NAPABALIKWAS ng bangon si Fabielle at agad na nasapo ang mga labi. Saglit na natigilan pagkatapos ay marahas na kinusot ang sariling buhok. What was she doing dreaming about kissing an unknown guy? Tatatlong araw pa lamang mula nang mabigo siya sa isang lalaking minahal niya sa dalawang araw na nakasama niya ito. Ngayon naman ay nadadala siya ng kung sinong lalaking humahalik sa panaginip niya? Was it her mind's way of coping up with the hurt she had experienced just a few days ago? Well that was the weirdest ever.
Nakasimangot na bumangon na lamang siya at dumiretso sa banyo. Doon ay humarap siya sa salamin at tumambad sa kanya ang nakakaawa nang itsura niya. Nakakaawa dahil mukha siyang pinagkaitan ng tulog at pagkain. Nangangalumata na siya. Ang eyebags niya ay mukhang malapit nang manganak ng mas malalim pang eyebags. Nangangayayat na rin siya. At maputla pa siya. At lahat ng iyon ay sa loob lamang ng tatlong miserableng araw sa buhay niya? Paano na lang kung isang linggo siyang magiging ganoon? She would have silently died in her room.
Okay, OA na! Maybe not to that extent. Hindi naman siya suicidal. Depressed lang. Pero mas nakaka-depress na ang itsura niya. Tatlong gabi na siyang umiiyak. Ayaw man niya ay hindi niya mapigilan. Kumakain naman siya ngunit kapag lang nagugutom siya. Hindi rin siya sumasabay sa pamilya sa pagkain o naglalalabas ng silid niya kung hindi rin lamang naman kailangan. And dahilan niya sa mga magulang ay abala lamang siya sa pagsusulat. Na hindi naman totoo dahil ni hindi nga siya nagbukas ng laptop niya nitong mga nakaraang araw.
Hindi niya naaalalang naging ganoon siya kamiserable nang maghiwalay sila ni Jason. Oo nga at hindi siya nakakapagsulat ng matino. Pakiramdam niya noong pagtaksilan siya ni Jason ay sumuko na siya sa pagmamahal. Ngunit doon na natatapos iyon. Dahil hindi siya nagmukmok nang ganoon dahil sa lalaki. Nagalit siya, oo, pero hindi siya nanghina nang ganoon.
At sino na nga ang nagpapaiyak ngayon sa kanya? Si Josh? Isang lalaking sa Sagada trip lamang niya nakilala. Isang lalaking umalalay sa kanya, gumamot sa mga sugat niya, humalik sa noo at sa mga labi niya sa loob lamang ng dalawang araw. At sa ikatlong araw na nakita niya ito, lubos na nitong dinurog ng puso niya. Ganoon ba talaga ka-weird ang kapalaran? Kung sino pa ang hindi niya lubos na kilala, iyon pa ang lubos na nakasakit sa kanya.
Ang paniniwala niya noon, ang tanging makakasakit lamang sa kanya ay iyong mga taong sobrang malapit na sa kanya. The tighter the bond, the harder it is to let go of the person. Pero hindi pala sa lahat ng pagkakataon ay ganoon. Because she bonded with the person for two mere days, and she had fallen deeply in love with the man. Hindi niya maipaliwanag, but that was that.
"And I'm not really the type of person who believes that relationships must depend on the time you've known each other. I just trust what I feel." Tila pang-asar pang umalingaw-ngaw sa isipan ni Fabielle ang mga katagang iyon na sinabi ni Josh noon. At parang gusto niyang basagin ang kaharap na salamin.
"Wala kang karapatang sabihin 'yon, unggoy ka! Paasa!" inis na sabi niya sa sariling repleksyon na para bang nakikita ang lalaki bago tinalikuran iyon. "Ako dapat ang nagsabi n'on. Because I was the one who fell in love with you in just two days, damn you!" bulong niya sa sarili kasunod ang isang buntong-hininga.