Chereads / Make you mine / Chapter 6 - Chapter 6 Moonlight

Chapter 6 - Chapter 6 Moonlight

"Talaga palang saksakan ng gwapo yang si Vince no Doc?" nanghahaba ang leeg ni Doc Adie sa kakatanaw kina Vince at Cielo na nasa loob pa rin ng tent, "Hindi na kailangan ng Tatlong segundo dahil para mainlove sa kanya dahil sa isang sulyap lang maaakit kana talaga!"

Ipinagpatuloy lang ni Doc Martin ang pagkain nito, "Hindi na ako magtataka kung hanggang ngayun eh crush pa rin yan Cielo!" patuloy pa rin ni Doc Adie.

"Doc Adie, kumain kana lang at malamig na yang sopas mo!" ani Doc Martin dito.

"Pwede kitang ihingi ng pain reliever kina Doc kung masakit pa rin yang balikat mo!" medyo nangangawit na rin kase ang kamay ni Cielo sa kamamasahe sa balikat ni Vince.

"Hindi na kailangan!" ani Vince sa kanya, "mawawala rin ito mamaya."

"Sure kaba?"

"Oo, tanggal na yung sakit ng balikat ko pero yung gutom ko hindi pa!" tumayo na si Vince at lumabas sa tent.

Sinenyasan naman ni Cielo ang isang tauhan na ipagdala sila pagkain, "Don nalang tayo sa kubo para makapagpahinga ka ng maayos!" itinuro nya ang kubong tinatambayan nila kanina, andoon pa rin ang dalawang doktor.

Paglapit nila sa mga ito ay ipinakilala niya si Vince sa babaeng doktor, "Nice too meet you Vince, upo ka muna at sabayan mo kaming kumain!" anyaya ni Doc Adie dito.

Nginitian naman sya ni Doc Martin, "Buti naisipan mong sumunod dito, matutuwa ang bata sa mga pasalubong mo!" anito.

"Actually hindi talaga dapat ako ang pupunta dito kundi ang kuya Jion nya, nagkaron lang ng aberya sa opisina nila kaya ako ang pinaproxy na magdala ng mga bigas nya dito." sagot ni Vince dito na pumwesto na ng upo sa tabi ni Doc Martin.

Inilapag naman ng tauhan ni Cielo ang mga pagkaing dala nito sa mesa nila, Sopas at nilagang saging na saba.

"Salamat!" ani Vince sa babae saka dinampot ang isang pirasong saging.

Ipinagpatuloy naman ni Cielo ang pagkain sa naiwan nyang sopas kanina. "gaano katagal ang mission nyo dito?" tanong sa kanya ni Vince.

"Bale six days ako dito kase three days para sa medical and three days para sa tree planting, bale mauunang bumaba sakin sina Doc Martin at Doc Adie pagbaba!" sagot niya dito. "Eh ikaw? sasabay ka ba sakin o kina doc?"

Nilunok muna ni Vince ang kinakaing saging bago nagsalita, "Bukas! kailangan ko ng bumaba bukas kase may darating akong kliyente."

"Bukas na agad! ambilis naman!" nakangusong sagot niya dito.

Kinagabihan ay hindi makatulog si Cielo, nagsusumiksik kase sa isip nya si Vince at kung pano ito makihalubilo sa mga taga doon, tumulong ito sa pagpapakain at nagturo din ito ng mga basic self defense sa mga kabataan doon habang mukhang enjoy na enjoy na ito sa pakikipagkwentuhan at pakikipaglaro, ngayun lang niya ito nakitang ganon!

Pakiwari ni Cielo ay hindi talaga sya makakatulog kaya naisip nyang lumabas ng cottage nila ni Doc Adie para magpahangin. Dinala ni Cielo ang flashlight niya at naglakad sa malawak na taniman ng kamote.

Ang ganda ng buwan! pinatay ni Cielo ang flashlight niya at ninamnam ang lamig ng simoy ng hangin at kagandahan ng bilog na bilog na buwan sa kalangitan na pinapaligiran ng milyon milyong mga bituin. Isa ito sa mga dahilan kung bakit gusto nya sa mga ganitong klase ng lugar, hindi nya makikita ang ganitong tanawin sa maynila.

Napayakap si Cielo sa sarili ng umihip muli ang hangin.

"Cielo?"

Nilingon nya ang tumawag sa kanya na kahit sa kadiliman ng gabi at medyo malayo pa ito sa kanya ay kilalang kilala niya.

"What are you doing here?" habang papalapit sa kanya si Vince.

Hinintay nya muna itong makalapit ng tuluyan saka niya ito sinagot, "Nagpapahangin lang! ikaw? bakit ka lumabas?"

"Hindi ako makatulog, siguro naninibago ang katawan ko." sagot nito.

Bakit parang lalong gumwapo si Vince si Liwanag ng bwan? hindi maalis ni Cielo ang pagkakatitig dito. "Buti naisipan mong lumabas," sabi niya dito sabay tingala sa langit.

Ginaya naman ni Vince ang ginawa niya, "Perfect!" bulong nito.

"Ang ganda noh! sa twing nagpupunta ako sa mga ganitong lugar naghahanap talaga ako ng space kung saan makikita yan pagsapit ng gabi."

"Oo nga ang ganda!" sang ayon ni Vince habang nakatingin sa kanya. "Bagay sayo!"

Huh? napakunot ang noo ni Cielo tapos ay napangiti sya sa sinabi nito "bagay sakin ang alin? ang kadiliman ng gabi habang napapaligiran ng mga bituin?" sinabayan pa niya ng beautiful eyes iyon.

Sandali syang tinitigan ni Vince na parang pinagaaralan ang mukha nya sa dilim, "Hindi! magtanim ng kamote ang bagay sayo!" sabay tawa nito.

"Ikaw talaga kahit kailan hindi mo ako siniseryoso!" pinaghahampas niya ito sa balikat.

"Biro lang ito naman!" pigil nito sa kamay niya, "ang ganda sa lugar na to no!" sabay tingin uli nito sa langit habang hindi binibitawan ang kamay niya.

Sakto namang may dumaan na bulalakaw at sabay pa silang napasigaw ng "Ayun!!" kaagad ipinikit ni Cielo ang mga mata saka humiling, ganon din ang ginawa ni Vince.

"Anong winish mo?" parang batang tanong niya kay Vince ng imulat nito ang mata.

"Ah ang wish ko, world peace!" natatawang sagot nito sa kanya.

"World peace ka jan! di nga yung totoo anung wish mo? kase ang wish ko sana makita ko na yung lalaking para sakin!" seryosong sabi niya dito, hindi maintindihan ni Cielo pero kumakabog ang puso nya dahil nararamdaman niya ang init ng palad ni Vince na nakahawak parin sa kamay niya.

"Simple lang naman ang wish ko." habang nakatingala parin sa langit si Vince, "Sana hindi ko mabitawan ang kamay ng taong mahal ko!"

Napakurap kurap ang mga mata ni Cielo sa narinig, ano daw? hindi mabitawan ang kam-? pero kamay ko ang hawak nya ngayun! anung ibig nyang sabihin? wait lang ha, itong utak ko ayaw na atang gumana!

Naramdaman niya ang paghigpit pa lalo ng pagkakahawak sa kanya ni Vince, Anong sinasabi mo? gusto sanang itanung ni Cielo pero naunahan sya ng hiya! pano kung hindi pala ako yung tinutukoy niya?

"Hindi mo ba ako tatanungin kung sino yung taong mahal ko?" tanong sa kanya ni Vince.