Chapter 34 - Epilogue

"KAILAN kaya ako matatanggap ng Mama mo?" bigla ay tanong ni Josh habang naglalakad sila nitong papunta sa Kiltepan peak nang medaling araw na iyon. Sa wakas ay nakabalik na sila sa Sagada pagkatapos ng halos apat na buwan. At hindi gaya noong pumunta siya noon doon nang dahil sa Sagada tour, ang tanging sasakyan lamang na nakaparada ay ang ginamit nila nito. Maging sa paglalakad nila nito sa natitira pang distansya ay nag-iisa sila. Nakakapagtaka ngunit hindi siya nagrereklamo. Mas maaappreciate niya kasi ang ganda ng lugar kung kakaunti lamang sila roon. Kung maaari nga lang ay solo nila ni Josh ang lugar. Pero mukhang malabo iyon. It was a tourist spot after all.

"Kung hindi ka pa tanggap n'on, hinding hindi 'yon papayag na sumama ako sa'yo dito sa Sagada." Nakangiting sagot niya rito.

Pagkatapos kasing makita ng Mama niya ang eksena nila nito sa shopping mall ay pinagsusungitan na ito ng kanyang ina kahit pa ipinaliwanag na nila ang lahat sa ina mula sa kalokohan ng ex niya hanggang sa Sagada trip na kasama niya ang lalaki. Mukhang hindi lang talaga natuwa ang Mama niya na sa mall, sa gitna ng sangkatutak na tao pa nila naisipang mag-PDA ng lalaki.

At gaya ng inaasahan ay naging viral ang eksena nila nito sa mall. Nalinawan ang lahat tungkol sa relasyon ni Josh at ni Sasha. Napilitan ang babaeng lumipad paalis ng bansa at doon na lamang ipagpatuloy ang career nito dahil sa kahihiyang idinulot ng naging pagsisinungaling nito sa national TV.

They have been stars for a while at kinailangang gamitin ni Josh ang mga koneksiyon nito upang kahit papaano ay pahupain ang balita tungkol sa kanila. The sole purpose of that video was to let the world know that he loves her not to make her feel uncomfortable, iyon ang sabi nito. Sweet!

And fortunately issues come and go. At sa paglipas ng mga araw ay nakalimutan din ang kaguluhang iyon dahil sa pagbangon ng iba pang issue sa bansa. They were not celebrities anyway. Gayunpaman ay may nakakakilala pa din naman sa kanila, hindi na nga lang kasing lala noong magsimulang kumalat ang video nila nito.

"Pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Mabuti pa ang Papa mo, mabait sa akin." Parang batang sabi nito na ikinatawa niya.

"Mahal ka na n'on ni Mama, maniwala ka sa'kin. Kapag nga sinasabi kong pupunta ka sa bahay, itinatanong noon kung anong paborito mo at iluluto raw niya. Isa pa, ipinamamalita na noon sa buong barangay na may boyfriend akong mayamang negosyante na ubod ng bait at maalaga. At, hanggang ngayon, ipanapakita pa din niya sa mga classmates niya sa Zumba ang video ng pagtatapat mo sa mall." Nailing sa pagbubuko niya sa ina.

"For real?" gulat na tanong nito.

"Oo nga! Pakipot lang 'yon si Mama pero kapag nagbreak tayo, mauuna pa 'yong iiyak at baka magulpi pa niya ko."

Sa sinabi niya ay ngumiti na ito saka siya inalalayang paakyat sa ilang hakbang pang pataas upang makita ang magandang view sa lugar. Ngunit wala pa silang gaanong makita dahil sinadya nila nitong pumunta sa lugar nang madilim pa dahil nga ang sunrise naman doon ang talagang habol nila

Inilibot ni Fabielle ang tingin at napakunot ang noo nang mapansin ni walang ibang tao sa lugar maliban sa kanilang dalawa.

"What?" tanong ni Josh nang mapansin ang paglilikot ng mga mata niya.

"Walang ibang tao? Weird" komento niya. "Noong huling punta ko rito, unahan pa sa magandang mapupwestuhan para makita ang sunrise."

"Baka na-late lang sila." Kibit-balikat na sabi nito.

Kagaya nito ay binalewala na lamang niya iyon at tahimik na naghintay sa bukang-liwayway habang pa-maya-maya ay sinisilip ang orasang pambisig. At nang unti-unting sumilip ang liwanag ay unti-unti ring sumilay ang ngiti sa mga labi niya.

"Oh my God, Josh! Ayan na----" naudlot ang sasabihin niya nang lingunin niya ang kasintahang kanina lamang ay nasa tabi niya ay hindi niya ito matagpuan. "Josh!" tawag niya ngunit walang sumagot. "Joshua! Don't you dare leave me here or I'll swear----"

Tunog ng iba't ibang instrumento ang nakapagpatigil sa kanya. Kasunod ng malamyos na boses na nakikilala niyang boses ng bokalista ng bandang Ablaze na si Ethan. Iyon ang bandang tumutugtog sa restobar na pag-aari ni Josh na panay businessman ang miyembro. Maging ang butihin niyang boss na si Apollo ay kasama roon.

"What the---"

Hindi pa man niya natatapos ang tanong ay lumitaw na mula sa likod ng isang puno mula roon si Josh. Tangan nito sa isang kamay ang isang pumpon ng bulaklak habang maganda ang pagkakangiti sa kanya.

Nang sa wakas ay makarating ito sa harapan niya ay inialay nito sa kanya ang bulaklak.

"W-what is this?" Alanganing tanong niya habang tinatanggap ang bigay nito.

"Something I really wanted to do for a long time now." Nakangiting sabi nito. Kasunod niyon ay ang bigla na lamang nitong pagluhod sa harap niya at may dinukot sa bulsa nito. Hindi pa man nito nailalabas ng tuluyan ang kamay mula sa bulsa nito ay napasinghap na siya.

Was he...? And on this place? Kasabay ng bukang-liwayway?

"I know this isn't the best time. Or maybe you think this isn't the best place. But I think otherwise. Dahil dito sa Sagada nabuo ang kung anumang mayroon tayo. At sa lugar na ito rin ko gustong ipangako sa'yo na hinding hindi ako magbabago. I will always be that Josh you met in this lovely place. The Josh who would always be there for you, and who would always love you for the rest of time." Dire-diretsong sabi nito habang nakangiti sa kanya. Ngunit imbes na mangiti siya nagsimula namang bumagsak ang mga luha niya. Nangyayari ba talaga iyon? She was being proposed to by the man she loves. At sa lugar kung saan inaasam niyang mapuntahang muli kasama ito. Nasagot ang lahat ng katanungan sa isip niya nang buksan nito sa harap niya ang isang kahita. Tumambad sa mga mata niya ang pinakamaganda na yatang engagement ring sa tanang buhay niya. "Fabielle Louise Aguirre, will you forever be part of my life?"

Isang hikbi ang kumawala sa mga labi niya kasabay ng hindi mapigilang ngiti. She was getting married, of course she was. Dahil hinding hindi niya tatanggihan ang alok na iyon ng taong pinakamamahal niya.

"Yes, Of course" Nakangiting sagot niya sa kabila ng pagluha. Awtomatiko namang lumiwanag ang mukha ni Josh at saka dumiretso ang mga braso sa beywang niya at walang kahirap-hirap na binuhat siya.

"Finally!" sabi nito kasabay naman ng pagtili niya. "You're mine now, for always." Sabi nito bago siya ibinaba at isinuot ang singsing sa daliri niya. Lalong lumawak ang ngiti niya nang mapagmasdan iyon sa kanyang daliri.

"Thank you." Nasambit niya kasunod ng isang hikbi.

"No. Thank you." Sabi nito at sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya. They were kissing on a place were the beautiful sunrise was too breathtaking. Ang lagay, breathtaking na nga ang view, breathtaking pa ang halik na pinagsasaluhan nila nito.

Hindi na nila alam kung gaano na katagal ang halik na iyon nang mula sa background ay tumigil ang musika at isang boses ang pumailanlang.

"Are they still there? Narinig ko na ang 'yes' ni Fabielle eh." It was Ethan, Ablaze's vocalist.

Narinig niya ang pagpalatak ng kung sino bago muling may magsalita.

"I think they're kissing." That sounded like Apollo, her boss.

"Napakadaya! Bakit ba hindi na lang video call ang ginawa ni Josh? Ano, gumising tayo ng madaling araw para tumugtog pagkatapos katahimikan lang ang mapapala natin. It's unfair! Gusto kong makakita ng kissing scene at love scene." Si Darwin.

"'Tado. Nasa open area 'yong dalawa. Anong love scene ang sinasabi mo riyan? Wholesome tayo dito oy!" boses ni Menriz naman iyon.

"Aba eh diba ipinasara naman ng manok natin ang lugar for the day? Walang ibang tao roon, parang private na din." Sagot muli ni Darwin.

"I'm thinking I should just stop my sister from dating you, buddy." Boses ni Lenard.

"Kayo naman hindi na mabiro. Wholesome tayo dito. Wholesome!"

Hindi na siya nagulat pa nang humiwalay na sa kanya si Josh pagkatapos ay tumingala sa di kataasang punong nasa tabi nila.

"Shut up you guys! You're distracting us here. Nananahimik kami rito eh!" parang baliw na sigaw nito sa puno. Nang tingalain niya iyon ay saka lamang niya napansin ang ilaw na nagmumula sa cellphone na nakasabit sa isang sanga sa punong iyon. It was a live call! At naka-loudspeaker lamang iyon!

"Naghahalikan kamo! Mag-thank you ka na lang at tinugtugan namin kayo!" sagot ni Ethan mula sa kabilang linya.

"I could have recorded your performance and played it here. Sino bang may sabing live na lang kayong tutugtog through a call?" kunot ang noong tanong ni Josh.

"Masyado kaming dedicated na kaibigan, ano ka ba? Dapat nga dinamayan ka na namin diyan, ayaw mo naman." Si Darwin.

"Para ano? Para makiagaw pa kayo ng date ng mga girlfriends niyo? Asa!"

Hindi niya napigilang matawa. Kahit kalian talaga ang magkakaibigan na ito. Hindi mo malaman kung nagtutulungan nga ba o sadyang nag-aasaran lang.

Kakamut-kamot sa ulong binalingan siyang muli ni Josh kahit pa nagkakaingay pa rin ang mga kaibigan nito.

"Sorry about that. Pagbabatukan ko na lang isa-isa para nadadala na hindi dapat sila nang-iistorbo ng---"

"Just don't mind them." Sabi niya saka hinila na ang lalaki para sa isa pa muling halik. Himalang nagawa nilang ignorahin ang nagpaparty na yatang mga kaibigan nito sa Maynila. Gayunpaman ay hindi nakaligtas sa pandinig nila ang ibang usapan ng mga ito.

"Oh, si Lenard na lang! Bigyan ng jowa 'yan!" sigaw ni Darwin.

"Meron na 'yan! 'Yong bagong employee niya!" sagot ni Menriz.

"Shut up, party people!" sigaw ni Lenard.

"Ah! I'm really going to kill them when we get back to Manila." Frustrated na sabi ni Josh nang hindi matagalan ang kaingayan sa paligid.

"Don't. I like them." Sagot niya rito.

"Why?"

"Because they are your friends. And I love you. At lahat ng kaibigan ng taong mahal ko, syempre gusto ko rin." Nakangising sagot niya rito. Sumilay naman ang magandang ngiti sa mga labi nito sa narinig.

"And I love you too. So much."

*** WAKAS ***