Chapter 4 - 3

Pinakagwapo

Ilang oras ang tinagal namin ni Jez. Matapos kasi ng libing ay nagpaiwan ako pero itong kaibigan ko ay ayaw akong iwan. Si Apple naman ay umuna ng umalis dahil may kikitain daw siya ngayong araw.

"Girl, Tara na. Bukod sa walang ka pang almusal ay nangangamoy ka na"

Hindi ko maintindihan kung gusto niya bang pagaanin ang loob ko o insultuhin ako. Naubos ko na ang tissue binigay niya kaya wala siyang nagawa kung hindi ang ipahiram sa aking ang panyo niya.

"Salamat. Ibabalik ko na lang paglaba na", sabi ko sa gitna ng pagsinga ko roon. Ngumiwi naman siya habang pinapanood ako.

"Hindi na kailangan. Sayo na yan!"

Maarte talaga ang isang ito.

"Alcohol. Ako ng maglalagay sayo" nakangiwi siya habang ginagawa iyon.

Wala naman kaming napagkwentuhan habang tinutungo namin ang daan palabas ng sementeryo. Siguro ramdam niyang wala ako sa wisyo upang makipagdaldalan.

"Nga pala may photoshoot ako ngayon. Kinuha akong endorser ng boutique. Dyan lang yun sa kabilang barangay. Isasama sana kita"

Ngumuso siya.

Napatigil naman ako saka nakapamewang.

"Seryoso ka ba? Ang lansa na ng amoy ko tapos isasama mo ko?"

Iritado siyang kumamot sa kanyang ulo.

"Sino naman kasi itong makulit na ayaw pang maligo kanina?"

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Wala akong damit! Ayoko namang maligo ng hindi nagpapalit. Ano ko tanga?"

"Oo na, girl. Bibilhan kitang damit pero samahan mo muna ako"

Naglabas siya ng panibagong panyo galing sa bag niya. Scout talaga ang lalaking ito. Palaging handa. Ginamit niyang taklob iyon bago hawakan ang braso ko upang higitin ako.

Ilang oras ang naging photoshoot niya. Sakto namang pagkalam ng sikmura ko ay natapos iyon. Tawa siya ng tawa habang tinitignan ang sarili sa camera ng kanyang photographer. Malaki ang bayad sa kanya ng may ari ng boutique. Kwento kasi sa kanya nito simula ng siya ang maging brand ambassador nito ay hindi lang doble ang naging kita nito. Sino ba namang hindi masisilaw sa angkin itsura nitong si Jez?

Kung hindi siya pusong babae baka marami na siyang naging girlfriend. Malamang isa na ko sa listahan. Syempre charot lang! Hindi pwedeng maging kami. Sis code namin iyon.

Wala namang sinabi sa akin ang photographer nito pero ayaw ko ng tingin niya na para bang mas masaklap pa sa pulubi ang itsura ko.

Bumili rin siya ng ilang pirasong damit sa palengke. Gusto niya pang sa mall kami mamili. Eh pangbahay lang naman ang kailangan ko.

"Sinabi ko na sayo. Sa mall tayo bumili!" aniya nito habang namimili ako ng bago kong tsinelas.

"Gagastos ka pang malaki. Eh paraket-raket ka lang naman. Sarili mong kita yon! Hindi sa akin!"

"Kasya na po ba sa inyo?" saad ng tindera sa gitna ng usapan namin. Tinignan niyang maigi kung tama sa paa ko ang bulaklakan na tsinelas na pinili ko.

"Okay na po" sabi ko. Hinubad ko naman iyon saka binigay sa kanya.

"Kailan ka pa nahiya sa libre? Eh garapal ka nga, girl. Naalala mo nung may nanligaw sayong alam mo na? Palagi kang nagpapalibre ng munchkins at zagu"

Last year lang naman iyon pero hindi malinaw sa isip ko paano ako nakilala ng lalaking iyon. Ilang beses ko siyang tinaboy kaso parang walang epekto. Kaya ang ginawa ko tinadtadtad ko siya ng puro pangbuburaot hanggang sa tantanan niya ko.

Inggit pa nga itong si Jez dahil ni-singko ay wala akong nagagastos. Hatid-sundo kasi ako ng lalaking iyon. Paano may wheels. Gulong ng bike ganon. Syempre kotse! Ano ba!?

"Iba iyon sa ngayon. Nasaan na nga pala ang lalaking yon?"

Inabot sa akin ng tindera ang supot na may laman na tsinelas.

"Ewan. Wala na rin akong balita"

"Nga pala sabi mo may alam kang pwedeng maging trabaho ko. Saan nga pala yon? Kailangang-kailan ko na"

"Naghahapit ka? Walang panggatas?"

Minsan gusto ko siyang hambalusin ng dos por dos.

"Walang pangkain. Gaga!"

Sumakay kami ng tricycle matapos mamili. Sa labas kami pareho kaya halos makuba itong si Jez dahil sa baba ng bubong nito. Idagdag pang parang pagong kilos nito.

"Alam mo baka kanina pa tayo nandoon kung tinakbo na lang natin" bulong ni Jez.

"Manong baka naman may maibibilis pa yan?" sabi ni Jez.

Talbugan ang bilbil ko ng tumawid kami sa malaking humps na sinundad pa ng bako-bakong daan.

Nang bumaba kami ay tila mawalan kami ng balanse dahil sa pag-ikot ng paligid.

"Grabe, Manong! Salamat ha! Ang smooth ng biyahe!", siraulo talaga itong si Jez.

Nang binuksan niya ang kulay na asul na gate bungad palang ng bahay ay puro kalat ang tumambad.

"Pasensya ka na ha. Makalat ang workplace mo"

Parang nagkakaroon na ko ng ideya kung anong klaseng trabaho at kung sinong mga paglilingkuran ko.

Murahan ng mga lalaki ang siyang narinig ko habang pinipihit ni Jez ang seradura ng pinto.

Tila ba nagningning ang paligid ko ng makita kung sino ang mga lalaking maingay.

"Ang bulok mo lumaro! ML na nga lang hindi mo maayos!", naka sando siyang puti at naka boxers lang. Ang paggalaw ng Adam's Apple nito ay sumasabay sa bawat paghalakhak niya.

Matangkad siya kaya mas gwapo siyang tignan lalo pa't kitang-kita kung gaano siya kasaya kasama.

"Ikaw nga bulok ka mag basketball!" aniya ng isa pang lalaki. Naka T-shirt naman itong abo at nakashorts pero palingharap iyon. Binato niya ng unan ang kaasaran niya.

"Hoy! Tumigil na nga kayo para kayong mga bata!" aniya Jez.

Tumitig ang dalawa sa akin habang unti-unting lumalapit.

"Ang baho! Ano yun! Tae?", iyon yung lalaking naka shirt.

"Ikaw yun! Sarili mong amoy. Uso kasing maligo! Tatlong araw ka ng walang ligo eh!" halakhak ng lalaking nakasando na ngayon ay hinarang ang harap niya gamit ang unan nitong hawak.

Napalunok ako. Mas gwapo sila sa malapitan.

"Sino yan, Jez? Napaka matulungin mo naman. Nagdala ka pang pulubi rito para tulungan siya"

Sarap tirisin ng matangkad na ito.

"Hindi yan pulubi! Gaga! Kaibigan ko yan!"

Hinawakan ko si Jez sa braso niya. Pa-simple akong bumulong.

"Wag mong sabihin na rito ko mag tra-trabaho?"

Unti-unti siyang tumango saka ngumiti ng pilit ng magtagpo ang mga mata naming dalawa.

"Ganon na nga. Sana ayos lang sayo"

Sasagot sana ako ng hindi pero...

"Jez, siya na ba yung nahanap mo?" maamo ang maliit niyang mukha para siyang pinadala sa akin ng langit. Gusto kong matumba para mahulog sa kanya. Yung ngiti niya! Grabe!

"Uh. Hi. Anong pangalan mo, Miss?"

Parang lullaby ang boses niya.

"Pengelen ke?"

"Sige pa, girl. Landiin mo pa. Hindi ka halata", bulong ni Jez sa akin habang sinisiko ako.

"Pangalan ko?" , tumango siya sa paglilinaw ko ng tanong.

"Uhm. Kaoree Rogen"

Hindi ko alam kung makikipagshake hands ba ko o ano pero sa huli ang pinili ko ay.. syempre... shakehands!

Hindi siya suplado. Tinanggap niya ang kamay ko.

"Wyn. Wyndery Roshan"

Nasa langit na yata ako.

"Ikalma mo obaryo mo" panira naman itong si Jez. Hindi malaman kung guardian angel o ano.

"Ako rin! Magpapakilala! Lugaw girl. Ako nga pala si Latrelle. Latrelle Aurelius, madali lang tandaan di ba? Pinakagwapo"

Lugaw girl? Pero bumaling na lang ako sa isa pa.

"Ako si Marcus Giberson, pinaka cute.Wag ka maniwala kay Latrelle. Hindi siya pinakagwapo rito"

Binatukan siya ng kaibigan. Nako! Alam ko naman iyon! Sa aking mga ngiti alam kong si Wyn ang pinaka gwapo rito.

"Girl, mapili sa babae si Wyn. Di yan papatol sayo. Kaya kung ako sayo iba na lang" palihim na bulong muli ni Jez habang ang dalawang kamay ay nasa likuran.

"Thanks sa suporta ha. Pero nga pala tanggap na ba ko?"