Chapter 6 - 5

Nutella

"Listahan ng mga gawain mo", inabot sa akin ni T.H 'yung notebook. Umagang-umaga ay iyon agad ang ibinungad niya sa akin.

Alasais palang ay gising na ko para magluto ng umagahan nila. Binanggit sa akin ni Jez na ang kain ng mga tao dito ay alas osto ng umaga o hindi kaya naman ay tanghali na.

Kasalukuyan na wala siya ngayon. Maaga kasi ang raket niya. Hindi niya naman binanggit kung saan pero hindi na ko nagtanong. Nauna pa siya sa akin ng magising kaya tinapay lang ang umagahan niya.

Nagsalin ako ng kape galing sa coffee maker saka binigay iyon kay T.H. Malamig ang mga mata niyang tinignan ang hawak ko.

"No. Thanks. Hindi ako nainom niyan"

Nilampasan niya lang ako saka pumunta sa sala para manood ng TV. Nakataas ang parehas niyang kama habang ang ulo nito ay nakaunan sa parehas niyang palad.

"Nye. Nye. Akala mo naman kung sino ang isang ito. Sayang naman ang kapeng ginawa ko"

Lalapat na ang labi ko sa dulo ng tasa ng biglang may umagaw nito sa akin.

"Pati ba naman tasa. Hays. Kung kailangan mong hahalik sayo magsabi ka lang", nakapamewang ang lalaking naka boxers sa harap ko habang hawak ang kapeng inagaw niya.

Gulo ang buhok nito at namumungay ang mga mata dahil bagong gising.

"Hindi bale na lang, Latrelle. Mas mabuti ng mabitak ang labi ko kaysa ikaw ang humalik. Saka isa pa, wala kong sinabing gusto kong may humalik sa akin. Sayang kasi itong kapeng ginawa ko"

Nilapag niya ang tasa sa mesa habang ako ay nagpahit ng kalan para simulan ang pagpri-prito ng hotdog at itlog. Sakto rin na luto na ang sinaing kaya hinango ko iyon.

"Hindi naman masasayang ito. Iinumin mo nga eh", naghila siya ng upuan. Humalumbaba habang pinagmamasdan ang ginagawa ko.

"Hindi talaga para sa akin yan. Para dun sa kaibigan mo", ngumuso ako para ituro si T.H na seryosong nanonood ng T.V.

Umiling-iling siya at akma sanang iinom sa kapeng ginawa ko.

"Hoy! Akin yan! Ayoko ng indirect kiss no!"

Tumawa siya sa sinabi ko. "Ayoko rin non. Gusto ko direct kiss"

Maloko talaga ang isang ito. Inikot ko ang mga mata ko saka nilayo sa kanya ang inumin ko.

"Actually, hindi talaga nainom ng kape si T.H. Pwede pang Tsa'a, gatas o kaya chocolate drink ang tinimpla mo para sa kanya. Saka wala namang nakalista dyan sa notebook na ipagtimpla mo kami ng inumin tuwing umaga"

Ang ibig palang sabihin nito hindi lang basta kung anong gawain ang nakalista sa notebook. Kung hindi mga gawain na sa palagay nila ay dapat kong gawin. Akala ko pa naman ay hashtag mema itong notebook at may masabi lang na may schedule akong dapat sundan.

Lumiwanag ang umaga ko ng makita kung sino ang lalaking sumunod na nagising. Luto na rin ang hotdog at itlog kaya nagmadali akong maghanda ng pagkain sa mesa.

Halos hindi ko alam kung anong uunahin ko dahil sa taranta.

"Mamaya ka na maghanda. Magwawalis pa yan si Wyn. Ayaw niyan na nagagabukan ang pagkain. Takpan mo muna"

Ang dami namang utos ng isang ito. Tatakpan na nga lang ay hindi pa magawa. Nasa harap niya ang mga pantakip tapos iuutos pa sa akin.

O, kalma ka lang dyan, Kaoree. Amo mo yan. Utusan ka lang nila. Wag ka ma-highblood.

Pinanood kong maglakad si Wyn palapit. Kinuha niya ang walis tambo sa likod ng refrigerator saka nginitian ako. Para akong nasa langit at kumakanta ang mga anghel dahil sa napakagandang ngiting iyon.

"Hindi mo na kailangan gawin yan. Kayo naman ang nagpapasweldo sa akin", gayak ko sanang aagawin ang hawak niya pero iniwas niya iyon.

Ngumiti siya kaya kita ang dimples ng kanyang pisngi. "Ako na. Sanay na ko"

Naikwento sa akin ni Jez na si Wyn ang pinakamaaasahan sa kanila lalo na sa gawaing bahay. Sa katunayan ito ang pinakahirap kapag wala silang kasambahay dahil siya halos lahat ang gawa. Pero kahit reklamo ay walang maririnig sa kanya.

Hay. Ang bait talaga ng crush ko. Samantalang itong si T.H maganda lang ang pagkakahilata.

"Huy! Ano yan?", winagayway ni Latrelle ang palad niya sa harap ng mukha ko.

"Anong ano yan? Lutang ka ba. Kita mong tinitignan ko lang paano maglinis si Wyn"

Pinagkrus nito ang kanyang mga braso saka ngumuso. "Palusot mo. Narinig ko sa usapan niyo ni Jez kagabi crush mo si Wyn"

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko alam kung talagang feeling close ang isang ito at napakadaldal niya. Kahit pribado kong buhay ay alam niya.

"Alam mo mas mabuti pang manood ka na lang din ng TV", tinulak ko siya upang tumayo pero matigas ang pagkakaupo nito. Mas lalo ko pang inalay ang buong lakas ko pero sadyang hindi ko makaya dahil nakatuon ang mga paa niya sa sahig.

"Ayokong manood. Ilang beses ko ng napanood yang Harry Potter"

Sabagay favorite iyon ni T.H base sa kanyang kwarto.

"Oo nga pala. Ipagpalaman mo nga ako ng Nutella", sabi ni Latrelle.Para bang nagpapacute siya dahil sa paglabi nito.

Gwapo naman sana siya kaso magulo siyang kausap. Masyado siyang madaldal at halatang mapang-asar na kaibigan.

Hinanap ko ang Nutella. Nakalagay pala iyon sa mataas na cabinet kaya kinailangan ko pang tumingkayad para maabot yun. Ramdam ko ang pagsusumikat na galing sa mga paa ko kaso hindi ko kaya.

Konti na lang.

Laglag na sana ang kinukuha ko ngunit naunahan ako ni Latrelle dahil sa tangkad niya. Parang nilagutan ako ng hininga lalo pa't...

Oh my...

Nasa harap ko siya ngayon. Nakabalandra ang pandesal niyang handa ng lagyan ng Nutella. Kailangan ko na lang gawin ay pagbutihan ang pagpahid.

Natulala ako sandali pero agad din akong natauhan dahil sa isa pang tao.

"Ano yan? The moves. Nako! Wag ka rito kay Latrelle. Madaming babae ang isang ito", aniya Marcus na gulo ang buhok parang pinagpugaran ng ibo.

Kumuha siya ng tinapay saka inagaw kay Latrelle ang hawak nitong Nutella.

"Unang araw palang Latrelle. Wala ka talagang pinipili", nagbuntong-hininga si Marcus.

"Gago! Malisyoso to'. Tinulungan ko lang itong pandak na to'. Hindi kasi maabot yan"

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya at peace sign naman siya.

Nakita kong tumingin sandali si T.H sa pwesto namin saka nag-iwas ng tingin ng makitang nakatingin ako sa kanya. Anong problema non?