A House With Heartthrobs (Tagalog Version)

🇵🇭Chace_Gonzales
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 190k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Simula

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are neither the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance of actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

----

Pumili

Mahilig naman ako sa gwapo pero hindi pa ako nagkaroon ng boyfriend.

Siguro dahil na rin sa mahal ako ng mga magulang ko kaya hindi ko na kailangan ng pagmamahal pa na galing sa iba.

Kilig na kilig lang ako sa mga telenovela sa TV. Pinaka crush ko nga roon ay si Donny Pangilinan. Sinong hindi kikiligin sa gwapong lalaking iyon at humble pa?

"Kaoree!" tawag sa akin ni Jezrielle. Jez for short. Matagal ko na siyang kaibigan. Wala naman akong tunay na kaibigan bukod sa kanya.

Seasonal friends lang naman kasi ang iba.

May hawak siyang paper bags. Mahilig kasing mag shopping ang isang ito. Kada yata sweldo niya sa part time job niya ay pinamimili niya ng kung anong mga luho niya.

"Kaloka! Ang daming lalaki dun, girl!", tinuro niya yung eskinita sa kabilang kanto.

Bakasyon ngayon kaya may paliga sa barangay namin. Sigurado akong yun ang dahilan kung bakit nagtumpukan ang mga iyon doon.

"Grabe ha! Naalala mo pa-pala ako!", sabi ko ng binitbit ko ang isa pang paper bag niyang hawak. Mukha kasing bigat na bigat na ang isang ito. Parang hanger ang braso niya dahil sa dami ng bitbit.

Tumawa siya saka inayos ang bangs niyang humarang sa mga mata niya.

"Ilang biyahe lang hindi mo pa ko madalaw!" sa totoo lang sa magkaibang barangay kami nitong si Jez nakatira. Lumipat kasi sila tirahan noong nag highschool siya.

Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Ako ay mag co-college palang ngayon habang siya ay magta-tatlong taon sa kolehiyo. Si Apple na bunsong kapatid niya ang kasabayan ko. Kasundo ko rin naman ang isang iyon pero hindi gaano.

"Alam mo naman ako! Pa raket-raket! Panay photoshoots! Saka kaya ako pumunta rito gawa ng nakipagkita ako sa aking mother!"

Matagal ng pinalayas si Jez sa kanila. Nahuli kasi siya sa ng kanyang tatay naglalagay ng make up. Hindi makapaniwala na ang nag-iisang unico-hijo niya ay pusong babae.

Ang sabi niya nakatira siya kasama ng mga childhood friends niya sa iisang bahay. Pag ma-may ari iyon ng isa sa mga kaibigan niya kaya nakakalibre siya sa renta. Ayos naman daw roon dahil hati-hati sila sa mga gastusin.

"Buti ka pa nga tanggap ka ng mga magulang mo kahit malandi ka" ngumuso siya.

Tumawa ako. "Hindi ako malandi. Maharot lang! Eh 'di sana ang dami ko ng naging jowa!"

Sa dami ng nanligaw sa akin. Wala akong nagustuhan. Level kasi ni Donny Pangilinan ang gusto ko! Pero syempre kailangan ko munang maging artista para siguro siya ang makatuluyan ko.

"Gandang-ganda ka kasi sa sarili mo! Tatanda kang dalaga dahil sa pag reject mo sa mga lalaking iyan! Kung babae ang katawan ko..."

Tinaasan niya pa ko ng kilay. "Haharot ako ng bongga!"

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya.

"Sakto yung dalaw mo ngayon. Birthday ni Tatay may kaunting handa"

"Buti naman at hindi ako nagmeryenda pagbaba ko kanina ng jeep", aniya.

Nang dumating kami sa bahay ay nadatnan naming ang iilang kakilala. May bawat kumpulan. Ang iba ay kumukuha ng pagkain habang ang iba ay nakikipagkwentuhan sa tatay kong may hawak na manok. Sana all manok. Hinihimas niya pa iyon at inaamoy-amoy. Parang iyon pa ang anak niya kaysa sa akin.

Minsan ko ng inisip na gawing tinola iyon pero sa tuwing kakatayin ko na ang manok. Nadadatnan ako ni Itay na may hawak na kutsilyo.

"Daming chika ng mga tao dito ha" sabi ni Jez na akala mo naman ay hindi mahilig sa magkwento.

Hindi ko akalain na ganito karami ang bisita ngayon ni Papa. Sabagay nung isang taon ay wala naman kaming handa kaya bumawi ngayon. Idagdag pang dikit-dikit ang bahay dito. Kaya walang kawala kung kakahango palang ng spaghetti at amoy agad sa kapit-bahay.

"Anak!", Si Mama iyon na binaba ang mga platong hawak sa mesa.

Hinalikan niya ko magkabilang pisngi.

"Bakit ang tagal mo? Akala ko ba ay sandali ka lang kila Charlotte"

Ngayong bakasyon kasi ay suma-side line ako ng pagtuturo kay Chander, anak ni Ate Charlotte. Batchmate ni Mama pero hindi naman sila close kaya hindi rin siya naimbita.

"Nahirapan ako turuan si Chander. Nga pala, si Jez, Ma, napadalaw"

Nagbeso-beso ang dalawa.

"Aba! Parang na gwapo ka ah!" aniya Mama. Pero totoo naman iyon. Kumpara kasi ng huling dalaw niya dito ay iba ang itsura niya. Parang masyadong stress sa buhay.

"Hindi na ba ko ulikbain, Tita?" natawa kami sa sinabi nito.

"Ikaw na ba yan Jezrielle?" si Papa na hawak pa rin ang manok niya. Wala talaga siyang balak na bitiwan yon?

"Hindi po Tito baka po dopple ganger ako"

Napakamot si Papa sa sinabi nito.

"Nagbibinata ka na ah! Ang gwapo ah", tinapik ni Papa ang balikat nito.

"Enebe! Tito!", halos bumaluktot ang dila niya sa sinabi.

"O, siya tama na ang bolahan ang magsikain na kayong dalawa", niyaya kami ni Mama sa loob. Doon ay walang ibang tao kung hindi kami ni Jez at ilan pang ka-trabaho ni Papa sa isang construction site.

Wala naman kaming ibang kamag-anak kung hindi si Lola na tinatawag kong Lolita. Pero malayo sila rito kaya hindi sila nadalaw. Kami ang napunta sa kanila.

Nag iisang anak lang kasi pareho si Mama habang si Papa ay may kakambal. Ang grandparents ko sa side ni Mama ay parehas ng patay. Si Lolito naman na tatay ni Papa ay namayapa na rin. Ang tanging pinsan ko lang ay nag-iisa. Si Lucky na mas bata sa akin.

Nagsandok kami ni Jez ng makakain. Katulad ng nakasanayan. Shanghai ang una niyang tinarget habang ako naman ay hotdog na tinusok kasama ng marshmallow.

"Wala manlang gwapong bisita rito. Puro tanders na!"

Uminom si Jez ng tubig.

"Mas mahalaga kumakain ka. Aanhin mo ang gwapo kung hindi ka naman busog"

Napailing ako.

"Hindi busog ang mata ko!" reklamo nito.

"Oy! Ano yang gwapo-gwapo na yan ah!" si Mama iyon.

"Syempre joke! Ayos lang yan. Mga bata pa kayo. Enjoy lang pero wag agad na alam niyo na!" ito naman si Mama parang generation z kung makisali sa usapan.

"Opo, Tita! Alam niyo ba may irereto sana ako kay Kaoree. Ayaw niya lang yata" ngumuso siya.

"Sino ba? Nako! Baka hindi yan mabait!" si Mama na una pang umusisa sa picture na pinakita ni Jez.

"Akin na nga!", kinuha ko ang cellphone nito.

"Nakailang reto ka na sa akin ah! Puros palpak!" ani ko.

Nung huling reto niya ay nalaman kong may girlfriend pala yung lalaki. Buti na lang hindi ako nayari nung babae. Ito kasing si Jez kung sino na lang ang madampot, may maireto lang sa akin.

"Pili ka na lang dyan!" humagikhik si Jez pati si Mama habang tinitigan ko ng maigi ang picture.

Lahat naman sila gwapo pero bakit may isang hindi marunong ngumiti sa kanila?