng lahat. Kahit sa pinansyal na kulang ay nagbigay din siya.
Malaki ang pasasalamat ko sa kanya.
"Kung gusto, pansamantala ay sa amin ka muna hangga't hindi ka pa nakakauwing probinsya", aniya nito matapos ipatong ang noodles sa mahabang upuan.
Alam niya na may kamag-anak ako sa probinsya at sinabi ko rin sa kanya ang pagbabalak kong umuwi roon. Una ay hindi siya sumang-ayon dahil bukod sa babae ako ay natatakot siyang magbiyahe akong mag isa.
Gusto niya pang sagutin ang pamasahe ko pero tumanggi ako. Iniisip ko rin kung sakaling umuwi ako roon may eskwelahan kaya doon para sa pagko-kolehiyo ko?
"Hindi na po. Masyado naman yatang makapal ang mukha ko, Sister"
Makapal naman talaga ang mukha ko pero alam ko kung kailan dapat yun hindi gamitin.
"Hahanap na lang po akong trabaho. Saka hindi po ako sigurado kung makakapagkolehiyo ako kung sakaling uuwi ako roon"
Huminga siya ng malalim saka sinalansan ang unan na gagamitin ko.
"Basta kung may kailangan ka tawagin mo lang ako"
Nabahaw na ang noodles at kanin na nasa harap ko. Nilalaro ko na lamang iyon gamit ng kutsara at tinidor. Hindi ko alam kung makakaya ko bang kumain na hindi kasabay sina Papa at Mama.
Hindi ko alam kung makakaya ko bang walang yakap o halik galing sa kanila kada uuwi ako pagkaawas ko sa eskwela.
Nakakapanibago ang gabi. Sa pang limang beses na pag ilaw ng cellphone ko saka ko lang napagtanto na si Lucky pala iyon.
Naipon ang kaba sa dibdib ko. Hindi kaya alam na nila ang nangyari?
"Ate! Busy ba kayo? Hindi kasi nasagot si Tiya sa tawag ko"
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Nakahinga ako ng maluwag.
"Uh. Nawala kasi ang cellphone ni Mama.Bakit? Ano ba iyon?", nagsikip bahagya ang paghinga ko.
Para bang nagdalawang-isip siyang sabihin dahil sa pagpakawala niya ng malalim sa sariling hininga.
"Paubos na kasi ang gamot ni Lolita. Wala pa kasi kaming kita sa mais-an dahil na peste iyon kailan lang"
Kinagat ko ang kuko ng aking hinlalaki.
"Uh. Sige. Papadalhan ko kayo siguro sa makalawa. Makakapaghintay pa ba si Lolita?"
Ibabawas ko na lang iyon sa ipon ko. Baka pag nakahanap ako ng trabaho ay maibabalik ko ang perang ibabawas.
"Oo, Ate. Salamat! Pasensya ka na. Madami kasi akong bayarin sa eskwela. Saka pa-kumusta na lang kila Tiya at Tiyo"
Uminom ako ng tubig sa baso.
"Sige. Sasabihin ko agad"
Tila ba nabunutan ako ng tinik ng binaba niya ang tawag.
Tumayo ako upang lumapit sa may altar kung saan nandoon sina Mama at Papa. May ilan pang gising. Pinupunasan ang salamin ng kabaong ng kamag-anak nila.
"Kape, Ate?", alok sa akin ng isang batang lalaki. Siya yata 'yung anak ng isa sa mga namatay rito. Bagong lipat sila kailan lang kaya hindi ko alam ang pangalab.
Umiling ako.
Binigay niya sa kanyang inang nagpapalis ng luha ang kapeng hawak niya.
Pinagmamasdan ko siya mula sa kabilang hanay ng mga upuan. Namataan ko na lang na umiiyak ako dahil sa pagpatak ng luha ko sa aking mga daliri.
"Ate, ayos ka lang ba?" lumapit ang bata sa akin.
"Oo naman. Ako pa ba?", pilit akong ngumiti. Hindi kami magkakilala pero niyakap niya ako.
Tatlong oras lang ang tulog ko. Hindi ako mapakali. Bukod sa halo-halo ang amoy rito ay iyakan ng ilan pang mga tao ang naririnig ko.
Ala una ng madaling araw ay gumising ang karamihan sa kanila. Panay ang iyakan kaya mas lalong nahirapan sa tulog.
"Girl!" si Jez iyon may belo pa ang luka. Naka shoulder bag na itim na binagayan niya ng puting polo at pantalon.
"Kanina ko lang nabasa ang text mo! Ano ka? Sabog? Halika nga rito"
Umiwas ako sa pagyakap niya.
"Arte?" pumayag na rin ako. Hindi ko napigilan ang luha ko. Humikbi ako habang inaalo niya.
"Natural lang yang nararamdaman mo. Nandito pa ko! Kami ng Lolita mo saka ni Lucky! Idagdag mo pa si Apple na nasa tabi ko"
Bumitiw ako saka yakap saka pinalis ang luha ko gamit ang panyo niyang inabot sa akin.
Himala yata at nagbestida ang isang ito.
"Nakikiramay ako", aniya. Hindi pa rin siya nagbabago. Mukhang babaeng-babaeng tignan dahil sa kagandahan niyang taglay pero Eba rin ang gusto niya.
Niyakap niya rin ako. "Nandito lang ako kahit hindi tayo madalas nagkakausap", dagdag niya.
"Wag kang mahiyang magsabi sa aming dalawa", aniya Jez habang inaayos ang bb cream niyang hindi pantay.
"Nga pala, Jez. Hindi pa ko pwedeng umuwi sa probinsya at kailangan kong trabaho baka may alam ka?"
Malawak ang naging pag ngiti niya.Kitang-kita ang pantay at puti nitong mga ngipin pati ang brace niya. Binalik niya ang ginamit na bb cream sa mamahalin nitong bag.
"Oo naman! May alam ako!"