Flashback
Ahhh!! nakakaburyong na talaga to! Sumasakit na ang ang ulo na Cielo sa karereview para sa exam nila, second year high school na sya at finals na nila kinabukasan. Hinilot ni Cielo ang sintido nya, Sa lahat ng subjects nya pinaka ayaw nya talaga ang math. Tumigil muna sya sa pagrereview para kumuha ng pagkain sa kusina.
"Ma, pwede nyo po bang utusan si Kuya Jion o si Kuya Juno na itutor ako?" tanong niya kay Mrs. Odette, "Sumasakit na kase ang ulo ko pero di ko parin maintindihan yung reviewer ko eh!" yumakap pa sya sa ina para pagbigyan sya nito.
"Naku anak, wala dito ngayun ang kuya Juno mo kase magbubukas na yung restaurant niya sa pasay, ang kuya Jion mo naman ay nasa bahay nina Vince kase dumating ang ate Caroline nyo kaya hindi ko alam kung matuturuan ka non!" tugon sa kanya ng ina habang naghahanda ng meryenda niya.
"Talaga po dumating si Ate Caroline!?" bigla syang napabitaw sa pagkakayakap sa ina, Older sister kase yun ni Vince na sa America naka base ang trabaho kaya bihira nya na lang makita, "Mom, mamaya ko na pa kakainin yung meryenda ko, pupunta po muna ako sa kabilang bahay!" Hindi na niya hinintay ang sagot ng ina at dali dali na syang tumakbo palabas ng bahay.
Tatlong bahay lang ang pagitan bahay nila at kina Vince pero inabot parin siya ng ilang minuto bago nakarating doon dahil sa sobrang lalaki at lawak ng mga bakuran sa village nila, Hindi na sya nagdoorbell dahil kilala naman sya ng mga tao roon kaya dirediretso na syang pumasok sa loob.
"Ate Caroline!" tawag pansin niya sa dalagang nakaupo sa magarang sofa.
"Oh my God, Cielo ikaw na ba yan?" tumayo naman kaagad ito at niyakap sya mg mahigpit, "jusko baby, ang laki laki mona i mean dalagang dalaga kana ngayun!" magiliw na sabi nito sa kanya.
"Ate miss na miss na kita, bakit ngayun kalang bumalik?" nakangusong tanong niya dito, "siguro may boyfriend kana don kaya hindi mo na ako naalala!" pamula kase nung umalis ito ay hindi man lang niya ito nakausap.
"Naku ang baby namin, marunong ng magtampo! sorry na agad ha! busy kase ako kaya hindi na kita matawagan eh, ikaw anong balita sayo, siguradong andami mo ng manliligaw ngayun kase ang lalo kang gumanda!" biro nito sa kanya.
"Meron din naman po, pero hindi ko pinapansin kase diko sila type!" Maarte pa nyang isiningit ang buhok sa likod ng tainga nya.
"E di kung type mo pala papansinin mo?" tanong ni Vince sa kanya habang nakaupo ito malapit sa kanya.
Para namang nagrambulan ang mga daga sa dib dib nya ng magsalubong ang mga mata nila, Hindi na kase patpatin ito ngayun, medyo nagkakamuscle na kaya lalo itong gumwapo sa paningin ni Cielo.
"Aba akalain mo yon, may nanliligaw na pala sa princess namin ay wala pa kaming kaalam alam!" sabi ng kuya Jion nya. "Hoy Cielo napakabata mo pa para magpaligaw ha!"
"Oo nga Cielo bubot ka pa para magpaligaw!" segunda naman ni Vince sa kuya niya. [bubot means buko palang ng prutas]
"Eh anong gagawin ko? alangan naman sabihin ko sa kanila na hindi ako pwedeng magustuhan, di ko naman sila mapipigilan!" napangiwi nalang sya.
"Okay lang yun baby, hayaan mo silang magkagusto ng magkagusto sayo basta study first muna ha!" payo ng ate Caroline nya.
Bigla namang natigilan si Cielo, naalala nga pala niya yung pagrereview nya. "Don't worry ate, Hindi talaga ako tatanggap ng manliligaw hanggat hindi ako nakakakita mas gwapo kay Vince!" Wala sa loob na sagot niya sa babae.
"Ano?" biglang tumayo si Vince sa kinauupoan, "Mas gwapo kesa sakin? bakit ako naba ang basehan mo ng gwapo ngayun?" nakangising sabi nito.
Napatanga naman si Cielo, Shit! "Ah Medyo, Hindi naman masyado!" nakuskos ni Cielo ang kaliwang tainga niya, hobby nya kase iyon pag nahihiya sya.
Matalim ang Tinging ibinigay ni Jion sa kaibigan, pati ba naman kapatid niya naakit narin ng kaibigan! pero sabagay mas maganda ngang si Vince ang maging crush ng kapatid dahil mas malalayo ito sa ibang lalaki.
Ipinagkibit balikat lang ni Vince ang masamang tingin sa kanya ng bestfriend dahil mas naaaliw sya sa kapatid nitong medyo namumula na ang tainga sa kakukuskos.
"Naku baby, wag mo laging pagtutuunan ng pansin ang panglabas na anyo ha, minsan kase kahit mukha pang anghel ang kaharap mo eh hindi pala yun totoo!" Pinandilatan naman ni Vince ang kapatid.
"Oo nga po ate, yung isang may crush sakin sa school eh hindi naman masyadong gwapo pero mabait tsaka sweet palagi nga lang busy sa basketball kaya hindi ko sya nakakausap madalas pero sabi nya gusto nya ako!" kumportable syang ikwento sa mga ito ang nangyayari sa kanya dahil pinakikinggan sya palagi ng mga ito.
"Naku baby, mag iingat ka sa mga basketball players na yan ha, hindi ko naman nilalahat pero kalimitan kase sa mga yan playboy, kaya wag kang basta basta magtitiwala!" payo ulit ng ate nya.
Tumango tango naman siya bilang pagsangayon dito. "Oo nga ate, mukha nga syang Playboy, alam mo ba nung nanood ako ng game nila eh nanalo sila tapos bigla nalang niyang hinalikan ang kamay ko, my gad kinilabutan ako!"
Dahil sa sinabi niya ay automatic namang nagkatinginan ang tatlong matanda sa paligid ni Cielo, Mukhang may batang nanganganib ang buhay ah! biglang nag dilim ang expression ng mukha ng dalawang lalaki at pag aalala naman sa mukha ni Caroline.
"Princess, papasok ba sa school bukas yang sinasabi mong lalaki?" nakangiting tanong ng kuya niya.
"Oo kuya, Simula na kase ng Finals ng school namin bukas kaya bawal umabsent eh!" inosenteng sagot niya dito.
"Princess, Susunduin ka namin ni Vince sa school mo bukas ha!" sabi ulit ng kuya niya.
"Ha, bakit? wala kabang pasok bukas?" nagulat si Cielo dahil ngayun ang unang pagkakataon na susunduin sya ng kuya niya.
"Wala kaming masyadong gagawin bukas tsaka hindi ko pa nakikita ang school niyo kaya susunduin ka namin tapos mag mall narin tayo!" malambing na sabi ng kuya niya.