Chapter 33 - 32

"BITAWAN mo nga ako!" inis na sabi ni Fabielle saka gamit ang lahat ng lakas ay binawi ang kamay mula kay Josh na kanina pa siyang kinakaladkad. Basta na lamang kasi nitong kinuha ang braso niya mula sa nakatangang si Jason at hinila siyang palabas ng coffee shop. At malayo-layo na rin ang nalalakad nila sa loob ng mall bago bumalik ang huwisyo niyang saglit yatang naglaho sa huling sinabi nito sa ex-boyfriend niya.

"We have to talk." Sabi nito nang lingunin siya.

"We don't." she stubbornly said. Tumalikod na siya at akmang lalayasan na ito nang pigilan nito ang braso niya. "Ano ba'ng problema mo?"

"Honestly, after I heard you say you love me in front of that ex-boyfriend of yours, I don't think I still have a problem. But you obviously do." Simpleng sagot nito.

"Huh! Excuse me, pero sino ba ang basta na lang nangkaladkad kanino? Nananahimik ako sa coffee shop na iyon---"

"No, nakikipag-away ka sa ex mo." Agaw nito sa sinasabi niya.

"Whatever." Inis na sagot niya kahit pa alam naman niyang tama ito. "Basta ikaw ang nangkaladkad sa akin dito kaya ikaw ang may problema."

Bumuntong-hininga ito saka itinaas ang mga kamay tanda ng pagsuko sa sinabi niya.

"Fine. Let's go some place else and have a talk then." Sabi na lamang nito.

"Ayoko."

"Then let's talk here. I don't mind everyone hearing anyway." Determinadong sabi nito kahit pa kasalukuyan silang nasa gitna ng mataong mall na iyon. "Bakit mo sinabing babalikan mo na ang ex mo? Narinig ko sa usapan ninyo kanina na wala ka nang gusto sa kanya at ako na ang---"

"Okay, stop!" narinig nito iyon? Gaano na ba ito katagal na naroon sa coffee shop bago ito lumapit sa kanila ni Jason? "Wala kang pakialam at hindi ako obligadong magpaliwanag sa'yo, okay?"

"Ako ang involved kaya kailangan kong marinig ang paliwanag mo." Agad na balik nito.

"Fine!" nanlalaki ang mga matang sabi niya. "Sinabi ko lang iyon sa kanya para lubayan na niya ako. Ayoko na kasi sa kanya. Tapos."

"Hindi ako naniniwala sa'yo." Seryosong sabi nito.

"Eh di 'wag!" sabi niya at akmang lalampasan itong muli nang humarang ito sa daraanan niya. "Ano ba---?"

"Fabielle, I love you." Bigla ay bulalas nito sa harap niya.

Saglit siyang natigilan ngunit hindi rin hinayaang mahalata nito ang epekto ng sinabi nito.

"'Wag nga ako, Josh. Busy akong tao kaya please wag ako ang pinag-ti-trip-an mo!" sagot niya rito.

"Hindi kita pinag-ti-trip-an, Fabielle. At alam mo 'yon!"

"Wala akong alam!" agad na tanggi niya.

"Hindi mo man lang ba naramdaman iyon noong nasa Sagada tayo?" frustrated na tanong nito.

"That was you being so nice because I obviously look like your ex-fiancee." Agad na sagot niya rito. Nahagip ng mga mata niya ang telebisyong nakalagay sa loob ng appliance center sa mall na iyon at kitang kita niya ang video na ipinapalabas doon. Ang kalahati ng screen ay ang kuha ni Josh at ni Sasha na naghahalikan sa restobar habang sa kabilang panig naman ay si Sasha mismo na kasalukuyang iniinterview sa talk show na iyon. Gusto niyang ibato ang sapatos niya kung hindi lang salaming dingding lamang ng appliance center ang malamang na makikinabang doon. "Oh look. There's you girlfriend, ibinubunyag ang dalisay ninyong pagmamahalan on national TV." Mapait na sabi niya.

Tila nakuha naman ng sinabi niya ang atensiyon nito at nilingon ang telebisyong itinuro niya.

Look at that, he still cares about his fiancée.

Nakasimangot na tumalikod na lamang siya at nagsimula nang maglakad palayo. Bahala itong pagpantasyahan ang fiancée ntio sa TV roon. Wala siyang pake. Dapat wala siyang pake. Pero...

"Fabielle wait! Shit!" narinig niyang sabi nito ngunit hindi niya ito nilingon. Akala niya ay sumuko na ito nang marinig niyang muli ang tinig nito. "Hello. Hello." Followed by a few taps on the microphone. Wait, microphone?

Agad na napalingon siya at napanganga nang makitang hawak na ni Josh ang Karaoke Microphone na nakadisplay naman sa may pasukan ng Appliance center na malayang magamit ng mga gustong makasubok niyon. Ano ba ang pinaplano nitong gawin.

"Hello everyone!" simula nito. "I'm not gonna sing, I'm sorry." Agad na paliwanag nito.

Tila naman nakuha nito ang atensiyon ng mga nagdaraang tao sa parteng iyon ng mall na iyon dahil hindi nagtagal ay madami nang nakapalibot. Maging siya ay nagkaroon na ng mga katabi sa pagkakatayo na hindi naman niya kilala. Ngunit magtataka pa ba siya? Isang guwapong lalaking may pamatay na katawan ang may hawak ngayon ng mikropono at kumukuha ng atensiyon ng mga ito.

"I'm here to confess to the girl I love." Sabay sabay na 'oooohhh' ang pumailanlang pagkatapos ng sinabing iyon ni Josh. "That girl wearing a white shirt with mickey mouse on it." Sabi ni Josh sabay turo sa kanya.

Alanganing bumaling naman ang tingin niya sa suot na t-shirt. It was really mickey mouse printed on her shirt. Bakit ba sa dinami-dami ng madadampot niyang isuot nang araw na iyon ay iyon pa ang nakuha niya. Nang iangat niya ang tingin ay nakatingin na ang lahat ng tao sa kanya. Gusto niyang kainin na lamang ng lupa sa kinatatayuan niya.

"If you have cameras, you are all welcome to capture this." Sabi nito na muling nagpabalik ng tingin niya rito. "No, I mean, please capture this. And spread it online please. I want the whole world to know this."

Tila ba iyon lamang ang hinihintay ng mga tao sa paligid at nagkanya-kanyang labasan na ng cellphone ang mga ito. Napapalatak tuloy siy bago tiningnan si Josh. Nang bumaling ang tingin nito sa kanya ay pinandilatan niya ito and she mouthed 'What the hell are you doing?'. Sa inis niya ay kinindatan lamang siya nito.

"By the way, I'll introduce myself first." Sabi nito na nagpabalik ng tingin niya rito. "I am Joshua Jerome Gonzalez. A businessman. And you might have seen me on TV lately. I am that guy." Itinuro nito ang TV kung saan naroon pa rin ang litrato nitong kahalikan ang sikat na sikat na si Sasha Callarte. Sabay-sabay na singhapan ang narinig niya sa paligid. "That was true, what she said. Sasha Callarte was my fiancée. 'Was' because it happened a few years ago. Because a day before our wedding, she left me for her career abroad."

May mga suminghap muli. May napa-'oh' at may naitakip ang mga palad sa labi. Maging siya ay napatanga na lamang rito. Inilalahad nito ang nakaraan nito sa harap ng lahat ng tao. Ang kabiguan nito. At para saan? Para kanino?

"Sinubukan ko namang pigilan siya. Pero hindi ko siya napigilan. I was never her priority. Masakit pero nakakapagtaka man ay natanggap ko 'yon. At masasabi kong naka-move on na ako. Paano ko nalaman? Dahil sa isang babaeng unang pagkikita pa lamang namin ay hinalikan na ako."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Halik? Anong halik? Siya ba ang tinutukoy nito, o may ibang babae pa ito?

Ngunit sa sinabi nito ay sa kanya naman bumaling ang tinging ng mga tao sa paligid. And to make matters worst, mas nadagdagan pa ang mga taong iyon.

"It's you Fabielle! At nakakainuslto na talagang hindi mo iyon naaalala. I mean, aren't I a good kisser?" Bahagyang tawanan mula sa mga audience nito. O nila? "Nagkita na tayo noon, Fabielle. Dalawang beses bago ang Sagada trip. Unang beses sa restobar 'ko. You were this drunk girl that went half-unconcious on my bar counter because of a couple of shots of tequila. Late ang kaibigan mo kaya bago pa siya dumating sa restobar, lasing ka na. Hindi kita masisisi kung hindi mo maalala dahil lasing ka nga, but I clearly remember you, your smile and your lips. We talked and you kissed me."

Kanya-kanyang reaksiyon muli sa paligid habang tulala naman siyang nakatingin rito. Pilit inuukilkil sa diwa ang mga sinabi nito.

"You suddenly grabbed me on the nape and kissed me. It was disappointing that you don't remember. Pero hindi ako masyadong nasaktan na nakalimutan mo iyon. I mean, you are the type that would not even dare to do it if you were sober. And it will really be a pity kung hindi mo ginawa iyon. Because it was the best kiss I have ever experienced in my entire existence."

Tila naman tuksong bumalik sa alaala niya ang napanaginipan kanina lamang umaga. Ang lalaking nakahalikan niya sa restobar. Ang estrangherong nagpatibok ng literal sa puso niya sa simpleng halik nito at sa panaginip pa niya. Unti-unting nagkaanyo ang lalaking iyon. Si Josh! Kung ganoon ay hindi iyon isang panaginip lang? At kaya pamilyar sa kanya ang pakiramdam ng halik nito nang halikan siya nito sa Sagada ay dahil iyon na ang pangalawang beses na ginawa nila iyon!

"After that kiss, you've already captured my mind and my heart. Hindi ka na nawala sa isip ko. Gusto kitang hanapin pero maging ang pangalan mo ay hindi ko na naitanong pa sa kaibigan mo. Pero malakas yata ako sa itaas, dahil ilang araw pagkatapos nang una nating pagkikita, noong pumunta ako sa publication house ni Apollo, nakita kita roon. May meeting daw kayo sabi ng kaibigan kong iyon. At nagpaalam kang magpapahingang panandalian sa pagsusulat at pupunta ng Sagada." Huminga muna ito ng malalim bago nagpatuloy. "I used my connections to ask around. Kung anong travel agency ang pinuntahan mo. And I have managed to find it. Kaya nasundan kita hanggang Sagada. That sounded creepy like a stalker, but yeah, I followed you there." Bahagya pa itong napangiwi sa huling sinabi na tila nahiya din ng kaunti.

"No, it was sweet!" sigaw ng isang babae mula sa crowd.

"Yeah, dude!" sigaw naman ng isang lalaki.

Lihim na napangiti siya. Inaamin naman niya sa sariling maging siya ay nakaramdam ng kilig sa sinabi nito. It was not creepy. It was super sweet like what the other girl said. And it made her heart flutter some more.

"Thank you," nakangiti nang sabi nito at nagpatuloy. "I wanted to know you better, Fabielle, that was why I followed you there but I ended up making you like me instead. Na imbes na unahing kilalanin ang background mo, ang ginusto ko na lang, iyong mapansin mo ko, na magustuhan mo na rin ako, na mahalin mo ko kahit pa iilang araw pa lamang tayong nagkakasama. Ang sabi ko sa sarili ko, wala na akong pakialam kahit pa pangalan mo lang ang alam ko, your first name to be exact. Ang mahalaga nakakasama kita at nagugustuhan mo ko. I told you, I trust my feelings more than anything else."

"It was not just a two-day love affair for me, Fabielle. Because it felt like I have been loving you forever, already. Please believe me." Tila nagmamakaawa nang dugtong nito. At para bang gusto na ng puso niyang paniwalaan ng puso niya ang mga sinabi nito. Only if it wasn't for that picture that was still on the screen.

Bumalik sa kanya ang tingin ng mga tao at lahat ay natahimik. NA tila ba binibigyan siya ng pagkakataong sagutin ang mga sinabi nito.

"But you just like me because I look a lot like your fiancée." Sa wakas ay nasabi niya. She was Sasha's doppleganger. At hindi iyon mawala sa isip niya.

"No! Of course not." Agad na tanggi nito. "And she's my ex-fiancee. For a long time now."

"Pero magkamukha kami at---"

"Please stop bringing that up! You're way prettier than her on my scale okay?"agaw nito sa sinasabi niya. "Oo, inaamin ko naman. Nang una kitang makita, siya ang naisip ko. You do resemble each other physically. Ngunit ilang salita pa lamang na lumabas sa bibig mo nang gabing iyon ay nakita ko na ang distinction sa pagitan ninyo. You were smarter, nicer, snappier but a whole lot prettier in and out than she was. That was why I fell in love with you."

Tila lumobo ang puso niya. He just told her and everyone else at the place she was much better than an actual super model. Kahit pa sabihing sa pananaw lamang nito iyon, wala na siyang pakialam pa. In the first place, ang pananaw lamang naman nito ang mahalaga sa kanya.

"Kung ganoon bakit mo ko iniwan sa Sagada nang hindi nakakapagpaalam ng maayos?" tanong muli niya bagaman magaan na ang dibdib. Naniniwala siya rito. At sigurado siyang paniniwalaan niya ang iba pang sasabihin nito.

"Dahil iyon sa Daddy ni Sasha. Nasa ospital ang Daddy niya at malubha ang lagay nang huling tumawag siya. Malapit ako sa Daddy niya kahit pa nang magkahiwalay kami kaya hindi ko magawang ipagwalang bahala na lamang ang kalagayan niya. Her Father died a few hours after I reached the hospital. I've been busy with the funeral right after at sa pagpapakalma na rin sa pamilya ni Sasha. Maging sa kanya na rin. I can't just leave her like that. Iyon ang dahilan kaya natagalan bago kita na-contact ulit." Mahabang paliwanag nito. "Akala ko, ayos na ang lahat sa amin. Na alam niyang wala na siyang aasahan pa sa akin. Pero mukhang iba ang naging pakahulugan niya sa pag-alalay ko sa kanya nang mamatay ang Daddy niya. Nagawa pa nga niyang alamin kung sino ka. At gaya ng inisip mo, inakala din niyang kaya ako nakipaglapit sa'yo dahil kamukha mo siya."

Isang buntong-hininga muli ang pinakawalan nito bago nagpatuloy.

"I promise I didn't know she was coming at the restobar that day. Nasa iyo ang atensiyon ko kahit noong nasa stage ako. It was a surprise for you. I was trying to show off. Until she popped out of somewhere."

"Hmmmm" ang tanging nasabi niya.

"I love you, Fabielle. At totoo ang lahat ng sinabi 'ko. Wala sa isip ko ang iwan ka na lang basta sa Sagada. Wala din sa plano ko na tapusin ang kung anumang meron tayo sa trip lang na iyon. At plano kong ligawan ka kapag nakabalik na tayo ng Manila. Because I don't really want a two-day affair with you." Hinagod nito ng isang kamay ang buhok nito saka huminga ng malalim. "I wanted us to have a lifetime affair. And an official one. Please be my girlfriend. I really, really love you."

Tila ba napuno ng tensiyon ang paligid. Natahimik ang lahat. At kusa namang humakbang ang mga paa niya palapit sa kinatatayuan ng lalaki. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagsunod ng tingin ng mga tao sa kanya. Nang sa wakas ay nakatayo na siya sa harap nito ay pinakatitigan niya ang mga mata ni Josh.

"Kailan mo nakumpirma sa sarili mong mahal mo na nga ako?" tanong muli niya na di sinasadyang nakuha ng mikropono at malinaw na narinig ng lahat.

"I told you, after that kiss on the restobar." Mabilis na sagot nito.

"And you love me more than you loved that super model?"

"Of course. Nang iwan niya ako noon, I have all the resources and the time to follow her, but I did not. Pero ikaw, dadalawang beses ko pa lang nakikita at isang beses pa lang nahahalikan, sinundan ko hanggang Sagada nang walang kasiguraduhan kung magugustuhan mo rin ba ako. Of course, I love you more, much much more."

Gusto niyang mapangiti sa sinabi nito. Gayunpaman ay pinigilan niya ang sarili. There were still things they need to settle before their happily ever after.

"Then what took you so long to come to me. You have my number. And you're friends with Sir Apollo. Mayroon address ko sa opisina niya. So bakit ngayon ka lang lumitaw ulit sa harapan 'ko?"

"Nasaktan ako nang sabihin mong babalikan mo na ang ex-boyfriend mo. Ang nasa isip ko kasi, saglit man tayong nagkasama, alam kong importante iyon sa ating pareho. Pero nang halos sabihin mong wala lamang iyon ay nasaktan ako. Na ang ex mo pa ding bano ang pinipili mo, parang naubos lahat ng lakas ng loob ko." Lumamlam ang mga mata nito tanda ng lungkot. "Pagkatapos ng pag-uusap natin, akala ko, kakayanin kong kalimutan ka. Dadalawang araw lang naman iyon. Pero mali ako. At kinuha ko talaga ang address mo kay Apollo. I was parked in front of your house this morning. Pero imbes na lapitan ka nang makita kitang lumabas ng bahay ninyo, nauwi ako sa pagsunod na lang sa'yo, at iniipon sa dibdib ko ang lakas ng loob na magpakita sa iyo at kulitin kang ulit. I never would have let you go kahit pa nagkabalikan kayo ng ex mo. Aagawin kita sa kanya kahit anong mangyari."

"One more thing." Sabi niya saka ikinuyom ang kamao at itinaas sa harap nito. "Pwede bang pasapak ng isa lang, pakonsuwela sa pagiging miserable ko nitong mga nakaraang araw?"

Napakurap ito at saglit na natigilan. Hindi yata nito inaasahan ang sinabi niya. Ngunit ilang sandali pa ay pumikit din ito.

"G-go ahead." Alanganing sabi nito. Napangiti naman siya dahil sa cute na ekspresyon ng mukha nito.

"Here I come." Pananakot niya ngunit sa halip na suntok ang gawin ay dumiretso ang palad niya sa batok nito saka hinila itong palapit sa kanya. Like the first time she initiated the kiss in her dream. Or technically, on their first meeting. Tila saglit itong natigilan ngunit kalaunan ay tumugon din sa mga halik niya.

Sa paligid naman ay naghihiyawan ang mga tao at nagpapalakpakan ngunit wala silang pakialam.

"Fabielle..." ang kinakapos pa sa hiningang sabi nito nang matapos ang halik at umangat ang palad sa pisngi niya.

"I love you, Josh. Hindi ko alam kung kailan pa. Basta lang nang makita kong halikan ka ng iba at malaman kong maaaring nagustuhan mo lang ako dahil kamukha ko ang ex mo, labis akong nasaktan. That was when I realized you have already claimed a big part of my heart. Ni hindi ko na nga naiisip ang ex ko noong magkasama tayo sa Sagada. It felt like he was already a distant past because you were the breathtaking present. Maaaring hindi kayo maniwala, Ngunit sa loob ng dalawang araw ay nagawa mong makuha ang puso ko. Tama ba iyon? I am contemplating kung maaaring noong unang beses pa lang na halikan mo ko ay minahal na kita."

"Ikaw ang humalik sa akin." Nakangising singit nito.

"Fine, fine. Hindi ko naman itinatanggi. Pero hindi ko man siguro maalala iyon, ay naaalala naman ng subconscious mind ko. Because the very first time I have seen you when I was sober, you already caught my attention. At malakas na agad ang tibok ng puso ko. My subconscious mind must be remembering you and that kiss. Isa pa, nang halikan mo ko sa Sagada, it felt so familiar. And I even dreamt about that first meeting the other night." Sa naisip ay bahagyang nanlaki ang mga mata niya at tiningala ito. "I must have been loving you since that first kss, as well!" bulalas niya.

"Good." Ang tanging sinabi nito bago muling sinakop ang mga labi niya. Ang isang kamay nito ay nakasuporta sa likod niya habang ang isang palad naman ay nasa pisngi pa rin niya. Ni hindi na niya alam kung saan na napadpad ang mikroponong hawak nito kanina.

Muling nagbunyi ang mga tao sa paligid nila ngunit wala silang pakialam. They were busy savouring every kisses until one voice stood out from the crowd. Agad na natigilan si Fabielle at nagmulat ng mga mata saka bahagyang naitulak si Josh. Agad na bumaling ang tingin niya sa ginang na nakatayo ilang metro ang layo mula sa kanila. Sa paanan nito ay ang mga grocery bags na malamang ay naibagsak nito nang dahil sa pagkagulat.

"Fabielle Louise Aguirre!" sigaw ng kanyang ina.

"Mama!"

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag